“Ito lamang ang ibig kong malaman sa inyo: tinanggap ba ninyo ang Espiritu dahil sa pagsunod sa Kautusan o dahil sa inyong pakikinig at paniniwala sa Mabuting Balita tungkol kay Kristo?” (Galacia 3:2). Mga banal, ang mensaheng ito ay dapat magbigay ningas sa inyong pananampalataya, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay dapat na panghawakan ninyo ang mga dakilang pangako ng Diyos! “Subalit ang humihingi’y dapat manalig at huwag mag-alinlangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon” (Santiago 1:6-7).
Humingi ka na ba sa Diyos ng handog na ito? Hinahanap mo ba ang Espiritu Santo? Patuloy ka bang kumakatok? “Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!” (Lucas 11:13).
Humingi lamang at kayo’y makatatanggap! Hanapin ang Amang nasa langit para sa bautismo ng Espiritu Santo at ibibigay niya ito!
Humaharap tayo sa galit na diyablo na nakawala sa sanlibutang ito. Inalpasan niya ang lahat ng kapangyarihan na nasa kanyang pag-uutos, at ang mga hukbo ng masasamang kapangyarihan ay naghahanda para sa huling pakikipagtuos laban sa langit. Ngunit hindi kayang humarap ni Satanas sa makatuwiran, sa anak ng Diyos na puspos ng Espiritu Santo na naglalakad sa pananampalataya at pagkamasunurin. Ipakita mo sa akin ang isang mananampalataya na nasapian ng Espiritu Santo at ipakikita ko sa iyo ang isa na naglagay sa mga hukbo ng impiyerno na nagtatakbuhan patakas.
O Diyos, isugo mo ang Espiritu Santo! Bumaba ka sa sa amin! Bautismuhan mo kami ng lubus-lubusan. At ipadala mo kami laban sa maladiyablong pinagkukutaan na may matatag na pananampalataya na hindi siya mamayani sa ating panahon!
Sinabi ni apostol Pablo, “Ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at huwag ninyong susundin ang pita ng laman” (Galacia 5:16). At sinabi rin niya, “Ang Espiritu ang nagbibigay buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay” (5:25).
Bilang Kristiyano, madalas nating naririnig ang pahayag na ito sa ating mga buhay: “Maglakad sa Espiritu.” Maraming Kristiyano ang nagsasabi sa akin na naglalakad sila sa Espiritu—subalit hindi nila masabi sa akin kung ano talaga ang tunay na ibig sabihin nito. Ngayon, hayaan ninyong tanungin ko kayo: Naglalakad ka ba at nabubuhay sa Espiritu? At ano ang ibig sabihin nito sa inyo?
Naniniwala ako na ang “paglalakad sa Espiritu” ay maipapaliwanag sa isang pangungusap na ito: Ang paglalakad sa Espiritu ay ang hayaang ang Espiritu Santo ang kumilos sa atin para sa gawaing iniatas ng Diyos na gagawin niya.
Ang Espiritu Santo ay ibinigay sa atin mula sa Ama upang magampanan ang isang (at isa lamang) walang hanggang layunin. At hanggang maunawaan natin ang kanyang layunin at gawain para sa atin, ay makakagawa tayo ng isa sa dalawang pagkakamali: Isa, magkakasya na tayo sa maliit na gawain niya—katulad ng kaunting espirituwal na handog—may maling pag-iisip na ito na lahat siya at mawawala ang tunay na dakilang gawain ng kanyang walang hanggang layunin sa ating mga buhay. O, ikalawa, susupilin natin ang Espiritu na nasa atin at ganap na balewalain siya, pinaniniwalaang siya’y misteryoso at ang kanyang presensiya ay isang bagay na kailangang kunin sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi kailanman mauunawaan.
Ang Espiritu Santo ay bumaba para manirahan sa inyo at sa akin upang tatakan, santipikahin, bigyang-kapangyarihan at ihanda tayo—siya ay ipinadala sa ating sanlibutan para ihanda ang isang nobya para ikasal kay Kristo!
Ang uri ng pakikipag-isang ito sa Lumang Tipan sa pagitan ng mga mananampalataya at ng Espiritu Santo ay matatagpuan sa Genesis 24. Ipinadala ni Abraham ang kanyang pinakamatandang anak na si Eliasar upang humanap ng nobya para sa kanyang anak na si Isaac. Ang pangalang Eliasar ay nangangahulugang “makapangyarihan, banal na katulong”—isang uri ng Espiritu Santo. At katulad ng katiyakan ng makapagyarihang katulong na bumalik kasama si Rebeca para iharap siya bilang nobya kay Isaac, at ganon din hindi mabibigo ang Espiritu Santo na magdala ng nobya pabalik sa ating Panginoong Hesu-Cristo.
Pinili ng Diyos si Rebeca bilang nobya para kay Isaac—at kay Rebeca mismo siya itinuro ng Panginoon. Ang kabuuang layunin ng katulong at hangarin ay nakatuon sa isang bagay: dalhin si Rebeca kay Isaac—makumbinsi siyang iwanan ang lahat ng pag-aari niya, at sintahin si Isaac at pakasalan siya. Sinabi ng magulang ni Rebeca kay Eliasar, “Yamang ang bagay na ito’y mula kay Yahweh, wala na kaming masasabing anuman. Isama mo si Rebeca pag-uwi mo upang mapangasawa ng anak ng iyong amo” (Genesis 24:50-51).
At, ganon din para sa iyo at sa akin! Pinili tayo ng Diyos para maging nobya niya. Ang ating kaligtasan—ang pagpili sa atin para kay Kristo—ay ginawa ng Panginoon. Isinugo niya ang Espiritu Santo para dahin tayo kay Hesus—kung magtitiwala tayo sa kanya, dadalhin tayo ng Espiritu na ligtas pauwi bilang nobya ni Kristo!