Huwebes, Marso 31, 2011

ANG DAKILANG HANGARIN NG DIYOS PARA SA KANYANG MGA ANAK

Naniniwala ako na ang Diyos ay mayroon isang dakilang hangarin para sa kanyang mga anak mula pa nang pagkakapako sa krus at hindi ito magbabago hanggang sa pagbabalik ni Cristo sa kaluwalhatian. Ang hangarin ng Diyos ay may kinalaman sa pagkakaunawa sa hiwaga ng mabuting balita, na unang ipinahayag kay Pablo. Hindi na ito mahiwaga ngayon.

Sinabi ni Pablo, “Tulad ng naisulat ko na, ipinahayag sa akin ng Diyos ang kanyang hiwaga... Ito'y hindi ipinaalam sa mga tao noong mga nakaraang panahon, ngunit inihayag ngayon ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu…at magpaliwanag sa lahat kung paano isasagawa ng Diyos ang kanyang lihim na plano” (Efeso 3:3-9).

Ang hiwaga na ipinahayag ay ganito: Ang katawan ni Cristo ay narito pa rin sa lupa! Ang ulo ay nasa langit ngunit ang natirang katawan ay nandito pa rin sa lupa. Tayo na umiibig at naglilingkod sa kanya ay ang kanyang katawan, ang nakikitang bahagi, na siyang nakikita nilang si Cristo sa lupa.

“Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan” (Efeso 5:30).

“Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan” (Colosas 1:18).

Ang kabuuang hangarin ng Diyos sa mga huling araw na ito ay maaring pagsamahin sa isang pangungusap: Bilang tayo na katawan ni Cristo sa lupa, ang hangarin ng Diyos ay ang bawat kasapi ay maging tunay na pahayag ng kung sino si Cristo.

Hangarin ng Diyos para sa atin na maipahayag ang ganap na kapunuan ni Cristo nang sa gayon ang bawat makasalanan ay makita sa atin ang Panginoong Jesu-Cristo na katulad nang parang mistula pa rin siyang naglalakad sa kanyang sariling katauhan. Kailangang mamukod-tangi sa atin ang kanyang kapunuan, ang kanyang kaluwalhatian, ang kanyang kabuuan nang sa gayon ay makita ng sanlibutan sa atin ang pag-asa at kasagutan sa kanilang mga pangangailangan.

Hindi sapat na makilala lamang si Cristo. Kailangang tayo ay ganap na nagpapahayag kung sino siya! Kailangang tingnan natin ang lahat na sinasabi at ginagawa at hinihingi: “Ito ba’y kumakatawan kung sino si Cristo? Ito ba ang nais kong makita ng mga makasalanan sa pamamagitan ko?” Si Cristo ba, sa kanyang katawang lupa, ay pupunta sa isang sinehan na nagpapalabas ng mga malaswa? Magbababad ba siya sa lugar ng may ponograpiya? Aabusuhin ba ni Cristo ang kanyang katawan sa anumang paraan? Makikihalo ba siya sa pangangalunya, sa kalaswaan, sa paglalasing? Mandadaya ba siya, sa tsismis, magkukuwento ng may karumihan, o kasinungalingan? Mamumuhay ba siya sa kasinungalingan, at pagkatapos ay susubok na mangaral ng katotohanan? Susubukan ba niyang magpalaganap ng liwanag na may kasamang kadiliman sa kanyang puso? Sasabihin ba niya sa iba na huwag mangangalunya pagkatapos ay gagawin niya ito ng palihim?

Kailangan ipagpatuloy natin sa ating harapan ang tanging dakilang hangarin ng Diyos—na tayo na katawan niya ay sumasalamin ng katapatan at kung gaano siya kadalisay! Italaga mo ang iyong puso sa pagigiging tunay na pahayag kung sino talaga si Cristo.

Miyerkules, Marso 30, 2011

ANG KASALANAN NG PAKIKILAHOK

Walang ibang makikita sa Lumang Tipan na kasing bigat ng babala ni Pablo laban sa pakikilahok o pakikiisa sa sanlibutan.

“Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di sumasampalataya? O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templong Diyos na buhay? Siya na rin ang maysabi, Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko” (2 Corinto 6:14-16).

Sa Lumang Tipan, kapag nais ng Diyos na ipahayag ang kapangyarihan ng kanyang presensiya sa harap ng mga makasalanang Egipcio, inihihiwalay niya ang mga tao ng Diyos mula sa mga taga Egipcio.

“Mamamatay ang lahat ng mga hayop ng mga Egipcio, ngunit isa mang hayop ng mga Israelita ay walang mamamatay…Kapag hindi pa siya pumayag, magpapadala ako ng matinding salot sa kanya, sa kanyang mga tauhan at nasasakupan, upang malaman nilang ako'y walang katulad sa buong daigdig” (Exodo 9:4, 14).

Nais ng Diyos na makita ng sanlibutan ang pagkakaiba ng kanyang mga tao na nagmamahal sa kanya at ng hindi nananampalatayang sanlibutan. Nais niya tayong maging halimbawa ng mga naligtas at tagumpay na mga tao, nananalig sa kanyang makapangyarihang kamay na mailigtas mula sa anumang kapahamakan o sa anumang masama.

Ang dahilan ng pakikipaghiwalay mula sa sanlibutan (Egipcio) sa panahong ito ay katulad din noong unang panahon. Ang Diyos ay muling naglagay ng pag-itan sa kanyang mga tao at sa makasalanang panahon, nang sa gayon ang salinlahing ito ay malaman na walang katulad niya na makapagliligtas mula sa sanlibutang ito. Ang makasalanan ng panahong ito ay maaring mayroong higit na pagpapadama ng presensiya ng Panginoon; wala ng iba pang maaring makakuha ng kanilang atensyon. Wala nang iba na makakasugat pa sa kanila na may paghatol sa kasalanan. Ang Espiritu Santo ay naibuhos na, nang sa gayon lahat nang laman ay mapasailalim sa kapangyarihan ng presensiya ni Cristo at mahatulan ng kasalanan, ng kaluwalhatian, at paghuhukom!

Tinutukoy ang kanyang tunay na mga disipulo, sinabi niya, “Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan” (Juan 17:16). Muli, “Kung kayo'y taga-sanlibutan, mamahalin nila kayo, sapagkat kayo'y kabilang sa kanila. Hindi kayo taga-sanlibutan. Sila'y napopoot sa inyo dahil pinili ko kayo” (15:19).

Iniibig ng taga-sanlibutan ang kabilang sa kanila, ngunit hindi tayo taga-sanlibutan. Nawa’y tulungan tayo ng Diyos na matanggap ang ating kakaibang likas na ugali ng pagkakahiwalay at pagkakaiba. Yaon lamang na tunay na hiwalay sa sanlibutan, hiwalay kasama si Cristo, ang may kapangyarihan na mailigtas ito!

“Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama” (1 Juan 2:15).

Martes, Marso 29, 2011

ANG PAGDATING NI JESUS

Naniniwala ako na malapit nang dumating si Jesus. Nakikita natin ang mga bansa ay nagtitipon laban sa Israel. Ang mga pangyayari ay mabilis na patungo sa Armageddon.

“Kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na ang pagdating ng Anak ng Tao, talagang malapit na” (Mateo 24:33).​

“Ngunit walang nakakaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o maging ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito” (t. 36).

Ang lahat ng senyales ay nakatutok sa digmaan sa Gitnang Silangan laban sa bansang Israel. Mula sa mga kaguluhan sa mga bansang Arabo ay magkakaisa ang mga ito para puksain ang Israel. Tayo ay nakamasid sa katuparan ng mga hula na ating ipinangaral sa maraming taon na.

Yaong mga nakakaalam ng Kasulatan ay mayroong panloob na kamulatan ng Espiritu Santo sa pagababalik ng Panginoon. Naririnig ang pagtawag ng Espiritu Santo na namamahay sa atin na, dumadaing, “Panginoong Jesus, bumalik ka na.” sinabi ni Jesus.

“Kaya't maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon” (t. 42).

“Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo nalalaman” (t. 44).

“Mapalad ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang Panginoon” (t. 46).

