Biyernes, Hulyo 31, 2009

MASUSING UTOS AT MAALIWALAS NA PAGPAPASIYA!

Ang layunin ng Diyos para sa bawat isa sa kanyang mga anak ay ang sumuko tayo sa kapangyarihan at pamumuno ng banal na Espiritu:

“Ang Espiritu ang nagbibigay buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay” (Galacia 5:25) Sa madaling sabi, “Kung siya’y namumuhay sa iyo, hayaan mong siya ang manguna sa iyo!”

Nais kong ipakita sa iyo kung ano ang kahulugan ng paglalakad sa Espiritu. Hindi ko pa nararating ang maluwalhating paglalakad na ito-ngunit ako ay palapit ng palapit dito!

Narinig na natin ang pangungusap na “paglalakad sa Espiritu” sa ating buong buhay, ngunit ano talaga ang kahulugan nito? Naniniwala ako na ang ika-labing anim na kabanata ng Gawa ay isa pinakamahusay na halimbawa na kung paano lumakad sa Espiritu.

Ang Banal na Espiritu ay nagbigay ng ganap, maliwanag na pagtuturo doon sa mga naglalakad sa kanya. Kung lumalakad ka sa Espiritu, tiyak na hindi ka maglalakad ng may kaguluhan—ang iyong mga pasiya ay hindi malabo.

Ang mga naunang Kristiyano ay hindi naglakad ng may kaguluhan. Sila ay inakay ng Espiritu sa bawat pagpapasiya, bawat galaw, bawat kilos! Nangusap ang Espiritu sa kanila at tinuruan sa bawat paggising nila. Walang pagpapasiya na ginawa na hindi sumangguni sa kaniya. Ang bansag ng iglesya sa kabuuan ng Bagong Tipan ay: “Kung sino ang may pandinig, hayaan niyang madinig kung ano ang sasabihin ng Espiritu!”

Nagsimula akong mangaral sa lungsod ng New York sapagkat maliwanag na sinabi sa akin ng Banal na Espiritu: “Magtungo ka sa lungsod ng New York at magtatag ka ng iglesya.” At sinabi niya sa akin kung kalian ako magtutungo doon. Walang impakto o diyablo ang maaring pumigil sa akin—sapagkat nagbigay ang Espiritu ng masusing utos. Natatandaan ko pa ang pagkakatayo ko sa kanto ng “Broadway at Seventh Avenue,” tumatangis at nakataas ang mga kamay. Sinabi ng Banal na Espiritu, “Dito mismo sa pook na ito ako’y magtatatag ng iglesya. Sundin mo ako, David. Magsimula ka ng iglesya sa lungsod ng New York!” Hindi isang pagkakataon lamang ang “Times Square Church.” Ito ay bunga ng maliwanag, masusing utos mula sa Banal na Espiritu!

Huwebes, Hulyo 30, 2009

GAANO KAHALAGA ANG MAGPATAWAD AT BASBASAN ANG ATING MGA KAAWAY?

Isinulat ni Pablo, “Huwag kayong maghiganti” (Roma 12:19). Sinasabi niya, Pagdusahan ang mali. Iwan ito at magpatuloy. Mamuhay sa Espiritu.” Subalit, kapag ating tinanggihan ang magpatawad sa pasakit na ginawa sa atin, ay kailangan nating harapin ang mga kahihinatnan nito

Mas nagkakasala tayo kaysa sa taong nakasakit sa akin.
1. Ang habag at biyaya ng Diyos na ibibigay ay mawawala sa atin. Pagkatapos, habang nagsisimulang dumating ang mga pasakit sa atin, lalo natin itong hindi mauunawaan, sapagkat tayo ay nasa kalagayan ng di-pagsunod.
2. Ang pagkainis sa ating taga-usig ay patuloy na nananakawan tayo ng kapayapaan. Siya ang magwawagi, magtatagumpay siyang bigyan tayo ng nananatiling sugat.
3. Sapagkat nagtagumpay si Satanas na mahikayat tayo sa pag-iisip ng paghihiganti, magagawa niyang dalhin tayo sa mas matinding pagkakasala. At tayo’y makakagawa ng pagmamalabis na higit pa sa mga ito.

