Ikaw ba’y nasa dulo na ng lubid? Pagal, bagsak, halos sumuko na? Hinahamon kita na sagutin ang mga sumusunod na katanungan ng simpleng oo o hindi lamang:
· Ang Salita ba ng Diyos ay nangako na ibibigay ang lahat ng iyong pangangailangan?
· Sinabi ba ni Hesus na hindi ka niya iiwan, kundi sasamahan ka hanggang sa huli?
Sinabi ba niya na hindi ka niya pababayaang bumagsak at ihaharap ka niya sa trono ng Ama na walang kapintasan?
Sinabi ba niya na ipagkakaloob niya ang lahat ng iyong kakailanganin sa lahat ng panahon? Ipinangako ba niya ang lahat ng binhi na kakailanganin mo sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita?
Mas handa ba siyang magbigay ng higit sa iyong tatanggapin? Mas dakila ba siya kaysa sa iyo ng higit pa na nasa salibutan?
Ang iniisip ba niya tungkol sa iyo ay kabutihan lamang? Siya ba’y nagbibigay ng gantimpala sa mga taimtim na naghahanap sa kanya?
Naghahanda ba siya ng lugar para sa iyo sa kaluwalhatian? Siya ba’y darating na nasa ulap para ipunin ang kanyang mga tao pauwi? Sasama ka ba sa kanya kapag dumating na siya?
Ang sagot mo sa lahat ng ito ay dapat na, “lubus-lubusang oo!”
Ngayon—tuusin mo. Tanungin mo ang sarili mo, naniniwala ba talaga ako na ang Diyos ay tapat sa kanyang salita o ako ay nag-aalinlangan sa aking pananalig?
“Aking kapatid, bilangin mo lahat ito ng may kagalakan kapag dumanas ka ng maraming pagsubok; bilang alam ito, na ang pagsubok sa iyong pananampalataya ay ginagawa ng may pagtitiis. Ngunit hayaang ang pagtitiis ay magkaroon ng walang kapintasang paggawa, para ikaw ay maging walang kapintasan at buo, hindi naghahangad ng anuman.”
“Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya matapos ninyong pagtagumpayan ang mga pagsubok na iyan. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang. Ngunit kung kulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan; sapagkat ang Diyos ay saganang magbigay at di nanunumbat. Subali’t ang humihingi’y dapat manalig at huwag mag-alinlangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon” (Santiago 1:2-7).
Mapanghahawakan mo ang karunungan ng Diyos, lahat ng karunungan na kakailanganin para malutas ang suliranin ng mga buhay—kung ikaw ay mananalig ng walang pagdududa sa pamamagitan ng pag-aalay ng iyong buhay at kinabukasan sa pangakong ito.
Ang Diyos ay nagbibigay sa lahat ng tao…bukaskamay…karunungan.