Si Dietrich Bonhoeffer, isang teologong Aleman, ay inilarawan ang Kristiyano na katulad ng isang sumusubok na tumawid sa dagat ng pira-pirasong bitak ng lumulutang na yelo. Ang Kristiyano ay hindi maaring mamahinga habang tumatawid, maliban sa kanyang pananalig na siya ay dadalhin ng Diyos sa dulo nito. Hindi siya maaring tumayo ng matagal dito, kundi ay tiyak na lulubog siya. Pagkatapos ng bawat hakbang, kailangang tingnan niya ang kasunod. Sa ilalim niya ay malalim na butas at sa harap niya ay walang katiyakan—ngunit palaging nauuna ang Panginoon—matatag at tiyak! Hindi pa niya nakikita ang lupa—ngunit nadoon ito—pangako na nasa puso niya. Kayat ang manlalakbay na Kristiyano ay nakatutok ang paningin sa huling hantungan niya! Pinili kong isipin na ang buhay ay isang paglalakbay sa ilang—katulad ng mga anak ng Israel. At ang pakikipaglaban ni Haring Jehoshaphat, kasama ang mga anak ng Judea, ay ating ding pakikipaglaban (tingnan ang 2 Cronico 20). Tiyak, ito'y isang ilang; oo, may mga ahas, tuyong butas ng tubigan, lambak ng luha, mga kalabang mandirigma, maiinit na buhangin, tag-tuyot, mga bundok na hindi matawid. Ngunit kapag ang mga anak ng Panginoon ay matatag na tatayo upang makita ang kanyang kaligtasan, naglatag siya ng mesa sa ilang—umulan ng biyaya mula sa langit—pinuksa ang mga kalabang mandirigma sa pamamagitan ng sariling kapangyarihan—bumukal ang tubig mula sa mga bato, inalis ang lason mula sa kagat ng ahas—pinangungunahan sa pamamagitam ng haligi at ulap—binigyan ng gatas at pulot—at dinala sa Lupang Pangako sa pamamagitan ng mataas at makapangyarihang kamay. At nagbabala ang Diyos na sabihan ang bawat padating na saling-lahi: Sinabi sa akin ng anghel ang ipinasasabi ni Yahweh: "Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan kundi sa aking tulong lamang" (Zacarias 4:6).
Tigilan na ang pananaw sa maling patutunguhan para sa tulong. Magtungo ng nag-iisa kasama si Hesus sa lihim na lugar; sabihin ang lahat ng gumugulo sa iyo. Sabihin sa kanya na wala ka nang patutunguhang iba. Sabihin sa kanya na siya lamang ang pinagtititwalaan mo na magliligtas sa iyo. Matutukso na gawin ang mga bagay sa sarili mong pamamaraan. Nanaisin momg alamin ang mga bagay sa pangsarili mong pamamaraan. Mag-iisip ka kung ang Diyos ay tunay na kumikilos—walang mawawala. Sumagot si Simon Pedro: "Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan" (Juan 6:68).
Lumapit kayo sa akin at kayo ay maliligtas, kayong mga tao sa buong daigdig, walang ibang Diyos maliban sa akin" (Isaias 45:22).
"Ngunit sa ganang akin, kay Yahweh ako mananalig; hihintayin ko ang Diyos na magliligtas sa akin. Ako'y kanyang diringgin" (Mi8kas 7:7).