Mga minamahal, nadarama ba ninyo—namamalayan ba ninyo—na ito na ang mga huling araw? Nakikibahagi ba kayo pananabik sa kanyang pagbabalik?

Tumingin sa itaas; ang ating katubusan ay nalalapit na!

Lunes, Marso 28, 2011

KARANASAN LABAN SA KASULATAN

Nabasa ko ang isang pahayag na naisulat 150 taon na ang nakakalipas na ginawa ng isang misyonaryo na si George Bowen:

“LAHAT NG KARANASANG PANTAO NG MGA KRISTIYANO AY KAILANGANG ILAGAY SA PAGSUBOK NG KASULATAN.”

Sinasabi niya na, halimbawa, ang ating bang malalim na pangamba ay makayanan ang pagsubok ng Kasulatan? Ang ating bang alanganing pananampalataya ay makayanan ang pagsubok ng Kasulatan? Mayroon bang uri ng pagdududa nakayang tayuan ang katulad na pagsubok?

Kapag ang mga pangyayari ay nakapananaig na at ang pagdududa ay pumasok sa ating mga puso, mayroon tayong layon na mangatuwiran dahilan sa ating mga mahihirap na karanasan. Nararanasan natin ang kirot, lahat ng uri ng pighatiat pagsubok na nakapanlulumo. Ang tanong ay: paano natin nilalabanan ang lahat ng ito? Ang ating bang paglaban dito ay makayanan ang pagsubok ng Kasulatan?

Ano ang hinaharap mo sa iyong buhay ngayon? Suliranin sapananalapi? Walang hanap-buhay? Mabigat na karamdaman?Pagkabalisa? Paano mo dinadala ang lahat ng ito? Ang iyo bang pakikipaglaban ay pumapantay ayon sa kasulatan?

Halimbawa, sinasabi ng Kasulatan, “Ang siyang nag-aalanganin ay katulad ng barko na inihahataw ng malakas na alon.”Nadaanan mo ba ang Kasulatang ito at patuloy pa ring nag-aalangan dahil sa nakasisindak na karanasan?

Nag-alangan ako ng maraming ulit nang ang karanasan ko ay nagmistulang wala ng pag-asa, ngunit higit pa akong nagtiwala sa Espiritu Santo upang sumang-ayon ang aking karanasan sa pagsubok ng Kasulatan. Dinaig ng Kasulatan ang lahat ng karanasan.

Tulungan nawa tayo ng Diyos para masubok ang ating damdamin sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Itanong mo saiyong sarili, “Ang pagtugon mo ba ay naayon sa Kasulatan? Ang aking bang emosyon ay kayang tapatan ang Salita? Kunghindi, manalangin ng lakas para matanggap ito at makagawa ng pagbabago.

Manatili sa pananampalataya!

Lunes, Marso 21, 2011

ANG TATAK NG ISANG ALIPIN

Ang mang-aawit na si David, ay nagsabi, “Sa halip, ang iyong kaloob sa akin ay pandinig ko upang ika'y dinggin” (tingnan Awit 40:6). Ito ay maaring isalin na ang ibig sabihin ay, “Tinanggap niya ako bilang kanyang alipin,” isang paghahambing sa nakaugalian ng mga panginoon na butasin ang tainga sa mga tumatanggi sa inalok na kalayaan (tingnan Exodo 21:6). Sa madaling sabi, “Mayroon butas sa aking tainga na may tatak na ako ay para sa Panginoon, habang buhay at sa walang hanggan.” Hinayaan mo ba ang Espiritu Santo na butasin ang iyong tainga?

Ang tatak ng isang alipin ay ang kanyang paglagak sa kanyang sarili na ibigay ng buo ang kanyang panahon sa paglilingkod sa kanyang panginoon. Walang kataka-taka sa ganitong uri ng pamumuhay. Nagsisimula ito sa pagbibigay ng pangako na ibigay sa Panginoon ang lahat ng makakaya ng ating panahon para kanya at patuloy na ginagawa sa ating pang-araw-araw na buhay!

Hindi ito ngmumungkahi na kailangan tayong umalis sa ating mga hanapbuhay at iaalay na ang buong panahon sa ministeryo. Marami sa panahong ito ay umaalis sa kalooban ng Diyos ayon sa sariling pananaw, iniiwan ang mga tungkulin sa pangangalaga ng pamilya at “at humayo ayon sa pananampalataya.” Ang higit na mahalaga ay manatili at hayaan ang Panginoon na may mahalagang sandali kung nasaan ka. Ang bagay na ito ay ang paglalagay kay Cristo sa gitna ng lahat, nang sa gayon ang pamilya, ang hanapbuhay, at ang lahat ng bagay ay umiikot sa kanya. Si Cristo ang nagiging tuon ng ating mga isipan at umuubos tayo ng panahon sa kanyang presensiya, nakikinig sa kanyang tinig, sumusubod sa kanyang mga utos.

Ang pagiging alipin ay tungkol sa pag-aalay sa halip na pagkuha ng kaluluwa. Kay Pablo, maari niyang sabihin, “Natiyak ko na wala akong alam tungkol sa ating lahat maliban kay Cristo at siya bilang ipinako sa krus.” Ang aliping ito ay hindi interesado sa paglilingkod na naghihintay ng gantimpala o sariling pakinabang. Ang kanyang pakinabang ay ang kaluwalhatian at karangalan na kanyang ibinibigay sa kanyang Panginoon. Ang tunay na alipin na ibinigay ang buong buhay sa paglilingkod ay tinatakan ni Cristo na may kahalagahan. Madaling makilala ang ganitong alipin sapagkat kita sa kanyang katawan ang tatak ng kanyang Panginoon.

Ano ang nakatatak sa mga alipin sa panahong ito? Ito ay maliwanag na ipinahayag sa Salita bilang isang may tatak na basag, may espiritung nagsisisi na umiiyak dahil sa kabulukang ginawa laban sa kanyang Panginoon. Hindi binubutas ng ating Panginoon ang tainga sa pamamagitan ng balibol, kundi binubugbog ang kanyang puso sa pamamagitan ng martilyo.

“Noon, ang kaluwalhatian ni Yahweh na nasa pagitan ng mga kerubin ay tumaas papunta sa pasukan ng Templo. Tinawag niya ang lalaking nakadamit ng telang lino at may panulat sa baywang. Sinabi niya rito, "Libutin mo ang lunsod ng Jerusalem at lagyan mo ng tatak sa noo ang lahat ng nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon" (Ezekiel 9:3-4).

Ang isa pang tatak ng aliping ito ay ang pagtuli na ginawa na hindi ginamitan ng kamay. Ito ay naglalarawan ng ganap na paghiwalay mula sa sanlibutan at patungo kay Cristo.

Biyernes, Marso 18, 2011

ISANG ALIPIN SA SARILING PASIYA

“Ngunit kung ayaw na niyang umalis sapagkat mahal niya ang kanyang asawa't mga anak, gayon din ang kanyang amo” (Exodo 21:5). Walang pag-aalangan para sa aliping ito, walang pagpipilian. Hindi nalagay sa pagdududa ang kanyang pasiya. Ang kanyang panginoon ay lahat na para sa kanya at siya ay nakatali sa kanya na may kasamang walang hanggang pag-ibig. Hindi niya kayang iwan ang kanyang panginoon o ang tahanan nito.

Ang buhay ng aliping ito ay umiikot sa pag-ibig niya sa kanyang panginoon, at, katulad ni Pablo, ang tingin niya sa lahat ng bagay ay “dumi,” na maari niyang makuha ang pagtingin sa kanya ng kanyang panginoon. Siya ang uri na kaya niyang tanggapin ang panglalait kung matutunan ng iba ang pag-ibig ng kanyang panginoon.

Mas mahalaga sa aliping ito ang pagiging malapit niya sa kanyang panginoon kaysa anupamang pagpapala na galing sa mundo. Ano halaga ng kawan ng mga alagang hayop, mga mais, o alak at langis, kung mayroon kang walang hanggang pakikipag-isa at pakisama sa iyong panginoon?

