Martes, Enero 31, 2012

KALIGTASAN SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA LAMANG

Nang una tayong manampalataya kay Cristo, nanalig tayo na ang ating mga kasalanan ay pinawalang sala na. Naniniwala tayo na tinanggap tayo, na maari nating ilatag na ang lahat ng pagkakasala at pangamba at sabihing, “Ako ay iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya lamang sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus sa krus.”

Pagkatapos, habang tayo ay naglalakad kasama ni Jesus, nakagawa tayo ng panibagong pagkilos ng di pagsunod. Dinurog tayo ng ating kasalanan at dagliang nawala ang ating pananaw sa krus. Sinubok nating bigyang katuwiran ang ating pagiging matuwid, para muling makuha ang pabor ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisikap, ngunit ang buhay noon ay naging parang bangungot paulit-ulit na kasalanan at pangungumpisal, muling magkakasala at muling mangungumpisal.

Minsan kumikilos tayo na kung magsusumikap ng higit pa ay makapagliligtas ito sa atin. Iniisip natin na kung babaguhin lamang natin ang ating sarili ay malulugod ang Diyos. Pagkatapos ay matiyaga nating inaayos ang luma nating pagkatao, upang mabago ito para sa isang matagumpay na paglalakad ng isang Kristiyano.

Maaring sabihin ng ilang Kristiyano, “Malaki ang halagang ibinayad ko para sa tagumpay na aking nakamit. Dumaan ako sa maraming pagdurusa at pighati. Nag-ayuno ako, nanalangin at matagumpay na naiwaksi ko ang aking pagkalulong sa pita ng laman at makasalanang pagnanasa. Ang aking bang pagsisikap na sumunod ay walang halaga sa Diyos? Isinaalang-alang ba Niya ang lahat ng aking pagiging matuwid, ang lahat ng aking pagsisikap, bilang isang maruming basahan?” oo! Ang lahat ng ito ay makalaman at wala isa man dito ay maninindigan sa harap Niya. Mayroon lamang na isang matuwid at iyan ang pagiging matuwid ni Jesu-Cristo!

“Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos” (Roma 10:3).

Ang tanging paraan lamang para makalapit sa mabuting biyaya ng Diyos ay ang pag-amin sa katotohanan: “Walang anumang mabuti sa aking laman, wala sa anumang mabuti akong nagawa para ako ay maligtas. Hindi ako magiging matuwid sa anumang magagawa ko sa aking sariling kakayanan. Ang aking pagiging matuwid ay sa pamamagitan lamang ni Cristo.” Sinabi ni Pablo ang tungkol sa handog ng pagiging matuwid: “Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay” (Roma 5:17).

Lunes, Enero 30, 2012

WALANG MAMANAHIN

Binigyan tayo ni Pablo ng listahan noong mga hindi magmamana ng kaharian ng Diyos:

“Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos” (1 Corinto 6:9-10).

Idinagdag pa ng mga apostol: “Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo’y pinatawad na sa inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos. Pinawalang-sala na rin kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos” (Talata 11).

Paanong ang mga taong ito na iniligtas mula sa mga kahindik-hindik na mga kasalanan ay naging matuwid sa harapan ng Diyos? Ano ang nangyari sa kanila na sila ay hindi na makasalanan at sa halip ay tinanggap ng Diyos?

Una sa lahat, ang Diyos ay hindi nagbibigay ng galang sa tao. Hindi Siya namamangha sa mga titulo ng tao o sa mga parangal na makasanlibutan—kahit na sa isang hari, isang reyna, isang pangulo o pangunahing ministro. At pangalawa, ang Diyos ay hindi nabibighani sa anumang kabutihan na ginawa natin. Mahabang panalangin, pag-aayuno, pagbibigay ikapu, nag-aaral ng Salita, kagandahang-asal—wala isa man dito ay magagawa tayong matuwid o katanggap-tanggap sa Diyos. Maging ang ating “mabuting” laman—mabuting asal, pananalita, isipan at gawa—ay isa lamang alingasaw sa Kanyang pang-amoy kung gagamitin na dahilan para sa sarili nating pagmamatwid,

Nang si Jesus ay umakyat sa krus, ipinako Niya ang ating “dating pagkatao” ng laman. Iisa na lamang Lalaki ang natira, nag-Iisa na siya lamang haharapin ng Diyos—at Siya ang Kanyang Anak. Nang tinapos na ni Jesus ang Kanyang gawain sa lupa at naupo sa kanang kamay ng Ama, sinabi ng Diyos, “Mula ngayon isa na lamang ang aking kinikilalang Lalaki, isa na lamang makatuwiran. Ang sino mang lalapit sa Akin ay kinakailangang dadaan muna sa pamamagitan Niya—ang Aking Anak. Ang lahat na magiging matuwid ay kailangang tanggapin ang Kanyang
pagiging matuwid at wala nang iba!”

Tinanggap tayo sa mata ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo at sa Kanyang ginawa: “Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak” (Efeso 1:6).

Nakita mo ba kung gaano kahalaga ang manahan kay Jesus, ang dagliang paglapit sa Kanya sa tuwinang tayo ay mabibigo? Kailangang matutunan ninyong lumapit saa Kanya, tumatangis, “Jesus, binigo kita! Hindi ko na kaya ito. Anuman ang gawin ko, hindi ako maaring kilalanin sa harap ng Ama, maliban sa lumapit ako sa Kanya sa pamamagitan Mo!”

Biyernes, Enero 27, 2012

ANG MATAGPUAN ANG KAPAHINGAHAN

“Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo” (Mateo 11:29-30).

Isa lamang ang alam kong paraan na tinutukoy ni Jesus tungkol kapahingahang ito. Kung mauunawaan at ibubukod-tangi, ang katotohanang ito ay mag-aakay sa iyo sa pinakamaluwalhating kapayapaan na maaring mayroon sa bahaging ito ng langit at tatapusin ang lahat ng damdamin ng kawalan ng tiwala.

Ang pinagmulang katotohanan na ito na kung saan ang lahat ay nagmula ay isang pamamalakad ng pagbibigay katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ang nag-iisang doktrina na kailangan mong maunawaan kung umaasa ka na makapasok sa kapahingahan na iniaalok ni Jesus.

Maari ko lamang tukuyin ang nangingibabaw na dakilang katotohanan na maging makatuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. Gayunman naniniwala ako na nais ng Diyos na lalo pang pangunahan ang Kanyang iglesya para dito sa banal na katotohanang ito—para mabigyan tayo ng pinagmulang lakas na hahawak sa atin sa mga darating na araw.

Nakakalungkot, na kapag binanggit mo ang paksa ng doktrina, maraming mga Kristiyano ay itataas ang kanilang ilong. Sasabihin nila, “Ayokong madinig ang lahat ng malalim na usaping iyan. Basta ibigay sa akin si Jesus!” Gayunman ang tunay na tinutukoy nila ay, “Ayokong disiplinahin ang sarili ko o gumugol ng panahon para alamin kung ano ang ginawa ni Jesus sa krus.”

Lubhang maraming Kristiyano ay naging emosyonal na nakabalot sa krus ngunit hindi talaga pinag-aralan ito. Nakarinig na ako mula sa maraming mangangaral na nagpahayag ng emosyonal na paghikayat tungkol kay Jesus at sa krus—tungkol sa parusang dinanas niya, ang krus na tinik sa Kanyang ulo, ang malaking pako na ibinaon sa Kanyang mga kamay. Ang pangangaral tungkol sa krus ay higit na tungkol pa doon. Ito ay tungkol sa tagumpay ng krus at kung ano ang ginawa ni Jesus para sa sanlibutan.

Para doon sa mga nagnanais na “makilala Siya,” doon sa mga nagnanais na maunawasan ang mga nakamamanghang gawain ni Jesus sa Kalbaryo, hayaan ninyong subukan kong ipaliwanag ang pakiwari ng pagmamatwid sa pamamagitan ng pananampalataya.

