Sa mapanganib na panahon katulad nito, ang iglesya ba ay walang kapangyarihan upang may magawa? Tayo ba’y uupo na lamang at maghihintay sa pagbabalik ni Kristo? O tayo ba’y tinawag upang gumawa at kumilos ng marahas? Kapag sa lahat ng paligid natin ang sanlibutan ay nayayanig, sa puso ng mga kalalakihang sumuko sa takot, tayo ba’y tinawag upang kumuha ng espirituwal na sandata at makipaglaban sa kaaway?
Ang propetang si Joel ay nakita ang kahalintulad na araw na padating sa
Ano ang ipinayo ni Joel sa Israel sa oras ng kadilimang yaon? “Gayunman,” wika ni Yahweh, “mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayo’y mag-ayuno, manangis at magdalamhati. Magsisi kayo ng
Habang binabasa ko ang talatang ito, ako ay hinambalos ng dalawang salita: “Maging sa ngayon.” Habang binabalot ng kadiliman ang Israel, nakiusap ang Diyos sa kanyang mga tao: “Maging ngayon sa oras ng aking paghihiganti---nang ipinagtulakan ako palabas ng lipunan, nang wala nang kahabagan, nang tinuya ng sangkatauhan ang aking mga babala, nang binalot ng takot at kalungkutan ang lupa---maging sa ngayon, hinihikayat ko kayong manumbalik sa akin. Matagal bago ako magalit, kilala ako na pinipigilan ko ang aking mga paghuhusga sa isang panahon, katulad na ginawa ko kay Josias. Ang mga tao ko ay maaring manalangin at hilingin ang aking kahabagan. Ngunit ang sanlibutan ay hindi magsisisi kung sasabihin mong walang kahabagan.”
Nakikita mo ba ang mensahe ng Diyos sa atin sa mga ito? Bilang kanyang mga tao, maari tayong makiusap sa panalangin at pakikinggan niya tayo. Maari tayong humiling sa kanya at alam natin na tutugunin niya ang matapat, mabisa, taimtim na panalangin ng kanyang mga banal.