Lunes, Enero 31, 2011

PUTULIN NINYO ANG MGA ITO

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo, “Kung ang kamay o paa mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang putol ang isang kamay o paa kaysa may dalawang kamay o dalawang paa kang itapon naman sa impiyerno” (Mateo 18:8).

Sinimulan ni Jesus ang pangungusap na ito sa pamamagitan ng salitang Sa anong dahilan, ang kahulugan, “nang dahil dito.” Itinatali niya ang kanyang salaysay sa buong susi ng kahulugan ng aralin na siya niyang itinuturo tungkol sa paghahalo ng gawain at ng krus. Kaya, kapag sinabi niya rito, “Kung ang iyong kamay o paa o mata ay nagkasala,” nangungusap siya tungkol sa mga kasalanan na dala ng krus sa laman.

Nang sinabi ni Jesus, “Itapon ito—putulin ito,” nangungusap siya una sa mga tagapakinig na Hudyo tungkol sa kanilang tiwala sa kanilang mga mabubuting gawa. Ang kamay, paa at mata ay kumakatawan lahat sa laman—gamit ng kalayaan, na kung saan ang tao ay kumikilos ayon sa kanyang sariling pamamaraan, umaasa sa sariling kakayahan at pagsusumikap ng tao para alisin ang mga pagkakagapos sa mga kasalanan. Sinasabi ni Cristo sa ganitong tao, “Ang mga mata mo ay nakatingin sa mga maling bagay. Nakatingin ka sa iyong sariling kakayahan at lakas. Kung ganoon, dukutin mo ang iyong mga mata. Kailangan mong alisin sa iyong katawan, isip at puso ang lahat ng makasalanang pag-iisip. Iwaksi ang mga ito, putulin ang mga ito. Putulin ang lahat ng pag-asa ng pag-aalay sa Diyos ng kahit ano na sariling pagsisikap o kabutihan. Ang kasabikan sa laman at kasalanan ay kailangang putulin—ngunit hindi sa pamamagitan ng iyong kamay. Ito ay gawain ng Espiritu.

“At tumakbo ka lamang sa aking mga bisig. Magpakumbaba ka na katulad ng bata sa pamamagitan ng pagyakap sa aking tagumpay sa krus. Pumasok sa buhay ng ganap na pagdedebosyon at pagtitiwala sa akin. Dahil sa aking ginawa sa Kalbaryo, hindi mo na hawak ang sarili mo. Binili na kita. Ang Espiritu ko ay tutuparin ang aking kahilingan para sa kabanalan mo.”

Biyernes, Enero 28, 2011

MAARI AKONG MAKIPAG-USAP SA IYO…MALIBAN KUNG!

Nakalulungkot, maraming mga Kristiyano ay hindi kilala ang tinig ng Diyos. Mayroon ilan na buwan na ang lumipas, maging mga taon na, na hindi pa rin nakatatanggap ng malapit na salita ni Yahweh sa kanilang kaloob-looban. Ang Diyos ay nangusap sa kanila minsan. Ngunit sa mga lumipas na mga taon, natutunan nilang patahimikin ang kanyang tinig sa kanilang mga puso. Ang iba ay nagbago sa dahilan ng maraming kalokohan sa mga naniniwala na ang bawat tinig na biglang lalabas sa kanilang isipan ay banal. Ang mga taong ito ay ipinagyayabang, “Sinabi ng Diyos sa akin—gayunman ang “salita” na narinig nila ay ang kanilang sakim na laman ang nagsasalita!”

Kung nais ninyong makilala at marinig ang tinig ng Diyos sa mga araw na parating, maging handa na marinig siyang nangungusap ng paglilinis bago siya mangusap ng patutunguhan. Maramimg Kristiyano ay gustong sabihin sa kanila ng Diyos na sabihin sa kanila kung paano panghahawakan ang kanilang mga kinita, paano tutustusan ang kanilang mga pamilya, paano nila pananatilihin ang kanilang mga negosyo o karera na matatag. Ngunit ang katotohanan ay, bago tayo bigyan ng Diyos ng direksyon sa mga bagay na ito ay, mangungusap muna siya tungkol sa kanyang mga ipinag-uutos.

“Ito ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo” (Juan 15:17). Una munang mangungusap ang Diyos sa inyo tungkol sa inyong mga ikinikilos sa inyong tahanan kasama ang inyong asawa at mga anak—tungkol sa inyong pagiging madaling magalit, ang inyong mga kinikimkim na sama ng loob, ang inyong ayaw na magpatawad na espiritu. Tutukuyin niya ang bawat nakatagong, lihim na bagay sa inyong mga buhay—at may pagmamahal na sasabihin sa inyo, “Gusto kong maging tagapayo mo, iyong manananggol, iyong gabay, iyong tagakupkop, iyong tagapagtustos. Nais kong maglakad kasama mo sa bawat pagsubok at kahirapan. AT nais kong bigyan, pagpalain at kupkupin ko kayo sa pamamagitan ng aking Espiritu. Ngunit una, kailangang maging tapat muna kayo sa akin tungkol sa mga nakatagong diyus-diyusan sa inyong mga puso. Sa mga sandaling ito pinanghahawakan pa rin ninyo ang mga ito—ngunit kailangang iwaksi na ninyo ito! Hindi tayo maaring maglakad magkasama hanggang hindi tayo nagkakasundo sa mga bagay na ito sa inyong mga puso!”

