Biyernes, Abril 29, 2011

ANG PAG-ALAALA KAY DAVID WILKERSON

"Nang maisagawa na ni David ang kalooban ng Diyos, siya'y namatay” (Mga Gawa 13:36).

Noong Miyerkules ng hapon ang aking ama, si David Wilkerson, ay pumanaw sa pamamagitan ng isang sakuna habang nasa kanyang sasakyan. Kami ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng aming minamahal na ama, isang tapat na asawa at isang banal na anak ng Diyos. Ang aking ina, na si Gwen, asawa sa loob ng 57 taon, ay nasa sasakyan din ng mangyari ang sakuna, ngunit sa kabutihang palad sinabihan kami na siya ay ligtas na.

Ang mahigit na 60 taong ng kanyang pagmiministeryo ay sumagi sa buhay ng mga malapit sa kanya at umabot sa milyun-milyon sa buong mundo. Ngayon nadarama namin ang pagkawala ng isang mahal sa buhay, ngunit kasabay nito kami ay nagagalak sapagkat alam namin na nabuhay ang aming ama ng lubus-lubusan, sumusunod sa kalooban ng Diyos ng may buong debosyon at lubos na umiibig kay Jesus. Siya ay nakilala sa kanyang hindi masukat na pananampalataya. Naniwala siya na kayang baguhin ng Diyos ang buhay ng mga kabataang naliligaw ng landas at maipanumbalik ang pinakalulong sa ipinagbabawal na droga. Naniwala siya na may isang lalagong iglesya sa gitna ng Times Square, lunsod ng Nuweba York. Naniwala na siya ay isang lalaking kayang magmahal sa kanyang asawa at mga anak. At ito ay nagawa niya.

Ang aming ama ay hindi mahilig sa magarbong okasyon, ang purihin o sa mga seremonyas. Tinanggihan niya ang mga paanyaya ng mga kilalang namumuno sa mundo ngunit kayang ibigay ang lahat para tulungan ang isang ulilang naghihirap o isang balo na nagdadalamhati.

Katulad ni Haring David, naisagawa ng aming ama ang kalooban ng Diyos sa kanyang henerasyon. Nangaral siya na may ganap na pag-ibig at walang lubay na grasya. Nagsulat ng may kahanga-hangang lalim ng kaisipan, maliwanag at may buong katapatan. Tinakbo niya ang paligsahan ng maayos at nang matapos na ang kanyang gawain, siya ay tinawag nang pauwi sa kanyang tunay na tahanan.

Hindi ako naniniwala na ang aking ama ay maayos na makapagreretiro. Hindi ko nakikita na siya ay mauupo na lamang sa isang sulok at magmumuni-muni sa kanyang mga nakaraan. Naniniwala ako na ito ay alam ni Jesus at siya ay may pagmamahal na tinawag ng pauwi sa kanyang tunay na tahanan. Ang huling misyon ng aking ama sa sanlibutan ay maging isang tagapagsanggalang ng mga pinakamahirap sa mundong ito—ang makapagbigay ng kaluwagan at makaalalay para sa mga nagugutom na mga kabataan, mga balo at mga ulila.

Pagkatapos niyang maitatag ang Hamong Pangkabataan (Teen Challenge), Hamong Pangsanlibutan (World Challenge) at Iglesya ng Times Square, minabuti niyang magpursigi para mapakain ang mga nagugutom na mga bata sa pinakamahihirap na bansa sa mundong ito. Ngayon, ang ‘Please Pass the Bread’ ay nagliligtas ng mga buhay ng libu-libong kabatataan, sa 56 na sangay sa 8 bansa.

Katulad ni Haring David, pagkatapos na maisagawa ang kalooban ng Diyos, siya ay pumanaw. Alam ko na kung nagawang palakasin ang inyong loob ng aking ama sa pamamagitan ng kanyang mga salita sa panahong ito, ay aanyayahan niya kayo na ibigay ninyo ang inyong lahat para kay Jesus, ibigin ang Diyos ng taus-puso at iaalay ang inyong sarili para sa mga ibang nangangailangan.

Hindi sapat ang kanyang buong buhay para sa gawaing kanyang sinimulan. Mapatutunayan nating lahat na sinagi niya ang ating mga buhay—hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang pangangaral at pagtatatag ng mga nakapagbabagong mga minsteryo, kundi sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig, debosyon, kahabagan at kakayahang palakasin ang ating pananampalataya para sa mga dakilang gawain.

Huwebes, Abril 28, 2011

Press Release

Isa pong malungkot na balita ang ipinaaabot namin sa inyong lahat sa biglaang pagpanaw ng aming minamahal na si Pastor David Wilkerson noong Miyerkules, Abril 27, 2011. Patuloy namin kayong bibigyan ng dagdag na pagbabalita sa website na ito.

Miyerkules, Abril 27, 2011

KAPAG ANG LAHAT AY NABIGO NA

Ang manalig kapag ang lahat ay nabigo na ay lubus-lubusang nakalulugod sa Diyos at ito ay katanggap-tanggap sa kanya. Sinabi ni Jesus kay Tomas, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita” (Juan 20:29).

Mapalad ang mga nananalig kahit na walang katunayan ng kasagutan sa panalangin—na nagtitiwala ng lubusan kahit wala ng pag-asa kapag ang lahat ay nabigo na.

Mayroon napunta sa lugar ng kawalang ng pag-asa—katapusan ng pag-asa—katapusan ng lahat ng maaring solusyon. Isang mahal sa buhay ang humaharap sa kamatayan at wala ng pag-asa ang ibinigay ng manggagamot. Ang kamatayan ay di na maiiwasan pa. wala nang pag-asa. Ang himala na ipinagdadasal ay hindi nangyari.

Iyan ang sandali na sinasalakay ang isipan mo ng mga kampon ni Satanas na may kasamang pangamba, poot, at nakapananaig na mga katanungang: “Nasaan ang Diyos mo ngayon? Nanalangin ka hanggang sa wala ka nang iluha. Nag-ayuno ka. Nanindigan ka sa mga pangako. Nagtiwala ka.”

Mga kasumpa-sumpang isipin ay ipapasok sa isipan mo: “Nabigo ang panalangin. Nabigo ang pananampalataya. Huwag kang lalayo sa Diyos—basta huwag ka na lamang magtiwala sa kanya. Walang mangyayari sa iyo!”

Maging ang tanungin ang katunayan ng Diyos ay ipapasok sa isipan mo. Ito ang mga pamamaraan ni Satanas sa mga siglong nagdaan. Ilan sa mga makadiyos na kalalakihan at kababaihan na nabuhay ay nasa ganitong pag-atake ng diyablo.

Yaon mga dumadaan sa bingit ng kamatayan, makinig sa salitang ito: Ang pagtangis ay mananatili sa ilang mga kakila-kilabot na mga gabi—at sa kadilimang iyan ay madirinig mo ang Ama na bumubulong, “Kasama mo ako. Hindi ko masasabi sa iyo ngayon, ngunit isang araw ay mauunawaan mo ang mga ito. Makikita mo na ang lahat ng ito ay bahagi ng aking mga plano. Hindi ito aksidente lamang. Hindi ito kabiguan na ikaw may gawa. Manatiling matatag. Hayaan momg yakapin kita sa sandali ng iyong kapighatian.”