Dalawang bagay ang kalakip sa ating pagmamatwid sa pamamagitan ng krus ni Jesu-Cristo:

  • Una, pinatawad tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Nang si Jesus ay ipinako sa krus, ang Kanyang dugo ang nagpawalang-sala sa lahat ng ating kasalanan.
  • Pangalawa, tinanggap tayo ng Diyos bilang matuwid kay Cristo, sa pamamagitan ng pananampalataya. Nangangahulugan ito na tinanggap tayo ng Diyos dahil sa sakripisyo ni Jesus sa krus at hindi dahil sa ating ginawa o anumang mabuting gawa.

“Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpawalang-sala sa kanila” (Roma 8:33).

Huwebes, Enero 26, 2012

PAANO MAGING JUDIO, ISANG KRISTIYANO, O ISANG KOMUNISTA

“Ang tunay na Judio ang taong nabago sa puso’t kalooban ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat. Ang taong iyon ay pararangalan ng Diyos at hindi ng tao” (Roma 2:29).

Hindi lahat na ipinanganak na Judio ay isa nang Judio.
Hindi siya isang Judio na isa lamang Judio sa panglabas.
Hindi siya Judio na itinatanggi ang espiritu.
Ang tradisyon, ang pagtawag, nang isang Judio;
Gayunman siya ay isang Judio nagmumula sa kanyang kalooban
Sa pamamagitan ng pananampalataya ay naging isa mula sa puso.
Ito ang daan para sa lahat ng buhay.
Ang isang Kristiyano ay isa na tinanggap ang espiritu ni Cristo,
Sa pamamagitan ng pananampalataya ay naging isa mula sa puso.
Ang isang Komunista ay hindi kinakailangan na magdala ng pagkakakilanlan
Para maging isang Komunista.
Maari niyang itanggi sa lahat na siya ay isang Komunista,
Gayunman kung sa pang-loob ay ito ang daladala niyang espiritu,
Ang tradisyon, ang pagtawag, na maging isang Komunista—
Siya ay isa sa pangloob niya.
Ay isang tao ay hindi maaring basta makilala
Sa pamamagitan ng salita at papuri ng tao,
Kundi sa pamamagitan ng kung ano ang nakikita sa puso.
Bilang isang tao na nag-iisip mula sa puso niya,
Kung ganoon ay isa siya!

Miyerkules, Enero 25, 2012

MATUWID SA HARAP NG DIYOS

Ilarawan mo ang iyong sarili sa harap ng trono ng Diyos na walang pagdadahilan, walang pagpapaliwanag, ang iyong matwid na katungggali, ay binabasa ang talaan ng mga sakdal, na may oras, lugar, ang bawat kahiya-kahiyang detalye. Gumagawa siya ng mga paratang ng pagmamataas, kawalan ng pananalangin, pag-iimbot, walang katapatan, at dinuro ka ng puso mo sapagkat kailangan mong aminin, “Oo, ako yan. Ginawa ko ang lahat ng iyan.”

Mukhang wala ng pag-asa para sa iyo. Alam mo na ang mata ng Diyos ay lubos na banal para tingnan ang kasalanan, ang Kanyang katuwiran ay humihingi na kailangang pagbayaran mo ang iyong mga kasalanan laban sa Kanyang kabanalan. Wala ka nang magawa.

Ngunit biglang dumating ang iyong Manananggol, ang iyong Tagapagsangggalang. Iniunat niya ang Kanyang mga kamay at alam mong mayroong mangyayari. Ngumiti siya at bumulong, “Huwag kang matakot; walang anuman sa mga sakdal na ito ay maninindigan. Makalalabas ka sa hukumang ito na pinawalang sala. Kapag ako ay tapos na, ang nagsakdal sa iyo ay wala kahit isang matitirang paratang laban sa iyo!”

At higit sa lahat, sasabihin sa iyo ng Manananggol mo na ikaw ay inampon Niya bilang kapatid. At pagkatapos ay sasabihin Niya sa iyo na Siya ay Anak ng Hukom kaya ngayon ikaw ay kabilang narin sa pamilya ng Hukom!

Ngunit nandoon pa rin ang usapin tungkol sa katuwiran. Ngunit ano ang nangyari tungkol sa mga paratang sa iyo? Nakikinig kang may pagkamangha habang ipinaglalaban ng iyong Tagapagsanggalang ang iyong kaso:

“Kagalang-galang na Hukom, alam Mo na ginampanan ko ang batas, namuhay na walang kasalanan. At aking inangkin ang kalagayan ng taong ito, inako ang lahat ng parusa para sa kanyang mga kasalanan. Sa pamamagitan ng mga sugatang kamay na ito at nasa aking tagilirang sinaksak, lumabas ang dugo para hugasan ang lahat ng kanyang mga kasalanan. Ang lahat ng paratang na ito ay aking inako at pinagbayaran Ko ng pagdurusa ang bawat isa nito!”

Tumingin ang iyong Tagapagsanggalang sa nagparatang sa iyo at sinabing, “Satanas, wala kang dahilan para paratangan ang Aking anak. Ang bawat isang kasalanan niya ay inako Ko at pinatawad ko ng ganap ang lahat ng iyon. Wala siyang pagkakasala sapagkat ang kanyang pananampalataya sa Aking mga sakripisyo ay binigyan siya ng lubos na kapatawaran. Wala kang maaring iparatang!”

At habang ang diyablo ay lumabas sa hukuman ng Diyos., maririnig mo ang Diyos na dumadaing: “Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalng-sala sa kanila?” (Roma 8:33).

Martes, Enero 24, 2012

SUNDIN NINYO ANG AKING MGA ITINUTURO

Sinabi ni Jesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ng kapahingahan” (Mateo 11:28-29).

Kung wala ka nitong kahanga-hangang pagtitiwala sa kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos na ginawa ni Jesus para sa iyo, ang Kanyang pamatok ay hindi magiging madali o magaan. At sa halip, gugugulin mo ang panahon sa pansariling pamamaraan para malugod ang Diyos. Magsisimula ka mula sa mainit papunta sa pagiging malamig, mamumuhay na may hindi kailangang pagkakasala at kahihiyan.

Nainiwala ako na ang susi sa talatang ito sa salitang “sundin ninyo ang itinuturo ko.” Si Jesus ay nagpapahayag dito ng pagdisiplina ng aralin kung sino Siya at kung ano ang napagtagumpayan Niya sa krus. Sinasabi niya, “Kailangang may kaalaman ka kung ano ang nagawa ko para sa iyo. Pagkatapos, kapag ang kaluluwa mo ay may kapahingahan na, maari mo nang pasanin ang Kanyang pamatok. Kaya, sundin ninyo ang itinuturo ko!”

Ayaw natin ng ganitong pagdidisiplina. Gusto natin ay yaong madaling magawa! Katulad natin ay mga batang mag-aaral na nasa palaruan na ayaw nang bumalik sa silid paaralan.

Marahil ngayon ay sinasabi mo, “Binabasa ko ang aking Bibliya ngayon at nananalangin kahit kaunti araw-araw. Pinipilit kong gawin pa ito ng mas mabuti!” Ang lahat ng ito ay mabuti, ngunit sinisiguro ko sa iyo na ang mga bagay na ito ay hindi ka kayang pangalagaan sa mga darating na bagyo sa buhay mo. Hindi sapat ang magsikap, ang mangako sa Diyos, ang magsumikap na maging mas mabuti. O hindi sapat na sabihing, “Higit na mas masipag ako kaysa dati.” Hindi, ang lahat ng ito ay tungkol sa paghahanap sa pahayag na kung ano ginawa ni Jesus para sa iyo sa krus!

Mayroong dapat idaing nating lahat: “O Jesus, sinabi ng Salita Mo na maari akong mamuhay na may ganap na kapahingahan, kapayapaan at katiwasayan. Hindi ko na kailangang magpakahirap pa o ipaghampasan ng pagsisisi o takot. inilagay mo sa harapan ko ang pangako ng buhay na may kapahingahan, ngunit wala ako ng kapahingahang iyan. Panginoon, nais ko ng iyong kapahingahan na kasama ang lahat na nasa akin. Turuan mo ako sa pamamagitan ng iyong Espiritu—nais kong matutunan ang itinuturo mo sa akin tungkol sa iyo.”

