Miyerkules, Disyembre 31, 2008

MATALINO SA PAKIKIPAGLABAN

Tuwing lumalabas ang kaaway, ang grasya ng Diyos ay lumalakas sa atin. Isipin ang tungkol sa kung ano ang nangyayari sa isang puno kapag matinding hinahampas ito ng isang bagyo. Ang hangin ay nagbabanta na hugutin ang mga ugat at hipang palayo ang mga supang nito. At kapag tapos na ang bagyo, ang mga bagay ay mukhang wala ng pag-asa.

Gayunman, tingnan ng malapit; ang parehong bagyo na nagbukas ng bitak sa lupa sa paligid ng katawan ng puno ay nakatulong para sa ugat na lalong lumalim. Ang puno ngayon ay mayroon nang daanan, mas malalim na panggagalingan ng pagkain at tubig. At inalisan ito ng lahat na patay na mga sanga. Ang mga supang ay maaring wala na, ngunit ang iba ay tutubo pang muli higit na madami. Sinasabi ko sa inyo, ang puno ngayon ay mas malakas, lumalago sa hindi nakikitang paraan. At hintayin hanggang sa pag-aani—sapagkat magbubunga ito ng maraming prutas.

Maaring nasa gitna kayo ng bagyo sa mga sandaling ito. Ang hangin ay humahagupit ng malakas, marahas na nakakayanig, at iniisip mo na babagsak ka na. Minamahal, huwag matakot! Kailangang malaman mo na sa gitna ng bagyo, ikaw ay naglalagay ng malalim na espirituwal na mga ugat. Ikaw ay binubuo ng Diyos sa malalim na pagpapakumbaba, isang dakilang pagdadalamhati at kalungkutan sa kasalanan, tumatayog na gutom para sa kanyang kadalisayan.

Ginagawa kang isang bihasang kawal ng Krus—sanay sa pakikipaglaban, ngunit matalino sa pakikipaglaban at matapang. Maaring bumagsak ka sa sarili mo minsan—ngunit ang Panginoon ay hindi kailanman. Ang katunayan ay, maari siyang kumilos ng may kapangyarihan anumang sandali para iligtas ka sa iyong pagdurusa. Ngunit hindi niya ginawa—sapagkat nakita niya na ito ay nagbubunga sa iyo ng isang dakilang pagkauhaw sa kanya!

Sinasabi ng Roma 5:3, “Ang pagbabata ay nagbubunga ng pagtitiyaga.” Ang salitang nagbubunga ay nangangahulugan ng “para matupad.”

Sa 2 Corinto 4:17 nabasa natin, “Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas ko ngayon ay magbubunga ng kaligayahang walang hanggan at walang katulad.” Ang salitang nagbunga sa talatang ito ay tulad ng sa Roma 5:3.

Martes, Disyembre 30, 2008

ANG DAPAT MALAMAN NG BAWAT KRISTIYANO TUNGKOL SA PAGLAGONG ESPIRITUWAL

“Dapat kaming magpasalamat sa Diyos sa tuwina dahil sa inyo, mga kapatid. Matuwid na gawin namin ito sapagkat patuloy ring umaalab ang inyong pagmamahal sa isa’t isa” (2 Tesalonica 1:3).

Isang dakilang papuri ang ibinigay ni Pablo sa mga Kristiyano sa Tesalonica! Narito ang buong kakanyahan ng kanyang sinasabi: “Isa itong hindi kapani-paniwalang makita kung gaano kayo lumago, sa parehong pananalig ninyo kay Kristo at sa inyong pagmamahal sa isa’t isa. Kahit saan ako magtungo, ipinagmamalaki ko sa iba ang tungkol sa inyong espirituwal na paglago.Tunay kong pinasasalamatan ang Diyos para sa inyo!”

Sa maiksing talatang ito, ibinigay ni Pablo sa atin ang kamangha-manghang larawan ng samahan ng mananampalataya na lumalago sa pagkakaisa at pagmamahalan. Ang salitang Griyego na ginamit ni Pablo para sa “labis na lumalago” ay nangangahulugan ng “lubos na lumago, sa taas at higit pa sa iba.” Parehong sa pag-iisa at magkakasama, ang pananalig at pag-ibig ng mga taga-Tesalonica nalampasan ang lahat ng iba pang mga iglesya.

