Miyerkules, Enero 14, 2009

SAPAT SA LAHAT NG MGA BAGAY

Bakit maraming mga mananampalataya ay nakakaranas ng kahinaan, damdamin ng kawalan ng pag-asa at kahungkagan, para bang hindi na nila kayang magpatuloy pa? Ito ay dahilan sa wala silang pahayag na ibinigay ng Espiritu kay Pablo—isang pahayag ng lahat ng panustos na ginawang posible ng Diyos para doon sa mga aangkin nito sa pananampalataya!

Ikaw ba’y bumabagay sa larawan ni Pablo na isang masaganang lingkod—isang mayroon lahat ng kakailanganin at higit pa, sa lahat ng panahon, sa bawat kagipitan? Napatunayan mo ba ito sa pagkuha sa yaman ng langit?

Sa maraming taon na nakatrabaho ko si Kathryn Kuhlman. Nangaral ako ng buong puso sa kanyang mga pagpupulong umaga at gabi, at kadalasan sa pagpapatapos ng araw ako’y pagod na. Isang gabi sinabi ni Kathryn kay Gwen at sa akin, “Halina, lumabas tayo at humanap ng makakain.” Sinabi ko sa kanya, “Ipagpaumanhin mo—pagod na ako. Kailangan bumalik na ako sa hotel at matulog na.”

May pagatatanong na tumingin siya sa akin at nagtanong, “David, ikaw ba’y nangaral na may pahid ng langis ng Espiritu ngayong gabi?” Sumagot ako, “Alam mo na ako’y may pahid ng langis. Ang altar ay puno!”

Tahimik na sinabi ni Kathlyn, “Kung ganoon may nawawala sa iyo. Kung ikaw ay nangangaral sa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, kailangang mas malakas ka sa pagtatapos ng pangangaral nang higit pa nang magsimula ka—sapagkat siya’y nagpapabilis na Espiritu! Madadaig mo ang iyong laman, pagkat sa Espiritu ay maari mong angkinin ang kalayaang iyan.” Mula noon ay napatunayan ko ang katotohanang iyan sa aking ministeryo.

“Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay-higit pa sa inyong pangangailangan—upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa” (2 Corinto 9:8). Ang managana dito ay literal na nangangahulugan, “patuloy na dumadami; na magkaroon ng higit pa sa pagtatapos kaysa sa simula.” Sa ibang salita, habang lalong umiinit ang pakikipaglaban, ang grasya ng Diyos ay lalong dumadami! Sa pagdating ng kahinaan sa iyo, ang lakas niya ay dumadating na higit pang makapangyarihan—kung mananalig ka dito.