Narito ang ilang mga paborito kong mga pangako sa Biblia—mga pangako na minarkahan ko sa aking Biblia na pinagpala ako sa maraming taong lumipas. Magtiwala sa mga ito. Basahin ang mga ito ng paulit-ulit. Ang mga ito’y para sa iyo.
· Huwag kang matakot o panghinaan man ng loob, sapagkat hindi ka na mapapahiya. Malilimot mo na ang kahihiyang dinanas mo noong iyong kabataan; hindi mo na maaalala ang matinding kalungkutan ng pagiging isang biyuda. (Isaias 54:4).
· Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako." Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo. (Isaias 54:10).
· Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay." Ito ang sinabi ni Yahweh. (Isaias 54:17).
· Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.
· Iniingatan mo sila at kinakalinga, laban sa balak ng taong masasama; inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan, upang hindi laitin ng mga kaaway. (Mga Awit 31:19-20).
· Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)
· Ang sabi ni Yahweh, "Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan. (Mga Awit 32:7-8).
· Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.
· Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala. ” (Mga Awit 37:4-5).
· Kahit na nga dinanas ko ang hirap at madlang sakit, subalit ang aking lakas ay muli mong ibinalik, upang ako'y di tuluyang sa libingan aAy mabulid.
· Tutulungan mo po ako at karangala'y dadagdagan, ako'y muli mong aliwin; iahon sa kahirapan. (Mga Awit 71:20-21).