Miyerkules, Pebrero 1, 2012

MAGPAPATULOY BA TAYO SA KASALANAN?

Noong unang itinuro ni Pablo ang katotohanan ng pagbibigay katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay isang nakamamanghang balita noong panahong iyon. Sa katunayan, ang ilang teolohiko ay sumagot, “Kung ako ay mapapatawad, kung ang Diyos ay ganap na mahabagin na mapatawad ako sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, kung ganoon ay maari pa akong magakasala pa, para malugod ang Diyos na mabigyan pa ako ng biyaya!” Hindi nauuwaan ng mga teolohiko ang mgandang balita.

Dahil sa krus, isinaalang-alang ng Diyos ang tungkol sa ating dating pagkatao na kalimutan na ito. Itinanong ni Pablo, “Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang loob ng Diyos” (Roma 6:1)? at ipinagpatuloy niya, “Siyempre hindi!” naniniwala ako na sinabi ni Pablo, “Bakit may Kristiyano, na iniligtas na mula sa tiyak na kamatayan, na bumalik at muling buhayin ang patay? Bakit kailangan pang bumalik sa buhay ng pagkakasala na kung saan ay nais ng Diyos na alisin na ang lahat ng pagkakasala at pagkondena at bigyan ka ng katiwasayan at kapayapaan? Ngayon, dahil sa krus, maari mong paglingkuran ang Panginoon nang may kagalakan at kasiyahan at sundin Siya sa isang bagong tungkulin na tinatawag na pag-ibig.”

“Kaya,” tanong mo, “payak ba nating tatanggapin sa pamamagitan ng pagiging matuwid ni Jesus?” Oo, lubus-lubusan! Iyan ang tungkol sa paglalakad ng isang Kristiyano—ang mamahinga sa pamamagitan ng pananampalataya sa kung ano ang nagawa ni Jesus.

Ang dati nating pagkatao ay patay na, at bagong tao ay si Jesus. Kapag inilagay natin ang ating pananampalataya sa Kanya, ganap na tinatanggap tayo ng Diyos. Tinatanggap niya tayo na matuwid, nakatago sa sinapupunan ng Kanyang minamahal na Anak. Kaya kapag ikaw ay nagkasala o nabigo, dagliang lumapit sa iyong Tagapagtanggol, ang iyong Tagapagsanggalang. Ikumpisal ang iyong kabiguan sa Kanya, at mamahinga sa kanyang pagiging matuwid.

Maari mong tanungin, “Mayroon bang puwang ang mabuting gawa sa doktrinang ito? Oo mayroon, ngunit sa kalagayang ito: Ang mabuting gawa ay hindi ka kayang iligtas, bigyang katuwiran o gawin kang matuwid o katanggap-tanggap sa Diyos. Ang tanging bagay na makapagliligtas sa iyo ay ang iyong pananampalataya sa ginawa ni Jesus!

Ano ang ginawa ni Jesus? Iniligtas ka Niya, pinawalang sala at tinanggap sa pagmamahal—mga kasalanan, mga kabiguan at lahat. Nakikita ka lamang ng Diyos ngayon kay Jesu-Cristo at iyan ang dahilan kung bakit na kailangan tayong lumapit sa ating Tagapagligtas sa tuwi nang tayo ay mahuhulog. Ang dugo na nagpatawad at naglinis sa atin sa simula nang tayo ay lumapit kay Jesus ay siya ring dugo na patuloy mag-iingat sa atin hanggang sa Kanyang pagbabalik.

Kasama ng katiwasayang ito ay ang mataas na tungkulin na gawin ang lahat ng ating gawain sa pamamagitan ng Kanyang lakas at kapangyarihan sa halip na gawin natin ito ng pangsarili, “Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo” (Roma 8:13).