Lunes, Enero 30, 2012

WALANG MAMANAHIN

Binigyan tayo ni Pablo ng listahan noong mga hindi magmamana ng kaharian ng Diyos:

“Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos” (1 Corinto 6:9-10).

Idinagdag pa ng mga apostol: “Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo’y pinatawad na sa inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos. Pinawalang-sala na rin kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos” (Talata 11).

Paanong ang mga taong ito na iniligtas mula sa mga kahindik-hindik na mga kasalanan ay naging matuwid sa harapan ng Diyos? Ano ang nangyari sa kanila na sila ay hindi na makasalanan at sa halip ay tinanggap ng Diyos?

Una sa lahat, ang Diyos ay hindi nagbibigay ng galang sa tao. Hindi Siya namamangha sa mga titulo ng tao o sa mga parangal na makasanlibutan—kahit na sa isang hari, isang reyna, isang pangulo o pangunahing ministro. At pangalawa, ang Diyos ay hindi nabibighani sa anumang kabutihan na ginawa natin. Mahabang panalangin, pag-aayuno, pagbibigay ikapu, nag-aaral ng Salita, kagandahang-asal—wala isa man dito ay magagawa tayong matuwid o katanggap-tanggap sa Diyos. Maging ang ating “mabuting” laman—mabuting asal, pananalita, isipan at gawa—ay isa lamang alingasaw sa Kanyang pang-amoy kung gagamitin na dahilan para sa sarili nating pagmamatwid,

Nang si Jesus ay umakyat sa krus, ipinako Niya ang ating “dating pagkatao” ng laman. Iisa na lamang Lalaki ang natira, nag-Iisa na siya lamang haharapin ng Diyos—at Siya ang Kanyang Anak. Nang tinapos na ni Jesus ang Kanyang gawain sa lupa at naupo sa kanang kamay ng Ama, sinabi ng Diyos, “Mula ngayon isa na lamang ang aking kinikilalang Lalaki, isa na lamang makatuwiran. Ang sino mang lalapit sa Akin ay kinakailangang dadaan muna sa pamamagitan Niya—ang Aking Anak. Ang lahat na magiging matuwid ay kailangang tanggapin ang Kanyang
pagiging matuwid at wala nang iba!”

Tinanggap tayo sa mata ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo at sa Kanyang ginawa: “Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak” (Efeso 1:6).

Nakita mo ba kung gaano kahalaga ang manahan kay Jesus, ang dagliang paglapit sa Kanya sa tuwinang tayo ay mabibigo? Kailangang matutunan ninyong lumapit saa Kanya, tumatangis, “Jesus, binigo kita! Hindi ko na kaya ito. Anuman ang gawin ko, hindi ako maaring kilalanin sa harap ng Ama, maliban sa lumapit ako sa Kanya sa pamamagitan Mo!”