Huwebes, Nobyembre 20, 2008

ALAM NG ESPIRITU SANTO ANG KANYANG GINAGAWA!

Hindi ginagampanan ng Espiritu Santo ang kanyang gawain na wala sa lugar o magulong pamamaraan. Hindi siya nabubuhay para lamang tulungan tayo na makayanan ang mabuhay, para lamang malampasan ang mga mabibigat na pinagdadaanan at para lamang malampasan natin ang mga malulungkot na gabi. Hindi siya naroon para lamang itayo tayo at bigyan ng lakas bago tayo muling iharap sa karera.

Ang lahat ng ginagawa ng Espiritu Santo ay may kinalaman sa kanyang layunin ng pagdating—para iuwi tayo na nakahandang nobya. Kumikilos lamang siya para tuparin ang misyong iyan! Oo, siya ang ating Patnubay, ang ating Taga-aliw, ang ating lakas sa sandali ng ating pangangailangan. Ngunit ginagamit niya ang bawat pagkilos ng pagliligtas—sa bawat pagpapadama ng kanyang sarili sa atin—upang gawin tayong karapat-dapat na maging nobya.

Hindi nandito lamang ang Espiritu Santo para magbigay ng handog sa sanlibutan. Hindi, ang bawat handog niya ay may layunin sa likod nito. Isa lamang ang mensahe ng Espiritu Santo: ang bawat itinuturo niya ay nagdadala sa isang, nakapagitnang katotohanan. Maaring nagniningning siya sa atin na katulad ng kumikinang na alahas, ngunit ang bawat sinag ng katotohanan ay nakatakda na dalhin tayo sa isang katotohanan, at ito iyon:

“Handi mo sarili ikaw—ikaw ay binili na may halaga. Ikaw ay pinili para ipakasal kay Kristo. At ang Espiritu ng Diyos ay ipinadala para ipahayag sa iyo ang katotohanan na magpapalaya sa iyo mula sa ibang mga pag-ibig. Ang katotohanan ang puputol sa bawat pagkakagapos sa kasalanan at harapin ang lahat ng hindi pinaniniwalaan. Dahil ikaw ay hindi para sa sanlibutang ito; ikaw ay patungo sa maluwalhating pakikipag-kita sa iyong pakakasalan at inihahanda sa gabi ng kasal. Ang lahat ng mga bagay ay nakahanda na at inihahanda na kita! Nais kong iharap kang walang dungis, na may madamdaming pag-ibig sa puso mo para sa kanya.”

Iyan ang gawain ng Espiritu Santo—para ipakita si Kristo sa iglesya, upang tayo ay mapa-ibig sa kanya. At ang pag-ibig na iyan ang magdadala sa atin!

Miyerkules, Nobyembre 19, 2008

ANG ESPIRITU SANTO AY NATANGGAP SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA

“Ito lamang ang ibig kong malaman sa inyo: tinanggap ba ninyo ang Espiritu dahil sa pagsunod sa Kautusan o dahil sa inyong pakikinig at paniniwala sa Mabuting Balita tungkol kay Kristo?” (Galacia 3:2). Mga banal, ang mensaheng ito ay dapat magbigay ningas sa inyong pananampalataya, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay dapat na panghawakan ninyo ang mga dakilang pangako ng Diyos! “Subalit ang humihingi’y dapat manalig at huwag mag-alinlangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon” (Santiago 1:6-7).

Humingi ka na ba sa Diyos ng handog na ito? Hinahanap mo ba ang Espiritu Santo? Patuloy ka bang kumakatok? “Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!” (Lucas 11:13).

Humingi lamang at kayo’y makatatanggap! Hanapin ang Amang nasa langit para sa bautismo ng Espiritu Santo at ibibigay niya ito!

Humaharap tayo sa galit na diyablo na nakawala sa sanlibutang ito. Inalpasan niya ang lahat ng kapangyarihan na nasa kanyang pag-uutos, at ang mga hukbo ng masasamang kapangyarihan ay naghahanda para sa huling pakikipagtuos laban sa langit. Ngunit hindi kayang humarap ni Satanas sa makatuwiran, sa anak ng Diyos na puspos ng Espiritu Santo na naglalakad sa pananampalataya at pagkamasunurin. Ipakita mo sa akin ang isang mananampalataya na nasapian ng Espiritu Santo at ipakikita ko sa iyo ang isa na naglagay sa mga hukbo ng impiyerno na nagtatakbuhan patakas.

