Huwebes, Hunyo 30, 2011

ANG MGA KASINUNGALINGAN NG KAAWAY

Sa mga sandali ng ating mga pagsubok at tukso, si Satanas ay dumarating sa atin na dala ang mga kasinungalingan: Napaliligiran ka at wala ka nang malalabasan. Mga mas magagaling na lingkod ay lumisan sa katayuang mahigit pa dito. Ngayon pagkakataon mo naman para bumaba. Ikaw ay bigo, kung hindi, di mo pagdadaanan ang mga ito. Mayroong mga bagay na mali sa iyo at ang Diyos ay hindi nalulugod.

Sa gitna ng kanyang pagsubok, tinanggap ni Hezekias ang kanyang kahinaan. Napag-isipan ng hari na wala siyang lakas na pigilan ang tinig na nagngangalit sa kanya, tinig ng kawalan ng pag-asa, pananakot at mga kasinungalingan. Alam niya na hindi niya kayang iligtas ang sarili niya sa pakikipaglaban, kayat hinanap niya ang Panginoon upang humingi ng tulong. At sumagot ang Diyos sa pamamagitan ng pagsugo ng propetang Isaias na dala ang mensaheng: “Narinig ng Diyos ang iyong tangis. Ngayon, sabihin kay Satanas na nasa iyong tarangkahan, ‘Ikaw ang babagsak. Sa daanang pinasukan mo, ang siya mo ring lalabasan.’”

Si Hezekias ay muntik nang nahulog sa panlilinlang ng kaaway. Ang katunayan ay, kung hindi tayo maninindigan sa kasinungalingan ni Satanas—kung sa oras ng kagipitan, hindi tayo sasandal sa pananalig at panalangin, kung hindi tayo kukuha ng lakas mula sa pangako ng Diyos na kaligtasan—ang diyablo ay susugurin ang nanghihina nating pananalig at lalong palalakasin ang kanyang pagsugod.

Si Hezekias ay nakakuha ng katapangan sa salita na kanyang natanggap, at nasabi niya kay Sennacherib sa di-tiyak na katawagan: “Diyablong hari, hindi mo ako nilait, Ikaw mismo ang nagsinungaling sa Diyos. Ililigtas ako ng Panginoon ko. At sapagkat nilait mo siya, haharapin mo ang kanyang poot!”

Sinabi ng Bibliya sa atin na kahima-himalang iniligtas si Hezekias at Judas sa gabing yaon: “Nang gabing yaon, pinasok ng anghel ni Yahweh ang kampo ng mga taga-Asiria at napatay niya ang 125,000 kawal. Kinabukasan, nang bumangon ang mga hindi napatay, nakita nilang naghambalang ang mga bangkay” (2 Hari 19:35).

Ang mga mananampalataya ngayon ay naninindigan hindi lamang sa pangako kundi maging sa pagbubuhos ng dugo ni Hesu-Kristo. At sa dugong iyon may tagumpay tayo sa bawat kasalanan, tukso at pakikipaglaban na ating kakaharapin. Maaring ikaw ay nakatanggap ng liham mula sa diyablo kamakailan lamang. Tanong ko sa iyo: naniniwala ka ba na alam ng Diyos ang mga padating mong pagsubok? Nang mga kahangalan mong kilos? Ang bawat pagdududa mo at takot? Kung ganon, mayroon kang halimbawa ni David sa harap mo, na nanalangin, “ang abang lalaking ito ay tumangis at iniligtas siya ng Panginoon.” Gagawin mo rin ba iyon?

Miyerkules, Hunyo 29, 2011

KAPAYAPAAN AT BANAL NA ESPIRITU

Kanino iginagawad ni krsito ang kanyang kapayapan? Maari mong isipin, “Hindi ako karapatdapat na mabuhay sa kapayapaan ni Kristo. Marami akong paghihirap sa aking buhay. Lubos na mahina ang aking pananalig.”

Marapat mong gawin na isaalang-alang ang mga kalalakihan na kung kanino iginawad ni Kristo ang kanyang kapayapaan. Walang sinuman sa kanila ang karapatdapat, at walang sinuman ang may karapatan dito. Marapat mong gawin na isaalang-alang ang mga kalalakihan na kung kanino iginawad ni Kristo ang kanyang kapayapaan. Walang sinuman sa kanila ang karapatdapat, at walang sinuman ang may karapatan dito.

Isipin mo si Pedro. Igagawad na ni Hesus ang kanyang kapayapaan sa isang ministro ng Magandang Balita na sa nalalapit ay magbubuga ng panglalait at blaspemya. Si Pedro ay masigasig sa pag-ibig ni Kristo, ngunit siya ay itatatwa nito.

At nandoon din si Santiago at ang kanyang kapatid na si Juan, na may palabang espiritu, laging nagsisikap na makilala. Hiniling nilang maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus nang siya ay pumaitaas sa kanyang trono ng kaluwalhatian.

Ang ibang disipulo ay hindi rin naging makatuwiran. Sumusulak ang galit nila kay Santiago at Juan dahilan sa kanilang pakikipag-agawan ng pansin. Nandoon si Tomas, tao ng Diyos na nagduda. Lahat ng disipulo ay nagkulang sa pananalig, ikinagulat at nakahapit ito kay Hesus. Sa katunayan, sa mga oras ng kaguluhan ni Kristo, silang lahat ay iiwan siya at tatakas. Maging pagkatapos ng Muling-pagkabuhay, kapag kumalat ang balita na si “Hesus ay muling nabuhay,” ang mga disipulo ay hindi basta naniwala.

Ngunit mayroong mas higit pa doon. Sila ay mga naguguluhang ring mga kalalakihan. Hindi nila nauunawan ang pamamaraan ng Diyos. Sila ay naguguluhan sa kanyang mga talinghaga. Pagkatapos ng Pagpapako sa Krus, nawala ang kanilang mga kamalayan ng pagkaka-isa, nagkawatak-watak sa ibat-ibang patutunguhan.

Nakakagulat na paglalarawan: Ang mga lalaking ito ay punung-puno ng takot, kawalan ng pananalig, pagkawatak-watak, kalungkutan, kaguluhan, paglalaban-laban, pagmamalaki. Gayunman dito rin sa mga naguguluhang mga lingkod na ito sinabi ni Hesus, “Ibibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan.”

Ang mga disipulo ay hindi pinili sapagkat sila mabuti o makatuwiran; ang mga iyon ay malinaw. O dahil sila ay mayroong talino o mga kakayahan. Sila ay mga mangingisda at mga pangkaraniwang manggagawa, matiisin at mapagpakumbaba. Tinawag ni Kristo at pinili ang mga disipulo sapagkat may nakita siya sa kanilang mga puso. Habang nakatingin siya sa kanila, alam niya na ang bawat isa ay susuko sa Banal na Espiritu.

Sa puntong ito, ang lahat lamang na mayroon ang mga disipulo ay ang pangako ng kapayapaan ni Kristo. Ang kapunuan ng kapayapaang iyon ay ibibigay pa lamang sa kanila, sa Pentekostes. At iyon ang panahon na darating ang Banal na Espiritu at mananahan sa kanila. Natanggap natin ang kapayapaan ni Kristo mula sa Banal Espiritu. Ang kapayapaang ito ay dumarating sa atin habang inihahayag ng Espiritu si Kristo sa atin. Kung higit mong hinahanap si Hesus, higit rin na ipakikita siya ng Banal na Espiritu—at higit pang tunay na kapayapaan ang makakamit mo.

Martes, Hunyo 28, 2011

ANG MAHALAGANG BAGAY NA NAKABABAHALA ANG DIYOS

Sa gitna nitong pansalibutang “pagyanig ng lahat ng bagay,” ano ang mahalaang bagay na nakababahala sa Diyos sa lahat ng ito? Ito ba’y ang mga pangyayari sa Gitnang-Silangan? Hindi. Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na ang Ang paninging ng Diyos ay nakatuon sa kanyang mga anak: “Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig ay kinakalinga” (Awit 33:18).

Batid ng Panginoon ang bawat galaw sa sanlibutan, ng lahat ng bagay na buhay. At gayunman ang kanyang pagtingin ay nangungunang nakatuon sa maayos na kalagayan ng kanyang mga anak. Nakapirmi ang kanyang mga mata sa mga kirot at pangangailangan ng bawat bahagi ng kanyang espirituwal na katawan. Sa madaling sabi, anuman ang nakasasakit sa atin ay nakababahala sa kanya.

At upang patunayan ito sa atin, sinabi ni Hesus, “Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno” (Mateo 10:28). Maging sa gitna ng mga digmaang pandaigdig, ang pangunahing pansin ng Diyos ay hindi sa mga mang-aapi. Ang kanyang pansin ay nakatutok sa bawat kalagayan ng buhay ng kanyang mga anak.

