Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

ANG ULAN SA MGA HULING ARAW

“At sa araw na iyon, mawawasak ang alinmang bansang mangangahas sumakop sa Jerusalem. Ang lahi ni David at ang mga taga Jerusalem ay gagawin kong mahabagin at mapanalanginin. Sa gayon, kapag pinagmasdan nila ang kanilang sinaksak ng sibat ay tatangisan nila itong parang kaisa-isang anak o anak na panganay.

Ang hulang ito mula sa aklat ng Zacarias ay tungkol sa isang espesyal na pagbubuhos ng Espiritu Santo na magaganap sa mga huling araw. Ang kahalintulad na pagbubuhos ay isinalarawan sa Joel 2, na aking pinaniniwalaan na naganap sa Pentekostes. ang talatang iyon ay mababasa na: “Magaganap pagkatapos na aking ibubuhos ang Aking Espiritu sa lahat; ang inyong mga anak ay manghuhula, ang matatanda ay mananaginip, ang inyong mga kabataan ay makakakita ng mga pangitain; at maging sa aking mga katulong ay ibubuhos ko ang Aking Espiritu sa mga araw na iyon” (Joel 2:27-29)

Ganito mismo ang naganap sa araw ng Penekostes! Ang Espiritu Santo ay dumating na parang baha na katulad ng espiritu ng propesiya sa Itaas na Silid sa Jerusalem.

Ang dakilang pagbubuhos ay naging isang patuloy na pagdidilig ng Espiritu Santo na nagtuloy tuloy sa kabuuan ng isandaang taon. Sa halos 2,000 taon ang Diyos ay nagbuhos ng kanyang Espiritu na katulad ng ulan para sa kanyang mga tao, araw-araw na dinidilig ang kanyang iglesya at pinangangalagaan ito. Ito ay binanggit ni Isaias bilang: “Akong si Yahweh ang nag-aalaga ng ubasang ito na dinidilig bawat sandali, at binabantayan ko araw at gabi upang walang manira” (Isaias 27:2-3).

Ang dalawang pagbubuhos ng Espiritu ay binanggit na bilang unang ulan at ang huli: “Kaya nga, kung susundin lamang ninyo ang utos ko sa inyo ngayon: Ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh at paglingkuran nang buong puso’t kaluluwa, sa tamang panahon ay pauulanin niya sa lupaing iyon, at magiging sagana kayo sa pagkain, inumin at langis” (Deotoronomo 11:13-14).

Ang panahon ng pagtatanim at pag-aani sa Israel ay kabaligtaran ng sa atin. Ang unang ulan, na nagpapalambot sa lupa, ay mula Oktubre hanggang sa katapusan ng Disyembre, bago pa sa panahon ng pagtatanim. Ang huling ulan ay para hinugin ang pag-aani at bumabagsak mula Marso hanggang Abril, bago mag-ani.

Ito ay mahalagang itala na ang dalawang pagbubuhos na ito ay laging may kinalaman sa pag-aani. Ang gawain ng Espiritu ay palaging nakatuon sa pag-ani ng mga kaluluwa!

Martes, Nobyembre 29, 2011

ANG UGAT NG TAKOT

“Alisin mo ang kasalanan sa iyong mga kamay, linisin mo sa kasamaan ang iyong tahanan. At taas noo kang haharap sa sanlibutan, matatag ang loob, walang kinatatakutan” (Job 11:15-15).

Ang lahat ng takot ay mababakas
Sa isang dungis
Ng kasalanan at lihim na kasalanan
Na kinakanlong sa puso ng isang tao.
Nasa kamay niya ang kapangyarihan
Para alisin ito,
Hinahamak ang kayamanan ng biyaya ng Diyos,
Ang…pagtitiis at paghihirap,
Nagpapatuloy siya sa kanyang makasalanang pamumuhay,
Hinahayaan sa kanyang sariling buhay
Ang kanyang kinokondena sa iba,
Ginagawang batas sa kanyang sarili.
Hinahanap niya na maging itinatangi ng Diyos
Para makatakas sa poot at hapis.
Ngunit ang Diyos ay hindi namimili ng tao,
Humuhusga sa lahat ng pantay-pantay,
Ipinangangako ang kaluwalhatian, karangalan at kapayapaan
Para doon sa mga nagwawaksi ng mga kasamaan,
At pagkatapos ay taas noong haharap na walang dungis.
Siya ay magiging matatag
At walang katatakutan,
At doon lamang sa kasalanan
Ang tao ay matatakot.

Lunes, Nobyembre 28, 2011

ANG MAKILALA ANG TINIG NG PANGINOON

Dahilan sa pagiging makasalanan ng pagkasaserdote at ng mga tao, ang Diyos ay hindi nakikipa-usap sa Israel. Sinabi ng Bibliya, “Nang panahong iyon, bihira nang magpahayag si Yahweh at bihira na rin ang mga pangitaing galing sa kanya” (1 Samuel 3:1). Gayunman, sa kalagitnaan ng taggutom sa Salita, ang Panginoon ay nagpakita sa batang si Samuel: “Siya’y tinawag ni Yahweh, ‘Samuel, Samuel’.. ‘narito po ako,’ sagot niya. Hindi pa kilala noon ni Samuel si Yahweh sapagkat hinid pa ito nagpahayag sa kanya” (3:4,7).

Si Samuel ay labindalawang taong gulang lamang noon at kahit na siya ay isang banal na bata, hindi pa niya kilala ang tinig ng Panginoon. Kaya ang Diyos ay lumapit sa higaan ni Samuel at tinawag siya na naririnig niya. Noong una ang akala niya ay si Eli ang nagsasalita; hindi niya alam na siya ay sinasanay na makilala ang mga tinig—para deretsuhang makarinig mula sa Diyos!

Ang Diyos ay hindi nakikipag-usap sa saserdoteng si Eli, na lumaking bingi sa tinig Niya! Ang katotohanan, mistulang isang propeta lamang ang nakakarinig mula sa Diyos—isang hindi kilalang lalaki na nagbabala kay Eli na siya ay iiwan na ng Diyos (1 Samuel 2:27-36).

Ang makarinig mula sa Diyos ay nangangailangan ng higit pa sa tahimik na pag-iisa. Nangangailangan ito ng higit pa sa simpleng pagsasabi ng, “Mangusap ka Panginoon, para marinig ka ng iyong lingkod!” Hindi, walang anumang pamamaraan para marinig ang Diyos; walang sampung hakbang na susundin. Bago mo marinig ang Diyos, kailangang siya muna ang mangungusap sa iyo—at nakikipag-usap siya doon sa mga inihanda ang kanilang mga puso para makarinig!

Si Samuel ay walang malalim na teolohiyang pagkakakilala sa Diyos noong unang nakipag-usap ang Diyos sa kanya. Ngunit siya ay mayroong magiliw, dalisay, debotong puso na bukas para sa Panginoon. Kaya, ano sa palagay ninyo ang unang itinuro ng Diyos kay Samuel pagkatapos na makipag-usap sa kanya?

Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Hindi magtatagal at may gagawin akong kakila-kilabot na bagay sa Israel. Lahat ng makakabalita nito’y mabibigla. Pagdating ng araw na iyon, gagawin ko ang lahat ng sinabi ko laban sa sambahayan ni Eli, mula sa umpisa hanggang sa katapusan. Sabihin mo sa kanya na habang panahon kong paparusahan ang kanyang sambahayan sapagkat hinayaan niyang lapastanganin ako ng kanyang mga anak. Ni hindi man lamang niya pinahinto ang mga ito. Dahil dito, isinusumpa kong hindi mapapawi ng anumang handog ang kalapastanganang ginawa ng sambahayan ni Eli” (tingnan 1 Samuel 3:11-14).

Hindi nakapagtataka na sinabi ng Bibliya na sinabi ni Samuel ang mga salitang iyon—narinig niya ang tinig ng Panginoon, gumugol siya ng panahon na nakatuon sa Kanya, nananalangin, hinahanap siya, at maliwanag na kinausap siya ng Diyos sa lahat ng sandali.

Mayroong mga tao ngayon na sinanay na makilala ang tinig ng Diyos. Ang mananalanging banal na ito ay ibinuhos ang kanilang puso sa Kanya—at bilang kapalit ay ibinuhos Niya rin ang sarili niya!