Walang ibang nais iparating ng aliping ito sa atin kundi ito: Sapat na si Cristo! Walang anumang bagay sa sanlibutang ito ang mas mahalagang mawala higit pa sa kanyang presensiya. Hindi maaring ikumpara ang anumang yaman o kaginhawahan ng sanlibutang ito sa isang araw na inubos mo sa kanyang presensiya. Ang kasiyahan sa tabi niya ay higit pa sa kahit anong kasiyahang alam ng tao. Ang makilala siya, ang makasama siya kung nasaan siya, nakaupong kasama siya sa kalangitan ay higit pa sa buhay na ito. Ang maglingkod sa kanya, ang pangunahan niya, ang lumapit at umalis bilang utos niya ay sapat ng buhay na nasa pinakamataas na lugar.

Maari bang ipaalala mo sa akin na ikaw ay anak, at hindi isang alipin? Nang sa gayon ay akin ding ipaaalala sa iyo na si Jesus ay isang Anak na “hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao” (Filipos 2:6-7).

Ang matapat na aliping ito na nabasa natin sa Exodo ay naniniwala na siya ay mayroong isang misyon sa buhay, at yan ay ang maglingkod sa kanyang panginoon. Hindi niya ginagampanan ito dahil sa kanyang mamanahin, kahit na ito ay nakasulat pa., “Ang tusong alipin ay makakahati pa sa mamanahin, ng anak ng kanyang amo kung ito'y inutil” (Kawikaan 17:2). Mas madaling sumunod kung may pag-ibig at mula sa umaga hanggang sa gabi, sa bawat pagbangon, siya ay namuhay na may pagkukusang manilbihan sa kanyang panginoon. Pag-ibig lamang ang nagtutulak sa kanya—walang pagsisisi, walang hamon dahil ito’y katungkulan. Hindi kataka-taka kung bakit nasabi ni Jesus, “Kung iniibig mo ako, susunod ka sa akin.”

Huwebes, Marso 17, 2011

ANG ALIPIN

Ang paraan ng Diyos ay lumalabas na salungat o taliwas sa isipan ng tao. “Upang mabuhay, kailangan kang mamatay. Para matagpuan mo ang iyong buhay, kailangang mawala ito. Upang maging malakas, kailangan munang maging mahina ka.”

Ang isa sa mga pinakamalaking kataliwasan sa lahat ay ito: Upang tunay na maging malaya, kailangan lumundag ka. Upang makamit ang pinakadakilang kalayaan sa Diyos, kailangan isuko mo ang lahat ng karapatan at maging aliping panghabangbuhay sa Panginoong Jesu-Cristo. Mayroong maluwalhating pag-ibig-alipin na nagdadala sa pinakamataas na kalayaan. Ito ay isang kusang pagsuko na bunga ng pag-ibig, na nagsasanhi para sa isa na isaalang-alang ang paninilbihan na higit pa sa pagiging anak.

Sa panahon na kung saan ang mga tao ng Diyos ay abala sa pag-angkin ng kanilang karapatan, kasama ang biyaya ng Panginoon at mga benepisyo, na makikinabang tayong lahat na hayaan ang Espiritu Santo na buksan ang ating mga mata sa lugar ng Diyos na higit pa sa maari nating matuklasan. Ito ay nasa ganap na banal na utos para tanggapin ang lahat na mabuting bagay mula sa kamay ng Diyos, at walang anak ng Diyos na dapat makadama ng pagsisisi tungkol sa mga biyaya at benepisyo na ibinuhos sa kanya.

Gayunman kailangan nating makita na mayroon pang mas higit sa biyaya at kaginhawahan, bagay na higit pang may pakinabang kaysa sa iba pang pang-araw-araw na biyayang ipinagkakaloob niya sa atin.

Ang isang alipin ay isang nakipagkasundo sa isang sakramento ng paglilingkod sa kanyang amo. Ito ay maayos na isinalarawan sa sumunod na Kasulatan:

“Kapag ang isang tao'y bumili ng aliping Hebreo, maglilingkod ito sa kanya sa loob ng anim na taon. Sa ikapito, makakalaya na siya nang hindi kailangang tubusin. 3 Kung ang alipin ay walang asawa nang bilhin, aalis siyang walang asawa. Ngunit kung may asawa siya nang mabili, kasama niya sa pag-alis ang kanyang asawa. 4 Kung sa kanyang pagka-alipin ay binigyan siya ng magiging asawa at nagkaanak sila, ang babae at ang mga anak ay maiiwan sa amo; siya lamang ang lalaya. 5 Ngunit kung ayaw na niyang umalis sapagkat mahal niya ang kanyang asawa't mga anak, gayon din ang kanyang amo 6 patutunayan niya ito sa harapan ng Diyos: dadalhin siya sa pintuan, sa tabi ng poste ng pinto at bubutasan ang isa niyang tainga. Sa gayon, magiging alipin siya habang buhay” (Exodo 21: 2-6).

Ito ay higit pa sa larawan ng pagpapahalaga ng Diyos sa mga alipin at mga lingkod. Sa uri at anino, maliwanag na naglalarawan ng alipin ng Panginoong Jesu-Cristo.

Si Cristo ang Panginoon sa bagay na ito, at tayo ang mga alipin na ang kalayaan ay nabili na. Ang krus ay siyang Sabado ng Diyos, ang taon ng pagpapalaya ng lahat ng mga bilanggo, mga bihag, mga alipin, at mga lingkod at at tayo na ipinagbili sa ilalim ng Batas ay pinalaya sa pamamagitan ng grasya!

Tayo ay pinalaya na mula sa kasalanan, gayunman ay alipin kay Cristo, sa lahat ng araw, sa sariling pagpapasiya.

Miyerkules, Marso 16, 2011

MABUHAY SA KANYANG PRESENSIYA

“At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya” (2 Corinto 3:18). Nagmimistula tayong kawangis ng ating inoobserbahan! Kung saan tayo nakatuon ay siyang humihikayat sa ating pamumuhay. Kung ano ang pinagmamasdan ng ating espirituwal na mata ay siyang humahawak sa atin—ito ang nangingibabaw sa atin! Pinili ni Pablo na walang ibang kinikilala maliban kay Cristo; Ang tagapagligtas ay siyang naging tanging pakay ng kanyang isipan, ng kanyang pangangaral, ng kanyang doktrina. “Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong walang sinumang kilalanin maliban kay Jesu-Cristo na ipinako sa krus” (1 Corinto 2:2). Itinuon niya ang kanyang mga mata sa Ulo ng katawan at hindi sa suliranin ng katawan.

Ang nais ng Diyos para sa atin ay mabihisan tayo ng presensiya ni Cristo. Gusto mo ba ng tagumpay laban sa kasalanan at kalayaan mula sa kapangyarihan ng kaaway? Kung ganoon ay manalangin ng taimtim para sa katalastasan ng presensiya ni cristo. Kung ikaw ay seryoso tungkol dito, tutunawin ka ng kanyang mga mata at dadalhin ka sa lugar ng pagsisisi.

Yaong katulad na mapagmahal na presensiya ng Panginoon ay siyang magiging pinakapuso at buhay ng iyong kaluluwa. Hindi mo nanaisin na umalis sa kanyang presensiya. Sasandal ka sa kanyang mga braso at lahat ng pangamba ay maglalaho, mapapalitan ng dalisay na kapayapaan at kapahingahan. Kaya mong harapin si Satanas na may bihis ng kapangyarihan ng kanyang presensiya. Ang Salita ng Diyos ay nangangako, “Ang magtatagumpay ay magdaramit ng puti, at hindi ko kailanman aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel” (Pahayag 3:5).

Ang simbahan ay patungo sa mga huling araw na bilang, “isang babaing na nadaramtan ng araw… (Pahayag 12:1). Ito ay si Cristo na nakasuot ng puti! Tayo ay nalagay kay Cristo at mga kapangyarihan.

Ito ay hindi naman masalimuot. Katunayan, ito ay maaring pagsamahin sa apat na salita: MANATILI KA KAY JESUS! Mamuhay sa kanyang presensiya at sa pamamagitan ng pananampalataya maupo ka sa tabi niya sa kalangitan. Masdan mo siya na nakatayo sa kanan ng Ama para sa iyo at walang anumang maaring makahadlang sa iyo, at katulad ni Stefan, mamasdan mo siyang nasa langit (tingnan ang Gawa 7:56).

