Lunes, Nobyembre 30, 2009

DAAN PATUNGO SA DIYOS

Hinanap ko ang Panginoon sa pananalangin at tinanong ko siya, “Ano ang pinakamahalagang sangkap ng paggawa mo sa amin bilang iyong templo?” Ito ang dumating sa akin: daanan na may kasamang katapangan at pananalig. Sinabi ni Pablo tungkol kay Kristo, “Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makalalapit tayo sa Diyos na panatag ang loob” (Efeso 3:12).


Sa templo ng mga Hudyo, maliit lamang ang daan patungo sa Diyos. Sa katunayan, ang daang ito ay nakalaan lamang sa mga namumunong ministro, at ito ay minsan isang taon lamang. Kapag dumating ang panahon, ang ministro ay papasok sa presensiya ng Diyos na may takot at panginginig. Alam niya na siya ay maaring mabugbog sa paglapit sa luklukan ng kapatawaran na may kasalanang di-mapatawad sa kanyang puso.


Ngayon ang Diyos ay lumitaw mula sa maliit, na ipinagbabawal na silid. At siya ay dumating sa atin ng tuwiran sa ating kahihiyan at katiwalian. Sinasabi niya sa atin, “Ako’y dumating upang manahan sa iyo. Hindi mo kailangang ikubli ang iyong dumi at kawalan ng pag-asa mula sa akin. Pinili kita sapagkat gusto kita at aking gagawing tahanan ang iyong katawan, aking tirahan, aking tahanan.


“Aking ipadadala ang aking Banal na Espiritu, na sasantipikahin ka. Lilinisin niya at wawalisin ang bawat silid, upang ihanda ang iyong puso bilang akin ngunit hindi yaon lamang. Pauupuin kita sa aking tabi at hihikayatin kitang lumapit ng may tapang sa aking trono, na may pananalig. Nakita mo, nais ko na humiling ka sa akin ng kapangyarihan, grasya, lakas, lahat ng kailangan mo. Ibinaba ko ang langit sa iyong kaluluwa, upang ikaw ay magkaroon ng daan sa lahat ng ito. Ikaw ay mayaman, ngunit hindi mo ito alam. Ikaw ay isang tagapagmana nang lahat ng aking kaluwalhatian.


Ang tanging dahilan kung bakit ang iyong katawan ay banal ay sapagkat ang Banal na Espiritu ay naninirahan doon. At ito ay pinanatiling banal dahil lamang sa kanyang patuloy na presensiya at kapangyarihan. Hindi mo ito magagawa. Ikaw ay naging isang nerbiyoso dahil lamang sa pagsisikap na bantayan ang lahat ng papasukan. Nawawalan ka ng pag-asa kapag nabigo ka na pigilan ang pagpasok ng alikabok at dumi na dala ng hangin papasok. Ikaw ay napapagal sa pagtakbo sa bawat silid, nagwawalis at nagpupunas, nagsisikap na pagandahin ang mga bagay dito.


Ang bawat Kristiyano ay dapat na magalak sa katotohanang ito. Ang Diyos ay nasa iyo! At siya ay laging nasa iyo, kaya’t sino ang sasalungat sa iyo?

Biyernes, Nobyembre 27, 2009

PAGPAPALAKI NG PUSO

Ang mga ebanghelistang sina George Whitefield at John Wesley ay dalawa sa mga dakilang mangangaral sa kasaysayan. Ang mga lalaking ito ay nangaral sa libu-libo sa mga lawad na pagtitipon, sa kalsada, sa mga liwasan at mga piitan, at sa pamamagitan ng kanilang ministeryo marami ang nadala kay Kristo. Ngunit may pagtatalong katuruan ang namuo sa pag-itan ng dalawang lalaking ito tungkol sa kung paano ang isang tao masantipika. Ang bawat doktrinal na kampo ay ipinaglaban ng mahigpit ang kanilang paninindigan, at nagkaroon ng palitan ng mga mababagsik na salita, na ang mga tagasunod ng dalawang lalaki ay nagtatalo sa di-angkop na pag-uugali.


Isang tagasunod ni Whitefield ang nagtungo sa kanya isang araw at nagtanong, “Makikita kaya natin si John Wesley sa langit?” Itinatanong niya, na may kakanyahan, “Paano maliligtas si Wesley kung nangangaral siya ng mali?”


