Huwebes, Nobyembre 13, 2008

MALAKAS NA ESPIRITUWAL NA LANGIS NA KASTOR

Ang utos ng Diyos na ibigin ang ating mga kaaway ay katulad ng isang mapait, may masamang lasang gamot. Ngunit katulad ng langis ng kastor na kailangang lunukin ko sa sa panahon ng aking kabataan, ito ay isang gamot na nakalulunas.

Maliwanag na ipinahayag ni Hesus : “Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway. Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan” (Mateo 5:43-44).

Sinasalungat ba ni Hesus ang Kautusan dito? Hindi. Binabaliktad nito ang espiritu ng laman na pumasok sa Kautusan. Sa mga panahon iyon, ang mga hudyo lamang ang minamahal ng kapwa hudyo. Hindi maaring makipagkamay ang mga hudyo sa mga hentil, o payagan man lang na ang kanyang balabal ay lumaginit sa damit ng tagalabas. Gayunman hindi ito ang espiritu ng Kautusan. Ang Kautusan ay banal, nag-uutos, “Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo at painumin kung siya’y nauuhaw. Sa gayo’y ilalagay mo siya sa kahihiyan at buhat kay Yahweh, mayroon kang kagantihan” (Kawikaan 25:21-22).

Maari nating kamuhian ang mga imoral na kilos ng mga nasa pamahalaan. Maari nating kamuhian ang mga kasalanan ng mga omoseksuwal, mga mangangagas at ang lahat ng humahamak kay Kristo. Ngunit ipinag-utos ng Panginoon sa atin na ibigin sila bilang mga tao—mga tao na dahilan ng kanyang pagkamatay. At ipinag-utos niya sa atin na ipanalangin sila. At kung may pagkakataon na kinamumuhian ko ang isang tao sa halip na sa prinsipyo sa likod ng taong iyon, hindi ko tunay na ikinakatawan si Kristo.

Nakasaksi ako ng parada ng mga omoseksuwal sa 5th Avenue dito sa lunsod ng Nuweba York. 250,000 na mga bakla, marami ay hubad sa pang-itaas, ang ilan ay may mga kartelon na nagpapahayag na “Ang Diyos ay Bakla.” Nakita ko sila na nagwala at sinugod ang mga Kristiyano na may dalang kartelon na may nakasulat na, “KINAMUMUHIAN ng Diyos ang mga KASALANAN ninyo—Ngunit Iniibig Niya Kayo.”

Namula ako sa init ng aking galit. Pakiramdam ko ay parang nais kong tumawag ng apoy na katulad sa Sodoma para tupukin sila. Ngunit sa aking pag-iisip-isip, sinabi ko sa puso ko. “Isa akong katulad ng disipulo na nagnanais na tumawag na apoy at tupukin ang mga humahamak kay Hesus.”

Sinasabi ko—ang pagka-omoseksuwal ay isang kasalanan! Ganon din ang pangangalunya! Ganon din ang kasaklapan at ang ayaw magpatawad.

Ibigin mo ang iyong mga kaaway! Ibigin “sa mukha mo” ang mga militanteng makasalanan? Ipanalangin sila? Basabasan ang mga nanglalait sa iyo?

Iyan mismo ang sinabi ni Hesus!

Kaya gawin mo!