Martes, Marso 15, 2011

ANG MAKAPANGYARIHANG KAMAY NG DIYOS

“Ang kanang kamay mo, Yahweh'y makapangyarihan, dinudurog nito ang mga kaaway” (Exodo 15:6).

Bagaman alam ng ilang Kristiyano na sila ay pinatawad na at ligtas, ay kulang pa sa kaisipan nila ang kapangyarihan laban sa laman. Hindi sila nakaabot sa kaalaman ng “ganap na kaligtasan” mula likas na kasalanan. Mga Kristiyano, sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang kamay ay pinuksa niya ang kapangyarihan ng kasalanan sa atin. Ang kasalanan ay namamahay pa rin, gunit hindi ito ang nasusunod!

“Iniligtas mula sa pagkaalipin sa pamamagitan ng kapangyarihan kanyang kamay.” Isa itong kamangha-manghang nakapagpapalakas-loob na pananalita sa mga panahong ito na puno ng sama ng loob at hindi kapanipaniwalang lakas na pagpapagal para makalaya sa kapangyarihan ng kasalanan. Gayunman tayo ay lubos pa ring sumasalungat na tanggapin at paniwalaan ang gawain ng kamay ng Diyos. Ito ay salungat sa ating kapalaluan, sa ating sariling paniniwala ng katarungan, sa ating sariling teolohiya, na tanggapin ang katotohanan na ang ating kalayaan mula sa kapangyarihan ng kasalanan ay nanggagaling sa kapangyarihan hindi sa atin. Ngunit tingnan ang ating halimbawa: ang mga Israelita ay humayo na sandatahan, ngunit ang lahat ng pakikipaglaban ay sa Panginoon. “At makikita ng lahat ng narito na makakapagligtas si Yahweh kahit walang tabak at sibat. Kay Yahweh ang labanang ito at ibinigay na niya kayo sa aming mga kamay" (1 Samuel 17:47).

Isinuguro ng dugo ang Israel sa banal na paghuhukom, ngunit ang mataas na kamay ng Diyos ay iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng laman. Naranasan nila ang katiwasayan at ito ay ipinagbunyi nila; ngayon kailangan nila ng kapangyarihan! Kapangyarihan na para tapusin na ngayon ang matanda ng kaaway, ang kapangyarihan na magkaroon ng sandata laban sa mga bagong kaaway na darating. Ang lakas ay nasa mataas at makapangyarihang kamay ng Panginoon.

Tayo ay binigyan ng mga dakila at mahalagang mga pangako na higit pa sa mga ibinigay sa Israel. Ipinangako ng Diyos na ililigtas tayo mula sa lahat ng masama at iuupo tayo sa kalangitan kay Jesu-Cristo, malaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan.

Ngunit kailangan muna nating kamuhian ang kasalanan—walang pakikipagkasundo, walang mga kompromiso. Alagaan mo ang iyong kasalanan, makipaglaro ka dito, hayaang ,manatili ito, tanggihang wasakin ito—at isang araw magbubunga ito ng isang pinakamasakit na bagay sa iyong buhay.

Do not pray about victory over the sins of the flesh until you have cultivated a hatred for them. God will have nothing to do with our excuses and appeasement. Are you enslaved by a secret sin that causes turmoil and anguish, both physically and spiritually? Do you hate it with a passion? Do you feel God’s holy wrath against it?

Huwag manalangin tungkol nsa tagumpay laban sa kasalanan ng laman hanggang hindi mo naitatanim na kamuhian ito. Hindi pakikialaman ng Diyos ang ating mga dahilan at pananahimik. Ikaw ba ay alipin ng isang lihim na kasalanan na naging sanhi ng kaguluhan ang paghihirap, maging espirituwal at pisikal? Kinamumuhian mo ba ito ng ganap? Nadarama mo ba ang banal na poot ng Diyos laban dito?

Lunes, Marso 14, 2011

LIGTAS SA PAGHUHUKOM

Ang dugo ni Cristo ay naglilinis ng mga kasalanan—ito ay ating pagtatakip sala. Ngunit una sa lahat, ito ang ating katiwasayan. Ito ang paraan ng Diyos para maisiguro sa kanyang sarili ang tao na handa na para sa pagpapalaya. Pakatandaan sa gabi ng Kapaskuhan ang mga Israelitas ay ligtas ngunit hindi pa malaya. Kailangan pa nilang harapin ang Pulang Dagat, ang ilang, ang pakikipagdigmaan sa mga dambuhala, mga nakaharang na mga pader, at kuta ng mga kaaway.

Ako ay kumbinsido na bago ako mapalaban sa mga kapangyarihang saklaw ng mga hari, bago ako makaiwas sa kahalayan at mga tukso (sa ating makabagong dambuhala), kailangang may kaalaman ako sa dugo na ako ay nakasisiguro! Bagaman ako ay hindi pa ganap na malaya, ako ay ligtas na sa paghuhukom. Ang mga kaaway sa laman ay nasa patutunguhan, ngunit tiniyak ng dugo na ako ay isang kawal na may katiwasayan.

Hindi mo kayang labanan ang mga dambuhala, pabagsakin ang mga kuta, o humaharap sa mga nakapananaig na katayuan maliban kung may kasiguruhan ng ganap na kaligtasan sa ilalim ng dugo. Kahit ano pa ang sabihin ng puso ko, kahit na gaano pa kabigat ang aking kasalanan na aking dinadala, kahit na ano pa ang naririnig kong mga bulong, kailangang alam ko, na walang anumang pagdududa, na ako ay ligtas! Hindi ako mapapasailalim sa paghuhukom, sapagkat ang dugo sa pintuan ng aking puso ay matiwasay sa kanyang paningin.

Palagi na lamang nating tinatanong ang ating katiwasayan. Kung ibabase natin ang ating katiwasayan sa ating pag-ibig sa kanya o sa ating sariling mabuting gawa, tayo ay higit na malalagay sa panganib kaysa doon sa mga lumabag sa Batas, dahil sa ilalim ng grasya ay mayroong higit na hinihingi. Kailangang kunin ng Diyos sa ating mga kamay ang katiwasayan nang sa gayon ito ay manindigan sa ganap na habag at grasya na galing sa kanya lamang. Hindi ang ating panata, o ating kabutihan—ngunit sa kanya lamang habag. Ang Pagsunod at panata ay bunga ng ating pag-ibig kay Cristo.

Hindi ang tinapay ang nakapagligtas sa mga anak ng Israel, kundi ang dugo. Walang isa mang Israelita ang “naglabas-pasok” sa katiwasayan dahil sa sariling kamalian. Silang lahat ay ligtas hanggang ang paghuhukom ay lumipas. Ang pagsunod ay kailangang ipahid ang dugo sa haligi ng pintuan. Tayo ay tinawag upang ikumpisal at manalig sa pagtubos ng kanyang dugo.

Hindi hinangad ng Diyos na ang kanyang mga anak ay mabuhay sa pangamba, na may pagkabalisa o pagkakasala. Naghanda siya ng kapahingahan para sa kanila, isang lubos, at ganap na katiwasayan ng dugo ng kanyang sariling minamahal na Anak. Sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, sinasabi ng Diyos sa Israel, “Ngayon na nakita ninyo na iniligtas ko kayo at inalis ang pangamba ninyo sa paghuhusga, hayaan ninyong iligtas ko kayo. Iniligtas ko kayo para gawin kayong banal.”

Ang hindi maaring baguhing katotohanan ay, wala nang maari pang idagdag pa sa dugo ni Cristo para gawin kayong matiwasay! Ganap na ikinubli tayo ng dugo, ginawa tayong katanggap-tanggap sa Diyos, at iniligtas tayo sa kanyang poot. Ipinahayag ni Apostol Pablo, “Kaya't sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, at tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos” (Roma 5:9).

