Biyernes, Hunyo 25, 2010

ANG LAHAT NG GRASYA NA KAILANGAN UPANG MANAIG

Madalas nating naririnig na ang grasya ay ipinaliwanag bilang di-makatarungan at pagpapala ng Diyos. Ngunit naniniwala ako na ang grasya ay higit pa dito. Sa aking palagay, ang grasya ay ang lahat na bilang si Kristo sa atin sa panahon ng ating pagdurusa—kapangyarihan, lakas, kabutihan, kahabagan, pag-ibig—upang manaig sa ating mga kaguluhan.

Sa aking pagtanaw sa nakalipas na mga taon—mga taon ng matitinding pagsubok, paghihirap, tukso at kaguluhan—mapapatotoo ko na ang grasya ng Diyos ay sapat na. Alam ko kung ano ang magtanong sa Diyos habang ang asawa ko ay nagdurusa sa sakit na kanser ng paulit-ulit, at maging ang dalawa naming anak na babae ay nagdanas din ng ganito. Ngayon sila ay malulusog at malalakas at dahil doon nagpapasalamat ako sa Panginoon. Alam ko rin kung paano sampalin ng mensahero ni Satanas. Ako’y malungkot na tinukso at hinikayat at ako’y mayroong mga kalaban sa buong paligid ko. Ako’y siniraan ng mga usap-usapan, inakusahan ng mali, at iniwasan ng mga kaibigan. Sa panahon ng mga kadilimang iyon, ako’y lumuhod at tumangis sa Diyos.

Ang kanyang grasya ang nagligtas sa akin sa mga ito. At iyon ay sapat na para sa araw na ito. At pagdating ng panahon ng kaluwalhatian, ang aking Ama ay ipapahayag ang maganda niyang layunin para sa akin. Ipakikita niya kung paano ko makakamit ang pagka-matiisin sa gitna ng aking mga pagsubok; paano ko matutunan ang mahabag para sa iba; paanong ang kanyang lakas ay maging perpekto sa aking kahinaan; paano ko malalaman ang kanyang ganap na katapatan para sa akin; kung paano ako masabik na maging kawangis ni Kristo.

Maari pa rin nating tanungin bakit—gayunman ito ay nananatiling misteryo. Ako’y handang tanggapin ito hanggang dumating si Hesus sa akin. Hindi ko nakikita ang katapusan ng aking mga pagsubok at paghihirap. Nasa akin ito sa loob ng limampung taon na ng aking ministeryo ngayon, at patuloy na bumibilang.

Gayunman, sa gitna ng lahat ng ito, ako’y binibigyan pa rin ng patuloy na lumalaking sukat ng lakas ni Kristo. Sa katunayan, ang dakilang pahayag ng kanyang kaluwalhatian ay dumating sa mga pinakamatinding panahon ng aking paghihirap. Kahalintulad, sa pinakamababang punto ng iyong kalagayan, palalayain ka ni Kristo sa pinakapunong sukat ng kanyang lakas.

Maaring hindi natin maunawaan ang ating paghihirap, kagipitan at kahinaan. Maaring di natin malaman kung bakit ang ating panalangin ng pagpapagaling ay hindi sinasagot. Ngunit hindi natin dapat malaman kung bakit. Ang Diyos ay sinagot na tayo: “Nasa iyo ang grasya ko—at, minamahal kong anak, iyan lamang ang kailangan mo.”