Sinabi ni Hesus sa sumunod na kapitulo: “Hindi ba ipinagbibili ang maya ng dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama” (Mateo 10:29). Sa panahon ni Kristo, ang maya ay ang karne ng mahihirap at ipinagbibili ng dalawa isang pera. Gayunman, sinabi ni Hesus, “kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama.”

Ang paggamit ni Hesus sa salitang “nahulog” sa kapitulong ito ay nagpapahayag ng higit pa sa kamatayan ng ibon. Ang pakahulugan nito sa Aramaic ay “magliwanag sa lupa.” Sa ibang salita, “nahulog” dito ay nagpapamalas ng bawat pagtalon na ginagawa ng ibon.

Sinasabi ni Kristo sa atin, “Ang paningin ng Ama ay nasa maya hindi lamang kapag ito ay namatay ngunit maging sa pagliwanag nito sa lupa. Habang natututunan ng maya ang paglipad, nahulog ito mula sa pugad at nagsisimulang tumalon-talon sa lupa. At nakikita ng Diyos ang bawat pagsusumikap nito. Siya ay nababahala sa bawat munting bahagi ng buhay nito.”

At idinagdag pa ni Hesus, “kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya” (10:31). Sa katunayan, sinabi niya, “Maging ang buhok ninyo ay bilang na lahat” (10:30). Sa madaling sabi, Siya na lumikha at nagbilang ng lahat na bituin—siyang nakamatyag sa bawat kilos ng kaharian ng Roma, siya na nangangalaga sa pag-ikot ng galaksiya—ang pansin ay nakatuon sa iyo. At itinanong ni Hesus, “Hindi ba mas mahalaga ka sa kanya?”

Lunes, Hunyo 27, 2011

KAHANGA-HANGANG KAPAYAPAAN!

Binigyan tayo ni Hesus ng higit pa sa isang dahilan kung bakit kailangan natin ang kanyang kapayapaan. Sinabi ni Kristo sa kanyang mga disipulo sa Juan 14:30, “Dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito.” Ano ang kahulugan ng kanyang pahayag? Kasasabi lang niya sa labindalawa, “Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo” (14:30). Pagkatapos ay ipinaliwanag niya: “Dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito.”

Alam ni Hesus na si Satanas ay kumikilos ng mga oras iyon. Si Hudas ay nahikayat na ng diyablo na ipagkanulo siya. At alam ni Kristo na ang mga relihiyosong namumuno sa Herusalem ay nabigyan na ng kapangyarihan ng mga mapangyarihan sa impiyerno. At batid niya rin na ang mga taong-bayan na may mala-diyablong sigla ay padating na upang siya ay dakpin bilang isang bihag. At iyon ang kalagayan ng sinabi ni Hesus sa mga disipulo, “Si Satanas, isang buhong, ay padating na. kaya’t hindi na ako makikipag-usap sa inyo.”

Alam ni Hesus na kailangan niya ng panahon kasama ng Ama upang mapaghandaan ang padating na hidwaan. Siya ay malapit nang ibigay sa kamay ng mga buhong, katulad ng kanyang sinabi. At alam niya na ginagawa lahat ni Satanas upang yanigin ang kanyang kapayapaan. Ang diyablo ay ginugulo at tinatangka na mawalan siya ng pag-asa, lahat upang durugin ang pananalig ni Kristo sa Ama—lahat upang maiiwas siya sa Krus.

Maaring ikaw ay ligalig, iniisip, “Tapos na ang lahat, hindi ko na kakayanin.” Ngunit sinabi ni Hesus “Alam ko ang pinagdadaanan mo. Lumapit at inumin ang aking kapayapaan.”

Sa mga sandaling ito maaring dumaranas ka ng matinding kagipitan na hindi mo pa nararanasan. Maaring ang buhay mo ay wala sa ayos at ang mga bagay ay mukhang wala nang pag-asa. Mukhang wala ka nang patutunguhan at bawat lugar na iyong puntahan ay lalong lumalala ang iyong kagipitan, kaguluhan at kapaguran

Hindi mahalaga ang iyong pinagdadaanan. Ang buhay mo ay maaring animo ay dinaanan ng bagyo. Maaring matagalan mo ang mga pagsubok na naging dahilan upang tingnan ka ng iba bilang makabagong Job. Ngunit sa gitna ng iyong mga kagipitan, kapag tinawag mo ang Banal na Espiritu na binyagan ka sa kapayapaan ni Kristo, gagawin niya ito.

Ituturo ka ng mga tao at sasabihing, “Ang mundo ng taong iyon ay lubos na nadurog. Gayunman siya ay ganap na nagtitiwala sa Salita ng Diyos. Mabuhay o mamatay. Paano niya nagagawa ito? Paano niya nakakayanan ito? Dapat ay matagal na siyang sumuko. Gayunman siya ay hindi sumusuko. At sa gitna ng lahat ng ito, hindi niya isinubo ang lahat ng kanyang pinaniniwalaan. Isang kahanga-hangang kapayapaan! Ito’y higit pa sa pang-unawa ninuman.”

Biyernes, Hunyo 24, 2011

SA GITNA NG HIMALA

Maaring ikaw ay nasa gitna ng himala sa mga sandaling ito at maaring hindi mo nakikita ito. Maaring ngayon ikaw ay naghihintay ng himala. Ikaw ay nasisiraan ng loob sapagkat ang mga bagay ay mukhang nakatigil. Hindi ka nakakakita ng mga katunayan ng mga kahima-himalang pagkilos niya para sa iyo.

Isa-alang-alang mo mo kung ano ang sinabi ni David sa Awit 18: “Kaya’t si Yahweh ay tinawag ko; sa aking kahirapan, humingi ng saklolo. Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig, umabot sa kanya ang aking paghibik. Ang sangkalupaa’y nauga, nayanig; mga patibayan ng bundok ay nanginig…at sa kanyang bibig bumuga ay apoy… Hinawi ang langit at bumaba siya…Saka dumagundong ang kulog at langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig. Ang mga palaso kanyang itinudla. Ang mga kaaway nangalat sa lupa; nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo, pawang nagsitakas” (Awit18:6-9, 13-14).

Dapat mong pangilakan, wala isa man sa mga bagay na ito ay tunay na nangyari. Ito ay lahat ng mga bagay na nakita ni David sa kanyang espirituwal na mata. Mga minamahal, iyan ang pananalig. Ito ay kung kailan ka naniwala na narinig ng Diyos ang iyong pag-hibik, na hindi niya ito pinatagal, na hindi niya binalewala ang iyong kahilingan. Sa halip, tahimik niyang sinimulan ang iyong himala ka-agad-agad ng ikaw ay nanalangin, maging ngayon siya ay gumagawa ng kahima-himalang pagkilos para sa iyo. Iyan ang tunay na pananalig sa mga himala, ang kanyang kataka-takang tuluy-tuloy na pagkilos sa ating mga buhay.

Naunawan ni David ang batayang katotohanan sa ilalim ng lahat ng ito: “Nang nasa panganib, ako’y tinulungan, iniligtas ako pagkat kinalugdan” (Awit 18:19). Ipinahayag ni David, “Alam ko kung bakit ginagawa ng Panginoon ang lahat ng ito para sa akin. Sapagkat kinalugdan niya ako.”

Tunay na ako ay naniniwala sa biglaang mga himala. Ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa kaluwalhatian, mga biglaang kababalaghan sa sanlibutan ngayon. Gayunman sa mga talatang ito ng Mabuting Balita (Mateo 16:9-11, Marcos 8:19-21) sa pagpapa-alala ni Hesus sa mga disipulo ng mahimalang pagpapakain sa limang-libo at sa apat na libo, hiniling niya sa kanila at para sa atin na itala ang tuluy-tuloy na mga himalang ito at ang kaugnayan ng mga ito sa ating mga buhay ngayon.

Huwebes, Hunyo 23, 2011

ANG KAHABAGAN NG PANGINOON

Sa Lumang Israel, ang kaban ng tipan ang kumakatawan sa kahabagan ng Panginoon, isang makapangyarihang katotohanan na siyang kumatawan kay Kristo. Tayo ay tatanggap ng kanyang kahabagan, pagtitiwala sa dugong magliligtas ng kanyang kahabagan, at maligtas ng walang hanggan. Kaya’t maari mong kutyain ang batas, maari mong tuyain ang kabanalan, maari mong punitin ang lahat na nagsasaad tungkol sa Diyos. Ngunit kung tutuyain mo o kukutyain ang kahabagan ng Diyos, ang paghuhusga ay dadating—at mabilisan. Kapag niyapakan mo ang dugo ng kanyang kahabagan, haharap ka sa kanyang matinding poot.