Huwebes, Enero 27, 2011

KILALANIN ANG TINIG NG DIYOS

Gusto ng Diyos na malaman natin na kahit gaano kabigat ang dumating sa atin, ay pananatilihin niya ang lahat na nananalig sa kanya—sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang mahinahon, maliit na tinig, na nagungusap sa ating kalooban araw-araw.

Ito ay pinagtibay ng propetang Isaias: “Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang inyong daranan” (Isaias 30:21). Kailangang maunawaan ninyo na ibinigay ni Isaias ang salitang ito sa pinakagipit na panahon. Ang bansa ay nasa paghuhukom, lubos na wasak, na ang lahat ay nagigiba na. At kaya sinabi ni Isaias sa mga pinuno ng Israel, “Lumapit kayo kay Yahweh ngayon! Gusto niya kayong bigyan ng gabay ng patutunguhan—para mangusap sa inyo, sinasabing, ‘Pumunta sa daang ito, sa daang iyon, narito ang daan…’” Ngunit ayaw nilang makinig. Napagpasiyahan nilang lumapit sa Egipto para mailigtas sila! Akala nila ay maari nilang asahan ang mga karosa, mga kabayo at mga panustos ng Egipto para makaligtas sila.

Gayunaman, hindi ipinadala ng Diyos ang lahat ng kanyang hatol sa Israel sa puntong iyon. Sa halip, nagpasiya siyang maghintay hanggang ang pinakailalim ay mahulog sa labas ng plano. Sinabi niya, “Ngunit ang Diyos ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan Diyos na makatarungan itong si Yahweh, mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya!” (t.18). Kinalabasan, lahat ay nabigo, at ang mga bagay ay lalo lamang lumala para sa bansa. Sa huli, nang ang lahat ng balak nila ay nawalan ng saysay, sinabi ng Diyos sa mga tao niya, “Ngayon hayaan ninyong ako na ang bahala! Buksan ninyo ang inyong mga tainga, at ako ay mangungusap sa inyo. ALam ko ang daan ng kaligtasan, at pangungunahan ko kayo. Gusto kong gabayan ang bawat hakbang ninyo, sa kanan, sa kaliwa, para iligtas kayo. Gagabayan ko kayo sa pamamgitan ng tinig ko—mangungusap sa inyo, sasabihin sa inyo ang gagawin ninyo, hanggang sa pinakahuling detalye!”

Ang mahalaga—ang pinaka-importante—ay ang makilala ninyo ang tinig ng Diyos. Siya ay nananatiling nangungusap. Niliwanag niya, “Kilala ng mga tupa ko ang aking tinig.” Maraming tinig ngayon sa sanlibutan—malakas, nag-uutos na tinig. Ngunit nadoon pa rin ang mahinahon, maliit na tinig ni Yahweh na maaring makilala at marinig ng lahat na nagtitiwala sa sasabihin ni Jesus.

Miyerkules, Enero 26, 2011

SINO ANG NAKAISIP NG GANITONG BALAK NG PANANATILING BUHAY

“Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Elias: Umalis ka rito at magtago sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan” (1 Hari 17:2-3).

Habang si Elias ay nakatingin sa parating na kagipitan, ang mga bagay ay nagmukhang wala ng pag-asa para sa kanya. Ngunit ang Diyos ay may tiyak na plano ng pananatiling buhay sa kanyang isipan para sa kanyang tapat na lingkod. Inutusan niya ang propeta, “Pumunta sa silangan ng Jordan at matatagpuan mo ang Carit, isang maliit na batis na umaagos. Makukuha mo ang lahat ng tubig na maiinom na kakailanganin mo mula sa batis na iyon. Dagdag pa, naisaayos ko na ang pagkain na dadalhin sa iyo araw-araw, ng aking tagapagdala na mga uwak!”

Paanong mayroon tao, sa milyong taon, ay makakaisip ng ganitog uri ng pananatiling buhay? Paanong maiisip ni Elias na siya ay papupuntahin sa isang nakatagong batis para makatagpo ng maiinom na tubig, na kung saan ay wala kang makikita kundi puro tuyo kahit saang bahagi ng lupang iyon? Paano niya maiisip na dadalhan siya ng tinapay araw-araw ng mga uwak na siyang kumakain ng kahit anong matikman ng tuka nila?

Sa huli, naging mahirap ang mga oras para kay Elias, sapagkat ang batis ay natuyo na. Ngunit ang Diyos ay muling kumilos, nagbigay sa propeta ng panibagong patutunguhan. Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh, “Umalis ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang balo na magpapakain sa iyo roon” (t.9). Muli, itinanong ko—paano maiisip ninuman na mayroong isang balo, sa gitna ng kagipitan, ay makapagpapakain ng isang lalaki ng maraming araw, linggo, at mga buwan? Ngunit ang katunayan ay, ginagamit ng Diyos ang pinakahamak, walang kawawaang mga bagay ng sanlibutang ito para sa kanyang kaluwalhatian. Kaya sinabi niya kay Elias, “Kung pupunta ka sa kanya at gagawin ang sinabi ko, mananatili kang buhay. Makinig ka sa akin—sundin mo ang aking mga ipinag-uutos—at makakaligtas ka!”

