Miyerkules, Agosto 3, 2011

SI JOSE AT ANG BIYAYA NG DIYOS

Ang ating bang Amang nasa langit ay may ilang pinapaboran sa kanyang mga anak? Sinasabi ba ng Bibliya na ang Diyos ay hindi gumagalang sa tao? Pagdating sa kaligstasan at mga kahanga-hanga niyang mga pangako, parehas ang pagtrato ng Diyos sa lahat ngunit ipinagkakaloob niya ang namumukod na pabor doon sa mga may buong-puso na tumutugon sa kanyang pagtawag at ibinibigay ang kanilang buong buhay sa kanya!

Sinabi ni Job: “Ako'y binigyan mo ng buhay at wagas na pagmamahal, at ang pagkalinga mo ang sa aki'y bumuhay” (Job 10:12). Sinabi ni David: “Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig” (Awit 5:12).

Ang ating Amang nasa langit ay naglalagay ng di-pangkaraniwang kasuotan doon sa mga lubos na nagkaloob ng kanilang mga puso: “Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran” (Isaias 61:10).

Si Jose ay tumugon sa tawag ng Espiritu, isinuko ang lahat, bilang biyaya mula sa kanyang ama nakatanggap siya ng balabal na nagbukod sa kanya. Ngunit ang pabor na iyan ng kanyang ama ay mahalaga! Ibinunga nito ay pagtalikod ng kanyang mga kapatid sa kanilang relasyon at siya ay dinala sa pagtatakwil, hindi pagkakaunawa at panunuya: “Kinamuhian siya ng mga ito at ayaw siyang pakisamahang mabuti” (Genesis 37:4).

Bakit ang mga kapatid ni Jose ay tumalikod sa kanya? Ang susi ay nasa talaang 11: “Ang kanyang mga kapatid ay nainggit sa kanya.” Nang makita nila ang balabal na suot ni Jose, alam nila na ito ay nangangahulugan ng pagtatangi, katuwiran. At kinamumuhian nila ito, sapagkat ipinaalala sa kanila ito ang pagtawag ng Espiritu na kanilang tinanggihan! Si Jose ay isang pagkutya sa kanilang mga kakaibang istilo ng pamumuhay!

Nakita niyo na, ang mga kapatid ni Jose ay mga nakaupo na walang ginawa kundi pag-usapan ang kathakathang usapan at usapang makasarili. Ang kanilang mga puso ay nagpapahalaga lamang sa mga lupain, ariarian, ang hinaharap, ngunit si Jose ay nasa kabilang-dako. Nagpapahayag siya ng mga usaping mga bagay tungkol sa Diyos, ng mga makapangyarihang pang-uugali. Pinagkalooban siya ng mga panaginip, na kung saan ang araw na iyon ay tugma o katulad ng pagkakadinig sa tinig ng Diyos.

Ang mga mabababaw na mananampalataya ay mas gustong pag-usapan ang tungkol sa kanilang mga sasakyan, bahay at trabaho, ngunit mas gusto mong pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa walang hanggan. Maiingit sila sa iyo sapagkat kumakatawan ka sa tawag ng Espiritu Santo na kanilang tinanggihan.

Oo, si Jose ay may ibang kasuotan at ang pagkakaibang iyan ang dahilan kung bakit siya kinamumuhian ng kanyang mga kapatid. At, mga minamahal, ganyan din ang mangyayari sa iyo kapag ikaw ganap na na kay Jesus!

Martes, Agosto 2, 2011

SAMAHAN NI JOSE

Hayaan mong ipakita ko sa iyo ang Samahan ni Jose—isang samahan ng mga huling-araw na mga mananampalataya na lubos na ipinagkaloob ang buhay sa Panginoon. Sila ay araw-araw na nakikipag-isa sa Diyos at pinangungunahan ng Espiritu sa bawat bahagi ng kanilang mga buhay. Sa mga sandaling ito sila ay nanggagaling sa mga malalaking pagsubok para makapasok sa lugar ng pagpapahayag, karunungan at katapatan. Ang Diyos ay kumikilos sa kanila, ipinagkakaloob sa kanila ang katotohanan at karunungan, at sa nalalapit na panahon sila ay tatawagin niya katulad ni Jose!

Sa maraming bahagi, ang iglesya ngayon ay dumadanas ng pangmalawakang espirituwal na gutom: mababaw na mga pangaral, mga patay sa pakikinig, “buhay na buhay” na pagsamba na hindi sinasamahan ng matuwid na pamumuhay.

Ang Diyos ay matagal nang kumikilos sa bawat espirituwal na taggutom sa kanyang iglesya. Sa bawat salinlahi nauna na siyang kumilos para maihanda ang kanyang mga tao na mailigtas!

Ang pitumput-limang kasapi ng angkan ni Jacob ay maaring namatay sa malaking pandaigdigang taggutom (at ang pangako ng Israel ay maaring nawasak) kung hindi naunang kumilos ang Diyos para paghandaan ang lahat ng ito. Sa katunayan, mayroong dalawampung taon na bago nangyari ang taggutom, ang Diyos ay nauna nang naghanda ng plano para iligtas ang kanyang mga tao sa pagkawasak.