Iyan ang tunay na nangyari sa mga Filisteo nang ninakaw nila ang kaban. Malupit na pagkawasak ang dumating sa kanila hanggang sa aminin nila, “Hindi ito isang pagkakataon lamang o pangyayari lamang. Ang kamay ng Diyos ay malinaw na laban sa atin. Isaalang-alang kung ano ang nangyari nang ang kaban ay ipinasok sa templo at inilagay sa tabi ng diyus-diyusan nilang si Dagon, para tuyain at hamunin ang Diyos ng Israel. Sa kalagitnaan ng gabi, ang upuan ng kahabagan ng kaban ay naging pamalo ng paghuhusga. Nang mgbalik sila kinabukasan, nakita nilang nakasubasob na naman sa harap ng kaban, ang ulo at mga kamay nito ay putol-putol (tingnan ang 1 Samuel 5:2-5).

Mga minamahal, ito ang dapat na kinalalagyan ng Amerika ngayon. Dapat tayong hinusgahan na noon pa. Sinasabi ko sa lahat na tumuya at naghamon sa kahabagan ng Diyos: Sige gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat na madala ang iglesya ni Kristo sa ilalim ng kapangyarihn ng sekularismo o pangingila. Ngunit kapag tinuya mo ang kahabagan ng Panginoon, Ihahagis ng Diyos ang lahat ng iyong kapangyarihan at karapatan sa lupa. Sinabi ni Jeremiah, “Hindi magmamaliw na pag-ibig ni Yahweh at ang kanyang walang kupas na kahabagan” (Mga Panaghoy 3:22). Gayunman kapag tinuya ng tao ang dakilang kahabagan na si Kristo, ang paghuhusga ay tiyak.

Ang kahabagan lamang ng Panginoon ang pumipigil sa paghuhusga. At ngayon ang Amerika ay nakikinabang sa kahabagang iyon. Di-kapani-paniwala, ang bansa natin ay nakikipaghabulan sa buong sanlibutan na maalis ang Diyos at si Kristo sa lipunan. Gayunpaman, hindi maaring tuyain ang Panginoon; ang kanyang kahabagan ay mananatili sa walang hanggan, at iniibig niya ang bansang ito. Naniniwala ako kung bakit hanggang ngayon ay ibinubuhos niya ang pagpapala sa atin. Ang ninanais niya ay ang kabutihan ay magdadala sa atin sa pagsisisi.

Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa kasalukuyang kalagayan ng Amerika. Tayo ay nagdadalamhati sa labis na katiwalian, panunuya at kasalanan, ngunit tayo ay may pag-asa, sapagkat alam natin na nasa pangangalaga niya ang lahat. Alam natin na ang kahabagan ng Diyos ay mananatili.

Miyerkules, Hunyo 22, 2011

SI HESUS AY MAY BALAKIN

“Tumanaw si Hesus, at nakita niyang dumarating ang napakaraming tao. Tinanong niya si Felipe, ‘Saan tayo bibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito? Sinabi niya ito para subukin si Felipe; sapagkat alam ni Hesus ang kanyang gagawin” (Juan 6:5-6). Tinawag ni Hesus si Felipe sa isang tabi, at sinabi, “Felipe, napakaraming tao ang nandito. Lahat sila ay nagugutom. Saan tayo bibili ng tinapay upang mapakain ang mga taong ito? Ano sa palagay mo ang dapat nating gawin?”

Gaano di-kapani-paniwala ang pag-ibig ni Kristo. Alam ni Hesus kung ano ang gagawin niya; sinabi sa atin ng bersong nasa itaas. Gayunman ang Panginoon ay sinusubukang pangaralan si Felipe ng isang bagay, at ang araling iyon na ibinigay ay ibinibigay din sa bawat isa sa atin ngayon. Isipin mo ito: Ilan ang mga nasa katawan ni Krisrto ang gising sa gabi na sinusubukang unawain ang kanilang mga suliranin? Iniisip natin, “Marahil ito ang maaarig gawin. Hindi, hindi…Marahil iyon ang makakayos sa suliranin. Hindi…”

Si Felipe at ang mga apostol ay may mga suliraning iba at hindi lamang tungkol sa tinapay ang kanilang suliranin. Mayroon silang suliranin sa panaderya… suliranin sa pananalapi… at suliranin sa pamamahagi… at suliranin sa sasakyan… suliranin sa oras. Pagsama-samahin mong lahat ito, at mayroon silang suliranin na hindi nila maisalarawang-diwa. Ang kanilang kalagayan ay lubusang hindi –maaari.

Alam ni Hesus mula pa sa umpisa ang tiyak na gagawin niya. Mayroon siyang binabalak. At ito ay katulad ng inyong mga kaguluhan at mga paghihirap sa mga panahon ngayon. Mayroong suliranin, ngunit alam ni Hesus ang buong kalagayan mo. At lalapit siya sa iyo, magtatanong, “Ano ang gagawin natin tungkol dito?”

Ang tamang dapat isinagot ni Felipe ay, “Hesus, ikaw ay Diyos. Walang hindi-maaari para sa iyo. Kaya’t, ibinabalik ko sa iyo ang mga suliraning ito. Hindi na ito sa akin, kundi iyo na.”

Iyan lamang ang dapat na sasabihin natin sa ating Pnaginoon ngayon, sa gitna ng ating mga kagipitan: “Panginoon, ikaw ang gumagawa ng mga himala at isusuko ko na ang lahat ng aking pagdududa at mga kinatatakutan sa iyo. Ipinagtitiwala ko na ang lahat ng kalagayang ito, alam mo na ang gagawin mo sa aking mga suliranin. Nananalig ako sa iyong kapangyarihan.”

Martes, Hunyo 21, 2011

ANG HALIK NG AMA

Ang malaking pagpapala ay nagiging atin kapag tayo at pina-upo sa makalangit na kalagayan. Ano nang pagpapalang ito? Ito ang karapatan ng pagtanggap: “Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak” (Efeso 1:6). Ang “tinanggap” sa salitang Griyego ay nangangahulugan na tanging pinili. Iyan ay naiiba sa ingles na paggamit, na maaring ipakahulugan na “kainamang pagtanggap.” Ito ay pagpapahayag na maaring pagtiisan, saloobing mungkahi na “maari akong mamuhay sa ganito.” Hindi iyan ang kalagayan sa paggamit ni Pablo sa salitang iyon. Ang paggamit niya ng “tinanggap” ay may pakahulugan na, “Ang Diyos ay tanging pinili tayo. Tayo ay mahalaga sa kanya sapagkat tayo ay na kay Kristo.”

Sapagkat tinanggap ng Diyos ang pagpapakasakit ni Kristo, ngayon isa lamang ang nakikita niya na pinag-isang tao: Si Kristo at yaong mga nakapaligid sa kanya sa pananalig. Ang ating mga katawan ay namatay sa mata ng Diyos. Paano? Ang ating dating katauhan ay hinayaan ni Kristo sa Krus. Kaya’t ngayon kapag nakatingin ang Diyos sa atin, ang nakikita niya ay si Kristo lamang. Bilang kapalit, kailangan na makita natin ang sarili natin kung paano tayo nakikita ng Diyos. Nangangahulugan ito na kailangang hindi lamang sa ating mga kasalanan at kahinaan natin tayo nakatigin kundi sa tagumpay na napagwagian ni Kristo para sa atin sa Krus .

Ang parabola ng Alibughang anak ay nagpapakita ng makapangyarihang paglalarawan ng pagtanggap na kasama nang tayo ay binigyan ng makalangit na katayuan kay Kristo. Alam ninyo ang kasaysayan: Isang nakababatang lalaki ang kinuha ang kanyang mana mula sa kanyang ama at ito ay nilustay niya sa makasalanang pamamaraan. Pagkatapos, na ang anak ay lubusang nang naghirap—sa budhi, sa damdamin at sa katawan—naalala niya ang kanyang ama. Naniniwala siya na lubusang nang nawala ang kagandahang loob at pagtangkilik ng kanyang ama sa kanya. At natatakot siya na ang ama niya ay punung-puno ng galit at poot sa kanya.

Ang Kasulatan ay nagsasabi na ang durog na batang lalaking ito ay punung-puno ng kalungkutan at tumatangis, “Hindi ako karapatdapat. Nagkasala ako laban sa langit.” Ito ay kumakatawan sa mga nagsisisi na may makadiyos na kalungkutan.

