Ang Panginoon ang nagahahari sa lahat ng nilikha na may kadakilaan at kapangyarihan. Ang kanyang batas ang naghahari sa buong sansinukuban—lahat ng kalikaan, bawat bansa at lahat ng mga gawain ng mga tao. Siya ang naghahari sa karagatan, sa mga planeta, sa mga bagay na nasa kalangitan at sa lahat ng mga galaw nito. Sinabi ng Bibliya sa atin: “Siya’y naghaharing may kapangyarihan, at sa mga bansa’y pawang nagmamanman; huwag kang magtatangkang sinuma’y lumaban” (Awit 66:7). “Si Yahweh ay naghahari, na ang suot sa katawan ay damit na maharlika, at batbat ng kalakasan… Ang trono mo ay matatag simula pa noong una, bago pa ang ano pa man, likas ikaw’y naroon na… Walang hanggan Panginoon ang lahat ng tuntunin mo” (93:1-2, 5).
Ang mga awit na ito ay isinulat ni David, na nagpapatotoo, na may kakanyahan: “Panginoon, ang iyong mga patotoo—iyong mga batas, mga utos at mga salita—ay di-mababawi. Sila ay lubos na maasahan.” Ang umakda ng Hebreo ay umaalingawngaw nito, nagpapahayag na ang Buhay na Salita ng Diyos ay walang hanggan at di-magbabago: “Noong nakaraan ay siya rin sa kasalukuyan at siya rin magpakailanman” (hebreo 13:8).
Isipin ang tungkol dito: mayroong mga batas na umiiral sa sansinukuban na siyang namamahala kung paano ito ginagawa, nang walang pinipili. Isa-alang-alang ang mga batas na namamahala sa galaw ng araw, buwan, mga bituin at daigdig. Itong mga bagay sa kalangitan ay nalagay lahat sa tamang kalalagyan nang winika ng salita ang Diyos, at mula noon ang lahat ng ito ay pinamahalaan ng mga batas na winika din ng Diyos na magkaroon ng katauhan.
Nasabihan tayo sa kabuuan ng bagong Tipan na ang dakilang Diyos ay ating Ama at siya ay mahabagin sa kanyang mga anak. Ang Hebreo ay nagsabi sa atin na ang Panginoon ay nararamdaman ang mga damdamin natin ng mga kahinaan, at naririnig niya ang bawat tangis at iniipon ang bawat luha. Gayunman tayo ay sinabihan din na siya ang matuwid na Hari na humahatol ayon sa kanyang batas. At ang kanyang Salita ay ang kanyang saligang-batas, na naglalaman ng bawat kautusan, na kung saan ay kanyang ipinatutupad ng makatarunagn. Ang lahat ng bagay na nasa kapanatilihan ay hinahatulan ayon sa kanyang di-mababagong Salita.
Sa madaling sabi, maari nating hawakan ang Bibliya sa ating mga kamay at alamin, “Ang aklat na ito ay magsasabi sa akin kung sino ang Diyos. Nagpapahayag ito ng kanyang mga katangian, kalikasan, mga pangako at mga hatol. Ito ang kanyang pinamamahalang batas, mula sa kanyang bibig, na kung saan siya namumuno at naghahari. At ito ang Salita na kung saan itinali niya ang kanyang sarili.”
Ang bawat hukom sa sanlibutan ay nakatali sa sinumpaan na tiyakin ang kaso sa kanyang harapan ayon sa itinatag na batas. Ang Diyos ay naghahari at hinahatulan ang lahat sa kanyang harapan ayon sa walang hanggang batas—at iyon ay ang kanyang sariling itinatag na Salita. Kapag ang Diyos ay gumawa ng isang utos, siya ay nagsasalita ayon sa kanyang buhay na Salita, isang Salita na kung saan ay itinali niya ang kanyang sarili.