Biyernes, Disyembre 25, 2009

ANG PANUNUMBALIK ANG PANANAMPALATAYA

Myroon akomg natatanging pananalita doon sa mga humaharap sa mga imposibilidad: Ang panunumbalik ng pananampalataya ay ayon sa ganap na pahayag ng pag-ibig ng ating Amang nasa langit.


Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan” (Zefenias 3:17). Narito ang maluwalhating pahayag ng katapatan ng pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga tao. Sinabi ng Kasulatan sa atin na siya ay nagpahinga at nagbunyi sa kanyang pag-ibig sa atin!

Ang salitang Hebreo sa “kapahingahan” dito ay nangangahulugan na ang Diyos ay walang isa mang katanungan tungkol sa kanyang pag-ibig sa atin. Sa ibang salita, ay itinuon niya, o ipinahinga, ang kanyang pag-ibig sa atin, at hindi niya kailanman babawiin ito. Sa katunayan, tayo ay nasabihan na ang Diyos ay lubos na nagagalak sa kanyang pag-ibig sa atin at siya umaawit tungkol dito.


Naisip mo ba ito? Narito ang patunay sa langit sa kagalakan ng Diyos sa iyo. Isinalin ni John Owen ang talatang ito: “Lumundag ang Diyos, sa lubos na kagalakan.”


Higit pa dito, sinabi ni Pablo sa atin, ang lahat na labas sa banal na kaayusan—lahat na ng kawalan ng paniniwala at pagkalito—ay binago sa paghahayag ng pag-ibig ng Diyos. “Ngunit nang mahayag sa atin ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas (Tito 3:4).


Sa sinundang na talata, sinabi ni Pablo, “Noong una, tayo'y mga hangal, hindi masunurin, naliligaw” (3:3). Sa ibang salita, “Ang lahat ay wala sa kaayusan. Ang ating pananampalataya ay hindi matatag. Ngunit ang kabutihan at ang pag-ibig ng Diyos ay nahayag, na ibinigay na masagana ng Ama para sa atin sa pamamagitan ni Kristo.”

Nang sinabi ni Pablo na “nahayag” ang pag-ibig ng Diyos, gumamit siya ng salita mula sa Griyego na nangangahulugan ng “nangingibabaw.” Sa madaling sabi, tiningnan tayong mga mahihirap ng Panginoon, naguguluhang espiritu, puno ng takot at pagtatanong, at ipinangibabaw niya ang pahayag na ito: “Ililigtas ka ng pag-ibig ko. Magpahinga at magalak sa pag-ibig ko sa iyo.”


Pinasasalamatan ko ang Diyos sa araw na nahayag ang pag-ibig niya sa akin. Walang pananampalataya na maaring manindigan laban sa imposibilidad maliban kung ang lahat—bawata suliranin, bawat karamdaman—ay isinuko sa mapagmahal na pagkalinga ng ating Ama. Kapag ang kalagayan ko ay ganap nang malubha, kailangang mamahinga ako sa payak na pananampalataya.