Ang katunayan ay nakapananaig: Ang Diyos—ang ating tagapayo, manananggol at dalubhasa sa pananatiling buhay—ay mayroong masusing plano para sa bawat isang mga anak niya, para tulungan tayo na harapin ang pinakamahirap na katayuan sa buhay natin!

Martes, Enero 25, 2011

KAPAYAPAAN KASAMA ANG DIYOS

Namatay si Jesus sa krus para bilhin ang kapayapaan kasama ang Diyos para sa akin—at siya’y nasa langit ngayon para ingatan ang kapayapaang iyan, para sa akin at kalooban ko. Ang kapayapaan na mayroon tayo kasama ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo ay nagpapakilala ng kaibahan ng ating pananampalataya mula sa ibang mga relihiyon.

Sa bawat ibang reihiyon maliban sa Kristiyanismo, ang katanungan tungkol sa kasalanan ay hindi pa nagtatapos. Ang kapangyarihan ng kasalanan ay hindi pa nababali. Kung ganoon, hindi magkakaroon ng kapayapaan: “Ang sabi ni Yahweh; ‘Ang mga makasalana’y walang kaligtasan’” (Isaias 48:22). Ngunit mayroon tayong Diyos na nagkakaloob ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapatawad ng kasalanan. Ito ang tanging dahilan kung bakit dumating si Cristo sa sanlibutan: para magdala ng kapayapaan sa nagkakagulong, natatakot na sankatauhan.

Paano iniingatan ni Jesus ang kapayapaan ng Diyos para sa akin? Ginawa niya ito sa pamamagitan ng tatlong bagay:

• Una, inalis ng dugo ni Cristo ang kahihiyan ng aking kasalanan. Dito sa kamalayang ito, sinabi ni Pablo, “Siya ang ating kapayapaan” (Efeso 2:14). Iginawad ni Jesus ang kapayapaan para sa akin sa pamamagitan ng kanyang dugo.
• Pangalawa, pinanatili ni Cristo ang aking kapayapaan at kagalakan sa pananalig: “Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang magkaloob nawa sa inyo ng kagalakan at kapayapaan sa pananalig upang sumagana kayo sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (Roma 15:13).
• Pangatlo, ginawa ni Jesus na magalak sa pag-asa ng pagpasok sa kaluwalhatian: “Tayo…at lubos tayong nagagalak sa ating pag-asa na makakasama sa kanyang kaluwalhatian” (Roma 5:2).

Sa madaling sabi, ang kapayapaan ay kawalan ng takot. At ang buhay na walang takot ay buhay na puno ng kapayapaan.

Nang umakyat si Jesus sa langit, hindi siya basta nagpa-init sa kaluwalhatian ng Diyos na ipinagkaloob sa kanya. Hindi, nagpunta siya sa Ama para mapanatili ang ipinagtagumpayang-kapayapaan na nakamit niya sa Kalbaryo.

Ang ating Taga-pagligtas ay buhay sa kaluwalhatian nagyon. At siya ay tunay na Diyos at tunay na tao, na may kamay, mga paa, mga mata, buhok. Mayroon din siyang pilat sa kanyang mga kamay at mga paa, at sugat sa tagiliran niya. Hindi niya kailanman iwinaksi ang kanyang pagkatao; siya ay isa pa ring lalaki na nasa kaluwalhatian. At ngayon, ang lalaking nasa walang-hanggan ay kumikilos para masigurado na hindi mananakaw ang kapayapaan na ibinigay niya nang siya ay umalis. Siya ay nagmiministeryo bilang nakatataas na saserdote, aktibong kasama sa pagpapanatili ng kanyang katawan sa sanlibutan na puno ng kanyang kapayapaan. At sa kanyang muling pagbabalik nais niya tayong, “Sikaping mamuhay na payapa” (2 Pedro 3:14).

Kapag ako’y nagkasala, ang aking kapayapaan ay napipigilan sa dalawang lugar. Una ang aking budhi ay nagugulo at binibintangan ako, at tunay nga. Ngunit, pangalawa, ang bintang ni Satanas ay naglalagay ng takot sa akin. Naniniwala ako na ito ang dalawang pangunahing lugar na kung saan ang pamamaguitan ni Cristo ay nagagamit para sa atin.

Una, ang aking nakatataas na saserdote ay hindi papayagan ang aking budhi na hawakan akong bihag. O papayagan niya ang bintang ni Satanas laban sa akin ay magpapatuloy na walang laban. Si Cristo ang aking tagapagtanggol kasama ang Ama laban sa bawat bintang galing sa impiyerno. Ano ang tagapagtanggol? Ito ay payak na “kaibigan ko sa korte.” Para sa mga Kristiyano, ang kaibigang ito sa korte ay siya ring anak ng hukom. Dagdag pa, ang ating tagapagtanggol ay ating kapatid. Katunayan, tayo ay nakatalagang magmamana ng kayamanan ng hukom kasama niya.

Lunes, Enero 24, 2011

ANG ATING TAGAPAMAGITAN

“Dahil nga riyan, lubusang niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya’y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila” (Hebreo 7:25).

Ano ang ibig sabihin ng Kasulatan kapag sinabi nitong si Jesus ay namamagitan para sa atin? Naniniwala ako na ang paksang ito ay malalim, may kadakilaan at malayo sa pang-unawa ng tao, nanginginig ako maging sambitin man lang ito. Ang mga iskolar ng Bibliya ay may pinanghahawakang ibat-ibang pananaw sa kahulugan nito.