Biyernes, Marso 11, 2011

NAGPAPASALAMAT KAMI SA MARAMI’T IBA-IBANG KAHABAGAN AT PAGMAMAHAL NG DIYOS

Ako’y dinala ng Espiritu Santo na sumulat sa inyo tungkol sa pagbubukas ng Diyos sa mga nakasarang pinto. Mayroon nagbabasa nito ay makapaghahambing agad dito, sapagkat humaharap ka sa isa o higit pang nakasarang mga pintuan. Nariyan, sa harap mismo ng iyong mukha, pintuang mistulang laging nakasara. Maaring ito ay malubhang suliranin sa pananalapi, at nanalangin ka na sana’y may pintuan ng oportunidad na bubukas. Gayunman, anumang subukan mo ay bigo; ang pintuan ay ayaw bumukas.

Hindi ko alam kung anong pintuan para sa iyo ang ayaw bumukas, ngunit sa nakararami ang parehong pintuan at bintana ng langit ay nakasara. Ang langit ay mistulang tanso at mistulang di mapapasok. Ang pintuang ito na tinutukoy ko ay ilang paksa, ilang kalalagayan, ilang pangangailangan na labis mong ipinanalangin. Maaring ito ay isang kagipitan na himala lamang ang magiging kalutasan. At hindi ka pa rin nakakatanggap ng kasagutan sa iyong patuloy na pananalangin at kahilingan sa Panginoon.

Sa Pahayag, tinukoy ni Cristo ang sarili niya bilang siya na MAY HAWAK NG SUSI NI DAVID, WALANG MAKAPAGSASARA NG ANUMANG BUKSAN NIYA (3:7). Ito ay nakapaloob sa liham na ipinadala niya sa mga mananampalataya sa lumang Piladelpia, isang iglesya na pinuri ng Panginoon sa paghawak nito sa kanyang salita ng pasensiya at di kailanman itinanggi ang kanyang pangalan. Sa madaling sabi, sa pinakamatindi nilang pagsubok, ang mga taong ito ay nanindigan ng tapat sa Salita ng Diyos. Hindi nila inakusahan ang Panginoon ng pagpapabaya sa kanila o nagbingibingihan sa kanilang mga daing.

Katunayan, si Satanas ay dumating sa kanila na puno ng kasinungalingan. Ang kanyang mga kampon at kapangyarihan ng kadiliman, sinungaling na espiritu ay bumuhos ng dumi ng impiyerno, sinabi na isinara na ng Diyos ang lahat ng pintuan, na siya ay hindi karapatdapat sa pagsamba at pananampalataya. Ngunit ang mga mananampalatayang ito, na siyang sinabi ni Jesus na mahina, ay patuloy na nagtitiwala, matiyagang naghihintay sa Diyos na buksan ang pintuan. Hawak niya ang bawat susi sa bawat pintuang nakasara – at siya lamang ang nagtatalaga sa harap natin para buksan ang pintuan.

Narito kung ano ang ipinangako ng Panginoon sa kanila at ito ay pangako rin para sa atin:

“Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiyaga, iingatan naman kita pagdating ng panahon ng pagsubok sa lahat ng tao sa buong sanlibutan” (3:10).

Ang oras na ito ng tukso ay nasa atin ngayon. Pinanghahawakan nito ang mga di kapani-paniwalang pagsubok ng pananampalataya na labis na dakila at labis na nag-aapoy at marami ay mahuhulog sa kawalan ng paniniwala. Katunayan, isang matinding pagbagsak mula sa matiyagang pananampalataya ay nasa sanlibutan ngayon. Ngunit ikaw – sapagkat patuloy kang nagtitiwala sa kanyang mga pangako, at handang mamatay sa pananampalataya kahit na hindi mo nakita na natupad ang mga pangako – ikaw ay ilalayo mula dito sa pangmalawakang pansalibutang tukso ng kawalan ng pananampalataya. Nadinig ng Diyos ang iyong mga daing, at alam niya ang tamang sandali, ang tamang oras, para buksan ang lahat ng pintuan. Kaya, huwag susuko. Huwag magdududa. Manindigan sa kanyang mga pangako. Hindi ka niya bibiguin.

Huwebes, Marso 10, 2011

PURIHIN ANG DIYOS SA KANYANG MAPAGMAHAL NA KAHABAGAN

Mayroon akong maiksing mensahe para doon sa mga dumadanas ng makirot, nakagagaping katayuan. Hindi ako nangungusap doon sa mga dumadanas ng kapahingahan mula sa paghihirap, sa mga wala sa anumang kagipitan o kalungkutan. Salamat sa Diyos sa mga panahong iyon ng tahimik na kapahingahan.

Sa halip, nakatanggap ako ng maraming liham mula sa mga minamahal na mga tagasunod ni Jesus na namumuhay na mayroong hindi kapani-paniwalang kalungkutan at panahon ng mga kagipitan: paghihiwalay, mga anak na nasa droga o nakabilanggo, namatayan ng asawa. Isang babae na lubos na may pag-ibig sa Panginoon ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng tatlo niyang anak, na namatay sa sunog. Isang pastor na nagdadalamhati para sa kanyang asawa, na iniwan siya at ang mga anak niya na ipinagpalit sila sa isang tomboy na mangingibig. Ito ay patuloy na nagpapatuloy, habang maraming makadiyos na mga tao ay may dalahing mga kalungkutan at kirot.

Mayroon akong mensahe sa inyo na nagdudusa ng kalungkutan, nagdadalamhati o nabubuhay sa kirot. Sa Awit 40, dumaing si David, “Kay rami na nitong mga suliranin na sa karamiha’y di kayang bilangin…sana’y iligtas mo ako, Panginoon! Ngayo’y gawin mo na ang iyong pagtulong” (Awit 40:12-13). “Silang lumalapit sa iyo’y dulutan ng ligaya’t galak na walang kapantay…Mahina man ako at wala nang lakas, ngunit sa isip mo’y di mo kinakatkat. O aking katulong at Tagapagligtas – Yahweh, aking Diyos, h’wag kang magluwat!” (Awit 40:16-17).

Labis akong pinagpala at inaliw sa isang linyang ito sa talatang 17: “Sa isip mo’y di mo kinakatkat.” Isipin mo ito. Ang Panginoong Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, ang Diyos ng sansinukuban, ay iniisip ang tungkol sa akin.

Maging sa ngayon, sa mga oras na ito, ang isipan niya ay tungkol sa iyo, sa sandali ng iyong pangangailangan.

Nang ang Israel ay nasa pagkakabihag sa Babilonya, nagluluksa sa pagkawala ng mga tahanan at mga kaanak, pinagtitiisang pagdadalamhati at kagipitan, nagbigay ng salita ang Diyos para sa kanila sa pamamagitan ni Jeremias: “Ako lamang ang nakaaalam ng mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap” (Jeremias 29:11). Sinabi ng Diyos sa kanyang mga tao, “Kung maganap na ito, kayo’y tatawag, lalapit at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. Ako’y hananapin ninyo’t masusumpungan kung buong puso ninyo akong hahanapin”

Hindi galit ang Diyos sa inyo. Banal na mga tao ay nagkakasakit, kaya’t huwag mag-alinlangan sa pananalig sa kanya. Sa panahon ng kagipitan at damdamin ng kalungkutan at pagdadalamhati, magtungo sa pananalangin. Ibuhos ang puso mo sa Panginoon. Iniisip ka niya – at siya ay kumikilos para sa iyo.

Miyerkules, Marso 9, 2011

ANG PAG-IBIG NG DIYOS SA KANYANG MGA TAO AY HINDI KAILANMAN MABIBIGO

Habang binabasa ko ang Awit 13, ako’y napukaw na magpadala sa inyo ng ilang salita ng pagpapasigla na aking namalayan dito sa pinagpalang kabanatang ito.

Isinulat ni David ang mga salitang nakapalaman sa Awit na ito. Itinanong niya, “Gaano katagal mo akong lilimutin, Panginoon? Gaano mo katagal itatago ang iyong mukha sa akin? Gaano katagal akong magdadala ng kalungkutan sa aking puso araw-araw? Gaano katagal makapagmamataas ang kaaway sa akin?

May tunog itong na parang nadama ni David na tuluyan na siyang iniwan ng Diyos para magdusa, na gumising bawat araw na may kalungkutang bumabalot sa kanya. Sa isang panahon, nagsalita si David ng kawalan ng pag-asa: “Diyos ko, ang damdamin bang ito ng pag-iisa ay mananatili habang-buhay? Kailan sasagutin ang aking mga dalangin?