Sumagot si Whitefield, “Hindi, hindi natin makikita si John Wesley sa langit. Siya ay lubos na papaitaas malapit sa trono ni Kristo, sobrang lapit sa Panginoon, na hindi natin makikita.”


Tinawag ni Pablo ang uri ng espiritung ito na“pagpapalaki ng puso.” At ito ay nasa kanya rin ng sumulat siya sa mga taga Corinto, isang iglesya na kung saan ang ilan ay inakusahan siya ng katigasan at mga nanuya sa kanyang pangangaral. Tiniyak ni Pablo sa kanila, “Tapatan ang pagsasalita ko sa inyo, mga taga Corinto. Kung ano angnasa loob ko ay siya kong sinasabi” (2 Corinto 6:11).


Kapag pinalaki ng Diyos ang iyong puso, kaginsa-ginsay maraming hangganan at hadlang ang natatanggal. Hindi ka na nakakakita sa maliit na lente lamang. Sa halip makikita mo ang sarili mo na inaakay ng Banal na Espiritu doon sa mga nagdurusa. At ang mga nagdurusa ay hinihila palapit sa iyong mahabaging espiritu sa pamamagitan ng pang-akit ng Banal na Espiritu.


Kaya, mayroon ka bang malambot na puso kapag nakakakita ka ng mga taong nagdurusa? Kapag nakakita ka ng isang kapatiran na natisod sa kasalanan o may mga suliranin, ikaw ba’y natutukso na sabihin kung ano ang mali sa buhay nila? Sinabi ni Pablo na ang mga nagdurusa ay kailangan maipanumbalik sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at kahinahunan. Kailangan nila na matagpuan ang Espiritu ni Hesus na kanyang ipinamalas.


Narito ang tangis ng aking puso sa mga natitira ko pang mga araw: “O Diyos, alisin mo ang kakiputan ng aking puso. Nais ko ang espiritu ng iyong kahabagan para doon sa mga nagdurusa…ang iyong espiritu ng pagpapatawad kapag nakakakita ako ng isang nawalan ng puri… ang iyong espiritu ng pagpapanumbalik, upang maalis ang kanilang pagsisisi.


“Alisin mo ang lahat ng pagsasarili mula sa aking puso, at palakihin ang aking kakayahan na ibigin ang aking mga kalaban. Kapag lumapit ako sa isang tao na nagkakasala, huwag mo akong hayaan na humusga. Sa halip, hayaan mo na ang balon ng tubig na dumadaloy sa akin ay maging ilog ng banal pag-ibig para sa kanila. At hayaang ang pag-ibig na ipinamalas sa kanila ay magningas na pag-ibig para sa iba.”

Huwebes, Nobyembre 26, 2009

INI-IBIG NG DIYOS ANG IGLESYA

Ang tunay na iglesya ni Hesu-Kristo ay ang kina-aaliwan ng mga mata ng Panginoon. Gayunman mula sa simula, ang kanyang iglesya ay dumanas ng pagbabalikwas at mga huwad na mangangaral. Ang mga naunang iglesya—yaong mga apostolikong katawan na itinatag ni Pablo at nang mga apostol—ay mayroong kapunuan ng pagpapayo ng Diyos na ipinangaral sa kanila. Walang “nakamit na paglago at katatagan” ang itinago mula sa mga taga-sunod ni Kristo. Iginawad ang katotohanan sa kanila, hindi lamang sa salita kundi sa pagpapatunay at kapangyarihan ng Banal na Espiritu.


Nagbabala si Pablo kay Timoteo na darating ang panahon na ang ilang mga tao ng Diyos “Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga gurong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig (ang tinatawag na mahiwagang-katotohanan)” (2 Timoteo 4:3-4).


Ang kasaysayan ay nagtala na ito ay naganap na katulad ng hula ni Pablo. Pagkamatay ng apostol—at ang salin-lahing umupo sa ilalim ng kanilang katuruan ay pumanaw—isang sapakatan ng makasalanang pagkakamali ay bumaha sa iglesya. Ang mga mananampalataya ay tinukso ng mga kakatwang mga katuruan—at agham at pilosopiya na nagpa-agnas sa katotohanan ng Magandang Balita ni Kristo.


Isa-alang-alang ang sinabi ni Pablo sa kadalisayan ng iglesya ni Kristo: “Si Kristo…inihandog niya ang kanyang buhay para rito, upang ang iglesiya’y italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang iglesya, marilag, banal, walang batik, at walang anumang dungis o kulubot” (Efeso 5:25-27).


