Miyerkules, Enero 4, 2012

NASISIYAHAN KAY JESUS

Sapat na kay Jesus na makuha niya ang inyong puso. Siya lamang ang dapat na kasiyahan ng inyong puso! Gayunman, maraming mananampalataya na hindi pa sapat na nasisiyahan kay Jesus. Palagi silang aangat at babagsak ayon sa kanilang kalagayan.

Hindi ito ang nababagay na babaing pakakasalan ng Nobyo. Hindi, isang natatanging kagandahan ang dapat na makaganyak sa Kanyang mapapangasawa para lamang makaakit sa Kanya: “Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin; siya’y iyong Panginoon, marapat na iyong sundin” (Awit 45:11). Ngunit ano ang kagandahang ito?

Maaring naawit mo na ang kagandahan ng kabanalan: “Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan; sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan” (Awit 29:2). Ang ganitong kagandahan ang nakabighani sa mga mata ng Diyos; ito ang nakikita ni Jesus sa atin na nakabibighani sa Kanya.

Sinabi ng Espiritu Santo sa pakakasalan ni Crsito, “Kung tatalikuran mo ang lahat, kalilimutan ang lahat at gayakan ang sarili mo para sa Kanya lamang, kung magkaganoon ay nanaisin niya ang iyong kagandahan!” Ito ay nangangahulugan na walang trabaho, walang tao, walang pakikipag-ugnayan ang maaring humadlang sa pagitan ninyo!

Narinig ko ang isang asawang makadiyos na nagsabi, “Kapag ang asawa ay lalong nagiging makadiyos, lalo akong nabibighani sa kanya.” Ang katotohanan, iyan ang tinutukoy sa makadiyos na kasalan. At, kahalintulad, kapag lalo mong ibinibigay ang buong debosyon mo sa Panginoon, ay lalo kang nagiging kaakit-akit at napakaganda para sa kanya.

“Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin…” (Awit 45:11). Isang kamangha-manghang isipin: Hindi makukuhang lumayo ni Jesus sa iyo! Sa katunayan, ang kahulugang Griyego ng kagandahan dito ay nangangahulugan ng matibay at matatag na pananabik at pagnanais. Sa ibang salita, si Jesus ay lalapit ng ganap sa iyo—may nakapananaig na pananabik sa iyo!

Nakapagkasal na ako ng marami sa aking buhay. At walang nobyo na hindi ngumiti nang may kasiyahan sa kanyang nobya, iniisip, “Siya’y akin lamang!” Minamahal, iyan ang kagandahan na tinutukoy ko. Ang ating Nobyo ay nagbubunyi, sinasabi tungkol sa kanyang nobya, “Ako ang natatangi sa kanyang mga paningin. Mas gugustuhin niyang ubusin ang panahon niyang kasama ako kaysa sa iba. At iyan ang nakapagpapaganda sa kanya para sa Akin!”

Sa katunayan, ang nobya ni Cristo ay may pang-loob na kagandahan na lalong nakapagpapaganda sa kanyang panglabas na anyo. Siya ay “…Ang prinsesa sa palasyo’y pagmasdan mo’t anong ganda” (Awit 45:13), sapagkat siya ay deboto sa kanyang Nobyo. Alam niya nang walang anumang pagdududa, “Siya ay akin lamang—deboto sa akin lamang! sinasamba niya ako at nagpapahinuhod sa akin. Ako lamang ang nag-iisa sa kanyang buhay, ang natatanging nag-iisa sa kanyang atensyon. Nagbibigay siya ng panahon para sa Akin, at higit na nasisiyahan sa aking presensiya, at nagnanais na makasama ako ng palagian.” Anong gandang debosyon.