Ang alibugha ay nagsabi sa sarili: “Babalik ako sa kanya” (Lucas 15:18). Ginagampanan niya ang kanyang biyaya ng pagparoon. Nakita mo ba ang inilalarawan? Ang alibugha ay tumalikod sa kanyang kasalanan, at iniwan niya ang sanlibutan, at pumaroon siya sa bukas na pinto na ipinangako ng kanyang ama sa kanya. Lumalakad siya sa pagsisisi at itinama ang pagparoon.

Kaya’t ano ang nangyari sa alibughang anak? “Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap at hinagkan” Lucas 15:20). Isang napakandang tagpo. Ang makasalanan na anak ay pinatawad, niyakap at inibig ng ama, na walang poot o paninisi ng kahit ano. Nang tinanggap niya ang halik ng ama, alam niya na siya ay tinanggap.

Lunes, Hunyo 20, 2011

ANG KAWALAN NG PAGTITIWALA AT PAG-AALALA

“Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito” (Mateo 6: 31-32).

Sinasabi ni Hesus na ang pag-aalala—tungkol sa kinabukaan ng ating mag-anak, tungkol sa trabaho, tungkol sa kung paano tayo mananatiling buhay—ay ang uri ng pamumuhay ng mga hindi naniniwala sa Diyos. Si Hesus ay nagsasalita dito tungkol sa mga tao na walang Amang nasa langit. Wala silang alam sa Diyos katulad ng kung paano niya nais na siya ay makilala, bilang isang mapagkalinga, mapagbigay, mapagmahal na Ama sa langit.

Kaya, huwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas” (6:34). Sa mga simpleng salitang ito, si Hesus ay nag-utos sa atin, “Huwag alalahanin ang, huwag mag-alala, tungkol sa maaring mangyari kinabukasan. Hindi mo maaring baguhin ang anumang bagay. At hindi ka makakatulong sa pamamagitan ng pag-aalala. Kapag ginawa mo ito, ginagawa mo ito ng parang mga hindi naniniwala sa Diyos” pagkatapos ay sinabi ni Hesus, “Ngunit pagsumakitan ninyo ng higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo” (6:33). Sa ibang salita, magpatuloy ka sa pag-ibig kay Hesus. Magpatuloy ka pasulong, ibigay ang lahat ng iyong alalahanin sa kanya. Magpatuloy ka sa kapahingahan sa kanyang katapatan. Ang iyong Amang nasa langit ay titiyakin na tutustusan ka sa lahat ng mahahalaga sa buhay.

Iniisip ko kung ang mga anghel ay nalilito tungkol sa lahat ng mga pag-aalala at pagkabagabag ng mga umaangkin na nagtitiwala sa Diyos. Para sa kanila ito ay maaring pagiging hamak, lubhang nakaiinsulto sa Panginoon, na tayo ay nag-aalala na para bang wala tayong mapagkalingang Ama sa langit. Anong mga nakakalitong katanungan ang maaring tinatanong nila sa kanilang mga sarili: “Wala ba silang Ama na nasa langit? Hindi ba sila naniniwala na iniibig niya sila? Hindi ba niya sinabi na alam niya ang lahat ng pangangailangan nila? Hindi ba nila pinaniniwalaan na siyang nagpapakain sa mga ibon at buong kaharian ng mga hayop ay pakakainin at daramitan sila? Paano pa nila nagagawang mainip at mag-alala kung alam nilang na kanya ang lahat ng kapangyarihan, lahat ng kayamanan, at kayang tustusan ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng nilikha? Pagbibintangan ba nila ang Amang nasa langit ng pagpapabaya, na para bang hindi siya tapat sa kanyang salita?”

Mayroon kang Ama sa langit. Magtiwala ka sa kanya!

Biyernes, Hunyo 17, 2011

TAYO AY ISANG PAMILYA

Ang pag-angkin sa kapangyarihan na na kay Kristo ay hindi isang masalimuot, nakatagong teyolohiyang katotohanan. Sa aking silid aklatan ay may mga aklat na tanging inakda para sa paksa na ukol sa pangalan ni Kristo. Ang mga manunulat ay inakda ang mga ito upang tulungan ang mga mananampalataya na maunawaan ang malalim na dalang kahulugan na nakatago sa pangalan ni Kristo. Gayunman, marami sa mga aklat na ito ay “lubos na malalim” na lampasan sa isipan ng bumabasa.

Naniniwala ako na ang katotohanan na malaman ang tungkol sa pangalan ni Hesus ay madali lamang, na maging ang isang bata ay madaling maunawaan ito. Ito’y ganito lamang: Kapag tayo ay humiling sa pangalan ni Hesus, kailangang tayo ay ganap na nahikayat na ito ay katulad na mistulang si Hesus ang humihiling sa Ama. Ang tanong mo, paano ito magiging totoo? Hayaan mong Ipaliwanag ko.

Alam natin na iniibig ng Diyos ang kanyang Anak. Nakipag-usap siya kay Hesus at tinuruan siya sa kanyang panahon sa sanlibutan. At hindi lamang nakinig ang Diyos kundi sinagot niya ang bawat kahilingan na ginawa ng kanyang Anak. Nagpatotoo si Hesus tungkol dito, sinasabi na, “Lagi niya akong pinakikinggan.” Sa madaling sabi, hindi kailanman tinanggihan ng Ama ang bawat kahilingan ng kanyang Anak.

Ngayon, lahat ng nananalig kay Hesus ay dinamitan ng kanyang pagiging Anak. At ang Amang nasa langit ay tinanggap tayo bilang may kapalagayang-loob na katulad ng kanyang pagtanggap sa kanyang sariling Anak. Bakit? Ito’y dahilan sa ating espirituwal na pakikipag-isa kay Kristo. Sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus at sa muling-pagkabuhay, ginawa ni Hesus na tayo’y iisa kasama ang Ama. “Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayon din naman, maging isa sila sa atin…Ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin” (Juan 17: 21-23).

Sa madaling sabi, tayo ngayon ay isang pamilya—isang kasama ang Ama, at ang Anak. Tayo ay inampon, na may buong karapatan ng mana na taglay ng sinumang anak. Ito’y nangangahulugan na ang lahat nang kapangyarihan at mapagkukunan sa langit ay nakahandang ipagkaloob sa atin, sa pamamagitan ni Kristo.

Ang manalangin “sa pangalan ni Hesus” ay hindi isang pormula. Hindi ito isang pahayag na may kapangyarihan sa mistulang pagbigkas nito. Ang kapangyarihan ay nasa pananalig na ito ay iaangat ni Hesus ang ating panig at dadalhin sa Ama sa sarili nitong merito. Siya ang Tagapagtaguyod—siya ang gagawa ng kahilingan para sa atin. Ang kapangyarihan ay nasa ganap na pananalig na hindi kailanman tinanggihan ng Diyos ang kanyang Anak at tayo ang makikinabang sa lubos niyang katapatan sa kanyang Anak.

Huwebes, Hunyo 16, 2011

MASUSING UTOS AT MAALIWALAS NA PAGPAPASIYA!

Ang layunin ng Diyos para sa bawat isa sa kanyang mga anak ay ang sumuko tayo sa kapangyarihan at pamumuno ng banal na Espiritu:

“Ang Espiritu ang nagbibigay buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay” (Galacia 5:25) Sa madaling sabi, “Kung siya’y namumuhay sa iyo, hayaan mong siya ang manguna sa iyo!”

Nais kong ipakita sa iyo kung ano ang kahulugan ng paglalakad sa Espiritu. Hindi ko pa nararating ang maluwalhating paglalakad na ito-ngunit ako ay palapit ng palapit dito!

Narinig na natin ang pangungusap na “paglalakad sa Espiritu” sa ating buong buhay, ngunit ano talaga ang kahulugan nito? Naniniwala ako na ang ika-labing anim na kabanata ng Gawa ay isa pinakamahusay na halimbawa na kung paano lumakad sa Espiritu.

Ang Banal na Espiritu ay nagbigay ng ganap, maliwanag na pagtuturo doon sa mga naglalakad sa kanya. Kung lumalakad ka sa Espiritu, tiyak na hindi ka maglalakad ng may kaguluhan—ang iyong mga pasiya ay hindi malabo.

Ang mga naunang Kristiyano ay hindi naglakad ng may kaguluhan. Sila ay inakay ng Espiritu sa bawat pagpapasiya, bawat galaw, bawat kilos! Nangusap ang Espiritu sa kanila at tinuruan sa bawat paggising nila. Walang pagpapasiya na ginawa na hindi sumangguni sa kaniya. Ang bansag ng iglesya sa kabuuan ng Bagong Tipan ay: “Kung sino ang may pandinig, hayaan niyang madinig kung ano ang sasabihin ng Espiritu!”