Kapag ang kaguluhan ay dumating sa atin kahit na alam natin na iniibig natin ang Panginoon – kapag ang kaligtasan ay mistulang malayo at wala ng pag-asa – tayo ay nanghihina dala ng kabigatan. Sa mga sandaling ito, mayroong nakababasa ng mga salitang ito na nanghihina sa ilalim ng matinding kabigatan sa isang kalagayan na mukhang wala ng kalutasan. Sila ay nasa bingit ng kawalan ng pag-asa, umaasa na ang paghupa ay darating lamang kung magkakaroon ng pahinga sa kanilang mga pagsubok.

Sa gitna ng sarili niyang pagsubok, nagtanong si David, “Gaano pa katagal akong tatanggap ng payo sa aking espiritu?” Naghanda siya ng balakin kada balakin, nagsusumikap na umisip ng paraan para makaiwas sa kanyang kagipitan – ngunit ang lahat ng kanyang balak, lahat ng pinaghandaan ay nabigo. Ngayon wala na siyang maisip pa, wala ng iba pang paraan. Siya ay nasa katapusan na ng lahat.

Gaano kasakit na makita ang isang munting pag-asa, kahit kaunting sikat ng araw, ngunit ang kawalan ng pag-asa ay muling dumating. Ilagay sa isipan, na ang lahat ng ito ay nangyayari sa makaDiyos na tao, sa isang malapit sa puso ng Diyos. Si David ay isang lalaki na nagpatotoo na mayroon siyang dakilang pananalig sa Panginoon. Gayunman, katulad natin, si David ay dumaan sa panahon ng kagipitan, katulad ng ipinahayag niya dito sa Awit.

Paano nakaahon si David dito sa balon ng kawalan ng pag-asa? “Magtitiwala ako sa iyong kahabagan… ako’y aawit.”

Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang mga dahilan para manatiling nagtitiwala sa panahon ng inyong pangkasalukuyang mga pagsubok:

• Gaano man magngalit ang bagyo, ang ating pinagpipitagang Panginoon ay patuloy na magpapakain sa mga ibon, dadamitan ang mga bulaklak ng kabukiran, at magtutustos sa karagatan ng puno ng mga isda sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. “Ang iyong Amang nasa langit ay nagpakain sa kanila…” Walang ibong babagsak sa lupa na hindi nakikita ng Ama.

• Anong uri ng Ama ang magpapakain sa lahat ng nilalang sa lupa at pagkatapos ay pababayaan ang kanyang mga anak? Hinikayat tayo sa mabuti ni Jesus para “huwag bigyan ng pansin” ang mga pang-araw-araw na pangangailangan at suliranin, “sapagkat inaalala ka niya.”

Tunay, na iniibig kayo ni Jesus, at hindi siya magbibingi-bingihan sa iyong mga daing. Panghawakan ang kanyang mga pangako. Magpatul;oy sa pananalig. Manatiling naghihintay sa kanya. Hindi ka niya pababayaan.

Martes, Marso 8, 2011

ITINATAAS NATIN ANG PANGALAN NI JESU-CRISTO NA ATING PANGINOON!

Ang sinumang nagbabasa nito ay nangangailangan ng hipo mula kay Jesus. Nang mangaral ang Panginoon dito sa sanlibutan, siya ay nagpagaling at nagpanumbalik ng mga may karamdaman sa pamamagitan lamang ng paghipo sa kanila. Nang hinipo ni Jesus ang ina ni Pedro, “nawala ang lagnat niya.” Hinipo niya ang kabaong ng isang patay na bata, at ang batang lalaki ay nabuhay. Hinipo niya ang mga mata ng mga taong bulag, at sila ay nakakita. Hinipo niya ang tainga ng isang bingi, ay karaka’y siya ay nakarinig. Dinala ng mga magulang ang kanilang mga anak kay Jesus “para hipuin niya.” Ang banayad na paghipo niya ay napagbago ang lahat. Maraming nagdala ng kanilang mga may sakit at mahihina, at si Jesus ay nagbigay ng panahon para maabot at mahipo silang lahat, pagalingin sila.

Kung tunay mong kilala ang Panginoon ng malapitan, nalaman mo na at nadama ang hipo ng kamay ni Jesus. Sa panahon ng kalungkutan, panahon ng kawalan ng pag-asa, sa panahon ng kaltuhan, panahon ng makirot at walang kasiguruhan, tumangis ka sa kaibuturuan ng iyong espiritu: “Panginoong Jesus, kailangang ko ang hipo mo. Kailangan kong madama ang iyong presensiya. Halika, Jesus, at hipuin mo ang nauuhaw kong espiritu.”

Ang ilan ay nangangailangan ng hipo ni Jesus sa kanilang kaisipan. Dumating si Satanas dala ang kanyang makasalanang hukbo para manggulo at pahirapan ang mga kaisipan ng mga isiping makasalanan – hindi naniniwalang kaisipan, hindi makaCristong pag-iisip, takot na kaisipan, kaisipang walang karapatan, kaisipang hindi nakalulugod sa Diyos. Ang mga tapat na mananampalataya ay magsasabi sa iyo na naranasan nila ang ganitong paglusob sa kanilang mga kaisipan. Si Satanas ay tahasang wawasakin ang ating pananampalataya at pag-asa sa Panginoon.

Sa Kasulatan, ang hipo ni Jesus ay dumating bilang kasagutan sa isang pagtangis. Walang pagpapatunay na kanyang binalewala o tinanggihan ang ganitong tangis. At hindi siya tatalikod sa iyong pagtangis, kundi may habag na tutugon sa iyong pangangailangan. Sa Mateo 8 nabasa nating ang isang may ketong na lumapit sa kanya, nagsasabi na, “Panginoon kung loloobin mo, maari mo akong pagalingin.” Iniabot ni Jesus ang kanyang kamay, sinasabing, “Gagawin ko; gagaling ka. At karaka’y nalinis ang kanyang ketong.”

Humanap ng isang lugar para kay Jesus ngayon, at sabihin sa kanya ang sinabi ng may ketong sa kanya: “Panginoon, kung loloobin mo, linisin mo ako.” At umasa na hihipuin ka niya at pagagalingin ka, sa isipan, sa katawan, sa espiritu. Ang kamay ng Panginoon ay iniaabot sa iyo, ngunit hinihintay niya ang tangis ng pangangailangan, tangis ng paghingi ng tulong na siya ring tangis ng umaasa.

“Hindi mabuti ang ginawang pakikitungo sa amin ng mga Egipcio. Pinahirapn nila kami at inalipin. Kaya, dumulog kami sa inyo Yahweh, Diyos ng aming mga ninuno. At dininig ninyo kami. Nakita ninyo ang aming pagdurusa, ang kahirapan at kaapihang dinaranas. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, ng mga kakilakilabot na gawa at mga kababalaghan, inalis ninyo kami sa Egipto” (Deuteronomo 26:6-9).

Lunes, Marso 7, 2011

ISANG PANGAKONG KASING-TIBAY NG BAKAL

Binigyan tayo ng Diyos na isang matibay na pangako para sa buhay natin dito sa sanlibutan. Sinabi niya na kapag ang ating kaaway ay sinubukang yapakan tayo, “Kaya’t darating ang araw na malalaman ninyong ako ang Diyos na nagsalita sa inyo” (Isaias 52:6). Sa ibang salita, sinabi ng Diyos, “Kapag kayo’y nasa pinakamadilim na pagsubok, darating ako at may sasabihin sa inyo. Maririnig ninyong sinasabing, ‘Ako ito, si Jesus, ang inyong tagapagligtas. Huwag kayong matakot.”

Sa Mateo 14, ang mga alagad ay nasa bangka na nasa gitna ng malakas na bagyo, sinisiklut-siklot ng malalakas na hangin at alon. Kaginsa-ginsay, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig palapit sa kanila. Sinabi ng Kasulatan, “Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. ‘Multo! ang sigaw nila’” (Mateo 14:26). Ano ang ginawa ni Jesus sa nakatatakot na sandaling yaon? “Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, ‘ Huwag kayong matakot; si Jesus ito’” (14:27, aking italika).