Biyernes, Nobyembre 25, 2011

ANG PAGSILANG NG MGA BANAL NA NATITIRA

Ang propetang si Samuel ay isang halimbawa ng isang banal na natitira sa mga huling araw—isang inihandang samahan ng mga mananampalataya na nanggaling mula sa mga naguhong lumang tiwaling iglesya.

Si Ana, ang ina ni Samuel, ay ipinanganak ang kanyang anak na lalaki sa pamamagitan ng mga mapapait na luha at maraming panalangin. “Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin kay Yahweh” (1 Samuel 1:10).

Subukin ninyong isipin ang eksenang ito: Si Ana ay nasa templo araw-araw, nakaluhod sa harap ng altar na bigo sapagkat siya ay hindi magkaanak. Habang siya ay umiiyak, ang kanyang kalaban—ang ibang asawa ng kanyang asawa—ay pinagtatawanan siya. “Si Ana ay palaging kinukutya ni Penina dahil hindi niloob ni Yahweh na magkaroon siya ng anak” (1 Samuel 1:6).

Narito ang tatlong mahahalagang bagay na nais kong tukuyin mula sa talatang ito:

· Una, ang natira na kinakatawan ni Samuel ay ipinanganak sa pighati at pagpapamagitan.

· Pangalawa, yaong mga nanalangin at nagdalamhati galing sa puso ng Diyos ay kinukutya ng mga kalaban.

· At pangatlo, ang mga natira para sa Diyos ay palaging hindi mauunawaan!

Itala kung ano ang nangyari kay Ana habang siya ay nananalangin: “Habang nananalangin si Ana, ang bibig niya’y pinagmamasdan ni Eli. Gumagalaw ang kanyang mga labi ngunit hindi naririnig ang kanyang tinig sapagkat siya’y nananalangin lamang sa sarili. Dahil dito, inakala ni Eli na siya’y lasing. Kaya, lumapit ito at sinabi sa kanya, ‘Tama na ‘yang paglalasing mo! Tigilan mo na ang pag-inom ng alak at magpakatino ka na” (1 Samuel 1:12-14).

Nang si Ana ay nananalangin, siya ay punong-puno ng pighati, mabigat ang dalahin sa pagsilang ng isang anak na lalaki. Ang lahat lamang na nagagawa niya ay igalaw ang kanyang mga labi dahil sa kanyang pagdaing sa Espiritu. Ganito ang panalangin niya: “Yahweh, Diyos na makapangyarihan sa lahat, kung pakikinggan ninyo ang inyong abang lingkod at inyo pong kahahabagan, kung hindi ninyo ako pababayaan, sa halip ay pagkakalooban ng isang anak na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo at habang buhay na siya’y nakalaan sa inyo” (1 Smuel 1:11).

Narito ang dalawang mahalagang palatandaan ng mga banal na natira para sa Diyos:

· Nanalangin sila na katuld ni Ana. Ang kanilang mga dalahin ay malalim at ang kanilang mga puso ay hinalo dahilan sa mga kasalanan sa templo ng Diyos.

· Katulad ni Ana, ipinagkaloob nila ang kanilang mga sarili sa pananalangin araw-araw ng kanilang buhay.

Nais ng Diyos na gawin kayong katulad nila. Nais niyang mahipo ninyo siya at makarinig mula sa kanya. Nais niya na bigyan kayo ng ministeryo na para sa iba na lalapit sa inyo dala ang kanilang mga dalahin at mga pagsubok. At habang ipinapanalangin ninyo sila, ang kanyang Salita ay darating!

Huwebes, Nobyembre 24, 2011

ANG MAKAPANGYARIHANG HUKBO NG DIYOS

Mayroong napaka makapangyarihan at kahanga-hangang bagay na nangyayari sa sanlibutan ngayon—bagay na hindi abot ng pag-iisip ng tao—bagay na makakaapekto sa buong sanlibutan sa mga huling araw na ito.

Ang Diyos ay naghahanda ng maliit ngunit makapangyarihang hukbo , na pinaka-tapat na kawal sa balat ng lupa. Darating ang Panginoon para pamunuan sila para sa gawaing kabayanihan: kanya nang isasara ang kasalukuyang panahaon na may dalisay, dedikado, at walang takot na mga matitira.

Sa buong buhay ko ay nakarinig ako ng mga kuwento tungkol sa ating mga makadiyos na ninuno na muhi sa kasalanan. Ang mga lalaki at babaing ito ay kilala ang tinig ng Diyos at gumugol ng mga oras, maging ng mga araw, sa pag-aayuno at pananalangin. Sila ay nanalangin ng walang humpay at may kapangyarihan at kakayahan na matagumpay na manindigan laban sa imoralidad sa kanilang panahon.

Ang mga ninunong ito ay matagal nang nakalipas. Ngunit ang Diyos ay kasalukuyang nasa paghahanda ng bagong hukbo at sa pagkakataong ito ang kanyang mga mandirigma ay hindi bubuuin lamang ng mga matatanda, mapuputi na ang buhok na mga ama at ina ng Zion. Ang bagong hukbong ito ay bubuuin ng bago at makaranasang mga mananampalataya, magkasamang matatanda at mga kabataan, mga pangkaraniwang mga Kristiyano na nakakapit sa Diyos! Isang bagong kaharian ng ministeryo ay malapit nang mangyari!

Ang ibat-ibang pamamaraan ng iglesya ay nagmimistula nang pauwi sa kamatayan. Wala na halos itong impluwensiya sa karnal na sanlibutan, walang kapangyarihang galing kay Cristo. Ang ilan ay inaakusahan akong masyadong “mahigpit” sa mga pastor. Ngunit nadama ko ang pighati ng maraming mga makadiyos na mga pastor para sa mga muling nagkakasala sa mga ministeryo sa ngayon. Mayroon na lamang ilang natitirang makadiyos na mga pastor sa kalupaan, at nagpapasalamat ako sa Diyos para bawat isa sa kanila. Gayunman, hindi maikakaila na higit na marami pang mga ministro ay nag-uunahan sa daan ng pakikipagkompromiso.

Nagbabala ang Bibliya na hindi tayo dapat na magtampo! Mayroong plano ang Diyos at ito ay inihahayag na. Ito ay maliwanag na inilagay sa Kasulatan, karamihan nito ay nasa unang apat na kabanata ng Unang Samuel.

Ang propetang si Samuel ay isang halimbawa ng itinira ng Diyos sa mga huling araw. Siya ay pinili ng Diyos maging sa gitna ng mahirap na panahon at itinago siya sa pagsasanay hanggang ito ay panahon na ilabas ang bagong bagay na sa Diyos. Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hindi magtatagal at may gagawin akong kakila-kilabot na bagay sa Israel. Lahat ng makakabalita nito’y mabibigla” (1 Samuel 3:11). Ano ang makakabigla at makakagulat sa lahat ng makakarinig nito? Ito ay paghuhukom ng Diyos sa makakasalanang pamamaraan ng relihiyon at ang pagbubuo, pagsasanay at pagpapapahid ng bago, banal na natitira!

Ano ang ginawa ng Diyos sa panahon ni Samuel, ay ginawa niya sa bawat salinlahi. Ang katotohanan, sa bawat salinlahi ay mayroong natitirang, mananalanging mga tao na galing sa kanyang puso.

Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

ANG TAO’Y HINDI LAMANG SA TINAPAY NABUBUHAY

Kung iniisip mo na ikaw ay isa lamang pangkaraniwang nilalang para gamitin ng Diyos, makinig na mabuti: Hindi gagawin ng Diyos ang kanyang gawain sa mga huling araw sa pamamagitan ng mga naglalakihang pangalan ng mga ebangheliko o mga pastor. Maging sila ay kayang gampanan ang dakilang pagkilos ng Espiritu ng Diyos! Ang katotohanan ay, kakailanganin ng Diyos ang bawat maybahay, kabataan, matatanda at lahat ng umiibig sa kanya para gampanan ang kanyang dakilang gawain. Ang hukbong ito ng mga huling araw ay bubuuin ng mga Kristiyano na inihiwalay mula sa nabubuhay sa tinapay lamang. hayaan ninyong ipaliwanag ko.

Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Moises: “Ang tao’y hindi lamang sa tinapay nabubuhay kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ni Yahweh” (Deutoronomo 8:3).

