Miyerkules, Pebrero 1, 2012

MAGPAPATULOY BA TAYO SA KASALANAN?

Noong unang itinuro ni Pablo ang katotohanan ng pagbibigay katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay isang nakamamanghang balita noong panahong iyon. Sa katunayan, ang ilang teolohiko ay sumagot, “Kung ako ay mapapatawad, kung ang Diyos ay ganap na mahabagin na mapatawad ako sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, kung ganoon ay maari pa akong magakasala pa, para malugod ang Diyos na mabigyan pa ako ng biyaya!” Hindi nauuwaan ng mga teolohiko ang mgandang balita.

Dahil sa krus, isinaalang-alang ng Diyos ang tungkol sa ating dating pagkatao na kalimutan na ito. Itinanong ni Pablo, “Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang loob ng Diyos” (Roma 6:1)? at ipinagpatuloy niya, “Siyempre hindi!” naniniwala ako na sinabi ni Pablo, “Bakit may Kristiyano, na iniligtas na mula sa tiyak na kamatayan, na bumalik at muling buhayin ang patay? Bakit kailangan pang bumalik sa buhay ng pagkakasala na kung saan ay nais ng Diyos na alisin na ang lahat ng pagkakasala at pagkondena at bigyan ka ng katiwasayan at kapayapaan? Ngayon, dahil sa krus, maari mong paglingkuran ang Panginoon nang may kagalakan at kasiyahan at sundin Siya sa isang bagong tungkulin na tinatawag na pag-ibig.”

“Kaya,” tanong mo, “payak ba nating tatanggapin sa pamamagitan ng pagiging matuwid ni Jesus?” Oo, lubus-lubusan! Iyan ang tungkol sa paglalakad ng isang Kristiyano—ang mamahinga sa pamamagitan ng pananampalataya sa kung ano ang nagawa ni Jesus.

Ang dati nating pagkatao ay patay na, at bagong tao ay si Jesus. Kapag inilagay natin ang ating pananampalataya sa Kanya, ganap na tinatanggap tayo ng Diyos. Tinatanggap niya tayo na matuwid, nakatago sa sinapupunan ng Kanyang minamahal na Anak. Kaya kapag ikaw ay nagkasala o nabigo, dagliang lumapit sa iyong Tagapagtanggol, ang iyong Tagapagsanggalang. Ikumpisal ang iyong kabiguan sa Kanya, at mamahinga sa kanyang pagiging matuwid.

Maari mong tanungin, “Mayroon bang puwang ang mabuting gawa sa doktrinang ito? Oo mayroon, ngunit sa kalagayang ito: Ang mabuting gawa ay hindi ka kayang iligtas, bigyang katuwiran o gawin kang matuwid o katanggap-tanggap sa Diyos. Ang tanging bagay na makapagliligtas sa iyo ay ang iyong pananampalataya sa ginawa ni Jesus!

Ano ang ginawa ni Jesus? Iniligtas ka Niya, pinawalang sala at tinanggap sa pagmamahal—mga kasalanan, mga kabiguan at lahat. Nakikita ka lamang ng Diyos ngayon kay Jesu-Cristo at iyan ang dahilan kung bakit na kailangan tayong lumapit sa ating Tagapagligtas sa tuwi nang tayo ay mahuhulog. Ang dugo na nagpatawad at naglinis sa atin sa simula nang tayo ay lumapit kay Jesus ay siya ring dugo na patuloy mag-iingat sa atin hanggang sa Kanyang pagbabalik.

Kasama ng katiwasayang ito ay ang mataas na tungkulin na gawin ang lahat ng ating gawain sa pamamagitan ng Kanyang lakas at kapangyarihan sa halip na gawin natin ito ng pangsarili, “Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo” (Roma 8:13).

Martes, Enero 31, 2012

KALIGTASAN SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA LAMANG

Nang una tayong manampalataya kay Cristo, nanalig tayo na ang ating mga kasalanan ay pinawalang sala na. Naniniwala tayo na tinanggap tayo, na maari nating ilatag na ang lahat ng pagkakasala at pangamba at sabihing, “Ako ay iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya lamang sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus sa krus.”

Pagkatapos, habang tayo ay naglalakad kasama ni Jesus, nakagawa tayo ng panibagong pagkilos ng di pagsunod. Dinurog tayo ng ating kasalanan at dagliang nawala ang ating pananaw sa krus. Sinubok nating bigyang katuwiran ang ating pagiging matuwid, para muling makuha ang pabor ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisikap, ngunit ang buhay noon ay naging parang bangungot paulit-ulit na kasalanan at pangungumpisal, muling magkakasala at muling mangungumpisal.

