Paano nagdala ng kaaliwan ang Banal na Espiritu kay Pablo sa panahon ng kanyang kawalan ng pag-asa? Ang mismong apostol ang nagsabi sa atin: “Ngunit ang mga nahahapis ay hindi pinababayaan ng Diyos; inaliw niya ako sa pagdating ni Tito” (2 Corinto 7:6). Si Tito ay dumating sa
Sa buong panahon ng aking ministeryo nakita ko ang mga lalaki at babae ng Diyos na dumating sa hangganan ng kanilang kakayanan, nawalan ng pag-asa at lubos na nalilito. Ako ay napighati sa kalagayan ng aking mga kapatirang ito sa kanilang kagipitan, nagtatanong sa Panginoon, “Ama, paano makaaahon ang mga lingkod mong ito sa balon ng pagdurusa? Nasaan ang kapangyarihan na makapagliligtas sa kanila? Ano ang maari kong sabihin o gawin upang makatulong sa kanila?”
Naniniwala ako na ang kasagutan ay nandito mismo, sa patotoo ni Pablo. Narito ang isang lalaki na lubos na napapagal na halos hindi na siya ito. Si Pablo ay nasa pinakamadilim na bahagi ng kanyang ministeryo, na walang ng pag-asa katulad ng dati pa. Gayunman sa loob ilang oras lamang, siya ay lubusang nakawala sa madilim na balong iyon at nagbubunyi sa kagalakan at kasiyahan. Muli pa, ang minamahal na apostol ay nakadama ng pag-ibig at pangangailangan sa kanya.
Paano nangyari ito? Una, tingnan natin kung ano ang nangyari sa Corinto. Nang dumating si Tito doon upang makipagkita sa mga pinuno ng iglesya, nakatanggap siya ng sariling maluwalhating kaaliwan. Isang pagkapukaw ang nangyayari sa iglesya sapagkat pinansin nila ang mga utos ni Pablo, at ngayon sila ay lubos na pinagpapala ng Diyos
Si Tito ay bumalik sa
Ang nakaaliw na salitang ito na dala ng isang minamahal na kapatid sa Panginoon ay, madaliang nagpaahon kay Pablo mula sa kanyang balon: “Ngunit ang mga nahahapis ay hindi pinababayan ng Diyos; inaliw niya ako sa pagdating ni Tito” (2 Corinto 7:6). Nakita mo ba ang halimbawa dito? Gumagamit ng tao ang Diyos upang aliwin ang tao. Hindi siya nagpadala ng anghel upang aliwin si Pablo. Ang kaaliwan na natanggap ng lalaking ito ay nanggaling sa kasariwaan ng espiritu ni Tito, na siyang nakapagpaaliw kay Pablo.