Lunes, Agosto 8, 2011

TUMUGON SI JOSE SA TAWAG NG ESPIRITU

Ang Espiritu ng Diyos ay patuloy na nanawagan sa sangkatauhan para sa kanya—para sa kabanalan, dalisay ng puso, isang buhay na nakabukod—at sa bawat salinlahi may mga natira na tumugon sa tawag. Si Jose ay tumugon sa tawag ng Diyos sa murang gulang pa lamang; ang kanyang sampung nakatatandang kapatid ay nakatanggap din ng katulad na tawag na sumuko at matuwid na mamuhay, ngunit mas pinili nilang manatili sa tawag ng sanlibutan.

Mayroong dalawang pagkakataon na ang lahat ng anak ni Jacob ay nakatanggap ng maliwanag na tawag ng Espiritu. Ang una ay noong si Jacob ay nagtatag ng dambana para sa Diyos ng Israel (Genesis 33:18-20). Tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak sa dambana para kasama siyang sumamba, lumuhod sa harapan ng Panginoon at sumunod sa kanya, ngunit sa halip ay mas pinili ng mga kapatid ni Jose na maghiganti at magkamatayan.

Ang pangalawang pagkakataon na maliwanag na tinawag ng Diyos ang sampu sa Bethel. Alam ni Jacob na ang kanyang mga anak ay nakagapos sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at tumatanggi sa tawag ng Diyos sa pagkadalisay at katuwiran, kayat nagbabala siya sa kanila: “Itapon ninyong lahat ang diyus-diyosang taglay ninyo, maglinis kayo ng inyong katawan, at magbihis kayo. Aalis tayo rito at pupunta sa Bethel. Magtatayo ako roon ng altar para sa Diyos na kasama ko saan man at laging tumutulong sa akin sa panahon ng kagipitan” (Genesis 35:2-3).

Ito ang isa sa pinakamaliwanag na tawag sa lahat ng Salita ng Diyos! Ang salitang “magbihis kayo” sa Hebreo ay nangangahulugan na isang moral at espirituwal na paglilinis ng isipan at puso. Sa panglabas ang mga anak ni Jacob ay sumuko: “Ibinigay nila kay Jacob ang kanilang mga diyus-diyosan at ang suot nilang mga hikaw” (talata 4). Ngunit ang kanilang pagsisisi ay panglabas lamang—hindi sila nagkaroon ng tunay na pagbabago sa kanilang mga puso. At muling nagsibalik sa dating gawi ng paghihimagsik, poot, inggit at kaguluhan!

Si Jose ay naiiba sa kanyang mga kapatid: ang kanyang pagsisisi ay galing sa puso. Tumugon siya sa tawag ng Espiritu at nakatalang sumunod sa Panginoon. Sa gitna ng isang, makasalanang kapaligiran, napanatili ni Jose ang malinis na kamay at dalisay na puso.

Si Jose ay ipinadala sa bukirin para tulungan ang kanyang mga kapatid na alagaan ang kanilang mga alaga. Ngunit siya ay nahapis sapagkat ang kanyang mga kapatid ay nangungusap at namuhay na parang hindi kristiyano! Ang kanyang dalisay na puso ay nawasak ng kasamaan ng sarili niyang pamilya.
“Kaya't ang mga ito'y isinumbong niya sa kanilang ama” (37:2). Ibinuhos ni Jose ang puso niya sa kanyang ama: “Hindi ka maniniwala sa paraan ng kanilang pamumuhay, Ama. Nagsasalita sila laban sa iyong Diyos. Sinasaktan nila siya!”