Nagsimula akong mangaral sa lungsod ng New York sapagkat maliwanag na sinabi sa akin ng Banal na Espiritu: “Magtungo ka sa lungsod ng New York at magtatag ka ng iglesya.” At sinabi niya sa akin kung kalian ako magtutungo doon. Walang impakto o diyablo ang maaring pumigil sa akin—sapagkat nagbigay ang Espiritu ng masusing utos. Natatandaan ko pa ang pagkakatayo ko sa kanto ng “Broadway at Seventh Avenue,” tumatangis at nakataas ang mga kamay. Sinabi ng Banal na Espiritu, “Dito mismo sa pook na ito ako’y magtatatag ng iglesya. Sundin mo ako, David. Magsimula ka ng iglesya sa lungsod ng New York!” Hindi isang pagkakataon lamang ang “Times Square Church.” Ito ay bunga ng maliwanag, masusing utos mula sa Banal na Espiritu!

Miyerkules, Hunyo 15, 2011

GAANO KAHALAGA ANG MAGPATAWAD AT BASBASAN ANG ATING MGA KAAWAY?

Isinulat ni Pablo, “Huwag kayong maghiganti” (Roma 12:19). Sinasabi niya, Pagdusahan ang mali. Iwan ito at magpatuloy. Mamuhay sa Espiritu.” Subalit, kapag ating tinanggihan ang magpatawad sa pasakit na ginawa sa atin, ay kailangan nating harapin ang mga kahihinatnan nito

  1. Mas nagkakasala tayo kaysa sa taong nakasakit sa akin.
  2. Ang habag at biyaya ng Diyos na ibibigay ay mawawala sa atin. Pagkatapos, habang nagsisimulang dumating ang mga pasakit sa atin, lalo natin itong hindi mauunawaan, sapagkat tayo ay nasa kalagayan ng di-pagsunod.
  3. Ang pagkainis sa ating taga-usig ay patuloy na nananakawan tayo ng kapayapaan. Siya ang magwawagi, magtatagumpay siyang bigyan tayo ng nananatiling sugat.
  4. Sapagkat nagtagumpay si Satanas na mahikayat tayo sa pag-iisip ng paghihiganti, magagawa niyang dalhin tayo sa mas matinding pagkakasala. At tayo’y makakagawa ng pagmamalabis na higit pa sa mga ito.

Ang manunulat ng Kawikaan ay nagpayo, “Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, Ang di pagpansin sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan” (Kawikaan 19:11). Sa madaling sabi, wala tayong gagawin hanggang humupa ang ating galit. Hindi tayo gagawa ng pasiya o kaya’y gumawa ng hindi tama habang tayo’y galit.

Nagbibigay tayo ng kaluwalhatian sa Amang nasa langit kapag pinalampas natin at pinatawad ang kasalanang nagawa sa atin. Ang ganitong gawi ay nagpapatibay nang ating pagkatao. Kapag tayo ay nagpatawad katulad ng pagpapatawad ng Diyos, dinadala niya tayo sa pagpapahayag ng kagandahang-loob at biyaya na hindi pa natin nakamit.

Iniutos ni Hesus sa atin na mahalin natin ang mga taong ginawa ang sarili nila na maging kaaway natin sa pag gawa ng tatlong bagay:
1. Basbasan natin sila.
2. Gawan natin sila ng kabutihan.
3. Ipanalangin natin sila.

Sa Mateo 5:44, Ngunit ito naman ang sabi ni Hesus, “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.”

Lunes, Hunyo 13, 2011

HUWAG KATAKUTAN ANG KABIGUAN

Nang magkasala si Adan, sinubukan niyang magtago sa Diyos. Nang itinanggi ni Pedro si Cristo, natakot siyang humarap sa kanya. Nang tumanggi si Jonas na mangaral sa Nineveh, ang takot niya ay nagtulak sa kanya patungo sa dagat, para makatakas sa presensiya ng Diyos.

Bagay na mas higit na malala kaysa sa kabiguan ay ang takot na kasama nito. Si Adan, Jonas at Pedro ay tumakas palayo sa Diyos, hindi dahil sa nawala ang pag-ibig nila sa kanya, kundi dahil sa natakot sila na ang Diyos ay lubhang nagalit sa kanila para maunawaan sila.

Ang nag-aakusa sa mga kapatid ay naghihintay, na parang isang buwitre, para kahit paano ay mabigo ka. At pagkatapos ay gagamitin nila ang bawat kasinungalingan na nanggagaling sa impiyerno para ikaw ay tuluyang sumuko, para makumbinse ka na ang Diyos ay lubhang napakabanal at ikaw ay lubos na makasalanan para muli kang makabalik. O kaya ay sinadya na ikaw ay matakot na ikaw ay hindi ganap o hindi ka na makaahong muli mula sa iyong kabiguan.

Umabot ng 40 taon para mawala ang takot kay Moses at para muling magamit ng Diyos sa kanyang mga layunin. Kung si Moses, Jacob o David ay nanatiling suko na dahil sa kabiguan, maaring hindi na natin muling maririnig ang tungkol sa mga taong ito. Gayunman si Moses ay muling bumangon para maging isa sa mga pinakadakilang bayani ng Diyos. Hinarap ni Jacob ang kanyang kasalanan, at muling nakipagkasundo sa kanyang kapatid na kanyang dinaya at nakarating sa bagong tugatog ng tagumpay. Si David ay nagtungo sa tahanan ng Diyos, nakatagpo ng kapatawaran at kapayapaan, at nakabalik sa kanyang tinatanging sandali. Natagpuang muli ni Jonas ang kanyang mga hakbang, ginawa ang bagay na dati niyang tinanggihang gawin noong una at nadala ang buong siyudad sa pagsisisi. Si Pedro ay muling nakabangon mula sa abo ng pagtanggi upang pamunuan ang iglesya patungo sa Pentekostes.

Noong 1958, nakaupo ako sa aking maliit na sasakyan at tumatangis; ako ay ganap na bigo, sa aking isipan. Ako ay kahiya-hiyang ipinagtulakan mula sa hukman pagkatapos na sa akala ko ay dinala ako ng Diyos para sumaksi paa sa pitong kabataang mamamatay-tao. Ang pagsisikap kong sumunod sa Diyos at tulungan yaong mga batang pusakal ay parang mistulang pauwi sa kahindik-hindik na kabiguan.

Nanginginig akong iniisip kung gaano ang mawawalang pagpapala kung ako ay sumuko sa madilim na sandaling iyon. Gaano ako kasaya ngayon na itinuro sa akin ng Diyos na humarap sa aking kabiguan at magpatuloy sa sa mga susunod na hakbang na inilalaan niya para sa akin.

Biyernes, Hunyo 10, 2011

ANG PANGINOON ANG ATING KAPAYAPAAN

Ang makilala at maniwala sa ugali ng Diyos bilang ipinahayag sa kanyang pangalan ay nagbibigay ng pagkupkop laban sa pagsalakay ng kaaway. Ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Hosea, “Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan” (Hosea 4:6). Ang pagdamay dito ay ganap na makapangyarihan. Ipinapahayag ng Diyos sa atin na ang magkaroon ng taos na kaalaman tungkol sa kanyang kalikasan at ugali, na ipinahayag sa pamamagitan ng kanyang pangalan ay, isang makapangyarihang kalasag laban sa mga kasinungalingan ni Satanas.

At dinadala tayo nito sa iba pang pangalan ng Panginoon: Jehovah Shalom. Natagpuan natin na ito ay binanggit sa aklat ng Mga Hukom. Dito ipinakita ng Diyos ang sarili niya kay Gideon sa anyo ng anghel (tingnan ang Mga Hukom 6:22-24). Ano ang tunay na kahulugan ng pangalang ito, Jehova Shalom? Bilang pangalan, ang salitang Shalom sa salitang Hebreo ay nangangahulugan ng “pagiging buo, kalusugan, kagalingan.” Ipinakikita nito ang pagiging buo, na may pagsang-ayon sa Diyos at tao, ang pagkakaroon ng magaling na relasyon. Itinuturo din nito ang kalagayan ng pagiging matiwasay—hindi yaong hindi mapakali, mayroong kapayapaan pang-loob man o panglabas, may kapahingahang espirituwal at emosyonal. Sa madaling sabi, ang shalom ay nangangahulugan na kabuuan sa buhay o sa gawain. Bilang pangwatas, ang shalom ay nanganaghulagan na kumpleto o tapos na, o magdulot ng kapayapaan.

Minsan pa ako ay itinulak na magtanong, “Ano ang kinalaman ng partikular na pangalan ng Diyos sa akin at sa iglesya ngayon?”