Lunes, Enero 23, 2012

BIBIGYAN KO KAYO NG KAPAHINGAHAN

Nangako ang Diyos sa Kanyang mga tao ng maluwalhating kapahingahan, isang kapahingahan na may kasamang kapayapaan at seguridad ng kaluluwa. Inialok ng Panginoon ang kahanga-hangang kapahingahang ito sa anak ng Israel, nangangahulugan na buhay na puno ng kagalakan at tagumpay, na walang takot, kasalanan o pagkondena. Hanggang sa panahon ni Cristo, walang salinlahi ng mga mananampalataya ang lubos na lumakad sa pinagpalang pangakong ito. Bakit ganoon? Maliwanag na inihayag ng Bibliya na ito ay dahilan sa kawalan ng pananalig. “Maliwanag kung ganoon kaya’t hindi sila nakapasok sa lupaing pangako dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Diyos” Hebreo 3:19).

Dahilan sa kanilang kawalan ng pananalig, ang mga tao ng Diyos—habang nasa panahon ng mga hari at propeta sa buong salinlahi ni David—ay dumanas ng buhay na puno ng paghihirap, pagdududa, takot at pagkabalisa. Sa bawat salinlahi ang iba ay ipinangako ngunit ito ay tinanggihan—hindi kailanman ibinukod-tangi at hindi kailanman naunawaan.

Iyan ang dahilan, kapag binasa natin ang Hebreo 4, natagpuan natin ang maluwalhating buhay ng pananampalataya ay hindi pa nakukuha: “…mayroon ding kapahingahang nakalaan sa mga taong sumasampalataya sa Diyos” (t9). Gayunman nabasa din natin: “Ngunit may mga inanyayahan pa ring magpahinga sa piling ng Diyos” (t6). Pinagsabihan din ng Bibliya ang mga kasalukuyang mananampalataya na may kasamang babala: “Kaya nga habang nananatili ang pangako ng Diyos, na tayo’y makakapasok at makakapagpahinga sa piling niya, mag-ingat kayo at baka mayroon sa inyong hindi makatanggap ng pangakong ito” (t1).

Libu-libong mga mananampalataya ay inaangkin na puspos ng Espiritu ng Diyos, gayunman kaunti lamang ang nakapasok sa ipinangakong kapahingahan. Marami ay pinahampasan ng hangin at alon ng mga doktrina, pagkabalisa at puno ng kasalanan, na walang kaseguruhan mula kay Cristo. Sinabi ni Jesus, “Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinigay ko sa inyo” (Mateo 11:28-30).

Ang aking dalangin ay nawa’y makapasok kayo sa kapahingahan na ipinagkaloob ng Diyos para sa iyo. Hangarin sa pamamagitan ng pananampalataya at tanggapin sapagkat ito ay malaya Niyang handog!

Biyernes, Enero 20, 2012

MARAHAS NA PANANAMPALATAYA!

Inihayag sa atin ng Genesis na habang lalong dumarami ang tao sa buong daigdig, ay lalo silang nagiging marahas.

“Maliban kay Noe, masasama ang lahat ng tao sa paningin ng Diyos at laganap ang karahasan sa lahat ng dako. Ito ang kalagayang nakita ng Diyos sa buong daigdig; namumuhay sa kasamaan ang lahat ng tao” (Genesis 6:11-12).

Mayroong iba pang uri ng karahasan na nagaganap sa mga huling araw na ito. Sa katunayan, nakikita ko ang makadiyos na tao na may dumadaluhong na pananampalataya na iniaangat. Ang mga natitirang mga banal ay puspos ni Jesus, iniibig Siya ng buong puso. Ang mga mananamapalatayang ito ay nakikita ang nagngangalit na diyablo na palusob sa kanila na dala ang buong kapangyarihan at alam nila na may higit pa silang impiyernong haharapin nang higit pa sa mga nakaraang salinlahi.

Sinabi ni Jesus: “Ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok ng mga taong mararahas” (Mateo 11:12). Ang natitirang ito ay aangat at sasabihing, “Hindi ko hahayaan ang diyablo na nakawin ang aking kagalakan at kapayapaan. Hindi ko siya hahayaang makapagtanim ng binhi ng sama ng loob, pagpatay, poot o karahasan sa akin. Hindi! Ako ay maninindigan sa kapangyarihan ni Jesus at mabubuhay na tagumpay laban sa kasukalan ng diyablo.”

Mga minamahal, nais ng Diyos na bigyan kayo ng laban! Kung kayo ay nagkasala ng anumang uri ng karahasan, mabilisang magsisi sa harapan ng Panginoon at sumunod sa Kanyang mga Salita. Iyan lamang ang hinihingi Niya. Naway lagyan kayo ng banal na pagsisikap at pananampalataya na higit pa sa anumang alam ninyo na. Nais Niyang kayo ay manindigan laban sa mga makasalanang pamamaraan ni Satanas.

Ang tanging marahas na espiritu na magkakaroon tayo ay ang magkaroon ng marahas na pananampalataya. Ito ay ang makapngayarihan, banal na karahasan na darating ng may buong lakas laban sa pintuan ng impiyerno at kapangyarihan ng kalaban. At, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, ibabagsak natin silang lahat sa pangalan ni Jesus!

Huwebes, Enero 19, 2012

LAGING SARIWA BAWAT UMAGA

“Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi magmamaliw; kahabagan mo’y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo’y napakadakila” (Panaghoy 3:22-23).

Tayong lahat ay mapaparam
Dahilan sa ating mga kasalanan,
Kung hindi dahil sa kahabagan ng Diyos.
Ito ay laging sariwa bawat umaga.
Ang Diyos ay mahabagin at nagmamaliw,
Matagal bago magalit,
At ang katapatan ay napakadakila.
Malambot ang puso doon sa mga nagsisisi,
Hindi nagtatago ng Kanyang poot
Sapagkat Siya’y nagmamaliw sa kahabagan,
Nagpapatawad ng mga kasalanan.
Hindi siya natutuwa sa kamatayan ng mga makasalanan,
Ngunit naghahain ng kapatawaran sa sanlibutan
Sa bawat mananalangsang;
Ngunit hayaang ang mga tumanggap ng kahabagan
Ay maging mahabagin.
Mapalad ang mga mahabagin:
Sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

Miyerkules, Enero 18, 2012

DALUYAN NG BUHAY NA TUBIG

“Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya’y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga” (Jeremias 17:7-8).

Isaalang-alang yaong nagtitiwala sa Diyos sa mga mahirap na kalagayan: “ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya” (t7).

Ang Kristiyanong ito ay “nakatanim.” Mayroon siyang ugat, katatagan, daluyan ng buhay na tubig. Palagi siyang “dumidipa ng palayo,” mabunga at luntian na may sariwang buhay. Sinabi ng kasulatan, “hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init…” (t8). Kapag ang mga bagay ay naging masidhi at nakapag-aalala, hindi siya matatakot!

Sinabi ng taong ito, “Jesus suko na akong maghanap ng taong maaring makatulong sa akin para makaligtas sa aking pagsubok. Ikaw ang tangi kong pag-asa. Ikaw lamang ang tinitingnan ko na makapagliligtas sa akin sa kalagayan kong ito! Hangad ng Panginoon ang ganitong pananampalataya mula sa atin sa pang-araw-araw na kalagayan. Maaring tumutol ka, “Ngunit, Kuya Dave, ako ay wala pa ring trabaho, patuloy na naguguluhan.” Kailangan pa ring manalig ako sa Salita ng Diyos: “Manalig ka sa akin at ikaw ay pagpapalain!”