Hayagan, ang mga taga-Tesalonica ay hindi lamang nagsusumikap na humawak sa kanilang pananalig hanggang sa bumalik si Hesus. Sila’y nag-aaral, kumikilos, lumalago—at ang mga buhay nila ay nagpakita ng mga katunayan sa katotohanang iyan. Ayon kay Pablo, sila’y pinag-uusapan ng bawat iglesya sa Asya.

Maliwanag, ang pangangaral na narinig ng mga taong ito ay nag-udyok sa kanila sa lalo pang malalim na paglalakad kasama si Kristo. Tinutunaw nito ang kanilang makasanlibutang pagnanasa at hinatulan sila ng di-makaKristiyanong mga ugali. At ang Espiritu Santo sa kanila ay winawasak ang lahat ng panlahing balakid at mga kulay na linya. Natutuklasan nila paano yakapin ang bawat tao, maging mayaman o mahirap man, may pinag-aralan man o wala. At nag-alok sila ng dakilang pangangalaga sa isa’t isa, mas ninanais ang bawat isa sa pag-ibig.

Kung ikaw ay dinidilig at pinakakain ng Salita ng Diyos, kailangang may espirituwal na paglago ka na tuloy-tuloy sa iyong buhay. Kailangang automatikong nangyayari ito.

“Hindi ko alam kung ang bawat isa sa inyong kongregasyon ay “lubos na lumalago,” tulad ng pagkakaalam ni Pablo sa mga taga-Tesalonica. Gayunman, nainiwala ako na ito ay totoo sa maraming tao natin. Bakit? Ang pinagpalang pagangaral ng dalisay na Salita ng Diyos ay laging nagbubunga ng paglago. At sinabi ng apostol Pedro na ang lahat na may nais sa purong gatas ng Salita ay lalago.

Inilarawan ni Pablo ang ating espirtuwal na paglago na gawain ng Espiritu Santo. Sinabi niya na ang Espiritu ay patuloy na gumagawa, binabago tayo mula sa kaluwalhatian patungo sa kaluwahatian. Patuloy niyang binabago ang ating mga isipan, pinipigilan ang ating katawang lupa, at dinadala ang kadalisayan sa ating kalooban. Kumikilos siya sa ating mga puso para alisin ang poot, kasaklapan, sama ng loob at lahat ng makasalanang bagay. At ibinubunga niya sa atin ang kabutihan, magiliwin at mapagpatawad para sa isa’t isa. Pinalalago niya tayo kay Kristo—itinuturo sa atin na ang lahat ng ating sinasabi at ginagawa ay dapat na karapat-dapat sa ating Panginoon!

Hinikayat pa tayo ni Pablo na, “Kaya , dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili..,” (1 Corinto 11:28). Ang salitang Griyego sa siyasatin dito ay nangangahulugan ng “suriin, subukin.” Sinasabi ng apostol, “Siyasatin ang sarili—tingnan kung ikaw ay naglalakad ayon sa Salita ng Diyos.” Patuloy natin dapat tanungin ang ating mga sarili, “Ako ba’y nagbabago? Ako ba’y lalong nagiging mapagmahal at may malambot na puso? Tinatrato ko ba ang aking pamilya at mga kaibigan ng may makaDiyos na paggalang? Ang aking bang pakikipag-usap ay nagiging matuwid?”

Lunes, Disyembre 29, 2008

MINSAN TAYO AY LUMALAGO AT HINDI NATIN NAMAMALAYAN ITO

Ilang mga mananampalataya ay makapagsasabi sa inyo tungkol sa kanilang espirituwal na paglago. At maliwanag na makikita natin ito sa mga pagbabago sa mga buhay nila. Nagpatotoo sila kung paano nagapi ng Espiritu Santo ang kaaway para sa kanila, at nakipagbunyi kayo kasama nila sa tagumpay.

Gayunman ang mga ganitong uri ng mananampalataya ay mga natatangi. Maraming mga mananampalataya ay halos walang kamalay-malay sa espirituwal na paglago sa kanilang mga buhay. Nanalangin sila, nagbabasa ng Bibliya at hinahanap ng buong puso ang Panginoon. Wakang balakid sa espirituwal na paglago sa kanila.