O Diyos, isugo mo ang Espiritu Santo! Bumaba ka sa sa amin! Bautismuhan mo kami ng lubus-lubusan. At ipadala mo kami laban sa maladiyablong pinagkukutaan na may matatag na pananampalataya na hindi siya mamayani sa ating panahon!

Sinabi ni apostol Pablo, “Ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at huwag ninyong susundin ang pita ng laman” (Galacia 5:16). At sinabi rin niya, “Ang Espiritu ang nagbibigay buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay” (5:25).

Bilang Kristiyano, madalas nating naririnig ang pahayag na ito sa ating mga buhay: “Maglakad sa Espiritu.” Maraming Kristiyano ang nagsasabi sa akin na naglalakad sila sa Espiritu—subalit hindi nila masabi sa akin kung ano talaga ang tunay na ibig sabihin nito. Ngayon, hayaan ninyong tanungin ko kayo: Naglalakad ka ba at nabubuhay sa Espiritu? At ano ang ibig sabihin nito sa inyo?

Naniniwala ako na ang “paglalakad sa Espiritu” ay maipapaliwanag sa isang pangungusap na ito: Ang paglalakad sa Espiritu ay ang hayaang ang Espiritu Santo ang kumilos sa atin para sa gawaing iniatas ng Diyos na gagawin niya.

Ang Espiritu Santo ay ibinigay sa atin mula sa Ama upang magampanan ang isang (at isa lamang) walang hanggang layunin. At hanggang maunawaan natin ang kanyang layunin at gawain para sa atin, ay makakagawa tayo ng isa sa dalawang pagkakamali: Isa, magkakasya na tayo sa maliit na gawain niya—katulad ng kaunting espirituwal na handog—may maling pag-iisip na ito na lahat siya at mawawala ang tunay na dakilang gawain ng kanyang walang hanggang layunin sa ating mga buhay. O, ikalawa, susupilin natin ang Espiritu na nasa atin at ganap na balewalain siya, pinaniniwalaang siya’y misteryoso at ang kanyang presensiya ay isang bagay na kailangang kunin sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi kailanman mauunawaan.

Ang Espiritu Santo ay bumaba para manirahan sa inyo at sa akin upang tatakan, santipikahin, bigyang-kapangyarihan at ihanda tayo—siya ay ipinadala sa ating sanlibutan para ihanda ang isang nobya para ikasal kay Kristo!

Ang uri ng pakikipag-isang ito sa Lumang Tipan sa pagitan ng mga mananampalataya at ng Espiritu Santo ay matatagpuan sa Genesis 24. Ipinadala ni Abraham ang kanyang pinakamatandang anak na si Eliasar upang humanap ng nobya para sa kanyang anak na si Isaac. Ang pangalang Eliasar ay nangangahulugang “makapangyarihan, banal na katulong”—isang uri ng Espiritu Santo. At katulad ng katiyakan ng makapagyarihang katulong na bumalik kasama si Rebeca para iharap siya bilang nobya kay Isaac, at ganon din hindi mabibigo ang Espiritu Santo na magdala ng nobya pabalik sa ating Panginoong Hesu-Cristo.

Pinili ng Diyos si Rebeca bilang nobya para kay Isaac—at kay Rebeca mismo siya itinuro ng Panginoon. Ang kabuuang layunin ng katulong at hangarin ay nakatuon sa isang bagay: dalhin si Rebeca kay Isaac—makumbinsi siyang iwanan ang lahat ng pag-aari niya, at sintahin si Isaac at pakasalan siya. Sinabi ng magulang ni Rebeca kay Eliasar, “Yamang ang bagay na ito’y mula kay Yahweh, wala na kaming masasabing anuman. Isama mo si Rebeca pag-uwi mo upang mapangasawa ng anak ng iyong amo” (Genesis 24:50-51).

At, ganon din para sa iyo at sa akin! Pinili tayo ng Diyos para maging nobya niya. Ang ating kaligtasan—ang pagpili sa atin para kay Kristo—ay ginawa ng Panginoon. Isinugo niya ang Espiritu Santo para dahin tayo kay Hesus—kung magtitiwala tayo sa kanya, dadalhin tayo ng Espiritu na ligtas pauwi bilang nobya ni Kristo!

Martes, Nobyembre 18, 2008

“AMA KO”

Ang Espiritu Santo ay may pamamaraan na gawing simple ang ating relasyon sa Diyos Ama at kay Hesus. Siya ang nagtuturo sa atin na sabihin “Ama Ko.”