Minamahal, ang Diyos ay hindi kailanman nabigo kundi kumikilos sa kabutihan lamang at sa pag-ibig. Kung ang lahat ay nabigo na—ang kanyang pag-ibig ay mangingibabaw. Manatiling matatag sa iyong pananampalataya. Manindigan ng matatag sa kanyang Salita. Wala nang iba pang pag-asa sa sanlibutang ito.

Martes, Abril 26, 2011

TAYO AY NASUSUBOK SA PAMAMAGITAN NG ATING MGA PAGBAGSAK AT MGA KABIGUAN

Hindi ibig sabihin na ang mga Kristiyano na muling nahulog sa mga dating kasalanan at bumalik sa sanlibutan ay siyang sinusubok. Hindi, ang mga mananampalatayang yaon ay humaharap sa wasak na pananampalataya.

Ngunit nagbabala si Pedro, “Ngayong ito'y alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang sinusunod na batas. Sa gayon, hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan” (2 Pedro 3:17). Si Pedro ay nagbabala sa mga mananampalataya na mga lumalago sa kabanalan at nakatakdang sumunod sa Paginoon.
Ang ilan sa inyo ay bumagsak kahit na may patuloy na paglago sa Panginoon. Kung itanong ko sa iyo ano ang naging dahilan ng iyong pagbasak, maaring ang isagot mo ay, “Kapatid na David, ito ay sanhi ng matinding poot. Ginalit ako ng sarili kong pamilya at di ako nakapagpigil. Hindi ko maunawaan ito. Akala ko ay nagiging malambing ako, na katulad ni Jesus. Ngunit mayroong nagkamaling magbiro at diko nakayanan ito.” Maari mong sabihin na, “Tao lamang ako. May limitasyon ang aking kakayanan?”

Hindi mahalaga kung ikaw ay ginalit o kung ikaw man ay nasa katuwiran. Ang panggagalit sa iyo ay nangangahulugan lamang na kailangan mo ng pagpapalaya. Sinabi ng Kasulatan, “Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa” (Efeso 4:31).

Ang Diyos ay patuloy na susubukin ka hanggang sabihin mo na, “Mayroon akong espiritu na kailangan nang maalis.” Wala kang makikitang paglago kay Cristo, walang kapayapaan sa tahanan o sa trabaho man, hanggang kaya mo nang sabihin na, “Tama ka, Panaginoon—alisin mo na ito!”

Kung ikaw ay sinusubok sa bagay na ito, o sa anumang ibang bagay pa, maaring iniisip mo, “Dama ko na hindi ako karapat-dapat. Gaano kalayo na ako sa ginagawa ko? Iniibig pa rin ba ako ng Diyos?”

Minamahal kong banal, kung tunay kang nagsisi, hindi ka napalayo kahit kaunti man lang. Nakaakbay sa iyo ang mapagmahal niyang mga kamay at sinasabing, “Hinahayaan kong mangyari iyan san iyo para makita mo ang laman ng puso mo. Ngunit may progreso na ang ginagawa mo. Sinasabi mo na nais mong maglakad kasama ako kaya tinuturuan kita. Alam ko ang nasa kalooban mo at hinahayaan kitang galitin hanggang sa maalis mo na ang lahat ng ito.”

Ikaw ba ay sinusubok? Kung ganoon, manalangin lamang ng ganito: “Panginoon inilagay ko ang mga daliri mo sa ilang bahagi ng pagkatao ko. Alisin mo na ang mga ito sa puso ko. Palakasin mo ang loob ko, Panginoon, na hindi pabalik ang lakad ko—ako ay palago na kasama ka!”

Lunes, Abril 25, 2011

ANG MANALIG SA DIYOS SA PANAHON NG KAGIPITAN

Walang anumang makapagpaparangal sa Diyos ng higit pa sa pananalig sa kanya sa harap ng kagipitan. Napakabilis natin malimutan ang mga mihala at mga nakaraang pagpapala.

Sa Awit 106 nakita natin ang Israel na nakamasid sa di-kapani-paniwalang himala sa Pulang Dagat na dumaluyong sa hukbo ng Egipcio, na nilunod ang bawat sundalo. “Nang makita nila ang mga taga Egipcio na nakalatag sa dagat sa harapan nila, at noon ay naniniwala sila sa Diyos, at umawit ng kanyang papuri.” At ang mga sumunod na mga salita ay, “Ang lahat ng ito'y kaagad nilimot” (bersikulo 13).

Ngunit hindi natin mapagtiwalaan ang ating pananampalataya sa mga nakaraang karanasan.—masyado tayong madaling makalimot at ang makaalala ay halos di magawa. Ang mga nakaraang karanasan ay hindi sapat para mapalakas tayo sa kasalukuyang kagipitan. Kailangan natin ng sariwang pananampalataya-na naka-angkla sa pang-araw-araw na pagbabasa ng Salita ng Diyos—sariwang salita na nanggagaling sa Diyos!

Manalig sa Diyos kapag humaharap sa kagipitan at ang Diyos ay ipagkakatiwala sa iyo ang kanyang grasya, ang lahat ng kanyang kakayanan at kanyang lakas.

Ang manalig sa Diyos sa harap ng matinding kagipitan ay nangangailangan ng isang mapaghamong pananampalpataya—ang ipagkaloob ang lahat sa kanyang mapangalagang kamay. Darating ang panahon na kailangan tayong lumusong ng malalim at ibigay ang lahat ng dalahin sa kanya. Ang ganitong uri ng pananampalataya ay nakalulugod sa kanya.

Ang manampalataya ang tangi nating pag-asa, ang tanging paraan para makalabas sa kagipitan. Kayat manalig tayong lahat at ipagkaloob sa kanya ang lahat!

Biyernes, Abril 22, 2011

ANGKLA SA BAGYO

“Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay, at ito'y umaabot hanggang sa kabila ng tabing ng templo, hanggang sa Dakong Kabanal-banalan” (Hebreo 6:19).

Ang angkla na tinutukoy dito sa talatang ito ay pag-asa. Hindi ang pag-asa ng makasalanang sanlibutang ito, kundi pag-asa na itinatag na sinumpaan ng Diyos na dapat panghawakan, basbasan, pamahalaan ang mga tao na nagtitiwala sa kanya.

Ang pag-asang ito ang ating angkla sa bagyo na bumabagsak sa sanlibutang ito sa mga panahon ngayon. Ang kumatha ng Hebreo ay nangusap, “Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya” (6:12).

Sumumpa ang Diyos sa mga “tagapagmana ng pangako” lahat na mga na kay Cristo. Sumumpa siya nang sa gayon ay wakasan na ang lahat ng pagsusumikap—lahat ng mga pagdududa—nang sa gayon “…Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya” (6:18).

Narito ang ating pag-asa: SUMUMPA ANG DIYOS NA TUTUPARIN NIYA ANG LAHAT NG KANYANG MGA PANGAKO AT IMPOSIBLE PARA SA DIYOS ANG MAGSINUNGALING.

Pinanindigan niya ang kanyang salita kay Abraham—paninindigan niya ang salita niya sa iyo habang nagtitiwala ka sa kanya. Kailangan natin ng malaking na kaaliwan sa mga panahong ito.