Sa pamamagitan ng pananalangin at pagtitiwala sa patnubay ng Espiritu santo, nagsisimula na akong maunawaan ang maliit lamang ng nakamamanghang paksa na ito. Kamakailan, simpleng nanalangin ako, “Panginoon, paanong ang iyong pamamagitan para sa akin ay makaaapekto sa aking buhay? Ang iyong Salita ay nagsabing humaharap ka sa Ama para sa akin. Ano ang ibig sabihin nito sa aking paglalakad araw-araw?

Ang salitang Ingles para sa namamagitan ay nangangahulugan na “makiusap para sa iba.” Ito ay naglalarawan ng isang pigura na kumatawan sa iyo para sa iba para ipakiusap ang iyong panig. Kapag nakarinig ka ng ganitong paglalarawan, iniisip mo ba si Cristo ay patuloy na nakikiusap sa Diyos para sa iyo, humihingi ng habag, kapatawaran, grasya at pagpapala? Sa aking opinyon, ang ganitong imahe ay naglalarawan sa ating Amang nasa langit na kuyom ang kamay. Hindi ako makapapayag na maniwala na ang grasya ay kailangang sungkitin mula sa ating mapagmahal na Ama. Kapag nilimitahan natin ang ating mga sarili sa makitid na paglalarawan ng pamamagitang ito, ay hindi natin mauunawaan ang mas malalim na espirituwal na kahulugan ng gingawa ni Jesus para sa atin.

Ipinahayag ng Bibliya na ang aking Amang nasa langit ay alam ang aking mga pangangailangan bago ko pa man ito hilingin sa kanya. At madalas, ipinagkakaloob na niya ang mga pangangailangang ito bago pa man ako makapanalangin. Kung ganoon, nahihirapan akong tanggapin na ang sariling Anak ng Diyos ay kailangan pang makiusap sa kanya para sa anumang bagay. Bukod dito, ang kasulatan ay nagsabi na ipinagkatiwala na ng Ama sa kanyang Anak ang lahat ng mga bagay: “Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo nang siya’y maging tao” (Colosas 2:9).

Hindi ko inaangkin na alam ko na ang lahat tungkol pamamagitan ni Cristo para sa atin. Ngunit naniniwala ako na anuman ang ginagawa ng ating nakatataas na saserdote sa kanyang pamamagitan para sa atin, ito ay simpleng bagay lamang. At naniniwala ako na ang pamamagitang iyan ay may deretsuhang kinalaman sa paglago ng kanyang katawan dito sa sanlibutan. Siya ay kumikilos na nagbibigay sa bawat kasukasuan ng lakas at kapangyarihan.

Biyernes, Enero 21, 2011

ITO AY SA KAILALIMAN NANG ANG PANANALANGIN NI DAVID AY HIGIT NA NAGING MASINSIN

Sa kawalan ng pag-asa, tumaghoy si David, “ Panginoon, ako'y dinggin kapag ako'y tumataghoy, dinggin mo ang pagtawag ko't paghingi ng iyong tulong” (Mga Awit 130:2). Ito ay may tunog sa akin na pagsusumamo ng isang taong mamamatay na. si David ay hindi basta sumasambit ng “panalangin sa isipan.” Siya ay nakadapa sa lupa—bagsak, nagsisisi, nagsusumamo sa Diyos mula sa kaibuturan ng kanyang puso, “O banal na Diyos Jehovah, dinggin mo ang aking taghoy! Hindi ko na kayang magpatuloy pa. ang kasalanan ko ay nakaharang sa harapan ko, ako’y lumulubog sa takot at sindak. Maawa ka, o Diyos ko, mahabag ka sa akin.”

Alam ni David na kailangan ng kanyang kaluluwa ang paglaya. At dumulog siya sa Diyos lamang para matagpuan ang kalayaang iyon. At tinapos niya sa, “Ako’y nasa kakila-kilabot na kalagayan, tanging ang Diyos lamang ang makakatulong sa akin ngayon. Hindi ko maasahan ang mga taga-payo, mga kaibigan, maging ang pamilya ko. Ang tanging pag-asa ko ay manalangin. Kaya’t ako ay tataghoy gabi at araw hanggang sa madinig ng Diyos ang aking pagsusumamo!”

Ikaw ba’y naging katulad ni David na nawalan na ng pag-asa? Naisara mo naba ang sarili mo sa Panginoon, dumapa at tumaghoy sa kanya? Dungo, tahimik, at tamad na pananalangin ay walang maaabot. Kung hindi mo isusuko ang iyong kaluluwa sa Diyos, ay hindi mo talaga ninanais na mapagaling ka—ang gusto mo ay makalabas! Nagpatotoo si David, “Ako'y nanghihina at nanlulupaypay, puso'y dumaraing sa sakit na taglay. O Yahweh, hangad ko'y iyong nababatid; ang mga daing ko'y iyong dinirinig” (Mga Awit 38:8-9). Kailangang tumaghoy ka ng malakas, katulad ng ginawa ni David. “Panginoon pakingan mo ang aking pakiusap! Hindi kita titigilan hanggang sa sagutin mo ako!”