Nagtaka ako bakit ito ang mga salitang ginamit ni Jesus, “Magsaya kayo.” Bakit niya sasabihin ito sa mga alagad na iniisip na malapit na silang mamatay?

Ang salitang magsaya ay nangangahulugan ng “makahinga ng maluwag, masaya, nakaalpas mula sa takot.” At dito, sa mga sandali ng pagkabagabag ng mga alagad, itinali ni Jesus ang mga salita sa kanyang katauhan. Tandaan, ang mga lalaking ito na kilala siyang personal. At inaasahan niyang kikilos sa kanyang mga salita na may pananampalataya. Sinasabi niya, “Kaya’t darating ang araw na malalaman ninyong ako ang Diyos na nagsalita sa inyo” (Isaias 52:6, aking italika). Ngayon ako ay dumating sa inyo sa sandali ng inyong kagipitan. Ako ito,si Jesus, narito ako sa gitna ng lahat ng ito. Kaya, magsaya kayo.” Kahalintulad, ang ating Tagapagligtas ay umaasa sa katulad na reaksyon na may pananampalataya mula sa atin; sa sandali ng ating kapighatian.

Biyernes, Marso 4, 2011

GANAP NA UMAASA SA KANYA

Palaging ninanais ng Diyos ang mga tao na maglalakad na lubusang nagtitiwala sa kanya sa harapan ng paningin ng sanlibutan. Iyan ang dahilan kung bakit niya pinili ang isang di mahalagang bansang Israel at inihiwalay sa ilang. Inilalagay niya ang mga ito sa paaralan ng pagsubok, para makapagbunga ng mga tao na magtitiwala sa kanya anuman ang kalagayan nila. Nais niyang magpatotoo ang Israel, “Malalampasan ko kahit anong pagsubok, kahit anong kagipitan, maging yaong higit sa kakayanan ko. Paano? Alam ko na ang Diyos ko ay kasama ko sa bawat pagsubok. Palagi niya akong ililigtas sa mga ito.”

Isaalang-alang ang pahayag ni Moises sa Israel: “…ginutom niya kayo bago binigyan ng manna” (Deutoronomio 8:3). Sinasabi ng Panginoon sa kanila; “Inayos ko ang iyong pagsubok. Hindi ng diyablo. Ako ang may hawak ng lahat ng tinapay at karne na kailangan mo sa buong panahong iyon. At ako ay nakahanda na ibagsak ito mula sa langit anumang sandali. Ang lahat ng ito ay nakatago, naghihintay sa iyo na tanggapin mo ito . Ngunit pinigilan ko itong pansamantala. At ginawa ko ito sa isang panahon. Hinihintay ko na dumating ka sa katapusan ng lahat ng iyong pagtitiwala sa sarili. Nais kong dalhin ka sa isang punto ng iyong kagipitan, na kung saan ay ako lamang ang makapagliligtas sa iyo. Hinayaan ko na maranasan mo ang dulo ng iyong kagipitan, isang kalagayan ng kahinaan ng isang tao. At nangangailangan ito ng himala ng kaligtasan mula sa akin.”

Ngayon, ang Panginoon ay naghahanap pa rin ng mga tao na lubusang magtitiwala sa kanya. Nais niya ng isang iglesya na magpapatotoo sa salita at gawa na ang Diyos ay ang pinakamakapangyarihan para sa kanila. Nais niya na ang hindi ligtas na sanlibutan na makita na siya ay makapangyarihang kumikilos para doon sa mga umiibig sa kanya.

Ipinahayag ni Job, “Ngunit batid ng Diyos ang aking bawat hakbang; kahit na subukin n’ya, ako’y parang gintong lantay” (Job 23:10). Narito ang isang di-kapani-panilwalang pahayag, lalo na kung isasa-alang-alang ang kahulugan ng tinutukoy ni Job.

Si Job ay nagdusa ng pinakamatinding pagsubok na di makakayanan ng isang pangkaraniwang tao lamang. Nawala ang kanyang mga anak sa isang kahila-hilakbot na sakuna, at pagkatapos ay nawala ang kanyang kayamanan at mga ari-arian. Sa huli ay nawala ang kanyang malusog na pangangatawan. At ang lahat ng ito ay nangyari sa maiksing panahon lamang, na ang mga ito ay lubusang nakapuksa.

Gayunman, inilagay ng Diyos si Job sa kanyang daraanan. At ang Panginoon lamang ang nakaaalam kung saan ito patutungo. Ito ay isang binalak na banal na sinadya na maging si Satanas ay pinayagan ng Diyos na lalo pang palubhain ang kalagayan ni Job. Iyan ang dahilan kung bakit hindi nakita ni Job ang Diyos sa mga pangyayaring ito: “Sa dakong silangan, hindi siya matagpuan; wala rin siya sa gawing kanluran. Di ko rin makita sa dakong hilagaan, sa bandang timog wala ni bakas man. Ngunit batid ng Diyos ang aking bawat hakbang; kahit na subukin n’ya, ako’y parang gintong lantay” (Job 23:8-10).

Sinasabi ni Job, :”Alam ko na batid ng Diyos ang lahat ng aking pinagtitiisan. At alam niya ang daan palabas sa lahat ng ito. Ang Panginoon ko ay sinusubok ako ngayon. At nagtitiwala ako na ililigtas na may matatag na pananalig. Lalabas akong napurga at nalinis, na may pananampalataya na mamahalin na katulad ng ginto.”

Huwebes, Marso 3, 2011

LAKAS PARA SA PAGLALAKBAY

Walang sinuman ang maaring maglagay sa iyo sa ministeryo. Maaring bigyan ka ng diploma mula sa seminaryo, ordinahin ng isang Obispo, o italaga ng isang denominasyon. Ngunit ipinahayag ni apostol Pablo na ang tanging pinanggagalingan ng anumang tunay na tawag para sa isang ministeryo: “Nagpapasalamat ako kay Cristo Jesus na ating Panginoon, na nagbigay sa akin ng lakas para sa gawaing ito, sapagkat ako’y minarapat niya at hinirang na maging lingkod” (1 Timoteo 1:12).

Ano ang ibig sabihin ni Pablo dito nang sinabi niya na siya ay minarapat niya at hinirang bilang isang tapat? Muling isipin ang pagbabago noon ng apostol. Tatlong araw pagkatapos mangyari yaon, inilagay ni Cristo si Pablo sa ministeryo---lalo na, sa ministeryo ng pagdurusa: “At ipaaalam ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin” (Gawa 9:16). Ito ang mismong ministeryo na siyang tinutukoy nang sinabi niya “Dahil sa habag ng Diyos, hinirang niya ako para sa gawaing ito kaya naman malakas ang aking loob” (2 Corinto 4:1). Tinutukoy niya ang ministeryo ng pagdurusa. At niliwanag niya na ito ang miniseryo na lahat tayo ay mayroon.

Sinasabi ni Pablo na binigyan siya ni Jesus ng pangako para sa ministeryong ito. Ipinangako ni Cristo na mananatili siyang tapat sa kanya at makakayanan niya ang lahat ng kanyang pagsubok. Ang salitang Griyego para sa minarapat ay nagangahulugan na “patuloy na bibigyan ng lakas.” Ipinahayag ni Pablo, “Ipinangako ni Jesus na bibigyan ako ng sapat na lakas para sa paglalakbay. Minarapat niya akong manatiling tapat sa ministeryong ito. Dahil sa kanya, hindi ako mahihimatay o bibigay. Aahon ako na may patotoo.”

Isang pagbabagong-anyo ang nangyayari ngayon sa ating mga buhay. Ang katotohanan ay, binabago tayo ng kung ano ang pinagkakaabalahan natin. Tayo ang nagiging katulad ng bagay na siyang laman ng ating mga isipan. Ang ating katauhan ay nahihikayat at binubunggo ng kung anuman ang may hawak sa ating mga puso.

Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa lahat ng naglalagay sa isipan at espiritu nila ng mga espirituwal na mga bagay. Ang mga ganitong mga lingkod ay ipinako ang kanilang mga mata sa mga bagay na dalisay at banal. Ipinako nila ang kanilang tingin kay Cristo, gumugugol ng makabuluhang sandali na sumasamba sa kanya at pinatatatag ang sarili nila sa pananamapalataya. Ang Espiritu Santo ay kumikilos sa mga banal na ito, patuloy na binabago ang katauhan nila kay Cristo. Ang mga mananampalatayang ito ay magiging handa para sa mga mahihirap, sumasabog na pagdurusang darating. Ang mga may pagka-batugan, katamaran, mga hindi nananalanging mananampalataya ay magdurusa ng sakit sa puso o mahihimatay. Dudurugin sila ng kanilang mga luha, sapagkat wala ang Espiritu Santo na kumikilos sa kanila, pinagbabagong-anyo sila. Kapag dumating ang taghirap na panahon, hindi nila makakayanan ito.

Narito ang panghuling pahayag ni Pablo sa paksang ito: “Iniiwasan kong makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aking paglilingkod. Sa halip, ipinakikilala ko sa lahat ng paraan na ako’y lingkod ng Diyos: sa pagtitiis ng kahirapan, kapighatian, at mga kagipitan. Ako’y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan ko ang magtrabaho nang labis, ang di matulog magdamag, ang di kumain ilang araw…Inaring hapis na hapis, gayunma’y laging nagagalak; mukhang mahirap, ngunit nagpapayaman sa marami; waring walang-wala, ngunit akin ang lahat ng bagay” (2 Corinto 6:3-5,10). Paano natin pinayayaman ang marami? Sa pamamagitan ng pagliliwanag sa pag-asa kay Cristo sa gitna ng ating mga pagdurusa. Inaalok natin ang tunay na yaman kapag may humingi nito sa atin, “Ano ang kanyang lihim? Saan niya nakukuha ang ganoong uri ng kapayapaan?”

Miyerkules, Marso 2, 2011

KASIYAHANG-LOOB

Ang kasiyahang-loob ay isang malaking pagsubok sa buhay ni Saulo. Sa huli, sinabi sa kanya ng Panginoon na gagamitin siya ng lubusan: “Pumaroon ka! Sapagkat hinirang ko siya upang ipakilala ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel” (Gawa 9:15). Nang unang matanggap ni Saulo ang utos na ito, “Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral tungkol kay Jesus” (9:20).

Si Saulo ay hindi nagmamadali na makitang ang lahat ay natupad niya sa kanyang buong buhay. Alam niya na mayroon siyang di-mababaling pangako mula sa Diyos, habang pinanghahawakan niya ito. At sa kasalukuyang sandali, Masaya na siyang makapangaral nasaan man siya: nangangaral sa bantay sa bilangguan, sa mga manlalayag, sa ilang mga kababaihan sa tabi ng ilog. Ang lalaking ito ay may tungkuling pansalibutan, gayunman siya ay tapat na magpatotoo ng paisa-isa.

O si Saulo ay naninibugho sa mga nakababatang lalaki na dinadaan-daanan lamang siya. Habang sila ay naglalakbay sa sanlibutan para mahimok ang mga Hudyo at mga Hentil para kay Cristo, si Saulo ay naupo sa bilangguan. Kailangan niyang makinig sa mga ulat tungkol sa maraming tao na napagbago ng mga lalaking nakatunggali niya tungkol sa mabuting balita ng grasya. Gayunman, hindi kinainggitan ni Pablo ang mga lalaking iyon. Sapagkat alam niya na ang taong sumuko kay Cristo ay alam kung paano magpakababa pati na ang managana: “Kung sabagay, malaki nga ang mapapakinabang sa relihiyon kung ang tao’y marunong masiyahan…kaya dapat na tayong masiyahan kung tayo’y may kinakain at dinaramit” (1 Timoteo 6:6-8).

And sanlibutan ngayon ay maaring sabihin kay Saulo, “Ikaw ay nasa dulo na ng pamumuhay mo ngayon. Gayunman wala kang naipon, walang mga pamumuhunan. Ang mayroon ka lamang ay pampalit ng damit.” Alam ko kung ano ang maaring isagot ni Saulo: “Oo nga, ngunit nakamit ko si Cristo. Sasabihin ko sa iyo, ako ang nagwagi. Natagpuan ko ang perlas ng dakilang premyo. Ibinigay sa akin ni Cristo ang kapangyarihan na iwan ang lahat, at humayong mag-isa. At iniwan ko ang lahat, at ngayon may koronang naghihintay sa akin. Isa lamang ang hangarin ko sa buhay na ito: ang makita ang Jesus ko,ng harapan. Ang lahat ng pagdurusa ng panahon ngayon ay hindi maaring ihambing sa kagalakang naghihintay sa akin.”

Martes, Marso 1, 2011

ANG DAAN PATUNGO SA PAGSUKO

Sinisimulan ng Diyos ang pamamaraan ng pagsuko sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa atin mula sa matayog nating kinalalagyan. Ito ang mistulang nangyari kay Saulo. Siya ay nasa kanyang sinusunod na sariling pamamaraan, nakasakay patungo sa Damascus, nang may nakabubulag na liwanag ang nanggaling sa langit. Si Saulo ay nasapasubasob sa lupa, nanginginig. At pagkatapos ay may tinig na nanggaling mula sa langit sinasabing, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” (Gawa 9:4).

Alam ni Saulo na may nawawala sa kanyang buhay. Mayroon siyang kaalaman tungkol sa Diyos, ngunit walang nangungunang pahayag. Ngayon nakaluhod, narinig niya ang tinig na ito mula sa langit: “Ako si Jesus, ang iyong inuusig” (9:5). Ang mga salitang iyon ang nagpabaliktad sa mundo ni Saulo. Sinabi ng Kasulatan, “Tumindig ka’t pumasok sa lunsod. Sasabihin sa iyo roon kung ano ang dapat mong gawin” (9:6). Ang pagbabagong-loob ni Saulo ay isang madamdaming gawain ng Espiritu Santo.

Si Saulo ay inakay ng Espiritu Santo sa pagsuko ng buhay. Itinanong niya, “Panginoon, ano ang nais mong gawin ko? At ang kanyang puso ay tumatangis, “Jesus, paano kita mapaglilingkuran? Paano kita makikilala at malulugod? Wala nang ibang makabuluhan pa. Lahat ng ginawa ko sa buhay ko ay isang dumi ng hayop. Ikaw na ang lahat sa akin ngayon.

Wala nang ibang ambisyon pa si Saulo, wala nang ibang nagtutulak sa buhay niya, ng higit pa dito: “Makamtam ko lamang si Cristo” (Filipos 3:8). Sa panahon ngayon ng pamantayan ng tagumpay, si Saulo ay ganap na bigo. Hindi siya gumawa ng mga gusali. Wala siyang organisasyon. At ang pamamaraan na ginawa niya ay kinamuhian ng ibang mga pinuno. Katunayan, ang mensahe na ipinangaral niya ay hindi nagustuhan ng maraming nakikinig sa kanya. Minsan siya ay pinamato habang nangangaral. Ang kanyang paksa? Ang krus.

Kapag tayo ay humarap sa Diyos sa paghahatol, hindi tayo hahatulan ng ating mga ministeryo, mga nagawa o sa dami ng bilang ng ating mga napagbago. Mayroong isa lamang pamantayan ng tagumpay sa araw na iyon: Ang ating bang mga puso ay lubusang isinuko sa Diyos? Binitiwan ba natin ang ating sariling kagustuhan at mga balakin at tinanggap ang kanya? Tayo ba’y sumuko dahilan sa tayo ay napilitan at sumama lamang sa marami, o tayo ba’y naghanap sa kanya na mag-isa para sa kanyang gabay? Tayo ba’y sumali sa maraming pagpupulong para hanapin ang layunin sa ating mga buhay, o natagpuan ba natin ang kaganapan sa kanya?

Mayroon akong tanging hangarin at iyon ay ang patuloy na matutunan lamang ang mga ibinibigay ng Ama sa akin? Walang anumang sasabihin ko o gagawin para sa sarili ko ay may kabuluhan. Nais kong makamit, “Alam ko na ang aking Ama ay kasama ko, sapagkat sinusunod ko lamang ang kanyang kalooban.”