Ang manunulat ng Kawikaan ay nagpayo, “Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, Ang di pagpansin sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan” (Kawikaan 19:11). Sa madaling sabi, wala tayong gagawin hanggang humupa ang ating galit. Hindi tayo gagawa ng pasiya o kaya’y gumawa ng hindi tama habang tayo’y galit.

Nagbibigay tayo ng kaluwalhatian sa Amang nasa langit kapag pinalampas natin at pinatawad ang kasalanang nagawa sa atin. Ang ganitong gawi ay nagpapatibay nang ating pagkatao. Kapag tayo ay nagpatawad katulad ng pagpapatawad ng Diyos, dinadala niya tayo sa pagpapahayag ng kagandahang-loob at biyaya na hindi pa natin nakamit.

Iniutos ni Hesus sa atin na mahalin natin ang mga taong ginawa ang sarili nila na maging kaaway natin sa pag gawa ng tatlong bagay:

1. Basbasan natin sila.
2. Gawan natin sila ng kabutihan.
3. Ipanalangin natin sila.

Sa Mateo 5:44, Ngunit ito naman ang sabi ni Hesus, “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.”

Miyerkules, Hulyo 29, 2009

PANALANGIN-ANG MAHABA AT MAIKSI NITO!

“Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita sa harap ng Diyos. Isipin mo munang mabuti ang ipapangako mo sa kanya pagkat nasa langit siya at ikaw ay nasa lupa. Magiingat ka sa pagsasalita” (Mangangaral 5:2)

Madalas mayroong pagkukunwa sa mahabang panalangin. Ang hangarin na “magpalakas” sa Diyos; ang hangarin na tularan ang panalangin ng buhay ng mga tao na ginamit ng Diyos; isang masuring pagtatangka na madaig ang Panginoon nang may sapat na wika para painipin siya sa pagkilos. Ako’y nagtataka--ang Diyos ba’y naiinip? Hinahanap niya ba ang maraming panalangin at mga kahilingan na ayon sa naka kahon sa kaiksian at katalinuhan? Ilan sa atin ay nagdudumali sa lihim na munting silid at “nagmamadali sa pagbigkas.” Nagiging padalos-dalos tayo, masalita, at parang lorong paulit-ulit, walang halagang kahilingan at mga papuring tulad. Ang Diyos ay nangangailangan ng karapat-dapat na matalino, maigsing paglalahad ng ating pangangailangan, isang malinis kaisipang tapat na papuri, isang karangalang ayon sa tapat na paggalang sa Hari ng mga hari.

Maging tiyak sa Diyos sa panalangin at siya ay magiging tiyak din sa iyo sa tanging kasagutan. Mapagbalewala at kagaanan ay walang puwang sa kanyang hukuman.

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Maghintay kayo rito at makipag puyat sa akin” (Mateo 26:38)

Ang tunay na layunin ng panalangin ay magalak sa pansariling pakikisama sa Panginoon. Hindi gusto ng puso na manatili sa presensiya ng Diyos at bigyan kasiyahan ang sarili sa “paglilingkod.” Ito’y naglalarawan ng isang pagmamadali sa lalim ng gabi o sa umaga na kung saan ang isang “pagmamadaling” panalangin ay inialay at isang madaliang bahagi ng Kasulatan ay kagakyat na tinanggap. Lahat ng pagsaksi sa mundo ay hindi maiaalis sa tao ang kanyang tungkulin at karapatan sa pananalangn sa lihim na silid. Ikandado ang sarili sa Diyos hanggang ang karnal na kaluluwa ay nabago! Walang sinuman ang dapat na manalangin nang walang pagpapakahirap at walang sinuman ang magpapakahirap ng walang pananalangin.

Bawat handog mula sa Diyos ay babayaran mo ng pagdaing. Ang tunay na kalalakihan at kababaihan ng Diyos ay nanghihina kung walang pang-araw-araw, na matatag na panalangin.