Pagkatapos masabi ang lahat—at lahat ng mga sermon ay ipinangangaral tungkol sa pag-asa—mauuwi ang lahat dito: Tayo bang lahat ay nakahanda na ipagkatiwala ang lahat sa kanyang mga kamay—mamahinga sa kanyang mga Salita—at magpakatatag nang walang pag-aalinlangan sa pag-ibig ng Diyos, naniniwala na ang lahat ng kanyang mga pangako sa iyo ay matutupad?

Maari mong dalhin ang pananampalatayang iyan ng higit pa sa belo na pinakabanal!

Huwebes, Abril 21, 2011

NAKATUON ANG TINGIN KAY JESUS

“Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya” (Hebreo 12:2).

Kung tatanungin mo ako kung ano ang nagyayari sa sanlibutan ngayon, ang isasagot ko ay, “Ang lahat ng babala ni Jesus sa atin ay mangyayari sa mga huling araw!” nagbabala siya tungkol sa mga puso ng mga tao na nanlulumo sa pangamba mula pagmamasid sa mga nangyayari sa sanlibutan ngayon. Nagbabala siya ng mga lindol sa ibat-ibang lugar—maglalaban-laban ang mga bansa, magdidigmaan ang mga kaharian.

Nabuhay tayo na makita ang simula ng mga hula sa pagwawakas ng panahon na nangyayari sa harapan ng ating mga mata. Tingnan ang Lucas 21:11, “Magkakaroon ng malalakas na lindol.”

Ano ang sinabi sa atin ni Jesus kapag nakita natin ang bagay na ito na nangyayari? Sinabi niya, “Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan" (21:28).

O mga minamahal, kung iniibig ninyo si Jesus, hindi ka dapat mabigla o mangamba. ANG LAHAT NG BAGAY AY NASA KANYANG PANGANGALAGA.

Oo, nanginginig tayo sa simula na makita at marinig ang mga kakila-kilabot na mga balitang ito—ngunit ito ang panahon para ituon ang tingin kay Jesus. Dinala niya tayo hanggang dito—siya ang may katha ng ating pananampalataya—dadalhin niya tayo sa katapusan na may pag-asa at kapayapaan, anuman ang mangyari.

Sa panahong ito, huwag hayaang papanghinain ka ng mga masasamang balita. Huwag mabalisa—ituon ng buo ang iyong tingin kay Jesus. Malapit na siyang dumating.

“Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan” (Hebreo 10:23).

Miyerkules, Abril 20, 2011

PAG-ASA SA PADATING NA BAGYO

Nagpahayag si David sa atin ng malinaw na larawan ng paninindigan ni Jesus sa harap ng padating na bagyo. Nagpahayag siya ng hula kay Cristo, “gaya ng sinabi ni David tungkol sa kanya, 'Alam kong kasama ko ang Panginoon sa tuwina, hindi ako matitinag sapagkat kapiling ko siya” (Gawa 2:25). Ang literal na kahulugan dito ay, “Palagi akong nasa presensiya niya, nakamasid sa kanyang mukha.” Narinig ni David si Jesus na nagsabing, “Kaya't ako'y nagdiriwang, puso at diwa'y nagagalak, gayundin naman ako'y mabubuhay nang may pag-asa” (2:26).

Narito ang lihim: Palaging nakatingin si Jesus sa mukha ng Ama! Patuloy na naghahanap ng lihim na lugar si Jesus upang magkaroon ng panahon na kapiling ang Ama. At tuwing sa pagkatapos na kasama ang presensiya ng Diyos sa gayon lamang siya nakakapagministeryo, ganap na naniniwala na ang Ama ay laging kasama niya. “Siya ay nasa kanang kamay ko—at walang anumang bagay sa sanlibutang ito ang makauuga sa akin.” Ang salitang Griyego dito sa makagagalaw ay nangangahulugan na “nayugyog o nauga, nagambala.” Sinasabi ni Jesus, “Walang isa man sa mga suliraning ito, masama o padating na mangyayari pa lamang ay kayang pabagsakin ako o ugain ang pagtitiwala ko. Ang aking Ama ay may hawak sa lahat.”

Mga minamahal, kung ating haharapin ang padating na bagyo, kailangan tayong nakahanda nang sa gayon ay walang makagagambala sa ating espiritu. At magagawa lamang ito kung tayo ay gugugol ng panahon sa presensiya ng Ama na nakamasid sa kanyang mukha. Kailangang tayo ay nakikipag-isa sa kanya—nakaluhod, sinasanay ang kanyang presensiya, hinahanap siya—hanggang sa tayo ay ganap na nahimok na siya ay nasa ating kanang kamay.

Maliwanag na sinasabi sa atin ng Diyos, “Huwag mag-alala o magambala sa kung anuman ang iyong nakikita. Ituon ang iyong mga mata sa akin at mapananatili mo ang iyong kagalakan.” At ayon kay David, nagpatotoo si Jesus, “Itinuro mo sa akin ang mga landas upang ako'y mabuhay, dahil sa ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan” (Gawa 2:28).

Ito mistulang sinasabi sa atin ni Cristo, “Haharapin ko ang lahat na iyong haharapin sa mga huling araw. Mayroon akong katulad na nakagagambalang damdamin, sapagkat nakikita ko ang padating na bagyo. Ngunit tumakbo ako sa presensiya ng akinh Ama, at binuhat niya ang lahat ng aking alalahanin. Ipinakita niya sa akin ang lahat ng kalalabasan ng lahat ng ito. At sa kanyang presensiya natagpuan ko ang lahat ng kagalakan, pag-asa at kapahingahan na kakailanganin ko—hanggang sa wakas. Mayroon akong kapayapaan at kagalakan sapagkat nakasama ko siya.”

“Kaya't ako'y nagdiriwang, puso at diwa'y nagagalak, gayundin naman ako'y mabubuhay nang may pag-asa” (2:26).

Martes, Abril 19, 2011

ANG PANANAMPALATAYA AY KAILANGANG NAKABATAY SA SALITA

Ang alalahanin ng Diyos ay ang kanyang mga tao ay nayayanig sa kanilang pananampalataya—at hindi sila nanalig sa kanya sa kanilang kagipitan. Mga minamahal, ang pinakamalala nating kasalanan ay ating kawalan ng paniniwala na tutuparin niya ang kanyang mga pangako. At iyan ay nakakasakit sa kanya ng higit pa sa pangangalunya, kalaswaan, droga at abuso sa alak o sa iba pang kasalanan ng laman.

Sinabi ng kanyang Salita, “Alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya” (2 Pedro 2:9). “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Corinto 10:13).

Ang mga talatang ito ay mabuting balita o ito ay kasinungalingan. Ngunit kung ito ay mabuting balita, kung ganoon ay kailangan natin itong panindigan. Nais ng Diyos na kaya nating sabihin, “Panginoon, kung ako ay mamamatay sa kinatatayuan ko ngayon, nagtitiwala sa iyo na sasamahan mo ako, kung ganoon ay hayaan mo akong mamatay na may pananampalataya. Mabuhay o mamatay, ako ay sa iyo.”

Hayaaang ang lahat ng hangin at alon ng impiyerno ay dumating sa iyo. Hayaang ang lahat ay dumating sa iyo. Sinabi ng Diyos natin na kaya niya—at alam niya kung paano ka ililigtas.