Huwebes, Enero 20, 2011

PAGDISIPLINA—IKAW AY INIIBIG

Ikaw ay nasa ilalim ngayon dahil sa kasalanan—kung ikaw ay bugbog na dahil sa pamamalo ng Panginoon sa iyong likod, palakasin mo ang kalooban mo. Dinidisiplina ka niya dahil sa kanyang matamis na pag-ibig sa iyo. Namamalo siya sapagkat nais niyang matakot ka sa kanya—para malaman mo ang kanyang malasakit sa iyo.

Ano ang tamang pakahulugan ng takot sa Panginoon? Ito ay nangangahulugan na masabing, “Alam ko na iniibig ako ng Ama. Ako ay ganap na kanya at alam ko na hindi nya ako pababayaan kailanman. Nadarama niya rin ang kirot ko sa tuwina nang ako ay nakikipagbuno. At mahaba ang pasensiya niya sa akin habang ako ay nakikipagdigma laban sa kawalan ng pananalig. Lagi siyang nakahanda magpatawad sa tuwinang ako ay tatawag sa kanya. Ngunit alam ko rin na hindi niya hahayaang magpatuloy ako sa pagsuway sa kaniyang Salita. Ang aking Amang nasa langit ay hindi ako ipagpapalit—sapagkat malalim ang pag-ibig niya sa akin.” Ang pagdidisiplina ay para sa pagtatama.

Iyan ang punto ng lahat ng ito. Nais ng Diyos na tanggapin natin ang kanyang kapatawaran upang katakutan natin siya. “Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot” (Mga Awit 130:4). Sa sandaling katakutan natin ang Panginoon, nanaisin natin ang higit pa para lamang sumunod sa kanya. Nais natin siyang malugod, lagyan ng ngiti ang kaniyang mukha. Iyan ang mapagpalang kalalabasan ng banal na takot sa Diyos.

Miyerkules, Enero 19, 2011

SA PAMAMAGITAN LAMANG NG PANANAMPALATAYA

Ang kapatawaran ng Diyos ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi natin ito kayang ipaliwanag. Ang handog ni Cristo sa atin ng kanyang pagtatakip-sala ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo ay lubhang malalim, ganap na mapagbiyaya, ganap na mahiwaga, ito ay higit pa sa abot ng pang-unawa ninuman. Maaring makita natin ang batas na nakapataw sa ating mga kasalanan. Maaring madama natin ang pagpaparusa takot at kahihiyan dahil sa ating mga pagsaway. Ngunit ang ating Amang nasa langit ay nakatayo sa ating tabi ng may buong pag-ibig sa atin sa lahat ng sandali, nakahandang magpatawad.

Ang dugo ni Cristo, ang pag-ibig ng Ama, ang hangad ng Panginoon na magpatawad: ang lahat ng biyayang ito ay malalaman lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. "Ang pinawalang-sala ay mabubuhay dahil sa pananampalataya" (Galacias 3:11).

Maaring magtaka ka, “Ilang ulit akong patatawarin ng Panginoon sa aking paulit-ulit na paggawa ng katulad na kasalanan?” Pumanatag ka na ang kanyang di-kapani-paniwalang kapatawaran ay walang hangganan. Sa tuwing magkakasala ka, maari kang dumulog kay Jesus at makakatagpo ka ng kalayaan. Gayunpaman ang kapatawaran ng Panginoon ay hindi bulag. Para makasiguro, ang ating Amang nasa langit ay pinatatawad tayo—ngunit sa isang tiyak na kalagayan, dinidisiplina niya tayo para hindi natin maipagpatuloy ang magkasalang muli. “Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,
at pinapalo ang itinuturing niyang anak" (Hebreo 12:6).

Martes, Enero 18, 2011

SI DAVID AY INIAHON MULA SA KAILALIMAN SA PAMAMAGITAN NG PAGKAKA-ALALA SA PAGIGING MAPAGPATAWAD NG DIYOS

Pagkatapos ng kanyang pagtangis sa Panginoon, si David ay nauwi sa pagpapatotoo, “Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot” (Mga Awit 130:4). Binaha ng Banal na Espiritu ang kanyang kaluluwa ng mga ala-ala ng kapatawaran ng Diyos, at bigla na lang naalala ni David ang lahat ng kanyang natutunan sa kalikasan ng Diyos na pagiging mapagpatawad at mahabagin. “Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin, hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig, kaya't sila'y hindi mo itinakwil.

Hindi nagtagal si David ay nagsaya, pinaalalahanan ang sarili, “Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili” (Mga Awit 86:5). “Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat” (103:3). Narito ang isa sa mga itinatag na pangako ng Bagong Tipan. Pahayag ni Jeremias, “Hindi na nila kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, 'Kilalanin mo si Yahweh'; sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan" (Jeremias 31:34). At idinagdag pa ni Pablo sa Bagong Tipan, “…Pinatawad niya ang ating mga kasalanan” (Colosas 2:13). Ipinangako ng Diyos ang kanyang kapatawaran, sa bawat sa kasalanan!

