Miyerkules, Hunyo 23, 2010

KAPAG DUMATING ANG PAGTATANONG

Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Hesus, at siya’y nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang anak ng Diyos, gawin mong tinapay ang batong ito” (Mateo 4:2-3).

Sa sandaling iyon na kung saan si Hesus ay pisikal na nanghihina, dala ng diyabo ang una niyang panunukso.

Walang kasalanan kung nagugutom. Kaya, ano ang usapin dito? Hinahamon ng diyablo si Hesus: Kung ikaw ay tunay na Diyos, kung ganon ay nasa iyo ang kapangyarihan ng Diyos. At sa sandaling ito, ikaw ay nasa mahirap na kalagayan. Bakit hindi mo gamitin ang kapangyarihan na ibinigay ng Diyos upang iligtas ang sarili mo? Hindi ba’t ibinigay niya sa iyo ang kapangyarihang ito upang tingnan kung gagamitin mo ito ng tama?”

Narito ang pinaka mapagpahamak na mga tukso na hinaharap ng mga tunay na makadiyos na mga tao. Katulad ng iyong halimbawa, Hesus, mayroon kang damdamin para sa Diyos. Inilagay mo ang puso mo na ganap na sumuko sa kanya. At pagkatapos ay dinala ka ng Panginoon sa karanasan sa ilang, at doon ay nangyari ang pagtatanong. Nagsimula kang mawalan ng giya, nag-iisip kung ano ang walang hanggang layunin ng Diyos sa buhay mo. At kapag sinubok mong manalangin at muling makamit ang tagumpay, ang panunukso ni Satanas ay lalong tumitindi ng higit pa.

Ang kalaban ay nais na kumilos ka ng hiwalay sa Ama. Sinabi ng diyablo, “Ang pagdurusa mo ay hindi galing sa Diyos. Hindi mo kailangang magdanas ng ganito. Nasa iyo ang kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Magsalita ka lamang—palayain mo ang sarili mo. Pagbigyan mo ang pagkagutom mo.”

Ang balakin ni Satanas ay lumikha ng kabiguan ng kapangyarihan. Umaasa siya, na hindi pagbibigyan ang tangis ni Hesus para sa tinapay, kung hihingin niya ito. Kung mabibigo ang kapangyarihan ng langit, kung ganon ay maaring pagdudahan ni Kristo ang kanyang pagka-Diyos at talikuran ang kanyang walang-hanggang layunin sa sanlibutan. Pangalawa, alam ni Satanas na isinugo si Hesus upang gawin lamang ang mga ipinag-uutos ng Ama sa kanya. Kayat binalak niyang hikayatin si Kristo na sumuway dito para sa kanyang kabutihan. Sa ganoong paraan, kapag ginamit ni Hesus ang kanyang kapangyarihan para maka-iwas sa pagdurusa, maaring gawin niya ulit ito para maiwasan ang pagdurusa sa krus.

Kayat, paano sumagot si Hesus sa panunukso ng diyablo? Ngunit sumagot si Hesus, “Nasusulat, hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos” (Mateo 4:4). Sinabi ni Kristo ng may kakanyahan, “Ang pagdating ko sa sanlibutan ay hindi tungkol sa mga pangangailangan ko, paghihirap o pisikal na kaginhawahan. Dumating ako upang magbigay sa sangkatauhan—hindi upang iligtas ang sarili ko.”

Maging sa dulo ng kanyang pagdurusa, hindi nawala ang pananaw ni Hesus sa kanyang walang-hanggang layunin. At kung natutunan ng ating Panginoon ang umasa at maging mahabagin sa ating karanasan sa ilang, ganon din tayo.