Lunes, Enero 26, 2009

PARA MAKILALA ANG TINIG NIYA

Yaong tunay na nakakakilala sa Diyos ay natutunang makilala ang kanyang tinig higit pa sa lahat. Ibig niya na kayo ay ganap na nahikayat na nais niyang makipag-usap sa inyo—para sabihin ang mga bagay na hindi ninyo nakikita at naririnig noon.

Naniniwala ako na may tatlong bagay na kailangan para doon sa mga makaririnig ng tinig ng Diyos:

1. Isang di matitinag na pagtitiwala na nais ng Diyos na makausap kayo. Kailangang ganap na nahikayat kayo at kumbinsido tungkol dito. Katunayan, siya ay isang nagsasalitang Diyos—nais niyang makilala ninyo ang kanyang tinig para magampanan ninyo ang kanyang kalooban. Ang sasabihin ng Diyos sa inyo ay hindi lalampas sa sinasabi ng Kasulatan.

2. Mahalagang sandali at katahimikan. Kailangan na hahayaan ninyong manahimik sa presensiya ng Diyos at hayaang ang lahat ng ibang tinig ay maglalaho. Tunay, ang Diyos ay nakikipag-usap sa atin sa buong araw. Ngunit kapag mayroon siyang bagay na nais na itatag sa aking buhay, ang kanyang tinig ay darating lamang pagkatapos kapag naipaglaho ko ang iba pang mga tinig maliban sa kanya.

3. Ang humiling na may pananalig. Hindi tayo makakatanggap ng anuman mula sa Diyos (kasama na pati marinig ang kanyang tinig) maliban kung tunay tayong naniniwala na kaya niyang iparating ang kanyang isipan sa atin—para magawa natin na maunawaan ang kanyang dalisay na kalooban!

Hindi mapagbiro ang Diyos! Hindi niya hahayaan ang kaaway na linlangin tayo. Kapag nagsalita ang Diyos, ay kasunod ang kapayapaan—at hindi kayang gayahin ni Satanas ang kapayapaang iyan!

“Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya ng bantay-pinto, pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang mga pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus pa nga’y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig” (Juan 10:2-5).