Biyernes, Nobyembre 28, 2008

PANGHAWAKAN MO ANG IYONG PAGSUBOK SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA

Kung wala tayong pinaglalabanan, pagkakadiin, mga pagsubok, digmaan, tayo ay magiging tahimik lamang at mala-hininga. Pagkabulok ang mangyayari at ang ating templo ay babagsak sa pagkasira. Hindi natin makakayanan na hawakan ang ating teritoryo na napagwagian. Iyan ang dahilan kung bakit ang layunin ng kaaway sa atin ay malinaw: Nais niya tayong maialis sa pakikipaglaban. Ang kanyang layunin ay alisin ang lahat ng pakikipaglaban mula sa atin.

Natagpuan natin ang lahat ng pagkukunan para mapanatili—lakas para magpatuloy, kapangyarihan laban sa mga kaaway—sa ating mga espirituwal na pakikipaglaban. At sa araw na iyon kapag tayo ay humarap sa Panginoon, ipapahayag niya sa atin: “Naalala mo ba ang iyong pinagdaanan sa pagkakataong iyon? At sa nakasisindak na pakikipaglabang iyon? Tingnan mo ang iyong napagtagumpayan sa lahat ng iyon. Lahat ito ay napangalagaan sa pamamagitan ng mga pakikipaglaban mong napagtagumpayan.”

Ang munting katotohanan ay, inilagay ng Diyos ang kanyang yaman sa mga katawang tao. Ginawa ka niyang templo, isang tahanan para maging tahanan ng kanyang Espiritu. At mayroon kang pananagutan para mapangalagaan ang templong iyan. Kapag ikaw ay naging tamad at pabaya, pangalagaan ang gawaing kinakailangan—palagiang pananalangin, kumain ng Salita ng Diyos, pakikipag-isa sa mga kapawa banal—ang pagkabulok ay mangyayari. At mauuwi ka sa ganap na pagkasira.

Sa aking paglingon sa aking sariling limampung taon ng ministeryo, naaalala ko ang maraming ulit na magiging madali ang lahat kung ako ay sumuko na. Nanalangin ako, “Panginoon, hindi ko maunawaan ang pagsalakay sa aking ito. Saan nanggaling ito? At kailan matatapos ito? Wala na akong nakikitang layunin para sa lahat ng ito.” Ngunit sa magdamag, nakita ko ang bunga mula sa mga pagsubok na ito. At ang mga bunga—pagkukunan, lakas, kayamanang espirituwal—itinustos sa akin sa paraang hindi ko makukuha sa mga ibang pamamaraan.

Hinihikayat ko kayo: Panghawakan ninyo ang inyong mga pagsubok sa pamamagitan ng pananalig, at paniwalaan na ito ay hinayaan ng Diyos. Alamin na ito ay ginamit niya para lalo kang palakasin…para tulungan kang kunin ang mga tira-tirahan mula kay Satanas…para maging pagpapala ka sa iba…at masantipikahan ito para sa kanyang kaluwalhatian.

Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak—kung baga sa sisidlan ay palayok lamang—upang ipakilalang ang di-malirip na kapangyarihan ay sa Diyos at hindi sa amin. Ginigipit kami sa kabi-kabila ngunit di nagagapi. Kung minsa’y nag-aalinlangan kami ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. Pinag-uusig kami ngunit di nawawalan ng kaibigan; naibubuwal ngunit di tuluyang nailulugmok” (2 Corinto 4:7-9).

“Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas ko ngayon ay magbubunga ng kaligayahang walang hanggan at walang katulad. Kaya’t ang paningin namin ay nakapako sa mga bagay na di nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di nakikita” (2 Corinto 4:17-18).