Ang mahalagang ikinababahala ng Diyos ay hindi tungkol sa iglesyang bumalikwas. Maging ang pagbalikwas ay hindi kayang patayin o puksain ang iglesya ni Hesu-Kristo. Kahit na ano ang mga suliraning ito, ang lahat ay nasa pangangalaga ng Diyos, at ang kanyang mahiwaga, hindi nakikita, nangingibabaw na iglesya ay hindi mamamatay. Sa halip, ang ilog ng Banal na Espiritu ay dumadaloy patungo sa “patay na dagat” ng mga bumalikwas na iglesya, nagbunyag ng mga di-makatarungan at panlalamig. At ito ay nagbigay dahilan sa bagong buhay na maglitawan.


Yaong mga tumalikod mula sa kamatayan, walang buhay ay maaring mga bakas na lamang. Gayunman, ipinahayag ni Hesus: “ang bukirin ay hinog na upang anihin. At mayroon pang panahon ang mga manggagawa na magpatuloy.” Wala sa anumang bahagi ng Kasulatan na nagsabi na ang Banal na Espiritu ay lumisan sa tagpo, iniwan ang mga natuyong ani. Ang Espiritu ng Diyos ay patuloy sa gawain, nagpapatunay, humihikayat, at inaakay ang mga ligaw kay Kristo, kasama yaong mga bumalikwas.


Ang ulap ng mga maka-langit na saksi ay nagsasabi na huwag tumingin sa paghuhusga, huwag tumuon sa “paghawak sa moog.” Ito pa rin ang panahon ng Banal na Espiritu, na naghihintay na punuan ang bawat nagnanais na sisidlan.


Ini-ibig pa rin Diyos ang kanyang iglesya, may mga dungis at lahat!

Miyerkules, Nobyembre 25, 2009

MAGING HANDA

Sa Mateo 24 gumamit si Hesus ng parabola upang mangaral tungkol sa pagiging handa sa kanyang pagbalik: “Kaya maging handa kayo lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan. Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon sa pagbabalik ng kanyang panginoon. Sinasabi ko sa inyo; pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian.


Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon, at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga mapag-paimbabaw. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin” (Mateo 24: 44-51).


Itala na si Hesus ay nangungusap tungkol sa mga lingkod dito, pakahulugang mga mananampalataya. Isang alipin ay tinawag na tapat at isa ay masama. Ano ang dahilan bakit tinawag na masama ang huli sa mata ng Diyos? Ayon kay Hesus, ito ay isang bagay na “sasabihin niya sa kanyang puso” (24:48). Ang aliping ito ay hindi nagsasabi sa kanyang isipan at hindi niya ito ipinangangaral. Ngunit iniisip niya ito. Ipinagbili niya ang kanyang puso sa mala-dimonyong kasinungalingan, “Ipinagpaliban ng Panginoon ang kanyang pagbabalik.” Pansinin hindi niya sinabi, “Ang Panginoon ay hindi darating,” ngunit ipinagpaliban niya ang pagbalik.” Sa ibang salita, “Si Hesus ay hindi biglaang darating o kaya’y hindi inaasahan. Hindi siya babalik sa aking panahon.”


Ang “masamang aliping ito” ay malinaw na isang uri ng mananampalataya, marahil isa sa ministeryo. Siya ay inutusan na “magbantay” at “maging handa,” “sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan” (Mateo 24:44). Gayunman ang lalaking ito ay pinagaan ang kanyang budhi sa pagtanggap ng kasinungalingan ni Satanas.


Ipinakita ni Hesus sa atin ang bunga ng ganitong uri ng pag-iisip. Kapag ang isang alipin ay naniniwala na ipinagpaliban ng Panginoon ang kanyang pagbabalik, kung gayon ay wala siyang nakikitang dahilan upang mamuhay na matuwid. Hindi niya kailangan na makipag-isa at mamuhay ng mapayapa kasama ang kapwa alipin. Hindi niya nakikita ang pangangailangan na mapag-ingatan ang pagkaka-isa sa kanyang tahanan at trabaho, sa iglesya. Maari niyang pagmalupitan ang kapwa alipin, akusahan sila, magtanim ng sama ng loob, siraan ang kanilang puri. Katulad ng sabi ni Pedro, ang lalaking ito ay dinadala ng kahalayan. Nais niyang mamuhay sa dalawang mundo, ang mamuhay na makasalanan habang naniniwala na siya ay ligtas mula sa makatuwirang paghuhusga.

