Huwebes, Hunyo 24, 2010

LUMABAN AT LALAYO SIYA

Tinukso ni Satanas si Hesus ng ganitong alok: At sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito, kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin” (Mateo 4:9). Ito ay isang kakatwa, labis na katawa-tawa, paano ito masasabi na isang tukso? Sa maniwala o hindi, ito ay isang makapangyarihan, nakaka-akit na tukso. Hinamon ni Satanas si Hesus, sa pagsasabing, “Ipinapangako ko na kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin, titigilan ko na ang pakikipaglaban. Isusuko ko ang lahat ng aking kapangyarihan para sa lahat ng ito. Hindi ko na sasalukuban o aalipinin ang sinuman. Alam ko na iniibig mo ang sangkatauhan sapat na upang sumpain ng Diyos para sa kanilang kapakanan. Kayat ano pa hinihintay? Maari mo nang isakripisyo ang sarili mo ngayon, at palayain ang sanlibutan mula sa mga sandaling ito.”

Bakit nagkukusang isuko ng diyablo ang kanyang kapangyarihan para dito? Sinusubukan niyang iligtas ang sarili niya. Alam ni Satanas na ang kanyang tiyak na patutunguhan ay nakasalalay sa Kalbaryo. Kayat kung mapipigilan niya si Hesus na matuloy sa krus, maaring mailigtas niya ang kanyang sarili sa ganoong tadhana.

Maaring nagtataka ka, “Paano ito maihahanlitulad sa akin?” Patuloy pa ring tinutukso ni Satanas ang mga makatuwiran ng kahalintulad na alok. Dumarating si Satanas sa atin ng may pananakot at akusasyon. Sinasabi niya sa atin, “Hindi mo kailangang sambahin ako—sapagkat ako ay may daanan patungo sa iyo. Alam ko ang lahat ng kahinaan mo. Kaya, humayo ka at magpatotoo tungkol sa iyong kalayaan na kay Kristo. Sa sandaling ito inaawit mo ang iyong pinakamalakas na pagpupuri, kaya kong saklawan ang iyong isip ng masasama. Ipamumukha ko sa iyo ng matindi ang iyong kasalanan, na mawawalan ka ng pag-asa na makalaya. Wala kang lakas.”

Paano natin sasagutin ang mga akusasyon ni Satanas sa atin? “Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo” (Santiago 4:7). Hindi mahalaga kung gaano kadami ang tukso na ipupukol ng diyablo sa iyo. Hindi mo kailangang katakutan ang mga dati mong kasalanan. Kung ito ay nahugasan na ng dugo ni Kristo, kung ganon ay wala nang magagawa ang diyablo para maihiwalay kayo sa Ama.