Ang tanda ng Samahan ni Jose ay ang kalungkutan nila sa mga ksalanan! Iwinaksi na nila ang lahat ng diyus-diyosan at umiibig kay Jesus, ang kanilang mga puso ay nag-aalab sa kanilang kabanalan! Nakikita nila ang mga kasalanan sa kapaligiran, ngunit higit silang nasasaktan sa kasalanan sa iglesya. Tumatangis sila mula sa kanilang mga kaluluwa, “O Ama, tingnan mo kung ano ang nangyayari sa iyong mga anak!” kung ikay ay bahagi ng ganitong samahan sa mga huling araw, hindi mo maaring makaligtaan ang kasalanan. Sa halip, mayroong magsusumigaw sa puso na nagsasabi, “O Diyos ko, hindi ko na makayanan ang ginagawa nila sa pangalan mo!” nagsimula kang manalangin—hindi laban sa mga tao, kundi laban sa loob ng mga maladiyablong kapangyarihan sa iglesya ni Jesu-Cristo!

Biyernes, Agosto 5, 2011

ANG PINAKAMALAKING PAGSUBOK NI JOSE AY ANG SALITA NG DIYOS!

“Subalit ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki, tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose… Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin nitong si Yahweh, na siyang nangakong siya'y tutubusin” (Awit 105:17,19). si Jose ay sinuri at sinubok sa maraming paraan ngunit ang pinakamalaki niyang pagsubok ay ang salitang tinanggap niya!

Isaalang-alang ang lahat nang pinagtiisan ni Jose: Sa edad na 17 pa lamang, hinubaran siya at inihagis para gutumin hanggang sa mamatay. Ang kanyang mga walang-pusong mga kapatid ay pinagtawanan lamang ang kanyang pagmamakaawa at ipinagbili siya sa mga mangangalakal na Ismaelita na nagdala sa kanya sa kalakalan ng mga alipin sa Egipto at ipinagbili bilang isang pangkaraniwang alipin.

Gayunman ang pinakamalaking pagsubok ni Jose ay hindi ang pagkakatakwil sa kanya ng kanyang mga kapatid o maging hindi makataong pag-alipusta sa pagiging alipin niya o ang pagtapon sa kanya sa bilangguan. Hindi—ang nakapagpalito at sumubok sa espritu ni Jose ay ang maliwanag na salita na narinig niya mula sa Diyos!

Ang ipinahayag kay Jose ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip ay siya ay bibigyan ng malaking kapangyarihan na gagamitin niya para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang kanyang mga kapatid ay yuyuko sa harapan niya at siya ay magiging isang dakilang tagapagligtas ng maraming tao.

Hindi ako naininiwala na ang anuman sa mga bagay na ito ay isa lamang pansariling pagmamalaki para kay Jose. Ang kanyang puso ay ganap na nakatalaga sa Diyos na ang salitang ito ay nagbigay sa kanya ng isang mapagkumbabang damdamin ng kapalaran: “Panginoon, inilagay mo ang mga kamay mo sa akin para magkaroon ako ng bahagi sa iyong dakila, walang-hanggang layunin.” Si Jose ay pinagpala na malaman man lang na siya ay may gagampanang mahalagang bahagi na madala ang kalooban ng Diyos na mangyari. Siya ay ang lingkod—kailangan siyang yumuko! Paano siya makakapaniwala na isang araw ay ililigtas niya ang marami na kung saan siya ay isang alipin lamang! Maaring naisip niya, “Hindi kapani-paniwala ito. Paanong ipag-uutos ng Diyos na ako ay ipabilanggo, sa kawalan ng pa-asa? Sinabi ng Diyos na ako ay pagpapalain ngunit hindi niya sinabi na ganito ang mangyayari!”

Sa loob ng sampung taon si Jose ay matapat na naglingkod sa tahanan ni Potipar ngunit sa huli siya ay maling naakusahan at ipinagsinungaling. Ang kanyang tagumpay na makaiwas sa panunukso ng asawa ni Potipar ay naging sanhi pa ng kanyang pagkakakulong. Sa mga sandaling iyon maaring nakapagbulay-bulay siya sa mga hindi kaaya-ayang mga katanungan: Tama ba ang pagkakadinig ko? Ang pagmamataas ko ba ang lumikha sa mga masasamang pangyayaring ito? Maari kayang ang mga kapatid ko ay tama? Maaring ang lahat ng ito ay nangyayari sa akin bilang pagdidisiplina sa ilang bagay na aking makasariling paghahangad.