Hindi maaring paghirapan ang Shalom. Hindi natin matatanggap ang shalom ng Panginoon hanggang sa maunawaan natin, “Na ito ay hindi biro. Ito ang Diyos na aking kaharap, ang lumikha at tagapangalaga ng sansinukob. Paano ko nagagawang balewalain siya? Bakit sinusubok ko pa rin ang kanyang grasya, namumuhay sa mahalay na pita na para bang siya ay bingi at bulag sa aking mga lihim na ginagawa? Nanginginig ka ba sa Salita ng Diyos? Nakahanda ka na bang sundin ang lahat ng sinasabi nito? Kung ganoon, matatanggap mo ang kapahayagan ng Jehovah Shalom. Personal siyang darating sa iyo bilang, “Panginoon, iyong kapayapaan,” pupunuan ang iyong espiritu ng ganap na kapangyarihan laban sa bawat kaaway. Hindi mo maaring paghirapan ang ganitong uri ng kapayapaan; ito ay isang handog na galing sa Diyos.

Huwebes, Hunyo 9, 2011

HALIKA GAWIN MO ANG GAWAIN MO SA AKIN

Naniniwala ako na kapag ang isang Kristiyano ay may masidhing hangarin para sa isang banal na pamumuhay—kapag ninais niya na ibigay ang lahat niya para sa Panginoon—ay mayroon lamang isang dahilan bakit siya bigong maranasan ang kagalakan ng pagpapala at kalayaan na ipinangako ng nananahang Espiritu Santo. Ang dahilan ay kawalan ng paniniwala. Siguradong hindi magagampanan ni Cristo ang kanyang gawain kapag mayroong kawalan ng paniniwala, kayat walang magagawa ang Espiritu sa buhay natin kapag daladala natin ang kawalan ng paniniwala.

Napakahalaga para sa bawat tagasunod ni Jesus na huwag husgahan ang mga pangako ng Diyos ayon sa mga nakaraang karanasan. Kung itatalaga natin ang ating mga sarili sa kanyang mga pangako—paniniwalaan ang mga ito ng buong katapatan, magtitiwala sa kanya para sa tustos ng pananampalataya, panghawakan ang Espiritu ayon sa kanyang sariling salita—kung ganon ay malalaman natin na ang lahat ay nasa pangangalaga ng Diyos. At kaya nating tumayo sa araw ng paghuhusga, dahil sa pagiging tapat. Hindi natin dapat basta isusuko ang ating pagnanais na pumasok sa kanyang pangakong mga pagpapala.

Mayroong punto sa buhay ko na kailangang kong ipaubaya ang hinaharap kong walang-hanggan sa mga pangako ng Diyos. Determinado akong ipagtiwala sa Salita ng Diyos ang aking buong kaluluwa. Ibinigay ko ang hamong ito sa makapangyarihang Diyos: “Panginoon, paniniwalaan ko na ibinigay mo sa akin ang Espiritu Santo. Naniniwala ako na siya lamang ang makapagpapalaya sa bawat tanikala na gumagapos sa akin. Naniniwala ako na mahihikayat niya ako, pangunahan, bibigyan ng kapangyarihang makapangibabaw. Naniniwala ako na siya ang dahilan kaya ako ay susunod sa iyong Salita. Naniniwala ako na hindi siya lalayo sa akin o hahayaang lumayo ako sa iyo. Hindi ko bibigyan ng hangganan ang iyong Espiritu na nasa akin. Hihintayin ko siya, tatawagin siya—mabuhay o mamatay.”

Sinabi niya sa akin, "Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh” (Ezekiel 37:4). Kailangang gawin natin kung ano ang sinabi ng Panginoon kay Ezekiel na gawin—ipanalangin ang Salita ng Diyos. Kailangang ipaalala natin sa Espiritu Santo sa mga pangako ng Diyos sa atin. Kailanganag sabihin natin sa kanya, “Espiritu Santo, ang Amang nasa langit ay nangako sa akin na ilalagay ka niya na ilalagay ka niya sa puso ko—at ibinigay ko ang sarili ko sa pangakong iyan. Magpapahinuhod ako at makikipagtulungan, sapagkat nais kong maging banal. Sinabi mo na ako ay lalakad ayon sa kanyang kalooban at susunod sa bawat salita niya. Hindi ko alam paano paghahandaan gawin iyon—ngunit ipinangako mo, at hindi ka maaaring magsinungaling. Ang lahat ng ito ay nakasulat sa Salita, Espiritu Santo. Kayat, lumapit ka—gampanan mo ang gawain mo sa akin. Ipinagkatiwala ng buong buo ang aking kaluluwa sa pangakong ito.”

Miyerkules, Hunyo 8, 2011

ANG LIHIM NG PANGINOON

Sinabi sa atin ni Mateo na nangusap si Jesus sa marami sa pamamagitan ng talinhaga: “Ang lahat ng ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga, at wala siyang itinuro sa kanila nang hindi sa pamamagitan ng talinhaga. Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta: "Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinhaga, ihahayag ko ang mga bagay na nalilihim mula pa nang likhain ang daigdig" (Mateo 13:34-35).

Para sa maraming Kristiyano ngayon, ang mga talinhaga ay may pang-unawang simple lamang. Gayunman, ayon kay Cristo, ang bawat talinhaga ay may kaakibat na nakamamanghang lihim. Mayroong nakatagong, katunayang pangkaharian sa bawat talinhaga na ipinahayag ni Jesus. At ang lihim na iyan natuklasan lamang ng mga taimtim na nagsaliksik tungkol dito.

Maraming mananampalataya ay nagmamadaling daanan lamang ito sa kanilang pagbabasa. Ang akala nila ay nakabasa lamang sila ng pangkaraniwang aral at nagpapatuloy na. O kaya ay binabalewala na lamang nila ang kahulugan ng talinhaga at hindi nila ginagamit ito.

Maliwanag na ipinapahayag ng Bibliya na may mga lihim ang Panginoon: “Ang kanyang lihim ay nasa mga makatuwiran.” (Kawikaan 3:32). Ang mga lihim ay walang nakaalam mula pa ng nilikha ang daigdig, ngunit sinabi ni Mateo sa atin na ang mga ito ay nakabaon sa mga talinhaga ni Jesus. Ang mga nakatagong lihim na ito ay may kapangyarihan para tunay na mapalaya ang mga Kristiyano. Gayunman ilan lamang ang nakahandang magbayad ng malaking halaga upang matuklasan ang mga ito.

Isaalang-alang kasama ako ang isa sa mga talinhaga ng Panginoon.

“Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang negosyante na naghahanap ng mga mamahaling perlas. 46 Nang makakita siya ng isang perlas na napakahalaga, umuwi siya't ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon" (Mateo 13:45-46). Sino ang negosyante sa talinhagang ito? Ang ugat sa Griyego nito ay ipinapaliwanag na siya ay manlalakbay na malakihang mamimili. Ang negosyanyeng ito ay isa ring nagtatasada o nang-uuri. Sa madaling sabi, ang ikinabubuhay niya ay ang sukatin ang mga mamahaling perlas ayon sa kanilang mataas na uri at halaga.

Alam natin na si Jesus ay ang perlas na may mataas na halaga na natagpuan ng negosyante. Siya ay lubos na mamahalin, na walang katapat na halaga, sapagkat ipinagbili ng negosyante ang lahat ng kanyang ariarian para lamang makamit siya. Naniniwala ako na natuklasan natin ang kahulugan ng perlas sa walang hanggang layunin ng Diyos. Hindi na kailangang itanong, ang perlas ay pagmamay-ari ng Ama. Sa kanya si Cristo na katulad ng ibang ama na kanila rin ang kanilang sariling anak. Sa katunayan, si Jesus ang pinakamahalaga at pinakaiingatang pag-aari ng Ama. Isang bagay lamang ang maaring maging dahilan para ibigay niya ang walang katapat na halagang perlas na ito. Ginawa niya ito dahil sa pag-ibig.

Si Cristo ang kaban ng yaman sa kabukiran. At sa kanya, natagpuan ko na ang lahat ng aking kakailanganin. Hindi na kailangang hanapin pa ang layunin sa ministeryo. Hindi na kailangang pang hanapin ang kapunuan sa mga pamilya o sa mga kaibigan. Hindi na kailangang magtatag ng kahit ano para sa Diyos, o maging tagumpay, o para maging kagamit-gamit. Hindi na kailangang makibagay sa nakararami, o subukang magpatunay pa ng kahit ano. Hindi na kailangang maghanap pa ng ibang paraan para malugod ng mga tao. Hindi na kailangang subukang mag-isip pa o magdahilan pa para makalabas sa mga kagipitan.

