Biyernes, Disyembre 18, 2009

ISANG DAAN PATUNGO SA TRONO

Hindi mo maaring itangis ang daan patungo sa maka-langit na kalagayan. Hindi mo maaring pag-aralan o naisin ang daan patungo dito. Hindi, ang tanging daan patungo sa buhay-trono ay ang daan ng buhay ng pagpapakasakit: “Iaalay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa kanya. Ito ang dapat na pagsamba ninyo sa kanya” (Roma 12:1).


Si Pablo ay nagpapahayag mula sa kanyang karanasan. Narito ang isang lalaki na tinanggihan, tinukso, inusig, binugbog, ibinilanggo, winasak, pinagbabato. Na kay Pablo rin ang lahat ng pangangalaga ng iglesya . Gayunman, nagpatotoo siya, “Sa bawat kalagayan, ako ay nasisiyahan.”


Ngayon sinasabi niya sa atin, “Kaya, nais ninyong malaman kung paano ko natutunan ang makalangit na paglalakad na ito? Nais ninyo bang malaman kung paano ko natamo ang kasiyahan anuman ang katayuang kinalalagyan ko, kung paano ko nakita ang tunay na kapahingahan kay Kristo? Narito ang daan, ang lihim ng pagtatakda ng iyong makalangit na kalagayan: Iaalay mo ang iyong sarili bilang handog na buhay sa Panginoon. Natamo ko ang kasiyahan sa pamamagitan lamang ng sarili kong paghahangad.”


Ang ugat na salita sa Griyego para sa “namumuhay” dito ay nagmumungkahi ng “habang-buhay.” Si Pablo ay nagpapahayag dito tungkol sa nakataling pangako, isang pagpapakasakit na ginawa minsan lamang sa buong-buhay. Gayunman, huwag bigyan ng maling kahulugan; hindi ito isang pagpapakasakit na may kinalaman sa pagtatakip-sala sa kasalanan. Ang tanging pagpapakasakit ni Kristo sa krus lamang ang karapat-dapat sa pagtatakip sa kasalanan: “Subalit minsan lamang siyang nagpakita, ngayong magtatapos na ang panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng haing kanyang inihandog” (Hebreo 9:26).


Hindi, si Pablo ay nagpapahayag ng naiibang uri ng pagpapakasakit. Gayunman, huwag magkamali; hindi kinalugdan ng Diyos ang pagpapakasakit na gawang-tao sa Lumang Tipan. Sinasabi ng Hebreo sa atin, “Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan” (10:6). Bakit hindi kinalugdan ng Panginoon ang mga pagpapakasakit na ito? Sa madaling sabi, ang mga ito ay hindi nangailangan ng puso.


Ang pagpapakasakit na ipinahayag ni Pablo ay iyong kinalugdan ng Diyos, tiyak sapagkat ito ay ginawa na galing sa puso. Ano ang pagpapakasakit na ito? Ito ay ang kamatayan ng ating sariling paghahangad, nang pagsasaisang-tabi ng ating sariling kakayahan at pagwawalang-bahala sa ating mga hangarin.


Nang manghikayat sa mabuti si Pablo, “Iaalay mo ang iyong sarili,” sinasabi niya na, “lumapit ka sa Panginoon.” Gayunman, ano talaga ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na lumapit sa Diyos na may hangaring iaalay ang buong sarili sa kanya. Nangangahulugan ito ng paglapit sa kanya hindi sa pamamagitan ng sarili nating kakayahan, kundi bilang isang bata na muling-nabuhay, na banal sa katuwiran ni Hesus, bilang tinanggap ng Ama sa pamamagitan ng ating katayuan kay Kristo. Sa sandaling isinuko mo ang iyong sariling hangarin sa kanya, ang pagpapakasakit ay nagawa na. Nangyayari ito kapag itinigil mo ang pagpapakahirap na malugod ang Diyos sa iyong pansariling kakayahan. Ang gawaing ito na may pananalig ay ang “makatuwirang paglilingkod” na siyang tinutukoy ni Pablo. Ang lahat ng ito ay tungkol sa ating pananalig sa kanya sa pamamagitan ng ating sariling paghahangad, nananalig na ipagkakaloob niya ang lahat ng pagpapala na kailangan natin.