Nang isinulat ni David ang mga salita sa Awit 13, nagtanong siya, “Gaano katagal mo akong lilimutin, Panginoon? Habang-buhay? Gaano katagal mong itatago ang mukha mo sa akin? Gaano pa katagal akong magdadala ng pighati sa aking puso araw-araw? Gaano katagal pang paangatin ang kalaban sa akin?
May pakiwari ito na parang si David ay nadama na ang Diyos ay hinayaan siyang magdusa at gumising bawat araw na may itim na ulap na nakabitin sa kanyang harapan. Sa isang panahon, nangusap si David ng kawalan ng pag-asa: “O Diyos ang nadadama ko bang pag-iisa ay mananatili ng walang katapusan? Kalian magkakaroon ng kasagutan ang aking mga panalangin?”
Mga minamahal, kapag inatake tayo ng mga kaguluhan maging alam natin na iniibig natin ang Panginoon—kapag ang kaligtasan ay mukhang wala ng pag-asa—tayo ay lumulubog sa diin ng kagipitan. Sa mga sandaling ito, mayroon diyang nagbabasa ng mga pangungusap na ito ay lumulubog sa ilalim ng isang nakasisindak na kalagayang na mukhang wala ng solusyon. Sila ay nasa bingit na ganap na kawalan ng pag-asa, umaasa na may kapahingahang darating para lamang mapahinga sa mga pagsubok.
Sa sumunod, nagtanong si David, “Gaano pa katagal akong kukuha ng payo mula sa aking kaluluwa?” Nangusap siya ng magbuo ng planong sunod-sunod, sinusubukang humanap ng paraan palabas sa mga pagsubok na ito—ngunit lahat ng plano, lahat ng pamamaraan ay nabigo. Ngayon wala na silang maisip na iba pang paraan. Siya ay nasa katapusan na ng lahat.
Paano nakaahon si David mula sa balon ng kawalan ng pag-asa? Mananalig ako sa iyong habag… Ako ay aawit…”
Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang ilang mga kadahilanan para manatiling nananalig sa iyong pamamaraan sa iyong mga pangkasalukuyang mga pagsubok: Gaano man katindi ang bagyong dinaranas, ang ating Panginoon ay patuloy na magpapakain ng mga ibon, bibihisan ang mga bulaklak sa parang at pupunuin ng mga isda ang karagatan para sa kanilang mga pang-araw-araw na mga pangangailangan. “Ang iyong Amang nasa langit ay nagpapakain sa kanila…” Wala is mang ibon ang nahuhulog sa lupa na hindi nakikita ng mga mata ng Ama.
Anong uri ng Ama ang magpapakain ng lahat ng nilikha sa sanlibutan at sa isang banda ay pababayaan niya ang kanyang mga anak? Hinikayat tayo sa mabuti ni Hesus na “huwag mag-alala” sa mga pang-araw na mga pangangailangan at mga suliranin, “sapagkat minamahal ka niya.”
Tunay na iniibig ka ng Panginoon, at hindi niya babalewalain ang iyong mga panalangin. Magpakatatag, magpatuloy ka, at huwag mainip sa paghihintay. Hindi ka niya bibiguin.