Mga minamahal, mayroong mga pagkakataong ipinakita sa akin ng Diyos ang mga bagay na hangad niya para sa akin—ministeryo, paglilingkod, kagamit-gamit—subalit ang bawat pagkakataon ay taliwas sa mismong mga pahayag na iyon. Sa mga sandaling iyon naisip ko na, ”O Diyos, hindi maaring ikaw ang nagsasalita; maaring ito ay laman ko,” Ako ay sinubok ng salita ng Diyos para sa akin ngunit binigyan tayo ng kanyang mga pangako at maari tayong magtiwala sa mga ito, sa lahat ng ito!

Huwebes, Agosto 4, 2011

ANG BAWAT SALITA AT PANGAKO AY NATUPAD

Si Jose ay nasa pinakamadilim nyang sandali—malungkot, nalulumbay, halos isuko na ang kanyang mga pangarap, tinatanong ang kalagayan niya sa Diyos. Kaginsa-ginsa, ang tawag ay nanggaling mula sa isang bantay ng hari: “Jose! Linisin mo ang sarili mo—tinatawag ka ng Faraon!”
Sa sandaling iyon, naniniwala ako na ang Espiritu ng Diyos ay makapangyarihang bumaba sa kanya at ang kanyang puso ay sabik na napukaw. Malapit na niyang maunawaan ang tungkol sa lahat!

Habang nag-aahit siya at ginugupitan ang kanyang buhok maaring iniisip niya, “Ito na ang simula ng pangako ng Diyos sa kanya. Ngayon alam ko narinig ko mula sa kanya! Ang diyablo ay hindi namayani at ang buhay ko ay hindi nasayang. Ang Diyos ang nagdadala sa lahat sa loob ng mga panahong iyon!”

Sa loob ng ilang sandali, si Jose ay nakatayo sa harapan ng Faraon, nakikinig sa kanyang panaginip. Isiniwalat ni Jose ang padating na taggutom at sinabi sa Faraon na kailangang maghanda at mag-imbak ng binhi: “Ang mabuti po'y pumili kayo ng taong matalino at may kakayahan upang siyang mamahala sa Egipto” (tingnan ang Genesis 41).

Tumingin sa paligid ang Faraon at pagakatapos ay humarap kay Jose: “Ikaw! Jose! Itinatalaga kita bilang pangalawang namumuno. Ako lamang ang may mas higit na kapangyarihan sa iyo sa buong kaharian. Ikaw ang mangangasiwa sa lahat ng ito!”

Gaano kabilis pagbabago ng mga bagay! Dumating ang araw na nakatayo si Jose sa harap ng kanyang mga kapatid at nasabing: “Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon” (Genesis 50:20).

“Pinauna ako rito ng Diyos upang huwag malipol ang ating lahi. Kaya, hindi kayo kundi ang Diyos ang nagpadala sa akin dito. Ginawa niya akong tagapayo ng Faraon, tagapangasiwa ng kanyang sambahayan at tagapamahala ng buong Egipto" (Genesis 45:7-8).

Minamahal kong mga banal, malapit na na mauunawaan ninyo ang inyong pangkasalukuyang mga nag-aapoy na mga pagsubok. Dadalhin kayo ng Diyos sa pangako na ibinigay niya sa inyo at pagkatapos ay maiintindihan na ninyo ang lahat. Makikita ninyo na hindi niya kayo pinabayaan.

Kailangang dalhin niya kayo sa ganitong paraan, sapagkat kayo ay sinasanay niya, inihahanda, tinuturuan na magtiwala at manalig sa kanya para sa lahat ng bagay. Pinagplanuhan niya ang panahon para sa iyo para magamit—at ang sandaling iyon ay malapit na sa maganap!