Lunes, Enero 17, 2011

MARAMING KRISTIYANO AY NANANATILING NAKALUGMOK SA ILALIM, NA MAY PANGLULUPAYPAY

Para sa maraming mananampalataya, ang malubog sa ilalim ay nangangahulugan na ng katapusan. Lubha silang nakukubabawan ng kanilang mga kabiguan, namuo sa kanila ang kaisipan ng isang hamak. At sa ilang iglap nadama nilang sila'y nabitag at wala nang tulong na maasahan. Isinulat ni Isaias ang ganitong mga mananampalataya, "O Jerusalem, nagdurusang lunsod na walang umaliw sa kapighatian. (Isaias 54:11)

At sumunod dito ay ang ilan ay nagsimulang magalit sa Diyos. Napagod sila ng kahihintay sa kanyang pagkilos, kaya’t tumataghoy silang may pagrereklamo, “Panginoon, nasaan ka ng kinakailangan kita? Dumadaing ako ng kalayaan sa iyo, ngunit hindi ka sumasagot. Ginawa ko na ang lahat ng alam kong maari kong gawin, gayunpaman hindi pa rin ako makalaya. Pagod na ako sa pagsisisi at pagtaghoy, na hindi nakakakita ng pagbabago!” Maraming mananampalataya ay sumuko na sa kasusubok at bumigay nang muli sa dating gawi.

Ang iba ay nahulog sa espirituwal na kawalan ng damdamin. Naniniwala sila na ang Diyos ay wala nang pakialam sa kanila. Sinabi nila sa kanilang mga sarili, “Israel, bakit ka ba nagrereklamo
na tila hindi pansin ni Yahweh ang kabalisahan mo, o hindi inalalayan sa kaapihang naranasan?” “Ngunit ang sabi ng mga taga-Jerusalem, "Pinabayaan na tayo ni Yahweh. Nakalimutan na niya tayo."

At ang iba ay nauwi pa ring nakatuon ang mga atensyon sa kabiguan, patuloy na inilalagay ang sarili nila sa estado ng kawalan ng pag-asa. Gayunpaman ang mga ito ay nagdulot sa kanila na ligaw, tumatangis, "Ezekiel, anak ng tao, sabihin mo sa mga Israelita ang inuulit-ulit nilang sila'y nagumon na sa kasamaan kaya hindi na sila mabubuhay. (Ezekiel 33:10)

Ang katotohanan ay, ang madama ang kawalan ng pag-asa ay hindi nangangahulugan na ng katapusan. Kapag tayo ay nahamak ng pag-sisisi at kalungkutan dahil sa ating mga kasalanan, hindi tayo dapat mamahinga sa ganoong damdamin. Ang mga ito ang magtutulak sa atin sa katapusan ng ating mga sarili—patungo sa tagumpay ng Krus ng Kalbaryo!

Biyernes, Enero 14, 2011

JEHOVAH SHAMMAH---NAROON SI YAHWEH

Para maging kasapi ng tunay na iglesya ng Diyos, kailangang makilala ka sa pamamagitan ng pangalan ni Jehovah Shammah—“Naroon si Yahweh” (Ezekiel 48:35). Ang iba ay maaring sabihin ang tungkol sa iyo, “Maliwanag sa akin na ang Diyos ay nasa taong ito. Tuwinang makikita ko siya, nararamdaman ko ang presensiya ni Jesus. Ang buhay niya ay tunay na naglalarawan ng kaluwalhatian ng Diyos.”

Kung tayo ay tapat, kailangang aminin natin na hindi natin nararamdaman ang matamis na presensiya ng Panginoon sa bawat isa ng madalas. Bakit? Ang mga Kristiyano ay gumugugol ng panahon sa pagsali sa mabubuting gawaing pangrelihiyon—samahan ng mga mananalangin, pag-aaral ng Bibliya, ministeryong panglabas—at ang lahat na iyan ay kapuri-puri. Ngunit marami sa mga Kristiyanong ito ay gumugugol lamang ng kaunting panahon sa pagmiministeryo sa Panginoon, sa lihim na silid ng panalanginan.

Ang presensiya ng Panginoon ay hindi maaring gawing huwad. Ito ay may katotohanan kung ito man ay ginagamit sa bawat isang buhay o sa katawan ng iglesya. Kapag nangusap ako ng presensiya ng Diyos, hindi ako nangungusap tungkol sa espirituwal na luningning na mistikal na pumapalibot sa isang tao o nanggagaling sa isang gawain ng iglesya. Sa halip, nangungusap ako ng tungkol sa kinalabasan ng isang payak ngunit makapangyarihang paglalakad ng pananampalataya. Kung ito man ay nagpapakita ng isang Kristiyanong pamumuhay o sa kabuuan ng konggregasyon, nagiging dahilan ito para ito ay itala ng mga tao. Sinasabi nila sa kanilang mga sarili, “Ang taong ito ay nakasama si Jesus,” o “Ang konggregasyong ito ay tunay na naniniwala sa ipinangangaral nila.”

Higit pa ang kailangan ng isang matuwid na mangangaral para makalikha ng isang iglesya ni Jehova Shammah. Kinakailangan nito ng isang matuwid, nagkukulong na mga tao ng Diyos. Kapag may isang baguhan na lumabas mula sa isang gawain ng iglesya at sinabing, “Nadama ko ang presensiya ni Jesus doon,” makatitiyak na hindi ito lamang dahilan sa ipinangaral o sa pagsamba. Ito ay dahilan sa isang matuwid na konggregasyon ay pumasok sa tahanan ng Diyos, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nananatili sa kalagitnaan nila.