Martes, Nobyembre 24, 2009

ANG MGA KASINUNGALINGAN NG KAAWAY

Sa mga sandali ng ating mga pagsubok at tukso, si Satanas ay dumarating sa atin na dala ang mga kasinungalingan: Napaliligiran ka at wala ka nang malalabasan. Mga mas magagaling na lingkod ay lumisan sa katayuang mahigit pa dito. Ngayon pagkakataon mo naman para bumaba. Ikaw ay bigo, kung hindi, di mo pagdadaanan ang mga ito. Mayroong mga bagay na mali sa iyo at ang Diyos ay hindi nalulugod.


Sa gitna ng kanyang pagsubok, tinanggap ni Hezekias ang kanyang kahinaan. Napag-isipan ng hari na wala siyang lakas na pigilan ang tinig na nagngangalit sa kanya, tinig ng kawalan ng pag-asa, pananakot at mga kasinungalingan. Alam niya na hindi niya kayang iligtas ang sarili niya sa pakikipaglaban, kayat hinanap niya ang Panginoon upang humingi ng tulong. At sumagot ang Diyos sa pamamagitan ng pagsugo ng propetang Isaias na dala ang mensaheng: “Narinig ng Diyos ang iyong tangis. Ngayon, sabihin kay Satanas na nasa iyong tarangkahan, ‘Ikaw ang babagsak. Sa daanang pinasukan mo, ang siya mo ring lalabasan.’”


Si Hezekias ay muntik nang nahulog sa panlilinlang ng kaaway. Ang katunayan ay, kung hindi tayo maninindigan sa kasinungalingan ni Satanas—kung sa oras ng kagipitan, hindi tayo sasandal sa pananalig at panalangin, kung hindi tayo kukuha ng lakas mula sa pangako ng Diyos na kaligtasan—ang diyablo ay susugurin ang nanghihina nating pananalig at lalong palalakasin ang kanyang pagsugod.


Si Hezekias ay nakakuha ng katapangan sa salita na kanyang natanggap, at nasabi niya kay Sennacherib sa di-tiyak na katawagan: “Diyablong hari, hindi mo ako nilait, Ikaw mismo ang nagsinungaling sa Diyos. Ililigtas ako ng Panginoon ko. At sapagkat nilait mo siya, haharapin mo ang kanyang poot!”


Sinabi ng Bibliya sa atin na kahima-himalang iniligtas si Hezekias at Judas sa gabing yaon: “Nang gabing yaon, pinasok ng anghel ni Yahweh ang kampo ng mga taga-Asiria at napatay niya ang 125,000 kawal. Kinabukasan, nang bumangon ang mga hindi napatay, nakita nilang naghambalang ang mga bangkay” (2 Hari 19:35).


Ang mga mananampalataya ngayon ay naninindigan hindi lamang sa pangako kundi maging sa pagbubuhos ng dugo ni Hesu-Kristo. At sa dugong iyon may tagumpay tayo sa bawat kasalanan, tukso at pakikipaglaban na ating kakaharapin. Maaring ikaw ay nakatanggap ng liham mula sa diyablo kamakailan lamang. Tanong ko sa iyo: naniniwala ka ba na alam ng Diyos ang mga padating mong pagsubok? Nang mga kahangalan mong kilos? Ang bawat pagdududa mo at takot? Kung ganon, mayroon kang halimbawa ni David sa harap mo, na nanalangin, “ang abang lalaking ito ay tumangis at iniligtas siya ng Panginoon.” Gagawin mo rin ba iyon?

Lunes, Nobyembre 23, 2009

KAPAYAPAAN AT BANAL NA ESPIRITU

Kanino iginagawad ni krsito ang kanyang kapayapan? Maari mong isipin, “Hindi ako karapatdapat na mabuhay sa kapayapaan ni Kristo. Marami akong paghihirap sa aking buhay. Lubos na mahina ang aking pananalig.”


Marapat mong gawin na isaalang-alang ang mga kalalakihan na kung kanino iginawad ni Kristo ang kanyang kapayapaan. Walang sinuman sa kanila ang karapatdapat, at walang sinuman ang may karapatan dito. Marapat mong gawin na isaalang-alang ang mga kalalakihan na kung kanino iginawad ni Kristo ang kanyang kapayapaan. Walang sinuman sa kanila ang karapatdapat, at walang sinuman ang may karapatan dito.