Hangarin niya na ikaw at ako ay may kagalakan, kapayapaan, tagumpay at kapahingahan sa ating paglalakad. Naghahanap siya ng mga lalaki at babae na maninindigan laban sa kung ano man ang darating sa madilim na panahong ito—mga lingkod na tatayong mahinahon at may kapayapaan sapagkat si Cristo ay nananahan sa kanila.

Lubos na ninanais ng Diyos na ikaw ay makarating sa lugar na iyon na may buong pagtitiwala. Nais niya na huwag ka nang mangangamba kailanman, kundi tunay na mamahinga sa kanyang kapangyarihan at kakayahan. Alam niya kung paano ka ililigtas mula sa lahat ng bitag, pagsubok at tukso—kung ikaw lamang ay magtitiwala sa kanya.

Lunes, Abril 18, 2011

“GAWIN MO SA AKIN KUNG ANO ANG NAIS MO”

Si Martin Luther, sa kasagsagan ng kanyang pagilitis, ay nagpatotoo, “Panginoon, ngayon pinatawad mo ako sa lahat, gawin mo sa akin kung ano ang nais mo.” Si Luther ay naniniwala na ang Diyos ay kayang burahin ang lahat ng kanyang kasalanan at nagligtas sa kanyang kaluluwa ay kaya rin pangalagaan ang kanyang pisikal na pangangatawan at ipagkaloob mga materyal na pangangailangan.

May kakanyahang sinabi ni Luther na, “Bakit ako mangangamba sa maaring gawin ng tao sa akin? Naglilingkod sa isang Diyos na kayang linisin ang aking kasalanan at magdulot ng kapayapaan sa aking kaluluwa. Walang halaga kung ang lahat sa aking kapaligiran ay magbagsakan. Kung kaya akong iligtas ng Diyos ko at pangalagaan ang aking kaluluwa habang panahon, bakit hindi niya mapangangalagaan ang aking katawang pisikal habang ako ay nabubuhay sa sanlibutang ito?”

“O Panginoon, ngayon na ako ay napatawad na, at kaya nang humarap sa iyo sa Araw ng Paghuhukom na may labis na kagalakan—gawin mo sa akin kung ano ang nais mo.”

Mga kapatid—magalak! Ang kasalukuyang buhay na ito ay hindi katotohanan. Ang ating katotohanan ay ang buhay na walang hanggan sa presensiya ng ating mapagpalang Panginoon.

Kayat manatili sa pananampalataya! Ang lahat ng bagay ay unti-unti nang bumabagsak—ngunit tayo ay patuloy na umaangat!

Biyernes, Abril 15, 2011

MAGING PAGBABAKA AY NAPATITIGIL

“Maging pagbabaka ay napatitigil…” (Mga Awit 46:9).

Isang magandang balita para sa anak ng Diyos na binasag ng pakikipagbaka sa kaluluwa! Ang pakikipagbaka ko sa aking kaluluwa ay kanya ring pakikipabaka, at siya lamang ang makapagpapatigil dito. Hindi papayagan ng mapagmahal kong Ama ang laman o ang diyablo na kayakayanin ako para magapi. Ang aking pakikibaka ay maliwanag na isinalaysay ni Santiago, na sumulat ng:

“Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't nagmumula iyan sa masasamang nasa na naglalaban-laban sa inyong kalooban? (Santiago 4:1). Ang mahalay na pitang ito ay kasama ang kasakiman, kayabangan at kainggitan.

Sa mga panahong nagdaan, ang mga banal na kalalakihan ng Diyos ay nagtanong ng katulad na katanungan, “Ang pakikibaka ko ba sa sarili kong laman ay magwawakas habang ako ay nabubuhay pa? Hindi ba yan din ang kaparehong katanungan na itinatanong sa panahong ito ng mga nagmamahal ng lubusan sa Panginoon?

Ang kasagutan ay, ang pakikibaka ay kailangan at dapat na magwakas, at ito ay di maiiwasan na masusundan ng ganap na kapayapaan. Ngunit paano magwawakas ang pakikibaka, at sino ang magwawakas nito? Kung ito ay aking pakikibaka at obligasyon ko na wakasan ito, kailangan ipakita ito ng Diyos kung paano. Kung ito ay tunay na kanyang pakikibaka, kung ganoon ay kailangang wakasan niya ito sa kanyang pamamaraan at panahong ayon sa kanya--at bigyan ako ng tiyaga habang ang pakikibaka ay nagpapatuloy, alam na iniibig niya ako sa lahat ng ito.

Ang salitang Griyego na ginamit ni Santiago ay stratenomai, nagmumungkahi ng pakikibaka laban sa nauukol sa laman; isang kawal sa pakikibaka. Galing ito mula sa stratia, nangangahulugan na isang hukbo, isang hukbo na nasa kampo. Hindi ba si David ay nagpahayag ng hukbo na nasa kampo na laban sa atin? Ang ating makalamang pagkakahapay ay dumarating laban sa atin bilang isang hukbo, isang hukbo ng diyablo para ibagsak ang ating moralidad at panatilihin tayo sa kaguluhan sa pag-asang wasakin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pag-atake sa ating isipan na may kasamang pangamba at kawalan ng paniniwala.

Kung pag-aaralan mo ang salitang Hebreo para sa pakikibaka na ginamit ni David sa Awit 46:9, naging dahilan ito ng ganap na kagalakan. Ito ay milchaman nangangahulugan na ipagpatuloy ang pagpapakain, gumugol at wasakin.

Ang tanging sinasabi ng Salita dito sa atin ay kamangha-mangha: pipiglan ng Diyos ang kalaban na madaig tayo, sa pagwasak sa atin. Hindi na niya papahintulutan na ang pita ng laman ay kainin tayo. Palakasin ang loob! Pipigilan na ng Diyos ang ating pakikibaka sa laman. Ito ay pakikibaka ng Diyos—at hindi siya kailanman magagapi.

Huwebes, Abril 14, 2011

KASIRAANG LOOB O PANGLULUPAYPAY

Kapag tayo ay nasasaktan tayo ay nag-iisa, nangangamba, at dinadaig ng mga pangyayari na wala tayong kakayanang baguhin—bigla tayong lumalayo sa tunay na pinanggagalingan ng kapayapaan at tagumpay at nakatingin sa pamamaraang pantao. Kasindak-sindak! Alam natin na ang Diyos ay nakaupo sa trono naghihintay pa rin sa atin na tumawag sa kanya. Alam natin na ang kasagutan sa lahat ng ating mga pangangailangan ay matatagpuan lamang sa Diyos, at sa kanya lamang. Ikinukumpisal pa man din natin sa ating mga espirituwal na mga kaibigan, “Alam ko na kailangan kong manalangin! Alam ko na ang Diyos ang may kasagutan! Alam ko na kailangan kong itangis lahat ito sa kanyang presensiya!

Ito ang pinakamasahol na uri ng panglulupaypay na bumigay sa takot at kawalan ng pag-asa habang binabalewala ang kapangyarihan at katapatan ng isang mapagmahal na Ama. Sinabi ng Diyos sa Israel, ”…Narinig ninyo nang ako'y magsalita mula sa langit…Pupunta ako roon at pagpapalain ko kayo” (Exodo 20:22.24). ngunit sumagot ang Israel, "Ang Diyos ay walang pakialam”(Awit10:11).”Ngunit ang sabi ng mga taga-Jerusalem, "Pinabayaan na tayo ni Yahweh. Nakalimutan na niya tayo" (Isaias 49:14).