Huwebes, Enero 13, 2011

ANG PANGINOON ANG ATING KATUWIRAN

“Nalalapit na ang araw, sabi ni Yahweh,na pasisibulin ko mula sa lahi ni David ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari. Paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan. Magiging matiwasay ang Juda sa panahon ng kanyang pamamahala, at ang Israel ay mapayapang mamumuhay. Ito ang pangalang itatawag sa kanya: SI YAHWEH AY MATUWID” (Jeremias 23:5-6).

Ang Diyos ay nagbigay ng pahayag kay propetang Jeremias ni Jehovah Tsidkenu (bigkas Je-HO-va Sid-KAY-noo) sa panahon ng kagipitan katulad ng hinaharap natin ngayon. Kaya, ano ang ibig sabihin nito para sa atin, sa praktikal na katawagan? Ano itong katuwiran na siya ay Panginoon ng—at paano natin malalaman at mauunawaan si Jesus sa papel na ito?

Nagbigay si Pablo sa atin ng ilang katalusan sa paliwanag ng katuwiran sa ilang mga talata.

• “Nanalig sa Diyos si Abraham. Dahil dito, siya’y pinawalang-sala ng Diyos” (Roma 4:3).
• “Pinawalang-sala si Abraham dahil sa kanyang pananalig” (Roma 4:9).
• “Tulad ng nangyari kay Abraham: nanalig siya sa Diyos, kaya’t siya’y ibinilang na matuwid” (Galacia 3:6).

Ang bawat isa sa mga talatang ito ay tumutukoy sa isang bagay na ginawa ni Abraham para makamit ang tunay na katuwiran: siya ay nanalig.

Sa huli, ibinigay ni Pablo ang paliwanag ng Panginoon tungkol sa katuwiran: “Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos, kundi lalo siyang tumibay sa pananalig at pinuri niya ang Diyos. Lubos siyang nanalig na matutupad ng Diyos ang kanyang pangako. Kaya dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala” (Roma 4:20-22).

Hindi na mas mapapalinaw pa ng higit pa ng Bibliya ang tungkol sa bagay na ito. Ang katuwiran ay ang manalig sa mga pangako ng Diyos, lubos na nananalig na matutupad ng Diyos ang kanyang pangako.

Miyerkules, Enero 12, 2011

INIIBIG PA RIN NG ATING PASTOL ANG MGA NALILIGAW

Iniibig ng ating dakilang pastol ang bawat tupa na naligaw dahilan sa mga pagsubok, kapighatian at karamdaman. Hindi natin sinubok na pagbintangan ang ating pastol ng pang-iiwan sa atin. Nananatili siyang naglalakad katabi natin at nagbabantay sa atin sa lahat ng sandali.

Sa mga sandaling ito maaring nakikipaglaban ka sa isang nagagaping pakikipagdigma sa isang uri ng tukso. Anuman ang pinaglalabanan mo, tiniyak mo na hindi ka lalayo sa Panginoon. Ayaw mong sumuko laban sa pagkakahawak ng kasalanan. Sa halip, tinanggap mo ang Salita ng Diyos sa puso.

Gayunman, katulad ni David, ikaw ay pagod na. At ngayon ikaw ay dumating na sa katayuang nararamdamang mong wala ka nang pag-asa. Binabaha ka ng kaaway ng kawalan ng pag-asa, takot, kasinungalingan.

Ang iyong pagsubok ay maaring naging lalong mahiwaga at hindi maipaliwanag. Ngunit nais kong malaman mo—anuman ang pinagdadaanan mo, nais ng Espiritu Santo na ipahayag sa iyo si Jehova Rohi, si Yahweh ang inyong Panginoon. Mayroon kang pastol na gustong itatak ang kanyang pag-ibig sa puso mo.

Tiniyak ni Jesus sa atin, “Hindi kita iiwan o pababayaan man.” At ang ating Amang nasa langit—Jehova Rohi, si Yahweh ang ating pastol—ay ipinahayag sa atin ang sarili niya sa Awit 23. Sinasabi niya sa atin, “Kilala kita sa pangalan mo, at alam ko ang pinagdadaanan mo. Halika, humiga ka sa grasya at sa pag-ibig ko. Huwag mong subuking sarilinin ang lahat. Tanggapin mo lamang ang pag-ibig ko sa iyo. At magpahinga sa mapagmahal kong mga bisig. Oo, ako ang Panginoon ng punong-abala. Ako ang makapagyarihan at banal na Diyos. Nais kong malaman mo ang lahat ng pahayag na ito tungkol sa akin. Ngunit ang isang pahayag na nais ko na magkaroon ka ngayon din ay ang pahayag tungkol kay Jehovah Rohi. Nais kong makilala mo ako bilang iyong mapagmahal, mapag-alagang pastol. At nais kong tiyakin sa iyo na ililigtas kita sa lahat ng iyong mga pagsubok, sa aking pagiging magiliw at pag-ibig.”

Martes, Enero 11, 2011

SI YAHWEH ANG AKING PASTOL

Alam natin ang tungkol sa Awit 23. Ang nakapagpapalakas-loob na talatang ito ay alam din kahit na nga mga hindi mananampalataya. Ang kilalang awit ay isinulat ni Haring David, at ang pinakilalang talata ay nasa pambungad na berso: “Si Yahweh ang aking Pastol, hindi ako magkukulang.”