Una nang ipinadala si Jose sa Egipto! Sa loob ng dalawangpung taon ang Diyos ay kumilos sa taong ito—ibinukod siya, sinubok, inihanda siya para sa isang lugar na may kapangyarihan—sapagkat si Jose ay magiging tagapagligtas ng mga pinili ng Diyos. Inilayo niya si Jose sa mata ng publiko upang maihanda siya sa padating na mga kaguluhan at kamatayan!

Minamahal, katulad nang kasiguruhan sa pagbubukod kay Jose, mayroon siyang Samahan ni Jose sa panahong ito na nakatago sa mata ng publiko. Ito ay nasa pugon ng dalamhati, kulungan ng pagsubok, labanan ng mga pagsubok at mga tukso. Sila ay namamatay sa sanlibutang ito, ayaw magkaroon ng kinalaman sa katanyagan nito, karangalan, salapi o kasiyahan. At sila ay patuloy na nagugutom na lalo pang maging malapit kay Crsito, upang malaman ang kanyang puso at makilala ang kanyang tinig.

Maaring hindi mo maunawaan ang mga mahiwagang pagsusuri at pagsubok sa iyong buhay. Ngunit kung ang puso mo ay nakatuon sa pagsunod kay Cristo, makaaasa ka na ang Diyos ay may layunin sa lahat ng ito: nais niyang isama ka sa Samahan ni Jose.

Lunes, Agosto 1, 2011

ANG DIYOS AY MAY BAGONG GINAGAWA

Gaano kadalas ninyong marinig na sinasabi ng Kristiyano, “Ang Diyos ay may bagong bagay na ginagawa sa iglesya”? Ang “bagong bagay” na tinutukoy nila ay maaring tawaging muling pagbabangon, ang pagbuhos, isang pagbisita, o isang pagkilos ng Diyos.

Gayunman kadalasan, ang “bagong bagay” ay madaling mamatay. At kapag ito ay kumupas na, hindi na ito matatagpuan muli. Sa ganitong paraan, pinatutunayan na ito ay hindi galing sa Diyos. Sa katunayan, ang mga Kristiyanong sosyolohiko ay nasundan ang ganitong maraming pagbisita at natuklasan na ang humigit kumulang ng buhay ng ganitong mga pangyayari ay mayroong limang taon.

Sa aking sariling paniniwala ang Diyos ay may ginagawang bago sa kanyang iglesya ngayon. Gayunman ang dakilang gawaing ito ng Espiritu ay hindi matatagpuan sa isang lugar lamang. Ito ay nangyayari sa buong sanlibutan.

Ang Diyos ay hindi magsisimula ng isang bagong bagay hanggang hindi pa natatapos ang luma. Ang simulain ng Bibliya dito, napatunayan na sa mga nagdaang siglo ng kasaysayan ng iglesya, ay matatagpuan sa parehong Tipan at sinasakop ang anumang tunay na pagkilos ng Diyos. Sa pagkakalagay ni Cristo dito, hindi siya maglalagay ng bagong alak sa lumang lalagyan (tingnan ang Marcos 2:22).

Ang simulain ng paglimot sa luma at iangat ang bago ay unang ipinakilala sa Lumang Tipan sa Shilo. Sa panahon ng Hukom, itinatag ng Diyos ang banal na gawain sa lunsod na iyon(tingnan ang Hukom 18:31). Sa Shilo ay kung saan nakatayo ang santwaryo ng Panginoon, ang sentro ng lahat na gawaing pangrelihiyon sa Israel. Ang pangalang Shilo ay nangangahulugan na “na ito ay sa Panginoon.” Ito ay nagpapahayag ng mga bagay na kumakatawan sa Diyos at ipinahayag ang kanyang kalikasan at pagkatao. Nagpahayag ang Diyos sa kanyang mga tao sa Shilo; at doon narinig ni Samuel ang tinig ng Diyos na kung saan ipinahayag ng Panginon ang kanyang kalooban sa kanya (tingnan ang 1 Samuel 1).

Ang Panginoon ay tumigil sa pagpapahayag sa Shilo sapagkat ang saserdote ay naging tamad at naging mahalay sa laman at ang lunsod ay naging tiwali. Sinabi ng Diyos kay Samuel, na may kakanyahan, “Ang Shilo ay naging ganap na nadungisan, hindi na ito kumakatawan sa kung sino Ako. Ang tahanang ito ay hindi na sa akin. Tapos na ako dito.” Kayat umalis na sa santwaryo ang presensya ng Panginoon at isinulat ang “Ikabod” sa itaas ng pintuan, na ang kahulugan ay, “Ang kaluwalhatian ng Panginoon ay umalis na.”

Ganap nang iniwan ng Diyos ang luma ngunit minsan pa, itinatag niya ang bago. Pagkatapos noon, ang templo sa Jerusalem ay kinilala bilang “Tahanan ng Panginoon” at doon nagpahayag ang Diyos sa kanyang mga tao.

“Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago” (2 Corinto 5:17).