Ang tinapay ay kumakatawan sa lahat ng likas, materyal na bagay na kinakailangan sa buhay na ito—pagkain, tirahan, damit, trabaho, suweldo. Ang tinapay ay kumakatawan sa ikinabubuhay—yaong mga bagay na ating kinakailangan na hindi naman masama. Ganoon pa man, maraming Kristiyano ay nabubuhay lamang sa mga bagay na kailangan ng buhay na ito—nabubuhay sa tinapay lamang!

Tinuruan tayo ni Jesus na manalangin, “Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw” (Mateo 6:11). Ngunit una niyang sinabi na kailangan nating ipanalangin, “Nawa’y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit” (t. 10). Kailangan muna nating ituon ang ating sarili sa mga bagay na sa Diyos—manalangin na sundin nawa ang kanyang kalooban!

Ano ang mga bagay na iniisip ng higit pa sa anumang bagay nitong nakalipas na anim na buwan? Ano ang umuubos ng iyong panahon at pananalangin? Ito ba ay tungkol lamang sa mga materyal na bagay—mga pansariling pangangailangan?

Kung magtutuon ka lamang sa tinapay, kung ganoon ay wala kang tunay na buhay! Nabubuhay ka sa ilang, na katulad ng anak ng Israel. Bumabangon sila araw-araw at lahat ay nagmamadali para sa tinapay lamang—sa kanilang mga pansariling mga pangangailangan—araw-araw sa loob ng apatnapung taon!

Mga minamahal, ang tawag diyan ay kaungasan—gawaing hamak! Hindi hinangad ng Diyos para sa kanyang mga anak na mamuhay na katulad noon. Sa halip, sinabi niya sa mga taga Israel sa pamamagitan ni Moises, “Kailangang mabuhay kayo sa pamamagitan ng bawat salita na nangagaling sa aking bibig! Sinabi ko na ibibigay ko ang inyong mga pagangailangan, ngunit hindi kayo titigil mula doon. Magpatuloy kayo! Sinabi ko sa inyo na may lupain na sagana sa lahat, na may mga ilog, mga puno, kagubatan, maaliwalas at malawak na pastulan—at hangad ko ang lugar na iyan para sa inyo!”

Ang Diyos ay magbubuo ng mga tao na nakatuon sa kanyang kalooban para dito sa nalalapit na hatinggabi! Pagod na silang mamuhay sa ilang para lamang mabuhay. Ang lahat lamang na gusto nila ay ang malaman at gawin ang kalooban ng Diyos. Ang bawat kasama sa hukbong ito ng mga huling araw ay maging handa at nakahanda ang kanilang mga puso—sapagkat ang Diyos ay naghahanda nang pakawalan ang kanyang dakila at huling pagbubuhos!

Martes, Nobyembre 22, 2011

ANG DIYOS AY KASAMA

“Ang nagsasabing ‘Iniibig ko ang Diyos,’ subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? Ito ang utos ng na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid” (1 Juan 4:20-21).

Huwag basta maniwala kung ano ang sinasabi ng isang tao tungkol sa pag-ibig,

Kung itiniwalag niya ang kanyang sarili mula sa kanyang kapatid

Sa anumang kulay o lahi,

Sapagkat dapat ay walang takot sa pag-ibig.

Ang dalisay na pag-ibig ay itinatapon ang lahat ng takot

Sapagkat ang takot ay may pagdurusa

Paanong masasabi ng sinuman na iniibig niya ang Diyos

At naniniwala sa pagkakapantay-pantay,

Samantalang kasabay nito ay siya ay nagdurusa

Sa pamamagitan ng takot sa kapatid

Na nakikita niya,

Paano niya maiibig ang Diyos

Na hindi nakikita?

Inutusan ng Diyos ang lahat na nasa lahat ng dako

Na ibigin ang kanyang kapatid

Na katulad ng pag-ibig ng Diyos sa kanya—

Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Lunes, Nobyembre 21, 2011

ANG MALAMAN ANG ISIPAN AT KALOOBAN NG PANGINOON

“Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad” (Awit 10:17).

Sa talatang ito ipinakita ni David ang isang payak, tatlong pamamaraan para malaman ang isipan at kalooban ng Panginoon para sa inyong buhay:

  1. Humingi sa kanya (manalangin)
  2. Ihanda ang inyong mga puso na marinig ang kanyang tinig
  3. Hahayaan niyang malaman ninyo—ang Espiritu Santo ay mangungusap sa inyo

Sa nalalapit na panahon, ibubuhos ng Diyos ang kanyang maluwalhating kopa ng pinakadakilang sukatan ng kanyang Espiritu na hindi pa nakikita ng sanlibutan. Ang makapangyarihang kasiguruhan ay darating sa inyong mga kapitbahay, ka trabaho at mga hindi pa ligtas na kapamilya.

Maraming tao sa maraming dako ay masasaktan at tatalikod sila mula sa kanilang mga patay na iglesya para hanapin yaong mga naglalakad kasama ang Diyos. Magiging desperado sila na maghanap ng mga tao na ang mga puso ay nakahanda na!

Ang Diyos ay gagamit ng daang libong mga pangakaraniwang mga lingkod para sa kanyang gawain sa mga huling araw na tao-taong ministeryo. Kaya itatanong ko sa inyo: inihahanda na ba ninyo ang inyong mga puso ngayon para sa kanyang gawain na dapat maganap, sa inyo at sa pamamagitan mo?

Mangumpisal sa Diyos ngayon: “O, Panginoon nais kong magkaroon ng silbi ng buhay ko! Alam ko na sa mga sandaling ito ako ay nabubuhay sa tinapay lamang—sa ilang ng kawalan ng pag-asa. Ngunit nais kong mabuhay!”

Sumisid sa kanyang Salita. Pag-aralang hanapin siya araw-araw. Mayroon rebolusyonaryong kapangayarihan sa paghahanda ng inyong mga puso! Sa pamamagitan nitong paghahandang ito na ang kahulugan at kapunuan ay darating sa inyong mga buhay. Ang inyong mga damdamin at pagkatao ay magbabago at ang kapangyarihan ay aalpasan sa inyo!

Kapag nakita ng Diyos na kayo ay handa na, pagkakalooban niya kayo ng mga dalisay na kapanahunan para gampanan ang kanyang gawain. Ni hindi mo na kailangan na umalis ng inyong tahanan. Ipagkakaloob mismo ng Diyos ang inyong mga pangangailangan sa inyong pintuan!

Ang makapangyarihang Diyos ay inihahanda ang kanyang mga tao sa mga sandaling ito para sa isang malaking gawain.

“Siya ay lalabas, parang mandirigma na handang lumaban, siya ay sisigaw bilang hudyat ng pagsalakay , at ang kapangyarihan niya’y ipapakita sa mga kaaway” (Isaias 42:13).

Ihanda ang inyong mga puso para harapin siya! Maging handa sa paglilingkod, dala ang kasangkapan para sa kanyang mga huling araw na makapangyarihang pagbubuhos, at ang kanyang kaluwalhatian ay mabubuhay sa inyo dito sa mga huling araw na ito!

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

HIGIT PA SA PANGANGARAL AT PAGTUTURO

Naniniwala ako na ang Magandang Balita ay dapat na may kasamang kapangyarihan at pagpapakita ng Espiritu Santo—na gumagawa ng mga makapangyarihang himala, nagpapatunay na ang Magandang Balita ay totoo!

Malakas ang loob na sinabi ni Pablo, “Sa aking pananalita at pangangaral ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu” (1 Corinto 2:4). Ang Griyego dito ay nangangahulugan na “may patunay.” Sinasabi ni Pablo, “Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at ng iba’t ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban” (Hebreo 2:4). Sinabi na pinatunayan ng Diyos ang mensahe ni Pablo sa pamamagitan ng mga himala at kababalaghan: “And Diyos ay nagpatunay din sa pamamagitan ng mga himala at kababalaghan, na may iba’t ibang himala, at mga handog ng Espiritu Santo, ayon sa kanyang sariling kalooban.”

Ang mananampalataya ng bagong Tipan ay may isang panalangin: “Iunat ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa pangalan ng inyong banal na lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga himala” (Gawa 4:30). Ang mga alagad na ito ay humayo sa iba’t ibang dako para ipangaral ang Magandang Balita.