Ikaw ba’y isang nanglulupaypay na Kristiyano? Ganoon ka nga kung kung binabalewala mo ang makapangyarihang mga pangako ng Panginoon at nagdududa na pinaninindigan niya ang kanyang sinasabi! Ipinangako niya, “Ang sagot ni Yahweh, "Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali. Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Pangalan mo'y nakaukit sa aking mga palad’ (Isaias 49:15-16).

Mananatili kang manglulupaypay kung ipagpapatuloy mong dinadala ang mga walang kuwentang dalahin ng pagkakasala, pangamba, kalungkutan, pagkabalisa, at pagkalito dahil lamang sa pagtanggi mong mamahinga sa mga dakila at mahalagang mga pangako ng Panginoon.

Hindi tinutuya ng Diyos ang kanyang mga anak noong ipinangako niya, “Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin” (Roma 8:28).

Hindi nagsisinungaling ang Diyos nang ipinangako niya, “Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon… Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib” (Mga Awit 34:15 at 17).

Huwag tayong mabalisa at kumilos ayon sa ating mga damdamin. Kapag tayo ay nabagabag at dumaing sa Diyos para sa kahabagan at tulong, ang buong kalangitan ay kumikilos para sa atin. Hahayaan ba ng Panginoon na makita natin ang mundo ng espirituwal para pagmasdan ang mga mabubuting bagay na kanyang inihahanda para doon sa mga tumatawag sa kanya at nanalig, di-kapani-paniwalang tanawin ito para sa atin.

Miyerkules, Abril 13, 2011

ANG PAGPAPAHAYAG NG KAPUSPUSAN NI CRISTO

Tayo ay inukit bilang sanga kay Cristo, ang puno ng olibo (Roma 11:17-19). Ang siya ring kapangyarihan na nasa kanya at nagbibigay kakayanan sa atin. Ang siya ring Espiritu na nagpapalakas sa kanya ay nagpapalakas sa atin. Ang siya ring lugar na kinauupuan niya sa kanang kamay ng Diyos ay siya ring lugar na ating kinalalagyan sa pamamagitan ng pananampalataya, at sa Espiritu. Paano natin malalaman kung napatawad na tayo sa ating mga kasalanan? Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya! Kailangang angkinin natin ang Salita ng Diyos tungkol dito, at kapag ginawa natin ito, binibigyan tayo ng ganap na kapayapaan ng pag-iisip.

salita na ang kanyang kapangyarihan ay kumikilos sa atin, na nagbibigay sa atin ng kalayaan at gawin ang kanyang kasiyahang-loob! At ang kapangyarihang ito ay nauukol lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Kailangang harapin natin ang ating kahinaan na may pananampalataya na tutulungan niya tayo na gawin ang kanyang ipinag-uutos.

Ang paralisadong lalaki na tumayo, lumakad, at binuhat ang kanyang higaan ay isang uri ng mananampalataya na may lakas laban sa kasalanan! Isa siyang kamangha-manghang pagpapahayag ng kapangyarihan ni Cristo. Anong pag-asa ang naibigay sa kanya para sa lahat na walang kalakasan at nangangailangan.

Hindi ba ito ang hinahanap ng Diyos ngayon? Hindi ba siya naghahanap ng mga nakapangingibabaw na magbibigay halimbawa para sa sanlibutan, nagpapakita sa makasalanang-salinlahi kung paano pinalaya ng ganap ni Cristo mula sa kapangyarihan ng kasalanan? Kailangan makita ng mga maksalanan ang mga mananampalataya na namumuhay na dinaig ang pita ng laman at lahat ng kaaliwan sa sanlibutang ito. Mga lalaking nagmamahal sa kanilang asawa at tapat; mga babae na tapat at mabubuting ina at tagapangalaga ng tahanan; mga kabataang nabubuhay sa pagkadalisay at nakahiwalay mula sa mga bagay na nakapagpaparumi.

Mayroon tayong sapat na mga radyo at telebisyon at mga abalang Kristiyano na nagpapahayag ng Mabuting Balita. Mayroon tayong mga programa, pagtitipon, mga aklat, mga nakatalang aralin, mga babasahin at mga balitang-liham.

Hindi ko hinahatulan ang mga ganitong mabubuting gawain. Subalit, ang kakulangan natin ay mga Kristiyano na tunay na nagpapahayag kung sino talaga si Jesus. Mayroong kakulangan ng mga iyon na makapagsasabi, “Naroon ang isang Kristiyano na nagpapahayag kung sino si Jesu-Cristo! Mayroong isa na walang ipinakikilala, walang patutunayan—kundi si Cristo, nabuhay at naluwalhati! Naroon may isang kapatiran na naninindigan na nagliliwanag na may kagandahan at kasimplehan ni Jesu-Cristo, ang Panginoon! Mayroong isa na mayroon na nais kong magkaroon din—isang katunayan na hindi maaring itanggi!”

Ito ang nararapat na tangi at nag-iisang hangarin ng ating mga buhay! Ang gampanan ang layunin ng Diyos—na maging patotoo na magpapahayag ng kapunuan at kapuspusan ni Cristo!

Martes, Abril 12, 2011

TUMAYO AT LUMAKAD

Ang paralisadong lalaki sa Marcos 2 ay pinatawad na at malaya na sa mga mata ng Diyos, ngunit siya ay bilanggo pa rin ng kanyang pagdadalamhati. Siya ay pinaginhawa na mula sa kanyang mga kasalanan, ngunit nanatili pa ring walang lakas. Alam niya na si Cristo ay isang kaluwagan ngunit hindi bilang isang pananauli!

Hindi sapat na maging isang pinatawad nang lumpo, isang pinalayang bilanggo. Mayroon tayong dapat gawin. Ang bahagi ni Cristo ay para mapalaya tayo sa harapan ng Diyos at ang bahagi natin ay tumayo at lumakad! Kailangan tayong humayo ng higit pa sa pagkakapalaya mula sa mga kasalanan patungo sa kalayaan ng kanyang mga pananauli.

“Alin ba ang mas madali, ang sabihin sa paralitiko, 'Pinapatawad na ang mga kasalanan mo,' o ng sabihing, 'Tumayo ka, bitbitin mo ang iyong higaan at lumakad ka'? Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa..." sinabi niya sa paralitiko, "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na!" (Marcos 2:9-11).

Ang lalaking iyon ay hindi tumayo sa sarili niyang lakas; kundi ang kanyang lakas ay nanggaling kay Cristo. Kung wala si Cristo ay wala tayong magagawa. Makakayanan lamang natin ang mga bagay sa pamamagitan ng kanyang lakas at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo!

Sinasabi ni Cristo sa lalaking ito, “Gagawin kitang halimbawa ng aking kapangyarihan laban sa kasalanan! Kung saan ka mahina doon ka magiging malakas. Ang bagay na naging dahilan nang iyong pagkakabilanggo, pupulutin mo at iyong dadalhin. Mapangingibabawan mo angtanging naging dahilan nang iyong pagkakabagsak.”

