Hindi ginagampanan ng Espiritu Santo ang kanyang gawain na wala sa lugar o magulong pamamaraan. Hindi siya nabubuhay para lamang tulungan tayo na makayanan ang mabuhay, para lamang malampasan ang mga mabibigat na pinagdadaanan at para lamang malampasan natin ang mga malulungkot na gabi. Hindi siya naroon para lamang itayo tayo at bigyan ng lakas bago tayo muling iharap sa karera.
Ang lahat ng ginagawa ng Espiritu Santo ay may kinalaman sa kanyang layunin ng pagdating—para iuwi tayo na nakahandang nobya. Kumikilos lamang siya para tuparin ang misyong iyan! Oo, siya ang ating Patnubay, ang ating Taga-aliw, ang ating lakas sa sandali ng ating pangangailangan. Ngunit ginagamit niya ang bawat pagkilos ng pagliligtas—sa bawat pagpapadama ng kanyang sarili sa atin—upang gawin tayong karapat-dapat na maging nobya.
Hindi nandito lamang ang Espiritu Santo para magbigay ng handog sa sanlibutan. Hindi, ang bawat handog niya ay may layunin sa likod nito. Isa lamang ang mensahe ng Espiritu Santo: ang bawat itinuturo niya ay nagdadala sa isang, nakapagitnang katotohanan. Maaring nagniningning siya sa atin na katulad ng kumikinang na alahas, ngunit ang bawat sinag ng katotohanan ay nakatakda na dalhin tayo sa isang katotohanan, at ito iyon:
“Handi mo sarili ikaw—ikaw ay binili na may halaga. Ikaw ay pinili para ipakasal kay Kristo. At ang Espiritu ng Diyos ay ipinadala para ipahayag sa iyo ang katotohanan na magpapalaya sa iyo mula sa ibang mga pag-ibig. Ang katotohanan ang puputol sa bawat pagkakagapos sa kasalanan at harapin ang lahat ng hindi pinaniniwalaan. Dahil ikaw ay hindi para sa sanlibutang ito; ikaw ay patungo sa maluwalhating pakikipag-kita sa iyong pakakasalan at inihahanda sa gabi ng kasal. Ang lahat ng mga bagay ay nakahanda na at inihahanda na kita! Nais kong iharap kang walang dungis, na may madamdaming pag-ibig sa puso mo para sa kanya.”
Iyan ang gawain ng Espiritu Santo—para ipakita si Kristo sa iglesya, upang tayo ay mapa-ibig sa kanya. At ang pag-ibig na iyan ang magdadala sa atin!