“Dahil sa maraming himala at kababalaghang nagagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang takot” (Gawa 2:43). “Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao… Samantala, parami ng parami ang mga lalaki at babaing nananalig sa Panginoon” (Gawa 5:12, 14). Narito ang isa sa pinaka pangwakas sa lahat ng mga talata—pagpapatunay na ang ganap na naipangaral na Magandang Balita ay kailangang may kasamang mga himala at mga kababalaghan: “Nanatili roon ng matagal si Pablo at Bernabe, at buong tapang silang nangaral tungkol sa Panginoon. Pinatutunayan naman ng Panginoon na totoo ang pangangaral nila tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang gumawa ng mga himala” (Gawa 14:3). Ang talatang ito ay nagsasabi na ang mga apostol ay nangaral ng buong tapang ng matagal, nangaral ng biyaya at pagsisisi, at nagkaloob ang Diyos ng mga himala at mga kababalaghan na gawa ng mga kamay nila.

Ang mga huling araw na iglesya ng Diyos ay humayo “Sumunod nga at nangaral ang mga alagad sa lahat ng dako.tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatunayan niyang totoo ang kanilang ipinapangaral sa pamamagitan ng mga himala sa ipinagkaloob niya sa kanila” (Marcos 16:20). Ito ang inihahanda ng Panginoon para sa atin.

Ang mga himala sa mga huling araw na iglesyang ito magiging dalisay, hindi pagdududahan, di maikakaila, gayunman ang mga ito ay hindi magiging tanyag. Sa halip, ito ay ihahayag mula sa kamay ng mga pangkaraniwan, banal, nakahiwalay na mga banal na kilala ang Diyos at malapit kay Jesus.

Ang mga mananampalatayang ito ay magmumula sa lihim na silid ng panalanginan—isang maliit, nakahandang hukbo na puno ng pananampalataya, na walang ibang ninanais kundi sundin ang kalooban ng Diyos at luwalhatiin siya. Sila ay mga walang takot at makapangyarihan sa pananalangin. Gigisingin nila ang buong bansa para sa Magandaang Balita at patutunayan ng Diyos ang mga salita nila sa pamamagitan ng kanilang makapangyarihang gawa!

Huwebes, Nobyembre 17, 2011

ANG “GANAP NA IPINANGARAL” NA MAGANDANG BALITA

Sinabi ni apostol Pablo sa kanyang salinlahi: “Ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo” (Roma 15:19). At isinalarawan nya ang “ganap na ipinangaral” na Magandang Balita bilang isa na higit pa sa mga salita. Ito ay Magandang Balita ng salita at gawa! “Wala akong pinangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa pamamagitan ko, sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa” (t. 18).

Sinasabi ni Pablo, “Ang mga Hentil ay humarap kay Cristo hindi ng dahilan lamang sa aking pangangaral, kundi dahilan sa ang aking mga salita ay may kasamang mga mapaghimalang gawain!”

“Sa tulong ng mga himala at mga kababalaghan, at sa pamamagitaan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos, kaya’t mula sa Jerusalaem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo” (t.19).

Kung si Pablo ay nangaral na walang kasamang himala at kababalaghan na kasunod, ang kanyang mensahe ay hindi magkakaroon ng diin. Hindi ito magiging Magandang Balita na ganap na ipinangaral! Sinabi niya sa mga taga Corinto, “Buong tiyaga kong pinatotohanan sa inyo na ako’y isang tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala at iba pang mga kamangha-manghang bagay” (2 Corinto 12:12).

Pansinin ang mga salita ni Pablo sa talatang ito: himala, kababalaghan, mga kamangha-manghang bagay. Maraming kristiyano ngayon ay nagpapakababa kapag narinig nila ang mga salitang ito! Sapagkat ang mga salitang ito ay ginawang karimarimarim ng mga tiwali, mga gutom sa kapangyarihan na mga mangangaral at guro! Ang pinakamalaking trahedya ay ang mga ganitong pag-aakay sa masama ay nagdulot sa mga may takot sa Diyos na mga pastor, mga ebanghelista at mga taong iglesya na tumalikod mula sa katotohanan ng isang ganap na ipinapangaral sa Magandang Balita.

Mga minamahal, ang Diyos ay nananatiling Diyos—at siya ay makapangyarihan sa paggawa ng himala at kababalaghan! Siya pa rin ang ating tagapagpagaling at nais niyang ipakita ang sarili niya na malakas para doon sa mga nananalig sa Kanya! Ang mga kadakilaang higit pa sa kaya ng taong mga gawain ay naganap sa iglesya ng Bagong Tipan na hindi nag-akay sa masama—na hindi ipinamalita, pagpapakitang gilas o sino mang tao na umaangkin ng lahat ng lakas at kapangyarihan. Ang ministeryo ni Pablo ay isang halimbawa:

Sa Troas, habang si Pablo ay nangangaral ng mahabang mensahe, isang kabataan ay nakatulog habang nakaupo sa pasilyo ng bintana at nahulog sa lupa mula sa ikatlong palapag. Sinabi ng Bibliya na kinuha ang kabataan na “patay na” (tingnan ang Gawa 20:9-12).

Nang dumating si Pablo kung nasaan ang bata, pinatahimik niya ang lahat. Pagkatapos ay, na katulad ng ginawa ni Elijah, itinuwid niya ang sarili niya sa ibabaw ng patay na bata at bigla na lamang nabuhay ang bata. Ang bata ay muling nabuhay—ipinanumbalik mula sa pagkamatay! Isang makapangyarihang himala!

Pagkatapos mangyari ito, hindi ipinasabi ni Pablo ang balita na may naganap na himala. Hindi, hindi ganoon ang nagyari. Ang bawat isa ay simple lamang na nagbalikan sa ikatlong palapag, nag komunyon, at si Pablo ay nagpatuloy sa pangangaral. Hindi na muling binanggit sa Kasulatan ang tungkol sa bata. Bakit? Sapagkat inaasahan na ng iglesya na maganap ang mga gawaing higit pa sa kaya ng tao! Nangaral sila ng buong Magandang Balita—na may kasunod na himala at kababalaghan!

Miyerkules, Nobyembre 16, 2011

ANG IGLESYA SA MGA HULING ARAW

Naniniwala ako na ang pangitain ng Diyos para sa kanyang mga huling araw na iglesya ay nakabatay sa kanyang ipinahayag na Salita—sapagkat maliwanag na ipinaliwanag ng Bibliya kung ano ang magiging iglesya ni Jesu-Cristo bago pa siya bumalik.

Ang iglesya sa Amerika ay malayo sa nakikita ng Diyos. Sa maraming bahagi, ang buong denominasyon ngayon ay nagsasagawa na wala ang Espiritu Santo. Sila ay salat sa presensiya ni Jesus at walang anumang handog na espirituwal. Sila ay nagsasagawa ng isang pinarisang relihiyon na walang kapangyarihan, pananagutan o mensaheng nakapagliligtas. Sila ay nagiginhawan sa sanlibutan at may pagka politikal sa halip na espirituwal. Sila ay pumapayapa sa kasalanan, balewala lamang ang paghihiwalay at tinutuya ang higit sa kakayanan, habang ipinagsasantabi lamang ang katuruan tungkol sa langit, impiyerno, pagsisisi at paghuhukom.

Ang iglesya sa Bagong Tipan ay pinanginginig ang diyablo! Itinutulak nito ang kampon ng mga demonyo sa pinakamalalim na bahagi, nanalangin na bumukas ang mga pintuan ng bilangguan, at ginawang ang mga namumuno ay nanginginig sa takot. Yaong mga naunang mga mananampalataya ay mayroong ganoong pananampalataya at kapangyarihan na kayang patayuin ang mga lumpo at gawin ang mga pulubi na maging mga mangangaral. Naniniwala sila sa higit na kakayanan ng tao at binuksan nila ang paningin ng mga bulag, nakarinig ang mga bingi at napagaling ang lahat na anumang uri ng sakit. Maging ang mga patay ay binuhay nila.

Hindi ko sinasabi na ang mga huling araw na iglesya ng Diyos ay mauulit o gagayahin ang iglesya sa unang siglo. Hindi—sinasabi ko na ito ay magiging higit pa doon! Ang mga ito ay higit pang magiging makapangyarihan, mas malakas, na may higit pang pagpapahayag ni Jesus. Ito ay magkakaroon ng mas higit pang pagpapahid ng langis mula sa Espiritu Santo kaysa noon—higit pa sa Pentekostes! Inihahanda ng Diyos ang kanyang pinakamasarap na alak sa huli!

