Maraming lahi ng Diyos ay kaunti lamang o walang nalalaman sa buhay ng pakikipag-isa sa kanya. Bakit ito nagkaganito?
Naniniwala ako na na ang ganitong Kristiyano ay may malungkot, na pilipit na kaisipan tungkol sa Amang nasa langit. Natatandaan ko pa ang parabola ni Hesus tungkol sa isang lingkod na itinago ang kanyang karunungan sapagkat mayroon siyang pilipit na kaisipan tungkol sa kanyang amo. Sinabi ng lingkod na ito, “Alam ko pong kayo’y mahigpit” (Mateo 25:24).
Kahalintulad, maraming mananampalataya ngayon ay nag-iisip na, “Hindi maaring malugod ang Diyos sa akin, nagsasaya at umaawit ng may pag-ibig. Maraming ulit ko siyang lubos na binigo, nagbigay ng kahihiyan sa kanyang pangalan. Paano pa niya ako iibigin, lalo na sa kapighatiang hinaharap ko ngayon?”
Naniniwala ako na ito ang isang makapangyarihang dahilan kung bakit maraming Kristiyano ay ayaw na mapalapit sa kanilang Amang nasa langit. Natatakot silang mapalapit sa kanya sapagkat iniisip nilang binigo nila siya kahit paano. Ang nasa isipan lamang nila ay puno siya ng galit at poot, handang humusga at parusahan sila.
Ang katanungang nasa ating lahat ngayon ay, paano natin aayawan na mapalapit sa isang Ama na sumusulat ng liham ng pag-ibig sa atin, nagsasabi na nasasabik siyang makasama tayo, siyang laging handang yakapin tayo, nagsasabi na wala siyang iniisip kundi ang kabutihan tungkol sa atin? Sa kabila ng ating mga kamalian, sinisiguro niya sa atin, “Maaring sabihin ni Satanas na ikaw ay walang silbi, ngunit sinasabi ko na ikaw ang aking kagalakan!”
Maaring iniisip mo, “Tiyak na hindi nagsasaya ang Panginoon sa isang nasa kasalanan pa rin. Hindi ko inaasahan na iibigin pa rin niya ako kapag nagpatuloy ako sa pagiging makasalanan. Ang ganoong kaisipan ay nasa gilid ng walang-pakundangan.”
Oo, iniibig ng Diyos ang kanyang mga tao ngunit hindi niya iniibig ang kanilang mga kasalanan. Sinasabi ng Bibliya na, siya ay isang anak na nagpapatuloy sa kasalanan, ngunit ginagawa niya itong may pagdudusa. At pagkatapos na paalalahanan tayo, ang kanyang Espiritu ay pinupuno tayo ng kaisipan ng galit sa kasalanan.
Sa lahat ng ito, ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hindi nagbabago. Sinabi ng Salita, “Ako si Yahweh, hindi ako nagbabago” (Malakias 3:6). “Mula sa Ama…hindi siya nagbabago. Hindi niya tayo iniiwan o binabayaan man sa dilim” (Santiago 1:17). “Ako’y Diyos at hindi tao” (Oseas 11:9).
Hindi pinapayagan ng Diyos na ang pag-ibig niya sa atin ay maglalaho at dadaloy na katulad ng sa atin para sa kanya. Ang ating pag-ibig ay nagbabago halos araw-araw, nangagaling sa init at taimtim bago nagiging matabang o nagiging malamig. Katulad ng mga disipulo, maari tayong nakahandang mamatay para kay Hesus isang araw at pagkatapos at tatalikuran natin siya at tatakbo kasunod.
Tatanungin ko kayo kung kaya ninyong sabihin, “Ang aking Amang nasa langit ay iniibig ako! Sinasabi niya na ako’y matamis at maganda sa kanyang mga paningin at naniniwala ako sa kanya. Alam ko na kahit ano pa ang pagdaanan ko, o gaano pa man ako natutukso o sinusubok, ililigtas niya ako. Babantayan niya ako sa lahat ng ito, hindi niya papayagan na ako ay mawasak. Lagi siyang magiging mabuti at mapagmahal sa akin!”
Dito nagsisimula ang tunay na pakikisama. Kailangang maniwala tayo sa bawat araw sa hindi nagbabagong pag-big ng Diyos para atin. At kailangan nating ipakita sa kanya na naniniwala tayo sa kanyang pahayag tungkol sa kanyang sarili. Isinulat ni Juan, “Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig at nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos” (1 Juan 4:16).