Nakita natin sa 1 Samuel 13 na si Saulo ay humarap sa malubhang sandali na kailangang harapin ng bawat mananampalataya kapag ito ay dumating. Ito ang panahon ng kagipitan na tayo ay puwersadong kailangang magpasiya kung tayo ay maghihintay sa Diyos ng may pananalig, o mawalan ng pasensiya at harapin ito sa pamamagitan ng sariling pamamaraan.
Ang umiikot na sandali para kay Saulo ay dumating ng may namuuong ulap ng digmaan na nagtitipon sa Israel. Ang mga Pilistino ay nagbuo ng malaking hukbo ng mga nakakabayo, bakal na karosa at lehiyon ng mga kawal na nagpapakita ng mga makabagong sandata. Bilang katapat, ang mga Israelita ay mayroon lamang na dalawang sable sa kabuuan ng kanilang hukbo—isa kay Saulo at isa sa kanyang anak., na si Jonatan. Ang lahat ay may hawak lamang na mga ginawang sandata na katulad ng kahoy na sibat o kinakalawang na mga gamit pambukid.
May isang linggo nang nakakalipas nagbabala si Samuel na hintayin siya sa Gilgal bago sumabak sa pakikipaglaban. Sinabi ng propeta na darating siya makalipas ang pitong araw para gumawa ng mga tamang sakripisyo sa Panginoon.
Nang dumating ang ika-pitong araw at hindi pa rin dumating si Samuel, nagsimula nang kumalat at naghanda ang mga kawal. Ang hindi maganda, walang ipinag-uutos ang hari galing sa Diyos para sa pakikipaglaban.
Ano ang ginawang paghahanda ni Saulo? Siya ba’y nanindigan at nagpahayag, “Wala akong pakialam kung abutin si Samuel ng walong araw, maninindigan ako sa Salita ng Diyos sa akin. Mabuhay o mamatay, susunod ako sa utos niya”? Hindi—sa halip nasindak si Saulo. Hinayaan niya ang sarili niya na mapangibabawan ng mga pangyayari sa kanya. At nauwi siyang minamanipula niya ang kanyang pamamaraan paikot sa Salita ng Diyos. Inutusan niya ang pari na nandoon na gumawa ng sakripisyo na wala si Samuel at sa paggawa nito ay nakagawa siya ng malaking kasalanan laban sa Panginoon (tingnan 1 Samuel 13:11-12).
Hindi—ang Diyos ay hindi maaring mahuli. Sa buong panahong iyon, alam ng Panginoon ang bawat hakbang na ginagawa ni Samuel patungo sa Gilgal. Itinalaga niya ang propeta sa makalangit na sistema ng nabigasyon, tiniyak ang pagdating niya sa bawat segundo. Darating si Samuel doon sa ikapitong araw, maging ito man ay isang minuto bago maghatinggabi.
Hindi nagbabago ang Diyos sa pangkalahatang panahon. At siya ay patuloy pa rin nag-aalala kung ang kanyang mga tao ay sumusunod sa kanyang mga utos: “Ngunit kapag hindi kayo sumunod sa kanya, bagkus ay lumabag sa kanyang utos, parurusahan niya kayo” (1 Samuel 12:15). Hindi mahalaga kung ang ating mga buhay na nawalan na ng kontrol—kailangang lumakad tayong ganap ang pananalig sa Panginoon. Kahit na ang mga bagay ay parang wala ng pag-asa, hindi tayo dapat kumilos na may takot. Sa halip, kailangang maghintay tayo sa kanya ng may pananalig na tayo ay hindi niya pababayaan, katulad ng pangako ng kanyang Salita.
Ang katunayan ay, ang Diyos ay nakatayo sa tabi ni Saulo habang ang malaking hukbo ng Pilistino ay sumasalakay. Alam niya ang kagipitan na kanyang kinalalagyan at ang kanyang mata ay nakatingin sa bawat detalye.
Ang ating Diyos ay nakikita ang bawat detalye ng ating mga kagipitan. Nakikita niya ang lahat ng suliranin ng buhay na nagpapabigat sa iyo. At alam na alam niya na ang kalagayan mo ay lalong lumalala sa araw-araw. Yaong mga nananalangin at naghihintay sa kanya na may panatag na pananalig ay hindi kailanman nalagay sa tunay na panganib. Higit pa roon, alam niya ang mga kinatatakutan mong pag-iisip” “Hindi ko malaman kung paano ko mababayaran ang utang na ito…wala na akong pag-asa sa aking buhay may asawa…hindi ko alam kung paano ako mananatili sa aking trabaho…” Gayunman ang utos niya sa iyo nananatiling may katotohanan: “Huwag kang matakot at pangunahan ako. Wala kang gagawin kundi manalangin—at umasa sa akin. Pinaparangalan ko ang lahat na nananalig sa akin.”
Isa-alang-alang ang mga salitang ito na ibinigay ng Diyos sa kanyang iglesya: “At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya” (Hebreo 11:6). “ Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos, sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo’y dinaranas, siya ang kublihang sa ati’y lulunas” (Awit 62:8). “Kay Yahweh ay magtiwala, kayong may takot sa kanya, pagkat siya ang tutulong sa inyo’y mag-aadya” (Awit 115:11). “Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Siya ay sangguniin sa lahat mong mga balak, at kanya kang itutumpak sa lahat ng iyong lakad” (Kawikaan 3:5-6).
Ang kawalan ng paniniwala ay nakamamatay, ang bunga nito ay trahiko. At haharap tayo sa napakasamang kahihinatnan kapag sinubukan nating humulagpos sa ating mga pagsubok sa halip na magtiwala sa Diyos na tayo ay ililigtas sa mga ito.