Isipin mo si Pedro. Igagawad na ni Hesus ang kanyang kapayapaan sa isang ministro ng Magandang Balita na sa nalalapit ay magbubuga ng panglalait at blaspemya. Si Pedro ay masigasig sa pag-ibig ni Kristo, ngunit siya ay itatatwa nito.


At nandoon din si Santiago at ang kanyang kapatid na si Juan, na may palabang espiritu, laging nagsisikap na makilala. Hiniling nilang maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus nang siya ay pumaitaas sa kanyang trono ng kaluwalhatian.


Ang ibang disipulo ay hindi rin naging makatuwiran. Sumusulak ang galit nila kay Santiago at Juan dahilan sa kanilang pakikipag-agawan ng pansin. Nandoon si Tomas, tao ng Diyos na nagduda. Lahat ng disipulo ay nagkulang sa pananalig, ikinagulat at nakahapit ito kay Hesus. Sa katunayan, sa mga oras ng kaguluhan ni Kristo, silang lahat ay iiwan siya at tatakas. Maging pagkatapos ng Muling-pagkabuhay, kapag kumalat ang balita na si “Hesus ay muling nabuhay,” ang mga disipulo ay hindi basta naniwala.


Ngunit mayroong mas higit pa doon. Sila ay mga naguguluhang ring mga kalalakihan. Hindi nila nauunawan ang pamamaraan ng Diyos. Sila ay naguguluhan sa kanyang mga talinghaga. Pagkatapos ng Pagpapako sa Krus, nawala ang kanilang mga kamalayan ng pagkaka-isa, nagkawatak-watak sa ibat-ibang patutunguhan.


Nakakagulat na paglalarawan: Ang mga lalaking ito ay punung-puno ng takot, kawalan ng pananalig, pagkawatak-watak, kalungkutan, kaguluhan, paglalaban-laban, pagmamalaki. Gayunman dito rin sa mga naguguluhang mga lingkod na ito sinabi ni Hesus, “Ibibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan.”


Ang mga disipulo ay hindi pinili sapagkat sila mabuti o makatuwiran; ang mga iyon ay malinaw. O dahil sila ay mayroong talino o mga kakayahan. Sila ay mga mangingisda at mga pangkaraniwang manggagawa, matiisin at mapagpakumbaba. Tinawag ni Kristo at pinili ang mga disipulo sapagkat may nakita siya sa kanilang mga puso. Habang nakatingin siya sa kanila, alam niya na ang bawat isa ay susuko sa Banal na Espiritu.


Sa puntong ito, ang lahat lamang na mayroon ang mga disipulo ay ang pangako ng kapayapaan ni Kristo. Ang kapunuan ng kapayapaang iyon ay ibibigay pa lamang sa kanila, sa Pentekostes. At iyon ang panahon na darating ang Banal na Espiritu at mananahan sa kanila. Natanggap natin ang kapayapaan ni Kristo mula sa Banal Espiritu. Ang kapayapaang ito ay dumarating sa atin habang inihahayag ng Espiritu si Kristo sa atin. Kung higit mong hinahanap si Hesus, higit rin na ipakikita siya ng Banal na Espiritu—at higit pang tunay na kapayapaan ang makakamit mo.

Biyernes, Nobyembre 20, 2009

ANG MAHALAGANG BAGAY NA NAKABABAHALA ANG DIYOS

Sa gitna nitong pansalibutang “pagyanig ng lahat ng bagay,” ano ang mahalaang bagay na nakababahala sa Diyos sa lahat ng ito? Ito ba’y ang mga pangyayari sa Gitnang-Silangan? Hindi. Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na ang Ang paninging ng Diyos ay nakatuon sa kanyang mga anak: “Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig ay kinakalinga” (Awit 33:18).


Batid ng Panginoon ang bawat galaw sa sanlibutan, ng lahat ng bagay na buhay. At gayunman ang kanyang pagtingin ay nangungunang nakatuon sa maayos na kalagayan ng kanyang mga anak. Nakapirmi ang kanyang mga mata sa mga kirot at pangangailangan ng bawat bahagi ng kanyang espirituwal na katawan. Sa madaling sabi, anuman ang nakasasakit sa atin ay nakababahala sa kanya.