Hinihikayat ko kayo na manalig kapag sinabi ng Diyos, "Manalig kayo sa Akin at pagpapalain kayo!" Maari mong sagutin, "Ngunit hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mukhang wala nang pag-asa. Wala akong nakikitang anumang maaring tulong o kaligtasan sa kalagayan ko!" Sa lahat ng bagay na ito sinasabi pa rin ng Diyos, "Manalig ka, anak Ko, at ikaw ay pagpapalain

Walang halaga kung ang iyong pagsubok ay tungkol sa iyong kaanak, sa iyong negosyo, o sa iyong pangangailangan. Kung ilalagay mo ang iyong ganap na pananalig sa Kanyang Salita at sa Kanyang katapatan, ipinapangako ng Diyos na pagpapalain ka Niya—at hindi Siya maaring magsinungaling! Kapag dumating ang tag-init, hindi ka man lang mag-aalala. Kapag dumating ang malakas na hangin, matatag kang nakatayo, sapagkat natutunan mong manalig sa Kanya. Ikaw ay magiging luntiang puno nagbubunga ng masaganang prutas ng pananalig—at lahat sa paligid mo ay mabibigyan ng pag-asa at kalakasan ng loob habang pinanghahawakan nila ang iyong tahimik na pananalig.

Martes, Enero 17, 2012

ANG HANGGANAN NG MGA HIMALA

Wala pang sinuman ang nakakita ng maraming mga mahiwagang mga gawain kundi ang Israel. Nagbigay ng himala ang Diyos ng sunud-sunod para sa kanila—gayunman ang bawat gawaing ito hindi pa rin naging sapat sapagkat ang mga tao ay nanatiling walang pananampalataya at hindi naniniwala katulad pa rin ng dati! Iisipin mo na ang sampung salot sa Egipto ay sapat na para magbunga ng pananampalataya sa mga Israelita. Nang ang Egipto ay sinugod ng mga balang, ang kampo ng Israelita ay hindi naapektuhan. Nang ang Egipto ay nagdilim, ang Israel ay nanatiling maliwanag. Gayunman wala sa mga salot na ito ay nagbunga ng anumang uri ng pananampalataya.!

Maging noong hinati ng Diyos ang Pulang Dagat, ang pananampalataya ng mga Israelita ay nanatili lamang ng tatlong araw. Sinabi ng Kasulatan: “Ang magulang naming nasa Egipto, di nagpahalaga sa kahanga-hangang mga ginawa mong kanilang nakita; ni hindi pinansin ang iyong pag-ibig na walang kagaya, bagkus ang ginawa sa dagat na Pula’y nilabanan ka pa” (Awit 106: 7).
Sinasabi ng mang-aawit dito: “Pinagdudahan pa man din nila ang Diyos sa Dagat na Pula—ang lugar na kung saan ay ginawa Niya ang pinakadakila niyang himala!”

Katulad din tayo ng mga taga Israel. Nais nating magsalita ang Diyos, bigyan tayo ng himalang kaligtasan, madaliang tugunin ang ating mga pangangailangan, alisin ang ating mga hapis at pagdurusa. Sa katunayan, maaring sinasabi mo ngayon din, “Kung ako lamang ay aalisin ng Panginoon sa aking kinasasadlakang malaking suliranin ngayon—kung gagawin niya lamang ang isang himalang ito—hindi na ako magdududa sa Kanya kailanman!” Gayunman, ano na ang nangyari sa mga himalang ginawa niya sa para iyo? Hindi man lamang ito nagbunga ng pananampalataya para matulungan ka sa iyong kasalukuyang pagdadalamhati!

Dalawang mga kinikilalang mga tao ng Diyos mula sa tribo ng Zulu sa Afrika ay bumisita sa iglesya ng Times Square. Isang kamangha-manghang panunumbalik ang nagaganap sa walong milyong mga taga Zulu, at ang Diyos ay gumagawa ng himala sa kanila.

Ngunit hindi ito ang nais pag-usapan ng mga taong ito. Sa halip, ang ganap na nakamangha para sa kanila tungkol sa panunubalik na ito ay ang mga “nakapanaig na mga taga Zulu”—yaong mga nanindigan para kay Cristo, sinunog ang mga aklat ng mangkukulam at matapang na nagpatotoo, kahit na sila ay sinusubukan at matinding nililitis. Ang mga taong ito ay dating makakasalanan, na may espiritung mamatay, at sila ay binago bilang imahe ni Jesus!

Naniniwala ako na ang pinakadakilang senyales o kababalaghan sa sanlibutan sa mga huling araw ay hindi isang tao na binuhay mula sa kamatayan. Hindi, ang tunay na nakapagbigay ng malaking pagka-umpog sa isip at espiritu ng mga hindi makadiyos ay ang Kristiyanong nakayanan ang lahat ng pagsubok, bagyo, pasakit at pagdurusa na may malaking pananampalataya. Ang ganitong uri ng mananampalataya ay umahon mula sa kanyang pighati na lalong lumakas ang pagkatao, lumakas sa pananampalataya, lumakas kay Cristo.

Lunes, Enero 16, 2012

WALANG TUBIG NA MAINOM

“Mula sa disyerto ng Sin, naglakbay ang mga Israelita, sila’y humihinto at nagpapatuloy kapag sinabi ni Yahweh. Sila’y nagkampo sa Refidim ngunit walang tubig doon, kaya nagalit sila kay Moises. Sinabi nila, “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.” “Bakit kayo nagagalit? Bakit ninyo sinusubukan ang kakayahan ni Yahweh?” tanong ni Moises. Ngunit talagang uhaw na uhaw na ang mga Israelita, kaya sinumbatan nila si Moises, “Inilabas mo ba kami sa Egipto para patayin sa uhaw pati mga anak namin at mga alagang hayop?” Kaya, humingi ng tulong si Moises kay Yahweh, “Ano ang gagawin ko sa mga taong ito? Gusto na nila akong batuhin? (Exodo 17:1-4).

Dinala sila ng Diyos sa pinakatuyot na lugar sa buong disyerto. Ito ay ang lugar ng pagsubok na walang ilog, walang balon, ni wala kahit isang patak ng tubig. Ang nakapagtataka sa lahat ay, ang mga Israelita ay dinala doon “ayon s utos ng Panginoon” (t 1).

Hinayaan ng Diyos na mauhaw ang kanyang mga tao” “talagang uhaw na uhaw na ang mga Israelita” (t 3). Nag-iiyakan ang mga sanggol, mga bata ay nag-tataghuyan, ang mga lolo at lola ay dumadanas ng tuyot na lalamunan. Tumingin ang mga magulang sa kanilang mga kaanak at inisip, “Ilang araw pa at mamatay na tayong lahat.” Kayat galit na sinumbatan nila si Moises, dumadaing, “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom!” patuloy pa rin silang umasa sa tao—sa laman!

Nais kong huminto dito para tukuyin ang isang bagay. Una, dinala ng Diyos ang mga Israelita sa Migdol sa pamamagitan ng paglalakbay sa dagat para subukin sila—at hindi sila nagtiwala sa Kanya. Sumunod, dinala sila sa Marah, na kung saan ay mayroon siyang plano ng kaligtasan para sa kanila—at muli na naman silang nabigo na magtiwala sa Kanya. Ngayon dinala sila sa Refidim para sa marami pang pagsubok.

Nakikita ninyo ba ang patutunguhan? Kapag hindi mo natutunan na magtiwala sa Panginoon sa simpleng, parang pananampalataya ng bata kapag ikaw ay sinusubok, dadalhin ka Niyang pabalik para sa iba pang pagsubok.

Ang Israel ay muli na namang nasa ganoong kalagayan. Sila ay nag-iinit, uhaw at galit. Ngunit ang Diyos ay mayroon nang plano! Hindi Niya hahayaan silang mamatay. Pinili Niya nang una pa na maglakad sila patungo sa Bundok ng Horeb na kung saan ay may lawa ng tubig na kanyang inihanda matagal na. at ang pinanggalingan iyon ay hindi matutuyo sa isang araw, isang linggo o isang buwan—kundi 38 taon!