Ang isang lumpo sa espirituwal ay hindi maaring maging tunay na pahayag ni Jesu-Cristo. Kailangan tayong mamuhay sa buong kapangyarihan at tagumpay ng buhay na malaya sa pagkakabihag ng kasalanan. Alam nating lahat ang ating kahinaan, mga lugar na kung saan tayo tinatablan, sinasabi ni Satanas sa atin na tayo ay mananatiling mahina sa ganitong situwasyon, at isang araw ay dadaigin nito.

Ngunit hindi! Sa pamamagitan ng kanyang maluwalhating kapangyarihan, kaya ng Diyos na gawin tayong malakas kung saan tayo mahina. Iyan ang ibig sabihin ng Kasulatan ng nagpahayag ito ng kanyang lakas na ginawang ganap sa pamamagitan ng ating kahinaan.

Ano ang humahadlang sa iyo? Isang nanatiling kasalanan, isang kahinaan, isang hindi pa naisasaayos na pansariling mabigat na dalahin? Kung ano man ito, kailangang mawala ito! Hindi ka maari pang nakagapos sa higaan ng kabiguan. Ang lahat ng ito ay nagampanan na sa pamamagitan ng pananampalataya sa mga pangako ng Diyos.

Nais ng Panginoon na ikaw ay bumangon na mula sa higaang iyan! Ibibigay niya sa iyo ang lahat ng kapangyarihan na kailangan mo para makapanaig at lumakad ng ganap na malaya!

Lunes, Abril 11, 2011

ANG KAMANGHA-MANGHANG BIYAYA

Ano ang mayroon sa atin na nakaakit ng kamanghamanghang biyaya, habag at kapatawaran ng ating Tagapagligtas? Ito ba ay isang uri ng kagandahan, kabutihan, o lakas? Ito ba isang uri ng kakayahan na mayroon tayo?

Hindi! Ito ay ang mabigat na pangangailangan at kawalan ng kakayahan na siyang nakaakit ng kanyang biyaya. Ang ating kahinaan ang umaakit sa kanyang lakas. Ang ating kalagayan na sa kawalan ng kakayahan ay isinalarawan ng isang lalaking paralitiko sa aklat ni Marcos, sa ikalawang kabanata: “May dumating na apat na taong may dalang isang paralitiko” (Marcos 2:3).

Narito ang isang larawan ng ganap na kawalan ng kakayahan, isang lalaki na walang lakas o kapangyarihan. Ni hindi niya kayang ilapit ang sarili kay Cristo. Tingnan muli ang panginginig, kahinaan, isang kaawa-awang nilalang—isang bilanggo ng kanyang higaan. Iyan ay ikaw at ako bago pa natin namalayan ang anumang bagay tungkol sa kapangyarihan ni Cristo.

Nakatayo si Cristo sa harap ng lalaking ito na walang kakayahan, ibinaba mula sa bubong, at ni hindi man lamang binanggit ang tungkol sa kanyang kapansanan. Pinili ng Panginoon na dalhin siya sa presensiya ng Ama na malinis at pinagaling na. Siya ay tinanggap na bago pa man siya pinagaling. “Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, pinatawad na ang mga kasalanan mo" (Marcos 2:5).

Isang napakagandang larawan ng pag-ibig ng Diyos kay Cristo-Jesus! Narito ang isang kaawa-awang lalaki, ganap na dinaig ng kanyang kapansanan para makaimik man lamang. Ni hindi niya kaya na makapagsalita o makapangumpisal man lamang.

“Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus…” (Efeso 2:10). Ang Pariseo kahit ano pang kabutihan mayroon, sa kanyang pagmamalaki, ay ni hindi man lamang nakaakit ng biyaya ng Panginoon. Hindi ng mabuting gawa, kaya’t walang sinuman ang maaring magmalaki.

Ipakita mo sa akin ang isang anak ng Diyos na nagdudusa sa isang kinamumuhiang nananatiling kasalanan, isa na bagsak na na may dala-dalang mabigat na pasanin, at kawalan ng pag-asa, isa na nakadarama ng kawalan ng kakayahan at kahinaan—ipakikita ko sa iyo ang isang pinagtutunan ng masaganang biyaya. Kung saan ang kasalanan ay masagana, higit na masagana ang biyaya (tingnan ang Roma 5:20).

Kapag ikaw ay nagsisi na, manindigan sa pananalig sa tinapos nang gawain sa krus! Sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya, ang iyong kasalanan ay nasa ilalim na ng dugo. Ikaw ngayon ay namumuhay na sa kabilang panig ng belo, nakaupo kasama si Cristo sa kalangitan, tinanggap ng minamahal, isang kasama si Cristo at ang Ama. Ang poot ng Diyos laban sa iyong kasalanan ay nasagot na. ikaw ngayon ay higit pa sa isang manlulupig, namumuhay at kumikilos sa Espiritu. Ikaw ay pinuuan sa kapunuan ni Cristo na may kapangyarihan na makaharap ang lahat ng bagay na may kinalaman sa buhay at makadiyos na kabutihan. Ikaw ang mahalaga sa kanyang paningin, binago sa iyong isipan at ginawang tagapagmana na nauukol sa Panginoong Cristo!

Biyernes, Abril 8, 2011

KABANALAN

Kapag nagpahayag ako ng ganap na pagtitiwala kay Cristo, ang ibig kong sabihin ay hindi lamang sa kanyang nakapagliligtas na kapangyarihan kundi pati na rin sa kanyang nananatiling kapangyarihan. Kailangang magtiwala tayo sa kanyang Espiritu na iingatan tayo at umaalinsunod tayo sa wangis ni Jesus.

Isipin ang sarili mong patotoo. Minsan sa buhay mo ikaw ay nag-iisa, malayo mula sa Diyos dahil sa iyong mga makasalanang gawain. Anong mabuting gawa ang ginawa mo para maituwid ka sa kanya? Wala! Walang sinuman ang makapagliligtas sa kanyang sarili.

Gayon din naman, walang sinuman ang nakapagpanatili sa kanyang sarili bilang banal. Tayo ay dinala sa kabanalan ni Cristo araw-araw sa pamamagitan ng pananampalataya, habang tayo ay nagtitiwala sa kung ano ang sinabi sa Salita ng Diyos: “Kung ikaw ay na kay Cristo, ikaw ay banal sapagkat siya ay banal.”

“Dati, kayo'y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong paggawa at pag-iisip ng masasama. Ngunit sa pamamagitan ng pagkamatay ni Cristo, kayo ay ginawang kaibigan ng Diyos, nang sa gayon ay maiharap niya kayong banal, walang kapintasan at walang dungis. Subalit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya“ (Colosas 1:21-23).

Pansinin ang kataga “kung magpapatuloy ka sa pananampalataya.” Sinabi ni Jesus, “Patuloy na magtiwala sa akin, mamuhay sa pananampalataya. Upang maiharap ko kayong banal, walang kapintasan at walang dungis sa harapan ng Ama.”

Mga minamahal, ito ang lahat na inuring banal na gawain ng Espiritu Santo. Habang binigyan kayo ng Espiritu ng kapangyarihan na mapighati sa gawain ng laman, aakayin niya kayo sa pamamagitan ng kanyang kaaliwan.