At upang patunayan ito sa atin, sinabi ni Hesus, “Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno” (Mateo 10:28). Maging sa gitna ng mga digmaang pandaigdig, ang pangunahing pansin ng Diyos ay hindi sa mga mang-aapi. Ang kanyang pansin ay nakatutok sa bawat kalagayan ng buhay ng kanyang mga anak.


Sinabi ni Hesus sa sumunod na kapitulo: “Hindi ba ipinagbibili ang maya ng dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama” (Mateo 10:29). Sa panahon ni Kristo, ang maya ay ang karne ng mahihirap at ipinagbibili ng dalawa isang pera. Gayunman, sinabi ni Hesus, “kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama.”


Ang paggamit ni Hesus sa salitang “nahulog” sa kapitulong ito ay nagpapahayag ng higit pa sa kamatayan ng ibon. Ang pakahulugan nito sa Aramaic ay “magliwanag sa lupa.” Sa ibang salita, “nahulog” dito ay nagpapamalas ng bawat pagtalon na ginagawa ng ibon.


Sinasabi ni Kristo sa atin, “Ang paningin ng Ama ay nasa maya hindi lamang kapag ito ay namatay ngunit maging sa pagliwanag nito sa lupa. Habang natututunan ng maya ang paglipad, nahulog ito mula sa pugad at nagsisimulang tumalon-talon sa lupa. At nakikita ng Diyos ang bawat pagsusumikap nito. Siya ay nababahala sa bawat munting bahagi ng buhay nito.”


At idinagdag pa ni Hesus, “kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya” (10:31). Sa katunayan, sinabi niya, “Maging ang buhok ninyo ay bilang na lahat” (10:30). Sa madaling sabi, Siya na lumikha at nagbilang ng lahat na bituin—siyang nakamatyag sa bawat kilos ng kaharian ng Roma, siya na nangangalaga sa pag-ikot ng galaksiya—ang pansin ay nakatuon sa iyo. At itinanong ni Hesus, “Hindi ba mas mahalaga ka sa kanya?”

Huwebes, Nobyembre 19, 2009

KAHANGA-HANGANG KAPAYAPAAN!

Binigyan tayo ni Hesus ng higit pa sa isang dahilan kung bakit kailangan natin ang kanyang kapayapaan. Sinabi ni Kristo sa kanyang mga disipulo sa Juan 14:30, “Dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito.” Ano ang kahulugan ng kanyang pahayag? Kasasabi lang niya sa labindalawa, “Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo” (14:30). Pagkatapos ay ipinaliwanag niya: “Dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito.”


Alam ni Hesus na si Satanas ay kumikilos ng mga oras iyon. Si Hudas ay nahikayat na ng diyablo na ipagkanulo siya. At alam ni Kristo na ang mga relihiyosong namumuno sa Herusalem ay nabigyan na ng kapangyarihan ng mga mapangyarihan sa impiyerno. At batid niya rin na ang mga taong-bayan na may mala-diyablong sigla ay padating na upang siya ay dakpin bilang isang bihag. At iyon ang kalagayan ng sinabi ni Hesus sa mga disipulo, “Si Satanas, isang buhong, ay padating na. kaya’t hindi na ako makikipag-usap sa inyo.”


Alam ni Hesus na kailangan niya ng panahon kasama ng Ama upang mapaghandaan ang padating na hidwaan. Siya ay malapit nang ibigay sa kamay ng mga buhong, katulad ng kanyang sinabi. At alam niya na ginagawa lahat ni Satanas upang yanigin ang kanyang kapayapaan. Ang diyablo ay ginugulo at tinatangka na mawalan siya ng pag-asa, lahat upang durugin ang pananalig ni Kristo sa Ama—lahat upang maiiwas siya sa Krus.


Maaring ikaw ay ligalig, iniisip, “Tapos na ang lahat, hindi ko na kakayanin.” Ngunit sinabi ni Hesus “Alam ko ang pinagdadaanan mo. Lumapit at inumin ang aking kapayapaan.”


Sa mga sandaling ito maaring dumaranas ka ng matinding kagipitan na hindi mo pa nararanasan. Maaring ang buhay mo ay wala sa ayos at ang mga bagay ay mukhang wala nang pag-asa. Mukhang wala ka nang patutunguhan at bawat lugar na iyong puntahan ay lalong lumalala ang iyong kagipitan, kaguluhan at kapaguran.