Tiniyak nang propetang si Daniel ang mga bagay na ito. Sinabi niya mayroong mga hinulaang katotohanan ay nakatago, na ipapahayag lamang sa mga huling araw: “Ang kahulugan nito’y mananatiling lihim hanggang dumating ang wakas…at wala isa man sa kanila ang makakaunawa sa mga bagay na mauunawaan ng marurunong” Daniel 12:9-10).

Ngayon ang Espiritu Santo ay nagpapahayag ng mga bagay na ito sa mga espirituwal at nakakaunawang mga banal! “Subalit tulad ng nasusulat, ‘Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.’ Ngunit ito’y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sinasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na layunin ng Diyos” (1 Corinto 2:9-10).

Inihahanda ng Panginoon ang isang makapangyarihan ngunit mapagkumbabang mga pastol na mula sa kanyang puso ganoon din ay pati na ilang natirang kongregasyon ng mga gutom na mga tupa na tumalikod mula sa pagiging patay at sa kasalanan ng makabagong iglesya. Ang eksena ay inihahanda para sa iglesyang iyon na magiging mainit, hindi nanlalamig—at yayanigin nito ang pinaka pundasyon ng impiyerno. Walang anumang kapangyarihan sa daigdig ay kakayaning balewalain ito o hamakin ito!

Martes, Nobyembre 15, 2011

ANG DIYOS AY HINDI NAPAPAGOD

“Hindi ba ninyo nalalaman, diba ninyo naririnig?
Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos,
ang siyang lumikha ng buong daigdig?
Hindi siya napapagod;
sa isipan niya’y walang makakaunawa”
(Isaias 40:28).

Mayroong walang kamalayan ng Diyos
Na maaring hindi niya ipapahayag ang sarili niya
Sa buong sankatauhan sa kanyang kalamidad at pangangailangan—
Na siya ay hindi patay o natutulog,
Na hindi kayang bantayan o gabayan ang hakbang ng tao.
Ngunit sino ang tao na susukat sa Diyos?
Kanino siya ihahalintulad
O ikukumpara?
Hindi ba ninyo nalalaman?
Diba ninyo naririnig?
Ang walang hanggang Diyos,
Ang lumikha ng buong daigdig,
Hindi naidlip o natutulog.
Hindi siya nanlulupaypay,
O napapagod man lang,
Ngunit siya na nagtitiwala sa kanya
Ay panunumbalikin ang kanilang pananampalataya at lakas
Lilipad silang parang agila:
Tatakbo sila at hindi mapapagod,
O manlulupaypay man lamang.

Lunes, Nobyembre 14, 2011

HUMINTO NA SA PATULOY NA PAGTUTUOS

“Natakot ang sambayanan kay Yahweh…sama-saman at tulung-tulong nilang sinimulan ang muling pagtatayo ng templo ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang kanilang Diyos” (Haggai 1:12,14). Ang mga Israelita ay nakapag-isip-isip na muli tungkol sa kanilang mga sariling kapakanan at muling bumalik sa pagtatayo ng templo. Bumalik sila kung saan sila nararapat—sa pagtatayo ng templo g Diyos!

Nakatayo sila sa harapan ng pundasyon ng templo at ang mga pader ay unti-unti nang tumataas. Ngunit mayroon bagay na mali at marami sa mga nakatatandang mga tao ay nagsimulang magtangisan! Bakit? Sapagkat nakita nila ang kaigihan ng templo ni Solomon 68 taon na ang nakakalipas at ang bagong ito ay hindi maitutulad. Kung ihahambing, parang balewala lamang ito!

Ang mga tao ay nagsimulang mag-usap tungkol sa nakalipas na mga kaluwalhatian, sinasabing, “Ang templong ito ay walang arko, walang upuan ng kahabagan o kerubin. Walang nakadadaig na apoy sa altar, walang kaluwalhatian na bumababa sa templo. Pagkatapos ng lahat ng ating mga paghihirap, ang lahat ng ating mga sakripisyo at pagsunod, ang lahat ng paglalagay sa una ng kapakanan ng Diyos, hindi natin ito natugunan! Hindi ito maihahambing sa una nating nakita. Bakit pa tayo magpapakahirap, bakit pa tayo magpapatuloy, kung maliit lamang ang nakita nating nagawa natin?”

Isang hukbo ng mga tao ng Diyos ngayon ay sumusuko na sapagkat sa akala nila ay hindi makakayanang gampanan! Katulad ng mga Israelita, sila ay nagbalikan sa Diyos, muli Siyang inuna, hinahanap ang Kanyang kalooban, itinatayo ang Kanyang tahanan. Ngunit kapag tiningnan nila ang kanilang mga buhay, sinasabi nilang, “maliit lamang ang kaya kong ipakita pagkatapos ng aking mga paghihirap! Napakaliit lamang aking kabanalan galing sa Diyos, napakaliit ng Kanyang kaluwalhatian sa aking buhay. Kung ihahambing sa ibang mga Kristiyano, hindi ko ito matatapatan. Ano pa ang halaga ng aking pagpapakahirap? Hindi ko ito maaring mapagtagumpayan.

Naniniwala na ako na ito ang dahilan bakit maraming mga debotong Kristiyano ay sumusuko na sa laban. Inihahambing nila ang mga sarili nila sa ibang mga mananamapalataya at nawalan na ng pag-asa sapagkat nadarama nila na sila ay wala nang pag-asa at napakababa!

Kung mananatili ka lamang na tapat sa Panginoon at hindi susubuking ihambing ang sarili sa anumang bagay maliban sa sarling pag-ibig kay Jesus, makakasiguro kang ikaw ay lalago—at ipinangako ng Diyos na sasamahan ka Niya!

Minamahal, maari mo itong markahan, sapagkat ito ay pangako ng Diyos sa iyo! Mula sa sandali na muli mong ituon sa pagtatayo ng katawan ni Cristo—isantabi ang lahat ng paghahambing at lahat ng makasariling pamamaraan, hayaan Siyang maging ang lahat—magsisimula kang makita ang Kanyang maraming pagpapala. Tunay mong maari itong markahan! Malalaman mo na binibiyayaan ka Niya, nakangiti sa iyo, nagbubunyi para sa iyo!

Biyernes, Nobyembre 11, 2011

ANG MAPANATILI ANG PAGPAPALA AT BIYAYA NG DIYOS

Pinagpapala ng Diyos yaong mga naglalakad sa katapatan at binibigyan niya ng biyaya yaong mga tapat sa kanya!

Paano nawawala ang mga pagpapala at biyaya ng Diyos doon sa mga bansa, pamilya at sa bawat isa? Nagpahayag ang propetang si Haggai tungkol dito, at ang unang dahilan na kanyang itinala ay yaong pagiging makasarili ay pinalitan ang mga bagay na tungkol sa Diyos! “Sinasabi ng mga taong ito na diumano’y hindi pa napapanahon upang itayong muli ang Templo” (Haggai 1:2). Itinigil na nang mga Israelita ang pagtatayo ng Templo sapagkat inuna nila ang pagtatayo ng sariling mga bahay!

Ang eksenang ito ay nangyari 68 taon pagkatapos na mawasak ang templo ni Solomon. Ilan ang natira na bumalik sa Jerusalem mula sa pagkakabihag sa Babilonya para lamang sa pagtatatag ng templo ng Diyos. At, totoo nga, inilatag nila ang pundasyon ng templo ng may buong pagsisikap at pananabik!

Ngunit dumaan sila sa mga matitigas na lugar—kahirapan at kawalan ng pag-asa. Unti-unti nawalan sila ng gana sa gawain ng Diyos nagsasabi nang, “Hindi ito ang tamang panahon. Nagkakaroon kami ng maraming suliranin. Bukod dito, gumugugol kami maraming panahon na napabayaan na namin ang aming mga pamilya at mga negosyo at hanap-buhay.”

Isa-isa, nag-alisan sila para hanapin at balikan ang sarili nilang mga gawain. Ang gawain para sa Panginoon, na may kinalaman sa sarili nilang mga kapakanan ay naging pangalawang bagay na lamang na mahalaga! Sinimulan nilang itayo ang sarili nilang mga bahay gamit ang mga kahoy na nakatago para gamitin sa pagtatayo g templo.