Natagpuan ko na ang hinahanap ko. Ang aking kayamanan, ang aking perlas, ay si Cristo. At ang lahat lamang na hinihiling ng May-ari sa akin ay, “David, inibig kita. Hayaang mong ampunin kita. Nalagdaan ko na ang papeles sa pamamagitan ng dugo ng aking Anak. Ikaw ngayon ay kasama na niyang tagapagmana ng lahat ng aking ari-arian.”

Parang basta ibinigay na lamang. Isinusuko ko na ang aking maruming basahan ng pansariling kakayahan at mga mabuting gawa. Isinasantabi ko na ang aking sirang sapatos ng pagsusumikap. Iniwan ko ang mga gabing walang tulog sa daan ng pagdududa at pangamba. At bilang kapalit, ako ay inampon ng Hari. Ito ang mangyayari kapag hinanap mo ang perlas, ang kayamanan, hanggang sa matagpuan mo siya. Iniaalay ni Jesus ang lahat sa kanya. Dala-dala niya para sa iyo ang kagalakan, kapayapaan, layunin, kabanalan. At siya ay naging lahat para sa iyo—ang iyong pagbangon, ang iyong pagtulog, ang iyong umaga, hapon at gabi.

Martes, Hunyo 7, 2011

ANG PANUNUMBALIK ANG PANANAMPALATAYA

Myroon akomg natatanging pananalita doon sa mga humaharap sa mga imposibilidad: Ang panunumbalik ng pananampalataya ay ayon sa ganap na pahayag ng pag-ibig ng ating Amang nasa langit.

Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan” (Zefenias 3:17). Narito ang maluwalhating pahayag ng katapatan ng pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga tao. Sinabi ng Kasulatan sa atin na siya ay nagpahinga at nagbunyi sa kanyang pag-ibig sa atin!

Ang salitang Hebreo sa “kapahingahan” dito ay nangangahulugan na ang Diyos ay walang isa mang katanungan tungkol sa kanyang pag-ibig sa atin. Sa ibang salita, ay itinuon niya, o ipinahinga, ang kanyang pag-ibig sa atin, at hindi niya kailanman babawiin ito. Sa katunayan, tayo ay nasabihan na ang Diyos ay lubos na nagagalak sa kanyang pag-ibig sa atin at siya umaawit tungkol dito.

Naisip mo ba ito? Narito ang patunay sa langit sa kagalakan ng Diyos sa iyo. Isinalin ni John Owen ang talatang ito: “Lumundag ang Diyos, sa lubos na kagalakan.”

Higit pa dito, sinabi ni Pablo sa atin, ang lahat na labas sa banal na kaayusan—lahat na ng kawalan ng paniniwala at pagkalito—ay binago sa paghahayag ng pag-ibig ng Diyos. “Ngunit nang mahayag sa atin ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas (Tito 3:4).

Sa sinundang na talata, sinabi ni Pablo, “Noong una, tayo'y mga hangal, hindi masunurin, naliligaw” (3:3). Sa ibang salita, “Ang lahat ay wala sa kaayusan. Ang ating pananampalataya ay hindi matatag. Ngunit ang kabutihan at ang pag-ibig ng Diyos ay nahayag, na ibinigay na masagana ng Ama para sa atin sa pamamagitan ni Kristo.”

Nang sinabi ni Pablo na “nahayag” ang pag-ibig ng Diyos, gumamit siya ng salita mula sa Griyego na nangangahulugan ng “nangingibabaw.” Sa madaling sabi, tiningnan tayong mga mahihirap ng Panginoon, naguguluhang espiritu, puno ng takot at pagtatanong, at ipinangibabaw niya ang pahayag na ito: “Ililigtas ka ng pag-ibig ko. Magpahinga at magalak sa pag-ibig ko sa iyo.”

Pinasasalamatan ko ang Diyos sa araw na nahayag ang pag-ibig niya sa akin. Walang pananampalataya na maaring manindigan laban sa imposibilidad maliban kung ang lahat—bawata suliranin, bawat karamdaman—ay isinuko sa mapagmahal na pagkalinga ng ating Ama. Kapag ang kalagayan ko ay ganap nang malubha, kailangang mamahinga ako sa payak na pananampalataya.

Lunes, Hunyo 6, 2011

LUBOS ANG PANINIWALA

Hindi nauga ang pananampalataya ni Abraham. Sa halip, “Lubos siyang naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito” (Mga taga Roma 4:21). Alam niya na ang Diyos ay nakagagawa mula sa wala. Sa katunayan, ang Panginoon ay lumikha mula sa wala. Isaalang-alang ang nangyari sa Genesis: mula sa wala nilikha ng Diyos ang sanlibutan. Sa isang salita lamang, lumikha siya. At kaya niyang gumawa ng himala para sa atin, mula sa wala.

Kapag ang lahat ay nabigo na—kapag ang lahat ng pamamaraan mo ay nagawa na—iyan na ang panahon para ipagkaloob ang lahat sa Diyos. Panahon na para sa iyo na isuko na ang lahat ng tiwala ng paghahanap ng kaligtasan kung saan saan. At kapag, handa ka nang maniwala, kailangang makita mo na ang Diyos ay hindi isang magpapalayok na nangangailangan ng putik, kundi isang Lumikha na gumawa mula sa wala. At, mula sa wala na mula sa sanlibutang ito sa mga gamit nito, gagawa ang Diyos sa paraan at pagkukunan na hindi abot ng iyong kaisipan.

Gaano ka seryoso ang Panginoon tungkol sa ating paniniwala sa kanya sa harap ng imposibilidad? Matatagpuan natin ang kasagutan sa tanong na ito sa istorya ni Zacarias, ama ni Juan Bautismo. Si Zacarias ay dinalaw ng anghel na nagsabi na ang asawa niyang si Elizabeth, ay manganganak nang isang di-pangkaraniwang sanggol. Ngunit si Zacarias na matanda na ring tulad ni Abraham—ay ayaw maniwala tungkol dito. Ang pangako ng Diyos ay hindi sapat para sa kanya.

Sinagot ni Zacarias ang anghel, “Sinabi ni Zacarias sa anghel, "Paano ko matitiyak na mangyayari iyan? Ako'y matanda na at gayundin ang aking asawa." (Lucas 1:18). Sa madaling sabi, inisip ni Zacarias ang imposibilidad. Sinasabi niya, “Hindi mangyayari ito. Kailangang patunayan mo sa akin paano ito mangyayari.” Hindi ito kapani-paniwala.

Hindi nalugod ang Diyos sa pagdududa ni Zacarias. Sinabi ng anghel sa kanya, “Ngunit dahil sa hindi ka naniwala sa mga sinasabi kong matutupad pagdating ng takdang panahon, ikaw ay magiging pipi. Hindi ka makakapagsalita hanggang sa araw na maganap ang mga ito." (1:20)

Ang mensahe ay mailwanag: Inaasahan ng Diyos na manalig tayo sa kanya kapag nagsalita siya. Kahalintulad, isinulat ni Pedro: “Kaya nga, ang mga naghihirap dahil sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako. (1 Pedro 4:19, aking italika).

Biyernes, Hunyo 3, 2011

SA HARAP NG MGA IMPOSIBILIDAD

Hindi nanghina ang kanyang pananampalataya kahit uugud-ugod na siya, palibhasa'y isandaang taon na siya noon, at ang kanya namang asawang si Sara ay baog. (Roman 4:19).

Ang kakanyahan ng tunay na pananampalataya ay matatagpuan sa talatang ito. Ipinangako ng Diyos kay Abraham na magkakaroon siya ng anak, siyang magiging binhi ng maraming bansa. Kagulat-gulat, hindi nagduda si Abraham sa pangakong ito, kahit siya ay lampas na sa edad na maari pang maging ama. Sa halip, nang matanggap ni Abraham sa Diyos ang mga salitang ito “isina-alang-alang niya ay hindi ang katawan niya … ang patay na sinapupunan ni Sara.”

Sa likas na pag-iisip, ang pangakong ito ay di-maaring maganap. Ngunit binalewala ni Abraham ang ganitong isipin na di-maaari. Ayon kay Pablo, hindi pinag-isipan ng isang iginagalang na matanda kung paano tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako. Hindi siya nangatuwiran sa Diyos, “Ngunit, Panginoon, wala na akong binhi na maipupunla. At si Sara ay wala ng buhay sa kanyang sinapupunan para magdalang-itao. Matanda na ang aking asawa para manganak pa. Kaya, paano mo ito gagawin, Panginoon?” Sa halip na bigyang pansin ang ganitong mga katanungan, ay binalewala na lamang niya ang mga ito.”

Sa katunayan ay, kapag ang Diyos ay kumikilos sa paghahanda ng isang pananampalataya na subok na at higit pa sa ginto, ay kanya munang inilalagay sa wala ang lahat ng pantaong pag-aari. Isinasara niya ang lahat ng pantaong pangangatuwiran, nilalampasan ang lahat ng nasa katuwirang kaligtasan.

