Miyerkules, Disyembre 30, 2009

ANG MAPANGIBABAWAN ANG KADILIMAN

Isang bagay lamang ang makapangingibabaw at makaaalis ng kadiliman, at ito ay ang liwanag. Ipinahayag ni Isaias, “Namanaag na ang liwanag sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim” (Isaias 9:2). Maging si Juan ay nagpahayag din, “Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman” (Juan 1:5).


Ang liwanag ay naglalarawan ng pang-unawa. Kapag sinabi natin, “Nakita ko ang liwanag,” sinasabi natin na, “Ngayon naunawan ko na.” nakita mo ba kung ano ang sinasabi ng Kasulatan? Ang Panginoon ay bubuksan na ang ating mga mata, hindi upang makita ang diyablo na nagtagumpay kundi ang makatanggap ng bagong pahayag. Ang ating Diyos ay nagpadala sa atin ng Banal na Espiritu, na ang kapangyarihan ay mas higit pa sa lahat ng kapangyarihan ng impiyerno: “Sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa makasanlibutan” (I Juan 4:4).


Sa aklat ng Pahayag nabasa natin na ang impiyerno ay bumuga ng mga balang at alakdan na may makapangyarihang lakas. Nabasa natin ang dragon, mga hayop, mga nilikhang may sungay, pati na ang padating na Anti-kristo. Gayunman hindi natin alam ang kahulugan ng lahat ng mga nilikhang ito. At ito, ay hindi na natin dapat malaman pa. Hindi tayo dapat mag-alala tungkol sa Anti-kristo o sa marka ng hayop.


At doon ay namumuhay sa atin ang Espiritu ng Makapangyarihang Diyos at ng kanyang si Kristo. Ipinahayag ni Pablo na ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay kumikilos sa atin. Sa ibang salita, ang Banal na Espiritu ay buhay na nasa atin sa mga sandaling ito.


Kaya, paano kumikilos ang Espiritu sa atin sa kalagitnaan ng kahirapan? Ang kanyang kapangyarihan ay inaalpasan lamang habang tinatanggap natin siya bilang tagadala ng ating mga pasanin. Ang Banal na Espiritu ay ibinigay sa atin dahil lamang dito, upang magdala ng ating mga pasanin at mga alalahanin. Kaya, paano natin sasabihin na tinanggap natin siya kung hindi pa natin ibinibigay ang mga pasanin sa kanya?


Ang Banal na Espiritu ay hindi nanahimik sa kaluwalhatian, kundi narito, naninirahan sa atin. At siya ay balisang naghihintay upang mangalaga sa lahat ng kalagayan ng ating mga buhay, kasama na ang ating mga kagipitan. Kaya, kapag tayo ay nagpatuloy sa takot---kawalan ng pag-asa, pagtatanong, patuloy na nawawalan ng pag-asa---kung ganon ay hindi natin siya tinanggap bilang taga-aliw, katulong, gabay, tagapagligtas at kalakasan.


Ang saksi sa sanlibutan ay ang Kristiyano na naghagis ng lahat ng kanyang pasanin sa Banal na Espiritu. Katulad ng mga taga Tesalonica, ang mga mananampalataya ay nakita ang mga nakagagaping suliranin sa lahat ng paligid, gayunman nasa kanya ang kagalakan sa Panginoon. Nagtitiwala siya sa Espiritu ng Diyos para sa kanyang kaaliwan, at sa gabay palabas sa kanyang kagipitan. At mayroon siyang makapangyarihang patotoo sa naligaw na sanlibutan, sapagkat pinangangatawanan niya ang kagalakan kahit na napapaligiran ng kadiliman. Ang kanyang buhay ay nagsasabi sa sanlibutan, “Ang taong ito ay nakita ang liwanag.”