Paano nawawala sa mga mananampalataya ngayon ang pagpapala at biyaya ng Diyos? Sa pamamagitan ng pagtigil sa gawain sa kanyang Templo! Nangyayari ito kapag huminto tayo sa pananalangin at paghahanap sa Diyos—kapag huminto tayo sa pagpapatatag ng kanyang espirituwal na katawan!

Tinukoy ni Haggai ang suliraning ito: Kapag inuna ng mga tao ang mga bagay na para sa Diyos, ibinibigay niya ang kanilang mga pagkain at tirahan. Sa totoo, inaalagaan sila ng Panginoon sa bawat bagay. Ang kanilang ubasan ay lumalago, ang mga ubas ay mabibigat; payapa silang nakakatulog sa gabi at ang kanilang mga anak ay nagsasayawan sa kalsada. Wala sinuman sa kanilang mga kaaway ang nagtatagumpay laban sa kanila. Ito ang kamangha-manghang panahon ng pagpapala ng Diyos ngunit ang mga tao ay lubhang naging abala sa mga pansariling mga gawain!

Ito ang nangyayari sa mga panahong ito! Ang ating sanlibutan ay dinaig na ng sariling—pagmamataas, sariling ambisyon, sariling kagustuhan—ang bawat tao ay abala sa kanyang sariling kapakanan! Hindi nakapagtataka marami ay nalasing at nalango sa mga bawal na droga, naligaw na sa kadiliman at kalituhan.

Sinabi ng Diyos, “Matinding tagtuyot ang ipinararanas ko sa buong lupain…at sa lahat ng pinagpaguran ninyo” (Haggai 1:11). Sinasabi niya, “Kapag nagsimula ka na pabayaan ang iyong kaluluwa at bumaling sa mga materyal na bagay, mauuwi ka sa kawalan ng kagalakan, hindi nasisiyahan, hungkag, at natutuyot! Nais kong unahin mo ang Aking kapakanan, nang sa gayon ay pagpapalain kita at bibiyayaan!”

Huwebes, Nobyembre 10, 2011

NAIS NI JESUS ANG PINAKAMABUTI PARA SA NOBYA

Nadudurog ang puso ng Panginoon kapag tinatanong natin ang kanyang kakayahan at pagnanais na gawin ang pinakamabuti para sa atin! Maliwanag na sinabi sa atin ng Bibliya kung paano nagbigay ang Panginoon ng kahanga-hanga, masusing pag-aalaga kay Ruth. Ipinangako ni Ruth ang kanyang pag-ibig sa Diyos at sinabi kay Naomi, ang kanyang biyenan: “Saan man kayo pumunta, doon din ako pupunta. Kung saan kayo tumira, doon din ako titira. Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang magiging aking Diyos” (Ruth 1:16).

Iniibig ng Diyos si Ruth at binuksan ang bawat pintuan para sa kanya. Siya ay mahirap lamang at kinakailangang mamulot sa kabukiran, ngunit sinabi ng Kasulatan, “Nagkataong ang napuntahan niya ay ang bukid ni Boaz…” (Ruth 2:3). Ngayon, hindi maaring basta “nangyari” na lamang ito. Sinadya ito ng Panginoon at alam niya kung ano mabuti para kay Ruth!

Mahal na mahal ni Ruth ang Panginoon—ibinigay niya ang lahat ng pagtitiwala niya sa Kanya—at ang Diyos ay may inihandang napakayamang lalaki para mapangasawa niya! Nakita ni Boaz si Ruth sa bukid at madaliang namasdan niya, “Naiiba siya, tunay na naiiba.” Nabihag ang puso niya!

Isang kahanga-hangang kuwento ng pag-ibig at di kapani-paniwalang kalagayan na nagdala sa lahat ng ito. Pinakasalan ni Ruth ang maka-diyos na lalaking ito, at kung iyon ay gagawin ng Panginoon para kay Ruth, hindi kaya tama lamang ang gagawin niya para sa sarili Niyang nobya, sa bawat pagkakataon?

Mayroon tayong mas mayaman at makapangyarihan ng higit pa kay Boaz. Siya ang nagmamay-ari ng mga kawan ng baka sa libu-libong bulubundukin. Alam niya ang lahat at kaya niyang gawin ang lahat at iniibig niya ang kanyang nobya! Oo, kumikilos ang Panginoon sa lahat ng bagay sa iyong buhay para sa mas makabubuti para sa iyo. At nalulugod siyang gawin ito.

Maging sa pagdurusa at mga pagsubok, ang lahat ng umiibig kay Jesus ay nakukuha ang kanyang panahon! Gayunman, ang nakakalungkot madalas na hindi natin binibigyan ng halaga ang mga bagay na ito. Nagdududa tayo na hindi siya kumukilos sa lahat ng panahon, na ginagawa ang lahat na makabubuti para sa atin.

Minamahal, wala nang makadudurog ng higit pa sa puso niya! Isinalarawan ni Pablo ang nobya ni Cristo, “upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili bilang isang maluwalhating iglesya na walang anumang dungis ni kulubot man upang ito ay maging banal at walang kapintasan” (Efeso 5:27). Ang “kulubot” dito ay nangangahulugan na “nakatupi,” katulad sa isang mukha—kulubot na kilay. Ito ay nangungusap ng pag-aalala, nagtatampo, at sinasabi ni Pablo na ang nobya ni Jesus ay hindi magkakaroon ng “guhit ng pag-aalala” sa kanyang mukha.

Ang nobya ni Cristo ay namamahinga sa kanyang pag-ibig. Siya ay may tiwala na alam Niya kung nasaan siya, kung ano ang nararamdaman niya, kung ano ang pinagdadaanan niya, at kung ano ang mabuti para sa kanya. Ang kanyang pag-ibig ay nagbibigay ng kapayapaan at kapanatagan. Alam niya na hindi Niya papayagan ang anumang bagay na maglalayo sa Kanya o makakasakit sa kanya. Siya ay iingatan Niya sapagkat sinabi Niya, “Siya ay akin!”

Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

ANG NOBYA NI CRISTO

Ano ang iisipin ng isang lalaki kung iimbitahan siya ng kanyang nobya sa kanyang tahanan, paupuin siya sa salas at pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kanyang gawaing bahay? Habang naghihintay siya, nagtatrabaho siya sa kusina, nagpupunas ng mga kasangkapan sa bahay, naglalampaso ng sahig—at hindi man lamang siya kinakausap!

Si Jesus din ay nagdusa ng kahalintulad na kirot na maaring madama ng isang tao kapag ang kanyang minamahal ay patuloy na nagpupuri sa kanya, sinasabing “Iniibig kita” ng paulit-ulit, ngunit hindi naman nagbibigay sa kanya ng kahit na maliit na panahon man lang.

Ang minamahal ay maaring magsabi, “Siya naman ay laging nasa isipan ko.” Narinig ko na iyan sa mga tao tungkol kay Jesus: “Lagi siyang nasa isipan ko sa buong araw.” Ngunit maaring nasa isipan mo siya sa buong araw ngunit patuloy mo naman siyang binabalewala! Kapag ito ay ginagawa ng babaeng pakakasalan, ang sinasabi niyang pag-ibig ay isang kasinungalingan! Maaring sabihin niya sa lalaking pakakasalan na tunay siyang iniibig, ngunit iba naman ang ipinakikita ng kanyang mga kilos.

Tanong ng Panginoon, “Malilimutan ba ng dalaga ang kanyang mga alahas, o ng babaing ikakasal ang kanyang damit pangkasal? Subalit ako’y kinalimutan ng sarili kong bayan nang napakahabang panahon” (Jeremias 2:32). Sinabi rin ni David na patuloy na kinalilimutan ng Israel ang Panginoon: “Kanilang nilimot ang Diyos na si Yahweh, ang Tagapagligtas, ang kanyang ginawa doon sa Egipto’y kagila-gilalas” Awit 106:21).

Binanggit ng Panginoon sa Kasulatan ang kirot na nadama niya para makita ng lahat! Maliwanag na sinabi niya, “Pinabayaan na ako ng mga tao ko ng nakapahabang panahon!” Bakit kailangan sabihin ng Panginoon sa sanlibutan ang ganitong pagpapabaya? Hindi ba nararapat na ang mga bagay na hindi tugma sa nagmamahalan ay sinasarili na lamang? Hindi—nais niyang malaman natin kung gaano siya nasasaktan! Sinabi niya sa buong sanlibutan sapagkat lubos na nadurog ang puso niya dahilan sa ating mga ikinikilos!