Gayunman ang Diyos ay naghihintay ng kasagutan ng pananampalataya mula sa Israel. Sinasabi niya, Dinala ko kayo sa kalagayang ito, ngunit tumutol kayong matuto. Magtitiwala na ba kayo ngayon sa Akin? Ilan pang mga mga pagsubok ang kailangan kong hayaang maangyari sa buhay ninyo bago kayo magtiwala sa Akin?”

Ang nagmamahal, na Amang nasa langit ay hindi kailanman dadalhin ang Kanyang mga anak sa tuyong disyerto para lamang hayaan silang mamatay sa uhaw, lalo pa’t mayroon siyang inihandang lawa ng tubig na nakatago sa malapit na bato! Ang Diyos ay laging may nakahandang plano para sa Kanyang mga anak. At mayroon Siyang plano ngayon sa iyo, para iligtas ka sa iyong kasalukuyang paghihirap.

Biyernes, Enero 13, 2012

SA DULO NG KAWALAN NG PAG-ASA

“Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok. Nang siya’y mag-utos, nagngalit ang dagat, hangin ay lumakas, lumaki ang alon na kung pagmamasdan, ay pagkataas. Ang sasakyan nila halos ay ipukol mula sa ibaba, kapag naitaas ang sasakyang ito’y babagsak na bigla; dahil sa panganib, ang pag-asa nila ay halos mawala. Ang kanilang anyo’y parang mga lasing na pahapay-hapay, dati nilang sigla’t mga katangia’y di pakinabangan” (Awit 107:23-27).

Sa Awit na ito, ang lugar na tinutukoy dito bilang “dulo ng kawalan ng pag-asa” ay ang lapag ng sasakyang dagat sa nagngangalit na dagat. Itataas ng higanteng alon ang sasakyang dagat at saka ibabagsak ito mula sa pinakamataas na dulo ng alon. Ipinaghampasan ito ng malakas na hangin ng pabalik-balik nang sa gayon kahit isang maglalayag ay hindi niya makita ang kanilang mga “tinutungtungan.” Pagiray-giray silang pabalik-balik na parang mga lasing.

Ang layag ng barko ay punit-punit at para nang basahan, at mga malalakas na alon ay pahampas-hampas sa lapag ng sasakyan. Pilit na nagkukumahog ang mga maglalayag para lamang makaligtas. Para bang katapusan na nang lahat para sa kanila, ay sila ay lubusan nang nawalan ng pag-asa. Wala silang magawa—hinang-hina sa lakas ng pangyayari, hindi mapigilan ang bagyo, walang kapangyarihan na iligtas ang sarili nila.

Ang mga maglalayag na ito ay nakarating sa tinatawag na “dulo ng kawalan ng pag-asa.” Ang ganitong kalagayan ay nadarama ng lahat ng Kristiyano sa kanilang buhay. Ito ay nangangahulugan lamang ng, “Umabot na sa sukdulan ng lahat ng maaring kaparaanan para makaligtas.” Sa madaling sabi, wala nang magagawa pa—walang tulong, walang kaligtasan—maliban sa Diyos lamang mismo!

“Nang nababagabag, kay Yahweh sila ay tumawag, dininig nga sila at sa kahirapan, sila’y iniligtas. Ang bagyong malakas, pinayapa niya’t kanyang pinatigil, pati mga alon, na naglalakihan ay tumahimik din. Nang tumahimik na, sila ay natuwa, naghari ang galak, at natamo nila ang kanilang pakay sa ibayong dagat” (Awit 107:28-30).

Kailan tumigil ang bagyo para sa mga maglalayag sa Awit 107? Kailan sila dinala ng Diyos sa kanilang hangad na ligtas na kalagayan?

Una, ang mga maglalayag ay umabot na sa dulo ng kawalan ng pag-asa, isinuko na ang lahat na maaring pag-asa o tulong. Sinabi nila, “Wala tayong pag-asa na mailigtas pa natin ang ating mga sarili. Wala nang sinumang maaring makatulong pa sa atin!”

Pangalawa, dumaing sila sa Panginoon sa gitna ng kanilang pagdadalamhati—lumapit sa Kanya lamang para tulong na kailangan!

Huwebes, Enero 12, 2012

ANG IPINAKO AY NAKIPAGLABAN

“Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita; tulad ay tupang nakatakdang patayin, parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan, at hindi umiimik kahit kaunti man” (Isaias 53:7).

Si Cristo ay isang tunay na nakikipaglaban—
Nakikipaglaban para sa kapakanan ng karapatan ng iba,
Itinaboy ang mga nagpapalit ng pera mula sa iglesya ng Diyos
At nagpalaya sa mga naaapi
At mga may karamdaman,
Mga hindi nauunawaan at mga itinakwil.
Ipinagkait sa kanya ang sarili Niyang karapatan:
Isang tagahatol ay isinakdal Siya.
Binuyo ng mga saserdote ang mga nanahimik na nakararami
Ng mga kasinungalingan at gawa-gawang usap.
Siya ay dinala sa katayan na parang isang kordero.
Binabaltak nila ang kanyang balbas
At dinuran sa Kanyang mukha.
Sa pinakamataas na hukuman sa bansa
Ay nahatulan na Siya ng di pa nalilitis:
Gayunman ang makapangyarihang nakikipaglabang ito
Ay hindi man lamang ibinuka ang Kanyang bibig
At sa Kanyang pagdadalamhati hindi Niya hiningi ang Kanyang karapatan.
Ibinuhas niya ang Kanyang buhay
Bilang isang handog
Para mabigyan ng katuwiran ang karapatan ng lahat ng tao.

Miyerkules, Enero 11, 2012

ANG HINDI MAIPALIWANAG NA KARAMDAMAN

“Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagaligtas, muli ko siyang aawitan. Siya ay gugunitain ng puso kong tigib-hirap…di ko siya malilimot, gugunitain oras-oras” (Awit 42:5-6).

Ang mga iskolar ay sigurado kung sino ang sumulat ng Awit. Ngunit siguradong alam natin na mayroong bumabagabag sa kanya. Ang kanyang kaluluwa ay lubhang naguguluhan at hindi maipaliwanag kung bakit!

Ang mang-aawit na ito ay nag-aapoy sa Diyos. Humahangos siya papunta sa Panginoon na tulad ng usa na humahangos sa uhaw sa tubig (tingnan ang talatang 1)—nauuhaw sa Kanya, sabik sa pakikipag-isa sa Kanya. Tanong niya, “nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buhay, walang iba; kailan kaya maaaring sa presensya mo’y sumamba?” (t2).

Hindi natin malalaman kung ano ang karamdaman ng mang-aawit. Naranasan mo na ba ang ganitong hindi inaasahang kalamlaman—hindi inaasahan, hindi maipaliwanag na kalungkutang espirituwal? Maayos ka lamang, sa hindi alam na kasalanan sa iyong buhay. Ngunit isang araw ikaw ay bumangon na may kaguluhang lubos na tumutusok sa iyong kaluluwa. Isang uri ng matinding kalungkutan ay dumapo sa iyo at hindi mo ito maipaliwanag.

Mayroon akong magandang balita para sa iyo. Ito ay karamdaman ng isang matuwid! Ito ay dumadating lamang doon sa mga gutom kay Jesus. Hindi tayo dapat mangamba sa ganitong uri ng karamdaman sapagkat ang Espiritu Santo ay may kinalaman dito.

Mayroon na akon mahabang karanasan sa buhay para malaman na may dumarating na sandali na ang ganitong bagay ay nangyayari sa Kristiyano. Ngunit hindi na natin dapat pa itong alamin—sapagkat hindi natin ito maipapaliwanag. Hindi rin nalaman ng mang-aawit ang kasagutan sa kanyang mga “bakit”. At walang aklat, tagapayo o psikolohiyo sa sanlibutan ang makapagsasabi sa iyo bakit mayroong hindi maipaliwanag na karamdaman ang sumapit sa iyo.