Hindi mahalaga ang iyong pinagdadaanan. Ang buhay mo ay maaring animo ay dinaanan ng bagyo. Maaring matagalan mo ang mga pagsubok na naging dahilan upang tingnan ka ng iba bilang makabagong Job. Ngunit sa gitna ng iyong mga kagipitan, kapag tinawag mo ang Banal na Espiritu na binyagan ka sa kapayapaan ni Kristo, gagawin niya ito.


Ituturo ka ng mga tao at sasabihing, “Ang mundo ng taong iyon ay lubos na nadurog. Gayunman siya ay ganap na nagtitiwala sa Salita ng Diyos. Mabuhay o mamatay. Paano niya nagagawa ito? Paano niya nakakayanan ito? Dapat ay matagal na siyang sumuko. Gayunman siya ay hindi sumusuko. At sa gitna ng lahat ng ito, hindi niya isinubo ang lahat ng kanyang pinaniniwalaan. Isang kahanga-hangang kapayapaan! Ito’y higit pa sa pang-unawa ninuman.”

Miyerkules, Nobyembre 18, 2009

ANG MAKAPAL NA MGA SAKSI

Ang Hebreo 12:1 ay nagsabi sa atin na ang sanlibutan at napapaliligiran ng makapal na saksi na kasama ni Kristo sa kaluwalhatian. Ano ang masasabi ng pulutong ng mga makalangit na mga saksi sa kasalukuyang panahon? Tayo ay nabubuhay sa salinlahi na mas masahol pa sa panahon ni Noe. Ano ang masasabi ng mga saksing ito sa lahi ng tao na ang mga kasalanan ay humigit pa kaysa sa panahon ng Sodoma?


Ang ating panahon ay isang may dakilang kasaganaan. Ang ating ekonomiya ay pinagpala, gayunman ang ating lipunan ay naging labis na may maruming budhi, marahas, at laban sa Diyos na maging ang mga sekularista ay tumaghoy kung gaano tayo nalubog. Ang mga Kristiyano kahit saan ay nagtataka bakit ang Diyos ay nagpaliban sa kanyang paghuhusga sa labis na makasalanang lipunan.


Tayo na umiibig kay Kristo ay maaring hindi nakakaunawa kung bakit ang masahol na kadimonyohan ay hinahayaang magpatuloy. Ngunit ang makapal na makalangit na mga saksi ay nakakaunawa. Hindi nila tinatanong ang kahabagan at pagtitiis na ipinakita ng Diyos.


Ang apostol na Pablo ay kabilang sa mga makapal na mga saksi, at dala niya ang patotoo sa walang-katapusang pag-ibig ng Diyos maging sa mga “pinakapinuno ng mga makasalanan.” Ang buhay ni Pablo at mga isinulat niya ay nagsabi sa atin na nilait niya ang pangalan ni Kristo. Siya ay isang maninindak, tinutugis ang mga tao ng Diyos at kinakaladkad papunta sa piitan o pinapatay. Sinasabi ni Pablo sa atin na ang Diyos ay matiisin sa kasalukuyang salinlahi sapagkat marami na katulad niya dati, mga tao na nagkasala sa kamangmangan.


Ang apostol na Pedro ay isa rin sa mga makapal na mga saksi, at siya man ay nakakaunawa kung bakit ang Diyos ay matiisin. Ang buhay ni Pedro at mga isinulat niya ay nagpapaalala sa atin na nilait niya si Hesus, sumumpa ni hindi niya siya kilala. Pinipigilan ng Diyos ang kanyang paghuhusga sapagkat ang marami na hanggang ngayon ay nanglalait at itinatanggi siya, katulad nang ginawa ni Pedro. Hindi sila isusuko ng Panginoon, katulad ng hindi niya pagsuko kay Pedro. Marami ang katulad nila na kung sino ay patuloy na ipinapanalangin ni Kristo.


Habang isinasa-alang-alang ko ang makapal na mga saksing ito, nakita ko ang mga mukha ng dating lulong sa bawal na droga at mga maglalasing, mga dating patutot at mga omoseksuwal, mga dating kriminal at nagbebenta ng bawal na droga, mga dating mamamatay-tao at nambubugbog ng asawa, mga dating impiyel at mga lulong sa pornograpiya—mga marami na iwinaksi na ng lipunan. Lahat sila ay nagsisi at namatay sa kamay ni Hesus, at ngayon sila ay mga saksi sa kahabagan at pagkamatiisin ng mapagmahal na Ama.


