Miyerkules, Enero 21, 2009

TAMANG AWIT---MALING BAHAGI

Noong dumadaan ang mga Istaelitas sa mga pagsubok, sila ba’y dapat magpahayag ng pagkilala ng utang na loob at pasasalamat sa kalagitnaan nito? Nang sila’y napaliligiran at nasa wala ng pag-asang katayuan, talaga bang inasahan ng Diyos na magkaroon sila ng ganoong uri ng reaksiyon?

Oo—lubus-lubusan! Iyan ang lihim kung paano kung paano sila makalalabas sa kanilang kapighatian. Nakita mo, nais ng Diyos ang ganito mula sa atin sa panahon ng ating mga nakakagagaping kaguluhan at mga pagsubok. Ibig niya na maghandog tayo ng sakripisyo ng pasasalamat sa gitna ng lahat ng ito!

Naniniwala ako na natuklasan ni Santiago ang lihim na ito nang nagpaalala siya, “…magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang pagsubok…” (Santiago 1:2). Sinasabi niya, “Huwag kayong susuko! Gumawa kayo ng altar sa inyong mga puso, at maghandog ng may kagalakang pasasalamat sa gitna ng inyong mga pagsubok.”

Tunay nga ang mga anak ng Israel ay nag-alay ng papuri at pasasalamat sa Panginoon—ngunit ginawa nila ito sa maling bahagi ng Pulang Dagat! Oo, ang mga tao ay nagsaya ng buong magdamag—ngunit hindi nasiyahan ang Diyos dito. Kahit sino ay maaring sumigaw ng pagkilala ng utang na loob pagkatapos ng tagumpay. Ngunit ang katanungan na ibinigay ng Diyos sa Israel ay, “Pupurihin ba ninyo ako bago ko ipadala ang tulong ko—habang nasa kalagitnaan kayo ng inyong pakikipaglaban?”

Naniniwala ako na kung nagsaya ang mga taga Israel sa “bahagi ng pagsubok” ng Pulang Dagat, hindi na sila muling susubukin sa tubig ng Marah. Kung naipasa lamang nila ang pagsubok sa Pulang Dagat, ang tubig ng Marah ay hindi maglalasang mapait, kundi matamis. At makikita ng Israel ang mga bukal ng tubig kahit saan sa disyerto, sa halip na dumanas ng pagkauhaw.

Tinulungan tayo ng Diyos na awitin ang tamang awit sa bahagi ng mga pagsubok. Ito ay nagdadala ng pinakamataas na uri ng kagalakan sa ating Amang nasa langit.

Ikaw ba ngayo’y dumadaan sa pinakamabigat na katayuan? Kung ganoon ay umawit! Magpuri! Sabihin sa Panginoon, “Magagawa mo, iniligtas mo na ako dati, maililigtas mo ako ngayon. Magpapahinga ako ng may kagalakan.