Ang pahayag ay tumutukoy sa kaugalian sa Silangan sa panahon ng Bibliya, tungkol sa pag-ampon ng isang bata. Hanggang sa mapirmahan ang papeles ng pag-ampon at tinatakan ng umaampong ama, nakikita ito ng bata bilang ama. Wala siyang karapatang tawagin siyang Akin, ibig sabihin ay “akin.”

Gayunpaman, pagkatapos na mapirmahan ang mga papeles, nairehistro at natatakan, ang nangangalaga sa bata ay ibibigay siya sa umaampong ama—at sa kauna-unahang pagkakataon maaring sabihin ng bata, “Ama ko!” habang niyayakap siya ng ama, ang bata ay umiiyak, “Ama ko! Hindi siya isang ama lamang. Siya ay akin na!”

Ito ang gawain at ministeryo ng Espirirut Santo. Itinuturo niya sa iyo si Kristo. Inihaharap ka niya sa Ama. At patuloy ka niyang pinapaalalahanan, “Tinatakan ko na ang mga papeles. Hindi ka na isang ulila—ikaw ay isa nang legal na anak ng Diyos! Mayroon ka ng mapagmahal, mayaman, makapangyarihang Ama. Yakapin mo siya—tawagin mo siyang ‘Aking Ama.’ Nagparito ako para ipakita sa iyo kung gaano ka niya kamahal! Iniibig ka niya at hinahangad ka niya!”

Ang ating pagtangis ay dapat na isang labis na kagalakan at pasasalamat. Ang Espiritu sa atin ay likas na tumatangis, “Isa ka nang tagapagmana, tagapagmana ng lahat na napagtagumpayan ni Hesus.” At tingnan kung anong uri ang iyong minana, sapagkat ang iyong Ama ay siyang pinakamayaman sa buong sansinukuban! Huwag kang mahiya sa kanya, hindi siya galit sa iyo. Huminto ka na sa pagkilos bilang isang ulila, na puspos ng kahirapan, kulang sa kagalakan at espirituwal na tagumpay. Hindi ka pinabayaan—kaya ikagalak mo siya!

Hindi lamang tayo hindi pinabayaan kundi ang Espiritu Santo ay nandoon kasama natin sa sandali ng kaguluhan at pagdurusa.
Ang misyon ng Espiritu Santo ay aliwin ang nobya ni Kristo sa hindi pagdalo ng nobyo. “Dadalangin ako sa Ama, at kayo ay bibigyan niya ng isang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman” (Juan 14:16). “Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo” (26)

Ang Patnubay ay nangangahulugan na “isang nagbibigay aliw sa sandali ng kirot at pagdadalamhati”—isang nagpapagaan ng kirot at kalungkutan, nagdadala ng ginhawa, lumilibang at nagpapalakas-loob. At gusto ko ang paliwanag na ito mula sa Griyego: “Isang nagpapahiga sa iyo sa maayos na higaan ng kaligtasan.” Sa panahon ng malamig, madilim na gabi ng iyong espiritu, inihihiga ka niya sa malambot na higaan, pinagiginhawa ka ng kanyang malambot na kamay.

Sa pagtawag sa Espirirut Santo ang Patnubay, gumawa si Hesus ng isang di-maaring magkamaling hula. Hinuhulaan niya ang kanyang mga tao ay magdurusa, at mangangailangan ng patnubay—na magkakaroon ng maraming kirot at pagdurusa sa kanyang mga tao sa mga huling araw.

Ang Espiritu Santo at may dalang kaaliwan sa pagpapaalala sa inyo na siya ay namumuhay sa inyo na dala ang lahat ng kapangyarihan ng Diyos na likas sa kanyang katauhan. At iyan ang dahilan kung bakit maari mong sabihin, “Dakila siya na nasa akin na higit pa sa lahat ng pinagsama-samang kapangyarihan sa sanlibutan—higit sa lahat ng kapangyarihan ng diyablo!” Ipinadala ng Diyos ang Espiritu para gamitin ang lahat ng kanyang kapangyarihan para mailayo ka niya sa paghawak ni Satanas—para iaangat ang iyong espiritu, ilayo ang lahat ng lumbay at bahain ang iyong espiritu ng pag-ibig ng Panginoon.

“Nagagalak tayo sa ating mga pagbabata sapagkat alam natin ito’y nagbubunga ng pagtitiyaga…Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin” (Roma 5:3,5).