Ayon kay Pablo, tayo na nananalig kay Hesus ay ibinangon mula sa kamatayang espirituwal at nakaupo kasama siya sa kalangitan. “Tayo’y binuhay niya kay Kristo kahit noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. (Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang loob.) Dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo-Hesus, tayo’y muling binuhay na kasama niya at pinaupong kasama niya sa kalangitan” (Efeso 2:5-6).
Saan ang kalangitang ito na kung saan tayo nakaupo kasama si Hesus? Ito’y walang iba kundi ang sariling tronong-silid ng Diyos--ang trono ng grasya, ang tirahan ng Makapangyarihan. Pagkatapos ng dalawang berso nabasa natin kung paano tayo dinala sa kahanga-hangang lugar na ito: “Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Kristo. Ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos , hindi mula sa inyo” (2:8).
Ang tronong-silid na ito ay ang luklukan ng lahat ng kapangyarihan at lupang pinamamahalaan. Ito ang luklukan na kung saan ang Diyos ang naghahari sa lahat ng kapangyarihan, at naghahari sa lahat ng gawain ng mga tao. Dito sa tronong-silid, nakikita niya ang bawat galaw ni Satanas at sinisiyasat ang bawat isipan ng tao.
At si Kristo ay nakaupo sa kanang kamay ng Ama. Sinasabi ng Kasulatan sa atin, “Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya” (Juan 1:3). At, “Sapagkat ang buong kalakasan ng Diyos ay na kay Kristo nang siya’y maging tao” (Colosas 2:9). Kay Hesus naninirahan ang lahat ng karunungan at kapayapaan, lahat ng kapangyarihan at lakas, lahat ng kailangan upang mabuhay sa isang matagumpay, mabungang buhay. At binigyan ng daan patungo sa mga kayamanang na kay Kristo.
Sinasabi ni Pablo sa atin, “Sa katiyakan ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa kamatayan, tayo ay ibinangon kasama niya sa pamamagitan ng Ama. At, sa katiyakan na si Hesus ay dinala sa trono ng kaluwalhatian, dinala tayo kasama niya sa katulad na lugar ng kaluwalhatian. Sapagkat tayo ay nasa kanya, tayo man ay nandon din kung nasaan siya. Iyan ang karapatan ng lahat ng mga mananampalataya. Nangangahulugan ito na tayo ay nakaupong kasama niya sa kalangitan na kung saan siya naninirahan.”