Minsan kumikilos tayo na kung magsusumikap ng higit pa ay makapagliligtas ito sa atin. Iniisip natin na kung babaguhin lamang natin ang ating sarili ay malulugod ang Diyos. Pagkatapos ay matiyaga nating inaayos ang luma nating pagkatao, upang mabago ito para sa isang matagumpay na paglalakad ng isang Kristiyano.

Maaring sabihin ng ilang Kristiyano, “Malaki ang halagang ibinayad ko para sa tagumpay na aking nakamit. Dumaan ako sa maraming pagdurusa at pighati. Nag-ayuno ako, nanalangin at matagumpay na naiwaksi ko ang aking pagkalulong sa pita ng laman at makasalanang pagnanasa. Ang aking bang pagsisikap na sumunod ay walang halaga sa Diyos? Isinaalang-alang ba Niya ang lahat ng aking pagiging matuwid, ang lahat ng aking pagsisikap, bilang isang maruming basahan?” oo! Ang lahat ng ito ay makalaman at wala isa man dito ay maninindigan sa harap Niya. Mayroon lamang na isang matuwid at iyan ang pagiging matuwid ni Jesu-Cristo!

“Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos” (Roma 10:3).

Ang tanging paraan lamang para makalapit sa mabuting biyaya ng Diyos ay ang pag-amin sa katotohanan: “Walang anumang mabuti sa aking laman, wala sa anumang mabuti akong nagawa para ako ay maligtas. Hindi ako magiging matuwid sa anumang magagawa ko sa aking sariling kakayanan. Ang aking pagiging matuwid ay sa pamamagitan lamang ni Cristo.” Sinabi ni Pablo ang tungkol sa handog ng pagiging matuwid: “Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay” (Roma 5:17).

Lunes, Enero 30, 2012

WALANG MAMANAHIN

Binigyan tayo ni Pablo ng listahan noong mga hindi magmamana ng kaharian ng Diyos:

“Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos” (1 Corinto 6:9-10).

Idinagdag pa ng mga apostol: “Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo’y pinatawad na sa inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos. Pinawalang-sala na rin kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos” (Talata 11).

Paanong ang mga taong ito na iniligtas mula sa mga kahindik-hindik na mga kasalanan ay naging matuwid sa harapan ng Diyos? Ano ang nangyari sa kanila na sila ay hindi na makasalanan at sa halip ay tinanggap ng Diyos?

Una sa lahat, ang Diyos ay hindi nagbibigay ng galang sa tao. Hindi Siya namamangha sa mga titulo ng tao o sa mga parangal na makasanlibutan—kahit na sa isang hari, isang reyna, isang pangulo o pangunahing ministro. At pangalawa, ang Diyos ay hindi nabibighani sa anumang kabutihan na ginawa natin. Mahabang panalangin, pag-aayuno, pagbibigay ikapu, nag-aaral ng Salita, kagandahang-asal—wala isa man dito ay magagawa tayong matuwid o katanggap-tanggap sa Diyos. Maging ang ating “mabuting” laman—mabuting asal, pananalita, isipan at gawa—ay isa lamang alingasaw sa Kanyang pang-amoy kung gagamitin na dahilan para sa sarili nating pagmamatwid,

Nang si Jesus ay umakyat sa krus, ipinako Niya ang ating “dating pagkatao” ng laman. Iisa na lamang Lalaki ang natira, nag-Iisa na siya lamang haharapin ng Diyos—at Siya ang Kanyang Anak. Nang tinapos na ni Jesus ang Kanyang gawain sa lupa at naupo sa kanang kamay ng Ama, sinabi ng Diyos, “Mula ngayon isa na lamang ang aking kinikilalang Lalaki, isa na lamang makatuwiran. Ang sino mang lalapit sa Akin ay kinakailangang dadaan muna sa pamamagitan Niya—ang Aking Anak. Ang lahat na magiging matuwid ay kailangang tanggapin ang Kanyang
pagiging matuwid at wala nang iba!”

Tinanggap tayo sa mata ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo at sa Kanyang ginawa: “Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak” (Efeso 1:6).

Nakita mo ba kung gaano kahalaga ang manahan kay Jesus, ang dagliang paglapit sa Kanya sa tuwinang tayo ay mabibigo? Kailangang matutunan ninyong lumapit saa Kanya, tumatangis, “Jesus, binigo kita! Hindi ko na kaya ito. Anuman ang gawin ko, hindi ako maaring kilalanin sa harap ng Ama, maliban sa lumapit ako sa Kanya sa pamamagitan Mo!”