Naniniwala ako na ang kakaibang karamdamang ito ay “ang pagbuntong-hininga ng Espiritu Santo” sa kaibuturan natin. Ipinakikita niya sa atin kung ano ang nararamdaman ng isang wala ang Diyos sa kanya—ang nagsasarili, walang kaaliwan, pag-asa o gabay. Hinahayaan niya na maranasan natin ang patikim ng isang nakagigimbal na kalagayan!

Ang ating katawan ay Kanyang templo at Siya ay isinugo para ipaghanda tayo ng wagas na nobya ni Cristo. Alam niya ang kakailanganin para mapanatili tayong walang dungis para sa Nobyo. At alam Niya kung gaano kahalaga sa atin ang dumaing sa Diyos para sa pang-araw-araw na kalakasan at kapangyarihan. Hindi natin basta makakayanan ang mga panahon ngayon maliban kung tayo ay malapit sa Panginoon—ganap na nagtitiwala sa Kanya, at madalas na lumalapit sa kanyang presensya.

Martes, Enero 10, 2012

ISANG RELIHIYON NG ANYO NG MUKHA

Kapag hinayaan natin si Jesus na maging panginoon ng lahat—kapag ibinigay natin sa kanya ang lahat ng ating alalahanin, ganap na nananalig sa Kanyang Salita at namamahinga sa Kanyang pag-ibig—ang ating anyo ay nangangailangan ng malalim na pagbabago. Isang tahimik na kahinahunan ay kailangang magsimulang magliwanag mula sa ating anyo.

Ang Kasulatan ay nagbigay ng maraming halimbawa sa atin: Nang inilatag ni Hannah ang kanyang alalahanin, “… ang kanyang anyo ay hindi na malungkot” (1 Samuel 1:18). “Nang si Esteban ay pinagmasdang mabuti ng lahat ng nakaupo sa Sanedrin, at nakita nila na ang kanyang mukha ay parang mukha ng anghel” (Gawa 6:15). Si Esteban ay nakatayo kasama ang mga hindi mananamapalataya na may liwanag ni Jesu-Cristo at pagkakaiba ay maliwanag na sa lahat!

Naniniwala ako na tungkulin natin hayaang mangusap ang ating anyo ng mga katapatan ng Diyos sa ting mga buhay. Ngunit ang suliranin ay, ang anyo ng ating mga mukha at ikinikilos ng ating katawan ay siyang kabaligtaran! Ang anyo ng maraming mananampalataya ay nagsasabi, “Binigo ako ng Diyos ko! Pinabayaan na niya ako. Kailangang dalhin kong mag-isa ang aking mga alalahanin at mga suliranin sapagkat pinabayaan na ako ng Diyos!”

Maaring hindi mo sinasabi ang mga bagay na ito sa iyong sarili ngunit ito ay nakikita sa anyo ng iyong mukha. Nais kong ipakita sa iyo mula sa Salita ng Diyos na ang anumang pinagdaraanan mo ay hindi na bago. Mayroon na ring iba na katulad din ng nasa kalagayan mo:

“Hinanap ko’y Panginoon sa panahong may bagabag, hindi ako napagod, dumalangin na magdamag, ngunit diko nasumpungan ang aliw kong hinahangad. Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing, ako’y nagdidili-dili ngunit ako’y bigo pa rin. Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa, hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa. Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw. Nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan; ako’y nagbubulay-bulay sa silid ko gabi-gabi, ang diwa ko ay gising at tinatanong ang sarili: ‘Ako baga Panginoo’y lubusan mong itatakwil? Di mo na ba ibabalik sa akin ang iyong pagtingin? Ang iyo bang pagmamahal sa amin ay nagwakas na? Hindi na ba maaaring sa pangako mo’y umasa? Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na? Dahilan sa iyong galit, ang awa mo’y wala na ba?’ Ganito ang aking sabi: ‘Ang sakit ng aking loob, para bagang mahina na’t walang lakas ang aking Diyos” (Awit 77”2-10).

Gayunman ang mang-aawit ay nagkataong nalampasan ang kanyang mga pighati na may maligayang anyo na naibalik. Bakit? Sapagkat, sinabi niya, “Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing ng malakas…Hinanap ko’y Panginoon sa panahong may bagabag” (Awit 77:1-2).

Kung ito ay naglalarawan sa iyo, nakikiusap ako: Ngayon, sa mismong araw na ito, mag-isang lumapit sa Panginoon at dumaing sa Kanya! Sabihin mo sa Kanya na ikaw ay nasa dulo na walang pag-asa, na hindi mo na kaya, na handa ka nang ipatong ang lahat sa kanyang mga balikat. Ilabas mo ang lahat sa Diyos!

Lunes, Enero 9, 2012

ISANG PAGPAPAGANDA NG ESPIRITU SANTO

Matapang na ipinahayag ni David, “Bakit ako malulungkot, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako’y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!” (Awit 42:11). At inulit niya ang katulad na pangungusap sa Awit 43:5. Sa orihinal na Hebreo, ang tamang pahinohod ng mga talatang ito ay, “Sa Diyos ako aasa at sa kanya mananalig.”

Naniniwala ako na may mahalagang sinasabi si David dito. Nakita mo ang iyong mukha ay isang karatula na nagbabalita kung ano ang nangyayari sa iyong puso. Ang lahat ng kaaliwan o kaguluhan sa iyong kalooban ay nananalamin sa iyong mukha. Kapag sinasabi ko ang tungkol sa iyong itsura, ang tinutukoy ko ay ang ipinapahayag ng iyong mukha, ang iyong ikinikilos, at tono ng iyong boses.

Halimbawa, kapag ang isipan ko ay puno ng isipin tungkol sa ating iglesya—mga pangangaral, pananalapi, pakikipag-ugnayan—ay may pagkakataong ako ay nanlulumo. Mukhang pasan ko ang lahat. Nakakunot ang aking kilay. Ang ibang tao ay nagsasabi na ako ay malungkot.

Isang araw ako ay naglalakad sa kahabaan ng kalye 52nd malapit sa Tahanan ng Hannah, lubhang subsob sa mga bagay tungkol sa iglesya at marahil ay mukhang nanlulumo. Nadaanan ko ang isang sirang bahay na kung saan ay may isang babae nakaupo, nakangiti. Kita ko na siya ay lango sa droga. Pinapanood niya ako habang palapit at nagsalita siya. “Ginoo, hindi naman siguro napakabigat ng dinadala mo.”

Ako ay nagulat! Sa isipan ko, “Narito ang isang babae, na lango sa droga at narito ako, isang tao ng Diyos. Siya ay nakangiti at maaliwalas ang anyo at ako naman ay nanlulumo, na para bang naglaho na ang pag-asa.” Ito ay isang pasaway na pangungusap sa akin!

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang dakilang kaligtasan—sa pagliligtas sa ating mga kaluluwa, sa ating espiritu, maging sa ating mga katawan. Ngunit marami sa atin ay nangangailangan na baguhin ang ating mga anyo! Kailangan natin ng pagpapaganda ng Espiritu Santo—sapagkat ang ating mga mukha ay nagbibigay ng maling mensahe sa sanlibutan!

Isang nakakabatang babae ay nagpunta sa Tahanan sa Hannah na may mahabang linya ng mga kasalanan na nakaukit sa kanyang mukha. Ang kanyang anyo ay lubhang naghihirap ng husto. Gayuman, dalawang linggo ang makalipas mula nang siya ay naligtas, walang makapaniwala sa kanyang pagbabago. Ni hindi ko man lamang siya nakilala.

Bakit bigla na lamang nagbago ang kanyang anyo? “Sino ang ipapantay sa taong matalino na nakakasaliksik sa lahat ng bagay? Ang karunungan ay nagpapasaya sa mukha ng tao; pati ang matigas na anyo ng mukha ay nawawala” (Mangangaral 8:1).

Tinitingnan ko na ang “karunungan” sa talatang ito ay nangangahulugan na si Jesu-Cristo. Sa katunayan, ang pinakapresensya ni Cristo sa iyong puso ay may malinaw na umpog sa iyong anyo! Idinadamay nito ang iyong paglalakad, ang iyong pagsasalita, ang mismong tono ng iyong boses.