Naniniwala ako na ang lahat ng ito ay magsasabi, sa isang nagkaka-isang pagsaksi, na sila ay hindi hinusgahan ni Hesus bago nila natanggap ang kanyang kahabagan. Iniibig pa rin ng Diyos itong nahahaling, may maruming-budhing sanlibutan. Nawa’y tulungan niya tayo na ibigin ang mga naliligaw katulad niya. At manalangin na nawa’y magkaroon ng pag-ibig at pagkamatiisin na ipinapakita niya sa sanlibutan ngayon.

Martes, Nobyembre 17, 2009

KAPAG BUMUHOS ANG BANAL NA ESPIRITU

Ang propetang si Isaias ay nagpahayag ng mangyayari kapag ang Banal na Espiritu ay ibinuhos sa mga tao. Hinulaan ni Isaias, “Ngunit minsan pang ibubuhos sa atin ang Espiritu. Kung magkagayon, ang ilang ay magiging matabang lupa at ang bukirin ay pag-aanihan nang sagana” (Isaias 32:15).


Sinasabi ni Isaias, “Kapag ibinuhos ang Banal na Espiritu, ang minsang tuyot na ilang ay mgiging masaganang bukirin. Ang tagpi-tagping patay na lupa kaginsa-ginsay mag-uumapaw sa bunga. At ito ay hindi minsanang pag-aani lamang. Ang bukirin ng prutas ay tutubo sa kagubatan. At makakakuha ka ng pinutol na sanga mula sa kagubatang ito taon-taon, at magbuo ng pamumunga tuluy-tuloy.”


Idinagdag ni Isaias, “Ang katuwiran at katarunga’y maghahari sa lupain” (32:16). Ayon sa propeta, ang Banal na Espiritu ay nagdala rin ng pahayag ng paghuhusga laban sa kasalanan. At ang mensaheng iyan ay magbubunga ng katuwiran sa mga tao.


Si Isaias ay hindi nagsasabi ng minsanang pagbuhos ng Espiritu, na iniisip ng ibang tao na “pagmumuling-buhay.” Inilalarawan ni Isaias ang isang bagay na nananatili. Ang pag-aaral ng mga Kristiyanong sosyolohiyo ay nagpapakita na ang maraming kapanahunang pagmumuling-buhay ay tumatagal lamang ng limang taon, at iniiwan sa kanilang daanan ang labis na pagkalito at paghihidwaan. Alam ko ang ilang mga iglesya na kung saan ay nangyari ang pagmumuling-buhay, ngunit ngayon, sa loob ilang taon lamang, wala nang bakas ng Espiritu ang natitira. Ang mga iglesyang iyon ay mga patay na, tuyo, walang-laman. Bahay na naglalaman ng isang libo ay mga hungkag na puntod na ngayon, na may limampung dumadalo na lamang.


Ipinapagtuloy ni Isaias: “Pagkat pawang katuwiran ang gagawin ng bawat isa kaya iiral ang katahimikan at kapanatagan magpakailanman. Ang bayan ng Diyos ay malayo sa kabalisahan at namumuhay ng tiwasay” (Isaias 32:17-18).


Ang kapayapaan ay darating sapagkat ang katuwiran ay umiiral. Ang Banal na Espiritu ay abala sa pagwawalis ng lahat ng kaguluhan at kaparusahan. Ang sumunod ay kapayapaan ng isip, kapayapaan sa tahanan, at kapayapaan sa tahanan ng Diyos. At kapag ang mga tao ng Diyos ay may kapayapaan ni Kristo, hindi sila basta nagagalaw mula dito: “Ngunit sa kagubatan ay uulan ng yelo at ang lunsod ay mawawasak. Magiging maligaya ang lahat dahil sa saganang tubig para sa pananim at malawak na pastulan ng mga kawan” (32:19_20).


Ang hula ni Isaias tungkol sa Banal na Espiritu ay nakaturo sa Israel sa panahon ng paghahari ni Uzziah. Gayunman ito ay nagpapatungkol din sa mga tao ng Diyos ngayon. Ito ay alam na dalawahang hula. Ang katunayan ay, ang bawat salinlahi ay nangangailangan ng pagbuhos ng Banal na Espiritu. At naniniwala ako na ang iglesya ngayon ay hindi pa nakakita ng anumang bagay na maaring ihambing sa mga nagampanan na nang Banal na Espiritu.