Isipin mo na ikaw ay isang babaing nakatakda ng ikasal na kasama ang lalaking iyong pakakasalan sa pagsimba. Hinawakan mo ang kanyang kamay at sinabi sa lahat na, “Ikakasal na kami. Mahal na mahal ko siya—siya ay tunay na kahanga-hanga!” Ngunit pagkalabas ninyo ng pintuan, ay bigla ka na lamang nanahimik at hindi mo man lamang siya kinakausap! Ano sa palagay mo ang iisipin niya?

Ayoko ng isang pakakasalan na pinupuri ang aking pagiging mabuting tao, sinasabi ang mga malalambing na pananalita sa publiko, sinasabi kung gaano ako kahalaga, at pagkatapos ay manlalamig at umiiwas na gumugol ng panahon na kasama ako. Hindi ito tunay na pagmamahal!

Minamahal, kapag wala kang mahalagang sandali kasama si Jesus sa araw-araw—kung hindi ka gumugugol ng sandali ng pananalangin sa kanya, o sinasaliksik ang kanyang mga Salita—hindi mo siya tunay na iniibig at dinudurog mo ang kanyang puso!

Martes, Nobyembre 8, 2011

ANG LIHIM NG KALAKASAN

“Ngunit ang mga matuwid ay lalong naniniwala,at lalo pang nahikayat na sila nga ang tama” (Job 17:9).

Bumibitiw na ang mga tao sa kanilang mga buhay,
Ang mga nanlilibak ay naglipana—
Mga umaaglahi sa lahat ng paligid
Ang mga matatalinong tao ay hindi matagpuan.
Kapag ang higaan ay gawa sa kadiliman
Ang katiwalian ang naging ama nila.
Panahon na para sa mga walang malay
Ang mamangha sa pamamagitann nito at
Alugin ang sarili laban sa mga paimbabaw
O sana ay may isang mangatwiran para sa tao sa harap ng Diyos,
Nang ang mga makatuwiran ang panghawakan ang kanilang mga pamamaraan
At ang ilaw ng mga makasalanan ay mamatay—
Ang kinang ng kanyang apoy ay mamatay.
Ang paraan ng makasalanan ay madulas
At ang kasalanan ay isang kahalayan, lakas na sumasakmal;
Ngunit siya na may malinis na mga kamay
Ay magiging malakas
Na malakas.

Lunes, Nobyembre 7, 2011

ANG MAGLINGKOD SA PANGINOON NG MAY KAGALAKAN

Layon ng Diyos na tayo ay mahikayat ng kanyang matamis na pag-ibig, ganap na nahikayat na siya ay kumikilos na dinadala tayo sa kanyang pinakamabuti, na tayo ay patuloy na magkakaroon ng kagalakan at kasiyahan sa ating paglalakad kasama siya! Nagbabala si Moses sa Israel, “Hindi ninyo pinaglingkuran nang buong kasiyahan at kagalakan si Yahweh sa panahon ng inyong kasaganaan. Kaya, ipapasakop niya kayo sa inyong mga kaaway. Sila ang paglilingkuran ninyo sa panahon ng kagutuman, kauhawan, kahubaran at kakulangan sa lahat ng bagay. Pahihirapan kayo ni Yahweh hanggang kayo ay malipol” (Deotoronomo 28:47-48).

Sinasabi ng Diyos sa atin ngayon, “Magalak at magsaya sa aking mga nagawa na para sa inyo! Kung hahayo kayo na tutulog-tulog, bubulung-bulong at nagrereklamo, kayo ay walang hanggang espirituwal na magugutom at hubad, isang pain sa inyong mga kaaway!” Nais ng Diyos na manalig tayo sa kanyang pag-ibig sa atin na tayo ay magiging patotoo ng kagalakan at kasiyahan! Nais niya ng mga mangangaral na may kagalakan sa puso, punung-puno ng kagalakan na nakabatay sa katotohanan.

Ang kanyang katotohanan ay nagbubunga ng kayamanan ng kagalakan na kusang dumadaloy palabas mula sa puso: “Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensiya niya at umawit na may tuwa” (Awit 100:2). “Kaya’t ang bayan niya’y kanyang inilabas na lugod na lugod, nang kanyang ialis, umaawit sila ng buong alindog” (Awit 105:43). “Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos, dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya’y sumusunod” (Awit 32:11). “Ngunit lahat magagalak, matutuwa ang matuwid; sa harapan nitong Diyos, galak nila’y di malirip” (Awit 68:3).

Maaring itanong ninyo, “Gaano katagal kong maaring asahan na mapanatili ang kagalakan sa aking paglilingkod sa Panginoon?” Marami ang naniniwala na ito ay mananatili lamang habang ang panahon ng pananariwa ay nanggaling sa pinakamataas o habang ang mga bagay ay nasa ayos pa. Hindi, kailangan nating magkaroon ng kagalakan sa lahat ng panahon! Iyan mismo ang sinasabi ng Bibliya: “Kung umaga’y ipadama iyong wagas na pag-ibig, at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit” (Awit 90”14). “Kaya naman kayo’y dapat na magalak sa aking ginawa, ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya, at magiging masaya ang kanyang mamamayan” (Isaias 65:18). Tayo ang “Jerusalem mula sa itaas”—muling ipinanganak at nabubuhay para sa kanya na may espiritu ng kagalakan at pagsasaya! Manalig sa Ama, maniwala sa kanyang salita tungkol, sa sarili niya at masdan ang kagalakan niya na bumubuhos mula sa buhay ninyo.

Biyernes, Nobyembre 4, 2011

ANG MAHABAGING PAG-UUGALI NG DIYOS!

“Sapagkat ang Israel ay aking anak, at si Efraim ang aking panganay” (Jeremias 31:9).

Ang mga tao ni Efraim, ang pinakalaking tribo ng Israel, ay siyang pinakamalapit sa puso ng Diyos. Ang Panginoon ay may walang-hanggan plano para sa mga ganap na pinagpalang tribo ngunit si Efraim ay patuloy na nagkakasala at sinasaktan ang Diyos. Ang mga tao ay nagkasala ng higit sa kaninuman sa Israel! Ngunit pinabayaan ba ng Diyos si Efraim? Ito ay ang taliwas: Sinabi ng panginoon na sila ay magiging malaya at tinubos na mga tao! Mamumuhay sila sa kasaganaan, nangangahulugan nang pinakaminam na pagpapala ng Diyos (tingnan ang Jeremias 31:14KJV).

Ano ang nakita ng Diyos kay Efraim? Sila ay may mga pusong nagsisisi—isang kahihiyan para sa kasalanan, ang pagkukusa na bumalik sa Panginoon. At kahit na sa lahat ng kanilang kabiguan, ang isang katangiang ito ang nakaakit sa puso ng Diyos sa kanila! Nang may isang malakas na, hula ang dumating, tumugo sila at nang sila ay sinaway, nagtumangis sila dahil sa kanilang mga kasalanan.

At sa sukdulan ng kanilang pagkakasala, sinabi ng Diyos, “Si Efraim ang aking anak na minamahal, ang anak na aking kinalulugdan. Kung gaano kadalas ko siyang pinaparusahan, gayon ko siya naaalala. Kaya hinahanap ko siya, at ako’y nahahabag sa kanya” (Jeremias 31:20). Sinasabi ng Diyos, “Sa kabila ng pagkukulang at mga kabiguan ni Efraim a, nakita ko ang isang espiritung nagsisisi at hindi ko aalisin ang aking matamis na pag-ibig. Ang aking walang hanggang layunin ay magpapatuloy katulad nang una kong binalak!”

Minamahal, ang Diyos ay may plano sa buhay mo! Tutuparin niya ang lahat ng kanyang plano para sa iyo, anuman ang pinagdadaanan mo o gaano man kabigat ang iyong pagsubok. Binigyan ng Diyos ng malalim na pag-aaral ang pinaplano niya para sa kinabukasan mo!