Ang pananampalataya na nakalulugod sa Diyos ay nagsimula sa lugar ng mga kawalan ng pag-asa. Nangungusap ako dito tungkol sa kawalan ng pag-asa sa lahat ng pantaong-posibilidad. Ito ay lugar na kung saan ang mga balak na gawa ng tao ay nagtatagumpay sa una at pagkapatapos ay mamatay. Ito ay isang lugar na kung saan ang pag-asa ng tao ay nagdadala ng panandaliang lunas at pagkatapos ay mauuwi sa wala, at nakadadagdag pa sa kahinaan.

Ikaw ba’y nakaranas na ng ganitong karanasan? Nangyari na ba sa iyo na wala ka nang pagpipilian pa? Na wala ka nang matawag pa para magbigay ng payo sa iyo. Ang langit ay parang tanso kapag ikaw ay nananalangin, na ang iyong mga kahilingan ay napupunta lamang sa wala.

Ipinahahayag ko sa iyo, na ang Diyos ay kumikilos. Ang kanyang Espiritu ay kumikilos para pigilan kang mag-isip ng kawalan ng pag-asa—na huminto na sa paghahanap ng pamamaraan ng tao—na tigilan na ang pag-iisip kung paano makatatakas sa ganoong kalagayan. Ang Espiriru Santo ay hinihikayat ka, “Tigilan na ang paghahanap ng lunas mula sa tao. At tigilan na ang pag-iisip na wala nang pag-asa ang iyong kalagayan. Ito ay pumipigil sa iyong pananampalataya.”

Huwebes, Hunyo 2, 2011

ANG GRASYA AT KAPAYAPAAN AY MAPASAINYO MULA SA AMANG NASA LANGIT

“Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kahilingan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat” (Filipos 4:6).

Naniniwala ako na ang panalanging may kasamang pananampalataya ay ang kasagutan sa lahat ng bagay. Sinabi ni Pablo dito “sa lahat” – nangangahulugang, “Ipanalangin ang tungkol sa lahat. At ipagpasalamat na ang inyong kahilingan ay maririnig at sasagutin.” Sinabihan tayo na manalangin bilang ating unang pagpipilian, hindi bilang nasubukan na nating lahat ang ibang pamamaraan ng walang magandang kinalabasan. “Ngunit pagsumikapan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos…”(Mateo 6:33, aking italika).

Maraming Kristiyano sa panahong ito ay pinagdarambungan ni Satanas. Ang kanilang mga tahanan ay nasa magulong kalalagayan, sila ay sinalot ng takot, humaharap sila sa mga kaguluhan sa lahat ng kanilang mga paligid. Ang mga suliranin na nababasa ng ating ministeryo mula sa mga liham ng mga Kristiyano ay lubhang kalunus-lunos.

Ngunit sa tunay lamang, lubhang ang ilang mga mananampalataya na humaharap sa mga kapighatian ay lumalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng puspusang pananalangin. Kaunti lamang sa mga panahon ngayon ay may patuloy, na araw-araw, na gumagamit ng sariling mahalagang panahon kasama ang Diyos sa pananalangin. Madalas, ang kawalan ng pag-asa ang nangunguna pagkat hindi sila nagpupunta sa lihim na silid, para maibsan ang kanilang espiritu at itangis ang kanilang mga pagdadalamhati sa Panginoon. Sa halip, ibinabahagi nila ang lahat ng kanilang mga suliranin sa mga kaibigan, sa mga pastor, at mga tagapayo – at binabalewala nila ang Panginoon, na naghihintay sa kanila na mag-isa silang lalapit. Nananalangin tayo bilang panghuling magagawa.

Ang Diyos ba’y nalulungkot sa salinlahi ngayon katulad ng nangyari sa kanya sa Israel? Sinabi niya tungkol sa kanila, “Subali’t ako’y nalimutan ng sarili kong bayan nang napakahabang panahon” (Jeremias 2:32).

Nalulugod ang Diyos kapag tayo’y sa kanya una lumalapit, kapag tayo ay gumugugol ng mahalagang sandali kasama siya, ibinubuhos ang kaibuturan ng ating damdamin at inihahain ang ating mga kahilingan sa harap niya. Wala tayong karapatang sabihin na iniibig natin ang Panginoon kung hindi tayo gumugugol ng panahon na madalas kasama siya. Pakikinggan niya ang inyong mga panalangin at sasagutin ito. Ngunit kailangan niya kayong mag-isa para mangusap siya sa inyo sa tahimik na sandali.

Habang ako ay nagtutungo sa kanyang banal na presensiya bawat-araw, ang aking patuloy na hinihiling ay ang buksan ng Espiritu Santo sa akin ang Salita ng Diyos para ako ay maging tunay na tagapangaral para sa kanya. Nagtitiwala ako sa kanya na ang aking mga mensahe sa katawan ni Cristo ay maituturo, maitalaga at mahamon ang mga mananampalataya sa katuwiran.

Nawa’y makapagbigay kayo ng mahalagang sandali kasama siya, at magtiwala sa kanya sa inyong mga kahilingan.

Miyerkules, Hunyo 1, 2011

PAGBATI SA MAHAL NA PANGALAN NG ATING PANGINOONG JESUS

Ang mga sumunod na salita ay ibinigay sa akin mula sa Espiritu Santo. Ito ay para doon sa mga nangangailangan ng kasagutan sa panalangin, doon sa mga nangangailangan ng tulong sa sandali ng kaguluhan, at doon sa mga handa at payag na galawin ang puso ng Diyos ayon sa kanyang Salita:

1. Panghawakan ang ipinagkasundong pangako sa Awit 46:1: “Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.” Ang pariralang “nakahanda” ay nangangahulugan ng palagiang nakahanda, madaliang maaabot. Ang pananampalataya ay kailangang mamahinga sa katiyakan na ang Espiritu ng Diyos ay namumuhay sa iyo sa lahat ng oras ng araw at gabi, ng patuloy. At dahil siya ay nananahan sa iyo, nakikinig siya sa bawat pananalangin mo sa isipan at mga daing. Alam natin na kapag nadinig tayo, ipagkakaloob niya ang ating mga kahilingan. Katunayan, uugain ng Espiritu Santo ang langit at lupa para sa kaninumang anak ng Diyos na nagbibigay ng panahon na magbuhos ng kanyang puso sa Ama na hindi nagmamadali sa kanyang presensiya.

2. Basahin at manalig sa Awit 62:5-7. Ito ang dalangin ni David na humipo sa puso ng Diyos. Sinabi ni David, na may kakanyahan, “Tanging sa Diyos lamang ako umaasa; ang aking pag-asa’y tanging nasa kanya. Tanging siya lamang ang Tagapagligtas, ‘Tagapagtanggol ko at aking kalasag. Akin ang tagumpay sa lahat ng oras! Ang kaligtasan ko’t aking karangalan ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang; malakas ko siyang tagapagsanggalang, matibay na moog na aking kanlungan”.

Kapag ikaw ay lubusang umaasa sa Panginoon lamang – kapag huminto kang tumingin sa tao para sa tulong, at magtiwala sa Diyos para sa sobrenatural – walang anuman ang makauuga sa iyo. Walang anumang makauuga sa iyo sa kawalan ng pag-asa. Ipinahayag ni David, “Tanging siya lamang ang Tagapagligtas” (Awit 62:6).

3. Narito ang puso ng lahat ng ito, ang lihim sa umiiral na dalangin na natutunan ng bawat banal sa kabuuan ng kasaysayan: “ANG PAGBUBUHOS NG PUSO SA HARAPAN NG DIYOS. “Magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasanin na ngayo’y dinaranas; siya ang kublihang sa ati’y lulunas” (Awit 62:8). Si Ana ay ang ating halimbawa. Wala ng pag-asang magkaanak, “ibinuhos” niya ang kaluluwa niya sa Panginoon. At, sinabi ng Kasulatan, “Magkatotoo po sana ang inyong magandang hangarin para sa akin” (1 Samuel 1:18).

Maririnig ng Diyos at sasagutin ka niya kapag nakita niya na ikaw ay pumayag na isara ang tinig ng sanlibutan sa isang panahon. Idaing ang laman ng iyong puso, ibuhos ang iyong kaluluwa sa harapan niya, at magtiwala na sasagot siya. Dumating na ang panahon para sa pagkabali sa harapan ng Panginoon, para sa pananampalataya na isinilang sa pamamagitan ng pagsisisi. Sundin ang mga pamamaraan ng Kasulatan, at maririnig at sasagot ang Diyos.