Biyernes, Enero 6, 2012

ANG KALAYAAN AY HINDI ISANG PAHINTULOT!

“Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa’t isa sa diwa ng pag-ibig”(Galacia 5:13).

Ang mga rebelde ay dumadaing ng kalayaan
Para sa mga namimighating itim.
Para sa mga pinabayaang tribo ng Indian,
Mga ilegal na Mehikano at mga mamimitas ng Prutas sa Kanluran.
Nananawagan sila ng kalayaan sa kampus—
Para sa mga kolonya at mga naglalabasang mga nasyon.
Kumikilos na para bang ang kalayaan
Ay kanilang natukalasan at kanilang ideya,
Ngunit sinabi ng Diyos
Ang tao ay tinawag para sa kalayaan—
Banal na idinestino at tinawag.
Ngunit hindi dapat gamitin ang kalayaan bilang kapahintulutan
Para aliwin ang laman,
Ang malulong sa walang pakundangang kaaliwan at kahalayan ng laman—
Bilang tsapa ng kalayaan
Para lamang makaiwas sa paglilingkod sa iba,
Sa pamamagitan ng pag-ibig, ang paglingkuran ang bawat isa
Mapayapa at walang karahasan;
Sapagkat kapag nagpatuloy ang rebelde na mangagat at manakmal
Sa likod ng maskara ng kalayaan,
Lalamunin lamang nila ang bawat isa.

Huwebes, Enero 5, 2012

SI YAHWEH AY ISANG MAPANIBUGHUING DIYOS

“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuing Diyos” (Exodo 34:14).

Oo, maari natin siyang galitin sa pagpapanibugho: “Nais ba nating manibugho ang Panginoon? Akala ba ninyo’y mas makapangyarihan tayo kaysa sa kanya?” (1 Corinto 10:22). Nagtatanong si Pablo: “Pinatunayan mo na iniibig mo Siya. Ginamit mo pa man din ang pangalan niya. Gayunman, ngunit mayroon bang ibang umagaw sa puso mo?”

Maari mong sabihin na iniibig mo si Jesus; maari kang pumunta sa sambahan sa tuwinang bukas ang pintuan. Ngunit hinahanap mo ba siya sa kapag ikaw ay nag-iisa na?

Gaano karaming aklat, mga babasahin at mga pahayagan ang iyong pinag-uubusan ng panahon? Gaano kahaba ang panahon na ginugugol mo sa panonood sa telebisyon at pakikinig sa radyo—ngunit ni hindi mo man lamang maisip na gumugol nang panahon na kasama si Cristo?

Ang mga mangangaral ay nagsasaliksik sa Bibliya para sa kanilang ipapangaral. Ang mga guro ay pinag-aaralan ito para sa aralin tuwing Linggo. Ngunit bakit hindi man lamang natin magawang gawin ito kahit na sa pagbabasa man lamang, para pasariwain tayo ng ating Panginoon? Bakit hindi natin ito mabuksan upang matutunan natin ang tungkol sa kanya at ibigin siya?

Ang Bibliya ay si Jesus—ang sariling Salita ng Diyos! Ito ay puno ng kapahayagan ng Kanyang puso; ang lahat ng tungkol sa Kanya ay makikita dito . Iisipin ko na kung tunay na iniibig mo Siya, kung umaasa ka na makakasama siya sa walang hanggan bilang kanyang nobya, kung ganoon ay nanaisin mong matutunan ang lahat ng tungkol sa Kanya!

Ang Panginoon ay hinihintay tayo, hinahanap ang ating panahon at atensyon. Gayunman nakikita Niya tayo na inuubos ang ating panahon sa ibang tao at ibang bagay na nagbibigay dahilan para manibugho Siya! “Hindi patatawarin ni Yahweh ang ganoong tao, sa halip ay magagalit siy sa taong iyon. Mangyayari sa kanya ang lahat ng sumpang nakasulat sa aklat ng kautusang ito hanggang sa lubusan siyang mapuksa ni Yahweh” (Deotoromo 29:20). Sasabog itong nag-aalab na apoy ng paghatol!

Minamahal, kapag sumapit ang araw na iyon, alam ko na nais mong hawakan ni Jesus ang kamay mo at bumulong, “Ang mahalaga tayo ay magkasama! Ninais mo na ako ay makasama. Ibinigay mo sa akin ang pinakaminam na bahagi ng iyong buhay, ng iyong panahon, ng iyong atensyon. Halika, ngayon—magsama tayo!”

Paano mo Siya haharapin sa araw na iyon? Ang lahat sa sanlibutang ito ay matutupok ng apoy. Ngunit paano ang iyong pakikipag-isa sa Kanya? Makakaya mo bang humarap sa Kanya alam na tinalikuran mo ang sanlibutan at tumaghoy na nais mo Siyang makilala?

Miyerkules, Enero 4, 2012

NASISIYAHAN KAY JESUS

Sapat na kay Jesus na makuha niya ang inyong puso. Siya lamang ang dapat na kasiyahan ng inyong puso! Gayunman, maraming mananampalataya na hindi pa sapat na nasisiyahan kay Jesus. Palagi silang aangat at babagsak ayon sa kanilang kalagayan.

Hindi ito ang nababagay na babaing pakakasalan ng Nobyo. Hindi, isang natatanging kagandahan ang dapat na makaganyak sa Kanyang mapapangasawa para lamang makaakit sa Kanya: “Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin; siya’y iyong Panginoon, marapat na iyong sundin” (Awit 45:11). Ngunit ano ang kagandahang ito?

Maaring naawit mo na ang kagandahan ng kabanalan: “Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan; sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan” (Awit 29:2). Ang ganitong kagandahan ang nakabighani sa mga mata ng Diyos; ito ang nakikita ni Jesus sa atin na nakabibighani sa Kanya.

Sinabi ng Espiritu Santo sa pakakasalan ni Crsito, “Kung tatalikuran mo ang lahat, kalilimutan ang lahat at gayakan ang sarili mo para sa Kanya lamang, kung magkaganoon ay nanaisin niya ang iyong kagandahan!” Ito ay nangangahulugan na walang trabaho, walang tao, walang pakikipag-ugnayan ang maaring humadlang sa pagitan ninyo!

Narinig ko ang isang asawang makadiyos na nagsabi, “Kapag ang asawa ay lalong nagiging makadiyos, lalo akong nabibighani sa kanya.” Ang katotohanan, iyan ang tinutukoy sa makadiyos na kasalan. At, kahalintulad, kapag lalo mong ibinibigay ang buong debosyon mo sa Panginoon, ay lalo kang nagiging kaakit-akit at napakaganda para sa kanya.

“Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin…” (Awit 45:11). Isang kamangha-manghang isipin: Hindi makukuhang lumayo ni Jesus sa iyo! Sa katunayan, ang kahulugang Griyego ng kagandahan dito ay nangangahulugan ng matibay at matatag na pananabik at pagnanais. Sa ibang salita, si Jesus ay lalapit ng ganap sa iyo—may nakapananaig na pananabik sa iyo!

Nakapagkasal na ako ng marami sa aking buhay. At walang nobyo na hindi ngumiti nang may kasiyahan sa kanyang nobya, iniisip, “Siya’y akin lamang!” Minamahal, iyan ang kagandahan na tinutukoy ko. Ang ating Nobyo ay nagbubunyi, sinasabi tungkol sa kanyang nobya, “Ako ang natatangi sa kanyang mga paningin. Mas gugustuhin niyang ubusin ang panahon niyang kasama ako kaysa sa iba. At iyan ang nakapagpapaganda sa kanya para sa Akin!”