Mayroong isa lamang na kabanalan: kay Cristo! Kung ganoon ay, walang isa mang mananampalataya na “mas banal sa kanya.” Walang anumang sukatan ang kabanalan, kundi sukatan lamang ng kahinugan kay Cristo. Maaring bago kang Kristiyano at ganap na banal kay Jesus. Kaya’t kaungasan ang sukatin mo ang iyong sarili bilang isang “banal.” Tayong lahat ay sinukat sa isa lamang na pamantayan: sa kabanalan ni Cristo. At kung tayo ay nasa kanya, ang kanyang kabanalan ay nasa atin sa kapantay na sukatan.

Hindi ka na maaring tumingin sa ibang Kristiyano at sabihing, “O, sana’y ako’y kasing banal niya.” Maaring wala ka ng uri ng disiplina ng ibang tao o ng kanyang buhay sa pananalangin; maaring mas madalas kang nagpapakahirap at mas madalas makagawa ng kamalian ng higit sa kanya. Ngunit hindi siya tinanggap ng Ama ng higit pa sa iyo. Huwag mong ikumpara ang sarili kahit kanino, sapagkat walang ibang mas mahal ang Ama sa paningin niya ng higit pa sa iyo!

Mahal na banal, hubarin mo ang sapatos mo. Alisin mo na ang labis na pagtitiwala sa sariling laman. Narito ang lupa na kung saan ka mamumuhay: “Inaangkin ko ang aking kabanalan, na na kay Cristo Jesus. Ako’y bahagi ng kanyang katawan. At nakatingin sa akin ang Ama na kasing banal sapagkat nananahan ako sa kanya.”

Huwebes, Abril 7, 2011

ANG PURIHIN ANG DIYOS SA KANYANG KABUTIHAN

“Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan, aawitan nila ng may kagalakan ang iyong katuwiran” (Awit 145:7).

Hindi natin matatanggihan ang karapatan ng Diyos na siya ay purihin sa lahat ng kanyang karangalan, ngunit tayo ay espesyal na tinawag upang purihin siya sa kanyang kabutihan.

Itala na ang Mang-aawit ay nagpilit sa kasaganaan ng pagpupuri sa alaala ng Ama sa kanyang kabutihan—inawit nila ang Hebreo sa kasaganaan ng pananalita: na lumalagaslas na katulad ng tubig na dumadaluhong mula sa bukal.

Sa Awit 107:8-9, isinulat ni David, “Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahang-hanga niyang pagliligtas. Mga nauuhaw ay pinaiinom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.”

Itong katotohanan ng pagpupuri sa Diyos sa mga nakaraan niyang kabutihan ay tumama sa puso ko at ako ay hinipo na gawin ito na katulad ni David. Tinawag tayo para ipagdiwang ang kanyang kabutihan.

Binuksan ni David ang kabutihan na kanyang ipinapahayag—ang Diyos ay nagawi na gamitin ang kahabagan, habang siya ay nakikiramay sa ating mga pagdadalamhati at mga paghihirap. Hiniram ni David mula sa Exodo 34:6, na kung saan ay kinausap ng Diyos si Moises: “Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi niya, ‘Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat.”

Mga minamahal, lumingon kayo sa nakaraan at alalahanin kung gaano naging kabuti sa iyo ang Panginoon. Alalahanin ang kanyang pagkamahabagin na hindi nabigo na iligtas ka. Nakakita ako ng kagalakan sa pagpupuri sa Diyos para sa lahat ng bagay, ngunit sa lahat ay sa kanyang kabutihan. Hindi lamang sa nakaraang mga kabutihan kundi pati doon sa mga nakikita ko araw-araw—ang kabutihan na nakikita ko sa kapaligiran ko ngayon sa pangkasalukuyan.

“Kabutiha’t pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako’y nabubuhay; at magapakailanma’y sa bahay ni Yahweh mananahan” (Awit 23:6).

Miyerkules, Abril 6, 2011

ANG KASALUKUYANG KABALIWAN

Ako ay nagulat sa kasalukuyang kabaliwan ng sanlibutan. Ang mga pinuno sa gobyerno ay nasa ilalim ng pagkabulag sa katarungan. Hindi mo maipapaliwanag ang mga bulag na mga politiko at at mga pinuno. Sila ay nangangapa na parang mga bulag na umaakay sa kapwa bulag.

Mistulang ang pagpipigil ay binalewala na at ang kabaliwan ay pinatigas ang kaloobvan ng nakararami.

Ang makita ang lahat ng kabaliwang ito ay lalong nagbigay sa akin ng kagalakan na si Cristo Jesus ay minadali tayong mga namatay na sa paglabag at sa kasalanan. Nagagalak ako na yaong mga minsan ay naglakad ayon sa daloy ng sanlibutan—yaong mga nasa ilalim ng espiritu ng prinsipe ng kapangyarihan ng hangin at ang espiritu na ngayon ay kumikilos sa mga anak ng mga sumusuway—yaong mga nagpakasawa sa tukso ng laman at ng isipan, maging yaong mga patay na sa kasalanan--ay binuhay na ngayon mula sa kamatayan, minadali ng Espiritu—nakaupo sa malalangit na lugar kay Cristo Jesus.

Ngayon, habang ikaw ay nagdadalamhati sa kasalukuyang kabaliwan, magbigay papuri sa Diyos na ikaw ay iniligtas sa lahat ng ito.

Purihin ang Diyos!

Martes, Abril 5, 2011

ANG KASALUKUYANG KABALIWAN

Ako ay nagulat sa kasalukuyang kabaliwan ng sanlibutan. Ang mga pinuno sa gobyerno ay nasa ilalim ng pagkabulag sa katarungan. Hindi mo maipapaliwanag ang mga bulag na mga politiko at at mga pinuno. Sila ay nangangapa na parang mga bulag na umaakay sa kapwa bulag.

Mistulang ang pagpipigil ay binalewala na at ang kabaliwan ay pinatigas ang kaloobvan ng nakararami.

Ang makita ang lahat ng kabaliwang ito ay lalong nagbigay sa akin ng kagalakan na si Cristo Jesus ay minadali tayong mga namatay na sa paglabag at sa kasalanan. Nagagalak ako na yaong mga minsan ay naglakad ayon sa daloy ng sanlibutan—yaong mga nasa ilalim ng espiritu ng prinsipe ng kapangyarihan ng hangin at ang espiritu na ngayon ay kumikilos sa mga anak ng mga sumusuway—yaong mga nagpakasawa sa tukso ng laman at ng isipan, maging yaong mga patay na sa kasalanan--ay binuhay na ngayon mula sa kamatayan, minadali ng Espiritu—nakaupo sa malalangit na lugar kay Cristo Jesus.

Ngayon, habang ikaw ay nagdadalamhati sa kasalukuyang kabaliwan, magbigay papuri sa Diyos na ikaw ay iniligtas sa lahat ng ito.

Purihin ang Diyos!

HUMAYO NG MAPAYAPA; IKAW AY BINUO NG IYONG PANANAMPALATAYA

Sa aking debosyon sa araw na ito, nadaanan ko ang isang bahagi ng sermon ni William Bridge, na ipinangaral noong ika-17 siglo. Nahikayat ako na ibahagi ito sa inyo.