Ngunit hindi nila namamalayan ang anumang paglago sa mga sarili nila. Isa akong halimbawa ng ganitong uri ng mananampalataya. Alam ko na ako ay naglalakad ng matuwid kay Kristo, gayunman hindi ko namamalayan na ako’y lumalago. Sa katunayan, paminsan-minsang bumaba ako sa aking sarili kapag nakagawa ako o may nasabi na hindi maka-Kristiyano. Nagbibigay dahilan ito para mag-isip ako, “Ako’y isang Kristiyano sa maraming taon na. Bakit hindi pa rin ako natututo?”

Palagay ko’y ang mga taga-Tesalonica ay nalito ng marinig nila ang nagniningning na pagtatasa sa kanila (tingnan 2 Tesalonica 1:3). Maaring naiisip nila, “Ako, lubos na lumalago? Maaring nagbibiro lamang si Pablo.”

Gayunman alam ni Pablo na ang espirituwal na paglago ay isang lihim, nakatagong bagay. Inihalintulad ito ng Kasulatan sa hindi nakikitang paglaki ng mga bulaklak at mga puno: “Ako’y matutulad sa hamog sa magpapasariwa sa Israel, at mamumulaklak siyang gaya ng liryo, mag-uugat na tulad ng matibay na punung-kahoy; dadami ang kanyang mga sanga, gaganda siyang tula ng puno ng olibo, at hahalimuyak gaya ng Libano” (Oseas 14:5-6).

Sinasabi ng Diyos sa atin, “Magtungo sa mga liryo! Pagmasdan kung paano sila lumaki. Sasabihin ko sa inyo na pagkatapos ng araw wala kang makikitang anumang paglaki. Ngunit alamin ito; dinidiligan ko ang mga liryo tuwing umaga ng hamog na aking ipinadadala—at ito’y lalago.” Ito’y tunay na tulad din ng maraming espirituwal na paglago. Ito’y halos di-mapapansin ng mata ng tao!

Kapag mayroong mga tao na naligtas, hindi na sila mistulang nagpapakahirap na may tadtad na kasalanan. Nagpatotoo sila, “Sa sandaling lumapit ako kay Hesus, inalis na ng Panginoon ang tuksong iyan palayo sa akin. At ako ay napalaya mula noon.” May kilala akong mga dating gumon sa bawal na droga na may tulad na karanasan.

Ngunit sa maraming mga Kristiyano, ito’y naiibang kwento. Pagkatapos ng maraming taon na sila ay ligtas na, ang dating katiwalian ay muling nagwala sa kanila—bagay na kinamumuhian nila at hindi na kailanman nais na makita pang muli. Ngunit anumang pagsusumikap na paglabanan ito, ang isang natitirang pananabik na iyan ay ayaw talagang umalis. Sa buong magdamag nawawalan sila ng pagasa. Ang espiritu nila ay tumatangis, “Gaano pa katagal, Panginoon? Kailan mapapatid ang kadenang ito?” At karaka’y darating ang diyablo sa kanila, sinasabi na, “Hindi ka magtatagumpay. Alam mo na walang paraan na lalago ka sa espirituwal sa ganitong kalagayan.”

Gamitin ang puso, kaibigan—mayroon akong , magandang balita para sa iyo. Ikaw ay lumalago sa gitna ng iyong paghihirap! Sa katunayan, maaring lumalago ka ng malaki dahilan sa iyong pagsusumikap.

Magtiwala ka—kung mayroong takot sa Diyos sa iyong puso, ikaw ay lulutang mula sa bagyo ng mas malakas. Nakita mo, kapag nakikipaglaban ka sa kaaway, ikaw gumaganap at tumatawag sa lahat ng grasya at kapangyarihan ng Diyos. At kahit na nararamdaman mong nanghihina ka, ang mga grasya at mga kapangyarihan ay pinalalakas ka. Isa pa, ikaw ay higit pang nagmamadali sa iyong pananalangin. At, pangalawa, hinubaran ka ng lahat ng katigasan ng loob. Kaya’t tunay na inilalagay ka ng bagyo sa “espirituwal na pagbabantay“ sa lahat ng bahagi ng iyong buhay!