Sa katunayan, ang nobya ni Cristo ay may pang-loob na kagandahan na lalong nakapagpapaganda sa kanyang panglabas na anyo. Siya ay “…Ang prinsesa sa palasyo’y pagmasdan mo’t anong ganda” (Awit 45:13), sapagkat siya ay deboto sa kanyang Nobyo. Alam niya nang walang anumang pagdududa, “Siya ay akin lamang—deboto sa akin lamang! sinasamba niya ako at nagpapahinuhod sa akin. Ako lamang ang nag-iisa sa kanyang buhay, ang natatanging nag-iisa sa kanyang atensyon. Nagbibigay siya ng panahon para sa Akin, at higit na nasisiyahan sa aking presensiya, at nagnanais na makasama ako ng palagian.” Anong gandang debosyon.

Martes, Enero 3, 2012

ANG LUMAYO AT MAKALIMOT

Ang mensahe ng Espiritu Santo sa babaing pakakasalan ni Cristo sa Awit 45 ay: “Ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin” (t. 10). Ang maliit na tinig na ito ay bumubulong, “Hindi sapat na iwan mo ang iyong nakaraan. Kailangang kalimutan mo din ito—alisin mo ito sa iyong isipan—lahat ng nakalipas na pag-ibig at mga nakahadlang!”

ang mensahero dito ay nagsasabi sa babaing pakakasalan, “Binibilang mo ba ang halaga habang naghahanda ka na makasama Siya? O baka naman labas lamang sa bibig pagkatapos ng kasalan? Sinimulan mo na ba ang pag-aalay sa sarili mo na handa kang tapusin o iniisip mo pa rin ba ang nakaraan mo—mga dating kaibigan, mga dating gawi, mga dating pag-ibig? Kapag ikaw ay humanda na sa kasalang ito, hindi mo lang kailangang iwan ang iyong nakaraan, kailangang ganap mo itong kalimutan!”

Kapag si Jesus ay nangusap ng tungkol sa ilang mga “hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang buhay” (Lucas 14:33), Siya ay nangungusap noong mga tumalikod sa kanya at kumapit sa diyus-diyosan. Ang diyus-diyosan ay mga bagay na siyang tanging ating tinututukan—anumang bagay na humahawak sa ating panahon, atensyon, pananalapi, pag-ibig, mga kinagigiliwan.

Maraming mga asawa ay maaring magsabi na sila ay mabuting taga-tustos ng mga pangangailangan. Matiyaga at masipag silang naghanapbuhay, hindi nag-aaksaya ng salapi at gumugugol ng mga mahahalagang sandali na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit gaano ang panahon na ginugugol nila kay Jesus? Mayroon ba silang tinatawag ko na “pagtalikod at paglimot na sandali”—sandali sa isipan nila na iniiwan nila ang lahat, nagbibigay ng sandali na kasama si Jesus lamang? Ito ay ang sandali na kinakalimutan nila ang lahat ng laman ng isipan nila tungkol sa trabaho, mga mahal sa buhay, mga anak at sinasabi na, “Ito ay sandali na para sa iyo Jesus. Ako ay sa Iyo lamang ngayon!”

Ang problema ay hindi ang negosyo o kaanak o hanapbuhay. Sa halip, ito ay “pag-lalaro ng isipan”—walang direksyong naglalaro ang isipan at nag-aaksaya ng panahon. Marami sa mga tao ng Diyos ay inuubos ang kanilang panahon na nagpapaikot-ikot ng walang direksyon—nag-aaksaya ng panahon na kasama ang kanilang mga kaibigan na walang ginagawa o nasa harapan ng telebisyon. Marami tayong inaaksayang mahahalagang sandali at ating kinaliligtaan ang ating Panginoon at Tagapagligtas!

Ngayon nais kong makipag-usap sa inyong mga asawa: Ibinigay ninyo sa inyong mga asawa at mga anak ang pinaka mainam na bahagi ng inyong buhay. Kayo ay masipag at tapat at mabuti ninyong inaalagaan ang inyong mga mahal sa buhay. Gayunman, gaano kahaba ang panahon ng “pagtalikod at paglimot” ang ibinibigay niyo kay Jesus? Ilang oras sa isang linggo ninyo isinasara ang mundo at lumalapit sa Kanya?

Marahil ang Panginoon ay lubhang mapanibugho sa iba ninyong pag-ibig at pinag-uubusan ng panahon at atensyon. Ang lumang kasabihan ay totoo: Hindi ang “masama”ang kalaban ng mga Kristiyano, kundi ang “mabuti.” Ito ay ang mga mahal sa buhay, trabaho, mga anak. Gayunman ang mga bagay na ito ay hindi humahadlang sa pagitan natin at ng Panginoon kundi ang pag-aaksaya ng panahon!

Ngayon ang Panginoon ay nakatayo sa ating harapan, at nagtatanong: “Iniibig mo ba ako ng higit sa mga ito?” (Juan 21:15)

Lunes, Enero 2, 2012

MAKINIG AT ULINIGIN

“At nakita ko ang Banal na Lunsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Maganda ang bihis at handa na siya sa pagsalubong sa lalaking kanyang mapapangasawa…Ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok na puno ng pitong huling salot ay lumapit sa akin. Sabi niya, “Halika, at ipapakita ko sa iyo ang babaing mapapangasawa ng Kordero” (Pahayag 21, 9).

Ito ay isang napakagandang larawan ng huling-araw na iglesya ni Jesu-Cristo! Isang dakilang, banal na lunsod bumababa mula sa langit ay ang Kanyang walang dungis na babaing pakakasalan—ang nakapananaig na iglesya na nakaupo na kasama Niya ngayon sa kalangitan. Ang iglesyang ito ay itinatag mula sa pundasyon ng katotohanan ng Mabuting Balita ng labindalawang apostol. At ito ay napaliligiran ng pader at pintuan na hinaharangan ang anumang madumi at hindi inanyayahan.

At habang ang reyna ay nakatayo sa harap ng lalaking pakakasalan, ang kasalan na magsisimula na, ang isang tinig na nagmumula sa ikatlong kasama ay nadinig! Ang reyna na may kasuotan ng ginto ay pinarangalan, pinili, at may dakilang paghanga, at ngayon ay nakatayo siya sa kanan ng kanyang Minamahal, ang kasalan na sisimulan na. Ngunit bago masimula ang seremonya, isang tinig ang bumulong ng payo sa kanya: “O kabiyak nitong hari, ang payo ko’y ulinigin…” (Awit 45:10).

Naniniwala ako na ito ay tinig ng Espiritu Santo, nagbababala na tinawag sa Kanyang pangalan. Nangungusap siya sa mga nakapanaig—doon sa mga lubos na umiibig kay Jesus—sinasabi na, “Makinig at ulinigin.” Ang tinig na ito ay narinig ng babaing pakakasalan sa mga huling sandali bago simulan ang kasalan.

Ngayon, kailangang maunawaan mo, ang reyna ay napili na. Ang kanyang puso ay nakuha na ng lalaking kanyang pakakasalan. Iniwan na niya ng kanyang tahanan, ang kanyang kaanak at bansa at inialay na ang kanyang sarili sa Kanya. At siya ay puno ng kaligayahan sapagkat tunay niyang iniibig ang Hari.

Kaya, hayaan mong tanungin ko kayo: iniisip mo ba na ang sarili mo ay pinili ng Panginoon? Ikaw ba ang tinubos ng dugo, iniligtas na tangi niyang tinitingnan? Iniibig mo ba Siya ng buong puso? Iwinaksi mo na ba ang sanlibutan, ang lahat ng iyong nakaraan, para sa Kanya? “Siya ay akin, at ibinibigay ko ang sarili ko sa Kanya. Panginoon, iniibig kita ng buong puso ko!” Maari mo bang sabihin iyon?

Ang tinutukoy ko ay ito: Kung nais mo na maging nobya ni Cristo, kailangang maging handa ka hindi lamang dahil nais mong makatakas sa impiyerno. Sa halip, kailangang naisin mo na hindi mawala sa dakilang araw ng kasalan! Kailangang matakot ka na sa isipin pa lamang na hindi ka niya pakakasalan—ang mawala sa yakap Niya, ang hindi Siya makasama sa walang-hanggan.