Sa pananampalatayang ito na aking sinasabi: ang manalig kapag ang lahat ay nabigo na at patay nang nakalatag sa ating harapan, na nagpaparangal sa Diyos lalo na nagbigay katuwiran sa kaluluwa. Ito ang pananampalatayang nakapagliligtas ng kaluluwa.

Tingnan ang Lucas 7 at pag-aralang mabuti ito. Sinabi sa huling talata, “Sinabi ni Jesus sa babae, iniligtas ka ng iyong pananampalataya, humayo kang mapayapa.” Ngunit dito ay walang binanggit tungkol sa kanyang pananampalataya. May binanggit tungkol sa kanyang pag-ibig sa 47 na talata. “Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin lang ang nadaramang pagmamahal”

May binanggit tungkol sa kanyang luha sa 38 na talata, “Isang babaing itinuturing na makasalanan sa bayang iyon ang nagpunta roon na may dalang pabangong nasa sisidlang alabastro. Umiiyak siyang lumapit sa paanan ni Jesus, at hinugasan ng kanyang luha ang mga paa nito. Pinunasan niya ng kanyang sariling buhok ang mga paa ni Jesus, hinalikan ito at binuhusan ng pabango.

Binanggit dito ang tungkol sa kanyang luha, binanggit dito ang kanyang kabutihang asal, at kagandahang-loob, at pagmamahal kay Jesu-Cristo. Gayunman ang ating Panginoon at Taga-pagligtas na si Cristo ay hindi sinabi: Babae, iniligtas ka ng luha mo, humayo kang mapayapa; Babae, ang pagsisisi mo at pagpapakumbaba ay iniligtas ka, humayo kang mapayapa. Hindi niya sinabi, ang pagmamahal mo sa akin at kagandahang-loob ay iniligtas ka, humayo kang mapayapa, babae.

Hindi, ngunit ang ating Panginoon at Tagapagligtas, nakita niya ang isang lihim na gawain na Sa kanyang sarili para sa babaeng ito, sapagkat siya ay isang makasalanan, at sinabi sa kanya, Babae, iniligtas ka ng pananampalataya mo, humayo kang mapayapa!

Lunes, Abril 4, 2011

ANG KAHABANGAN NG DIYOS

Sa Gawa 9 nakilala natin ang isang lalaki na nagngangalang Saul na taga Tarsus, isa sa pinaka-relihiyosong tao na nabuhay. Ipinagmamalaki niya, “Nabuhay ako na may malinis na konsyensiya sa harapan ng Diyos hanggang sa araw na ito.” Ngunit ano ang ginagawa ng madasalin at banal na lalaking ito?

Si Saul ay punung-puno ng pagkamuhi kay Jesus na nagpasiya siyang patuloy na masamain ang iglesya ng Diyos, maging sa labas ng sakop ng Jerusalem. Sa Gawa 9 siya ay patungo sa Damasco, hangad na puksain ang mga tao ng Panginoon.

Isaalang-alang ang ginawa ng Diyos para sa taong ito na naging pinakadakilang mangangaral na Kristiyano na nabuhay.

Bigla na lamang na nagliwanag sa paligid niya na galing sa liwanag mula sa langit. Para ano? Para linlangin siya? Para kondenahin siya? Para puksain siya? Para ipahayag ang poot at hatol sa kanya? Hindi—kundi para ipahayag na ang kasalanan niya ay pinatawad na.

Ilarawan si Saul na nagpapakumbaba sa harap ng liwanag at naririnig ang tinig ni Jesus, sa halip na marinig ang pagsasakdal sa banal na Diyos sa nilalakaran niya. Ang mga salita na narinig niya ay, “Ako si Jesus!” Walang isa mang salita ng kasamaan na kung ano ang ginawa niya. Bakit ganoon? Ang kanyang labis na minasama ay kanyang naging pinakadakilang kaibigan.

Minamahal, siya ay si Jesus pa rin na nag-alok sa atin ng kaparehong kahabagan. Karapatdapat lamang na husgahan at isakdal, sa halip narinig natin siya na sinabi, “Ako si Jesus, ang iyong Manunubos.”

Pasalamatan mo siya ngayon para sa kahabagan na ipinakita niya sa iyo.

[Inspirasyon na galing kay J.B. Stoney]

Biyernes, Abril 1, 2011

ITO AY NATUGUNAN NA SA KRUS

Kailangan ngayon na ay maunawaan na ng lahat kung ano ang ginawa ni Cristo sa krus. Tuluyan na niyang inalis ang bagay na nakasakit sa banal na mga mata ng Diyos, nang sa gayon ay magkaroon tayo ng karapatan sa kanyang presensiya. Tayo ay tinanggap sa kanyang paningin at walang anumang bagay na nakahadlang sa kanyang puso para sa atin!

Huwag kang hahakbang hanggang hindi mo natutunan ang bisa ng dugo ni Cristo—na ikaw ay ganap nang napatawad! Pinalaya tayo ng krus sa mata ng Diyos. Maaring malimutan natin iyon, ngunit ang Diyos ay hindi nakakalimot. Ang belo ay napunit para hayaang makapasok tayo at sinasabi ng Diyos, “Ikaw ay tinanggap na! Lumapit ka sa aking trono, dahil ikaw ay akin na, minamahal ko!

Kung ang Diyos ay nasiyahan, bakit hindi tayo? Ito ang isang usapin na dapat na ayusin. Mayroon bang bagay na nasa pagitan mo at ng iyong Amang nasa langit? Maari mong sabihin, “Pinarurusahan ako ng puso ko! May nasabi at nagawa ako na nagbigay dalamhati sa Espiritu Santo. Pakiramdam ko ay hindi ako karapatdapat at mistulang ang langit ay tanso.” Sa lahat ng ito maari mong isagot, “Ngunit ang Diyos ay mas higit sa aking puso!”

Kinamumuhian mo ba ang kasalanan? Naikumpisal mo na ba ang iyong mga kasalanan? “Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangaral sa inyo ang kapatawaran ng kasalanan” (Gawa 13:38).

Dito madalas nagkukulang ang maraming Kristiyano. Nabubuhay sila sa mga walang kabuluhang pangamba at pagkakabihag, sapagkat hindi nila nauunawaan ang tagumpay sa krus. Sila ay maliwanag sa mga mata ng Diyos, ganap na nasisiyahan sa sakripisyo ni Cristo, ngunit hindi nila nauunawaan ito. Walang anumang humahadlang dito maliban sa pangamba at kakulangan ng kaalaman. Nang ang belo ay napunit, ang Diyos ay lumapit sa iyo at sa akin! Pumasok tayo—at lumabas siya!

Di kapani-paniwala! Inaalipusta natin ang Diyos, gayunman hangad pa rin niya na maliwanagan tayo sa kanyang paningin, ipinadala niya ang sarili niyang sakripisyo para sa ating mga kasalanan. Ang kasalanan ay nahatulan na at ang pag-alipusta ay pinatawad na. Ngayon masasabi na ng Diyos, “Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan,
at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan" (Hebreo 8:12). Siya misyo ang nag-alis ng distansya!

Ayaw ng Diyos na ibintang ang kasalanan laban sa atin. Sa halip, hinangad niya na makipagkasundo tayo sa kanya. Hinangad niya na mamuhay tayo sa biyaya ng pagkakaalam na ang usapin tungkol sa kasalanan ay matagal nang nasagot sa krus.