Mayroon akong hulang salita para sa mga bumabasa nito ngayon: Hindi mo maaring husgahan ang walang hanggang layunin ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng nararamdaman mo o iniisip mo. Nais ng Diyos na sabihin sayo, “Panatilihin mong mapagkumbaba ang puso mo sa harapan ko. Manalig ka sa Salita ko tungkol sa kalikasan ko—na ako ay magiliw, mapagmahal na Ama na gumugol ng malaki para sa iyo at hindi kita basta pababayaan. Ikaw ang aking kinalulugdang anak at ililigtas kita!”

“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa iyo; mga planong hindi ninyo ikasasama kundi para sa inyong ikabubuti, ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa” (Jeremias 29:11).

Huwebes, Nobyembre 3, 2011

ALAM NG DIYOS KUNG ANO ANG MABUTI PARA SA ATIN!

Mayroong mga pagkakataon na kinukuha ng Diyos ang mga bagay sa atin at sa ibang pagkakataon nananalangin tayo para sa mga bagay na akala natin ay kailangan natin at hindi ito ibinibigay ng Diyos sa atin. Gayuman, “Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay, ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan” (Awit 1:6). Isang araw ang pagkilos ng Diyos ay patutunayan sa atin para sa ating kapakinabangan at para sa kanyang kaharian!

Ang ganap na kasiyahan sa buhay ay nagmumula sa pagiging nasa ganap na kalooban ng Diyos, ginagawa ang kanyang gawain, namumuhay ayon sa kanyang pinili. Ngunit ang higit na nakararami sa atin ay naniniwala na tayo lamang ang nakaaalam kung ano ang kailangan natin upang matupad ang hinahanap at maging maligaya.

Ang pinakamabuti para sa Diyos ay bagay na hindi dapat katakutan; hindi niya lamang alam kung ano ang mabuti para sa iyo, kundi nais niya na mapasainyo ang pinakamabuti para sa inyo! Kung tunay tayong nananalig dito ito ay magbubunga ng kapahingahan, kapayapaan at kaaliwan para sa atin! Hindi tayo mapipighati sa pagbitiw sa mga bagay; malalaman natin na tayo ay pinalaya na mula sa lahat ng pagkakagapos! Sasabihin natin, “Panginoon, kung kukunin mo ito sa akin, maaring ito ay nangangahulugan na mayroon kang higit na mas makabubuti para sa akin. Kaya kunin mo ito—para sa iyo ito!”

Minamahal, kailangan nating magpahinga sa mapagmahal na kamay ng Ama! Kailangang marating natin ang punto ng pagtitiwala na kung saan ay sasabihin natin, “Mayroon akong mapagmahal na Ama na ang nais lamang ay ang pinakamabuti para sa akin. Alam niya ang lahat ng ito!” Paanong sa huli ay natagpuan ni Job ang lugar ng kapahingahan? Nahikayat niya ang sarili niya na alam ng Diyos kung ano ang ginagawa niya at ang lahat ay nasa ayos lamang! sinabi ni Job “Ngunit alam ng Diyos ang aking bawat hakbang; kapag sinubok niya, lalabas ang kadalisayan” (Job 23:10).

Maraming Kristiyano ay nakikita na kumikilos ang Diyos sa buhay nila gayunman sila ay nananatili pa ring nagtataka. “Paano kung mabigo ako? Paano kung may magawa akong mali at magalit ang Diyos o mawalan ng pasensiya sa akin? Bibiguin ba ako ng lahat ng kanyang mga pangako? Kailangang ko bang tanggapin ang bagay na hindi mas mabuti kaysa sa kanyang pinakamabuti?” Hindi—hindi kailanman! Kung ang puso mo ay nasa tama sa harap ng Diyos, kung patuloy kang bumabalik sa kanya at hinahanap siya ng buong puso mo, walang makapagbabago ng plano niya para sa iyo!

Miyerkules, Nobyembre 2, 2011

DALAWANG URI NG PAG-IBIG

Ang Ama ay may dalawang uri ng pag-ibig: isang pangkalahatang pag-ibig para sa lahat ng makasalanan at namumukod na pag-ibig para doon sa mga kasama sa Kanyang pamilya. Ang pangkalahatang pag-ibig ng Diyos ay maaring yakapin ng kahit sinong lumalapit sa Kanya sa pagsisisi. Ngunit ang puso ng Diyos ay puno rin ng iba pang uri ng pag-ibig—isang naiiba, namumukod tanging pag-ibig para sa Kanyang mga anak!

Ang Diyos ay may palagiang mga taong pinili para sa Kanya na kung saan ay ipinagkaloob Niya ang dakilang pag-ibig. Ang Israel ay minsan nang siyang nag-iisang pakay ng ganitong namumukod tanging pag-ibig:

“Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan. ‘pinili niya kayo at inibig hindi dahil mas marami kayo kaysa ibang mga bansa, sa katunayan, kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat. Pinili niya kayo dahil sa pag-ibig niya sa inyo, at sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno. Ito rin ang dahilan kaya niya kayo iniligtas sa kamay ng Faraon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Ipinatungkol ng Diyos ang mga salitang ito para sa Israel. Gayunman, kung tinanggap ninyo si Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon—kung kayo ay naampon sa pamilya ng Diyos at siya ang inyong mapagmahal na Ama—kayo man ay kailangang matanggap ninyo kung gaano kayo natatangi para sa kanya! Kayo ang tatanggap ng di-pangkaraniwang pag-ibig ng Diyos at narito ang mga salita Niya para sa inyo:

“Ngunit kayo ay isang lahing pinili, grupo ng maharlikang pari, isang bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. Kayo’y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon kayo’y bayang hinirang niya. Noon. Pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo’y tinatanggap na ninyo ang kanyang habag” (1 Pedro 2:9-10).

Mayroong pagkakataon na hindi kayo naging pakay ng kanyang natatanging pag-ibig! Kayo ay ipinanumbalik sa Ama at lubos niya kayong iniibig—ngayon, sa mga sandaling ito!

Martes, Nobyembre 1, 2011

ANG PAG-IBIG NG AMA

Maraming tao ay nahihirapang isipin ang Ama bilang isang mapagmahal na Ama. Nakikita nila Siya sa pamamagitan ng nalalabuang mga mata na may kirot ng mga nakalipas na karanasan sa isang walang diyos na ama o amain.

Libu-libong mga Kristiyano ay hindi naniniwala na iniibig sila ng Ama sapagkat ang kanilang ama sa lupa ay pinabayaan sila, sinaktan, lubha silang pinighati. Ipinapanalangin ko na ang mensaheng ito ay mangusap hindi lamang sa mga katulad nila kundi doon din sa inyo na hindi pa natutuklasan ang lalim ng pag-ibig ng ating Amang nasa langit.

Marami sa atin ang nakakaunawa sa Kasulatan at teyolohiya sa likod ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga anak. Gayunman kaunti lamang sa atin ang natutunan ang umari sa pag-ibig na iyan at hindi natin maipagsaya ang mga kapakinabangan ng pagkakaroon nito.

Pakinggan kung paano isinalarawan ng Diyos ang sarili Niya kay Moses:
“Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi niya, ‘Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat” (Exodo 34:6).

Kapag tayo ay nasa kalagitnaan ng ating mga pagsubok, nalimutan natin kung ano ang sinabi ng Diyos tungkol sa Kanyang sariling kalikasan. Gayunman, kung tayo lamang ay mananalig sa kanya sa mga panahong iyon, magkakaroon tayo ng dakilang pag-asa sa ating mga kaluluwa. Mula umpisa at huli, ang Bibliya ay nangungusap sa atin bilang isang tinig ng Diyos, ipinapahayag sa atin kung gaano Siya kagiliw at mapagmahal.

Handa Siyang magpatawad sa lahat ng sandali. “Mapagpatawad ka at napakabuti; dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili” (Awit 86:5). Siya ay matiisin para sa atin, puno ng pagmamahal at kahabagan. “Sa iyong habag, O Yahweh, ay wala nang makapantay, kaya ako au iligtas, ayon sa iyong kapasyahan” (Awit 119:156). “Si Yahweh’y mapagmahal at puno ng habag, hindi madaling magalit, ang pag-ibig ay wagas” (Awit 145:8). “

Kapag ikaw ay lumapit sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin at pagsamba, maging maingat sa kung anong imahe ng Diyos ang dala mo sa kanyang presensiya! Kailangang ganap kang nahikayat ng kanyang pag-ibig para sa iyo at manalig na Siya ang lahat ayon sa Kanyang sinasabi!