Ang Hebreong salita na ginamit ni David para sa magkukulang ay nagpapakita ng kahulugan na kulang. Sinasabi ni David, sa ibang salita, “Hindi ako magkukulang.” Kapag pinagsama natin ang kahulugan sa unang bahagi ng talata, sinasabi ni David, “Pinangungunahan ako ng Panginoon, ginagabayan at pinakakain. At dahil doon, hindi ako magkukulang.”

Sa maiksing talatang ito, ibinigay sa atin ni David ang iba pang paglalarawan ng katauhan at kalikasan ng Panginoon. Ang literal na pagsasaling-wika sa Hebreo sa unang bahagi ng talatang ito ay Jehova Rohi (bigkas je-HO-va-RO’-ee). Ang kahulugan nito ay “Si Yahweh, ang aking Pastol.”

Si Jehova Rohi ay hindi isang magiliw, at tahimik na Pastol. Hindi siya isang upahan—isang gumagawa ng higit pa kaysa nagbibigay lamang ng pagkain at gabay. Hindi lamang basta itinuturo tayo patungo sa madamong pastulan at lawa at sasabihing, “Nandoon ang kailangan ninyo. Pumunta kayo doon at kunin ito.” O kaya’y nagbubulag-bulagan siya sa ating mga pangangailangan. Hindi siya tumatakbong palayo sa atin kapag narinig iya ang ating mga daing sa paghingi ng tulong at nakikita tayo ay nasa kagipitan. Hindi, alam niya ang bawat kirot na ating dinadala, bawat luhang pumapatak, bawat sakit na nararamdaman. Alam niya kapag tayo ay pagod na para humakbang pa. Alam niya kung ano lamang ang kaya natin. Higit sa lahat alam niya kung paano niya tayo ililigtas at dadalhin sa lugar ng kagalingan. Sa bawat panahon, ang ating pastol ay dumarating, sinusundo tayo at dinadala sa lugar ng kapahingahan. Patuloy niya tayong pinahihiga para sa panahon ng pagpapagaling at pagpapanumbalik.

Si Jehova Rohi—si Yahweh ang ating Pastol—ay pinipilit tayong sundan siya sa kanyang kapahingahan, para siya ay maaring “manirahan” sa ating kalagitnaan. Sinabi ng Panginoon sa Exodo 29:45, “Ako’y sasakanila at ako ang magiging Diyos nila.” Ang Hebreong salita para sa manirahan dito ay shekinah, ang ibig sabihin ay tumira, o manatili sa tabi. Ang salitang ito ay nagpapahayag hindi lamang dumaraang presensiya, kundi isang palagian—isang presensiyang hindi umaalis. Sa madaling sabi, ang naninirahang kaluwalhatian ng Diyos ay hindi isang naglalahong tatak na nawawala sa ating mga puso na katulad ng hindi nakikitang tinta. Hindi, ito ay isang tatak ng Diyos na permanenteng na sa ating espiritu. Ito ang kanyang pinakamalapit at walang hanggang presensiya.

Ang larawan nito dito ay maluwalhati: Ang ating pastol ay nag-aalay na darating sa atin sa gitna ng ating mga pighati at walang pag-asang katayuan, at maupo sa ating tabi. Ipinangako niya na gagamutin niya ang ating mga sugat at palalakasin ang mga bahagi sa atin na may sakit at karamdaman.

Iyan ang naninirahang kaluwalhatian ng Diyos: ang nakatirang, walang-hanggang presensiya ng Panginoon. At madalas natin itong nararanasan kapag tayo ay nasa kalagitnaan ng ating kapighatian. Sinasabi ng ating dakilang pastol, “Nais kong mapanumbalik ka. At gagawin ko ito sa pamamagitan ng aking presensiya sa tabi mo, kahit na sa bingit ng kamatayan. Ang presensiya ko ay mananatili sa iyo sa lahat ng anumang ipukol ng diyablo sa iyo. Kahit na ikaw ay tumakbong palayo sa akin, ay hahabulin kita. At kapag inabot kita, ilalagay kita sa aking mga bisig at bubuhatin sa aking likod sa aking kapahingahan. At pagkatapos ay gagamutin ko ang lahat ng sugat mo at pagagalingin ang lahat ng karamdaman mo.”

Lunes, Enero 10, 2011

ANG TANGI NIYANG NINANAIS AY ANG INYONG PANANALIG

Hindi nais ng Diyos ang inyong tahanan, ang inyong sasakyan, ang inyong mga muwebles sa bahay, ang inyong mga ipon, ang inyong mga ari-arian. Ang tangi niyang gusto ay ang inyong pananampalataya—ang inyong matibay na pananalig sa kanyang Salita. At iyan marahil ay isang bagay na ang iba, mga mukhang espirituwal na tao na wala sa kanila. Maaring ang tingin mo sa ibang tao ay higit na espirituwal kaysa sa iyo. Ngunit ang taong iyan ay maaring nagpupumilit na maipakita lamang ang itsura ng isang makatuwiran. Gayunman, habang nakatingin sa iyo ang Diyos, ipinahayag niya, “Mayroong makatuwirang lalaki o babae.” Bakit? Inamin mo ang iyong kahinaan na maging makatuwiran. At nanalig ka sa Panginoon na ibibigay niya sa iyo ang kanyang katuwiran.

Sinabi ni Pablo sa atin na tayo ay ibinilang na , makatuwiran sa mata ng Diyos sa katulad na kadahilanan ng kay Abraham. “Kaya’t dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala. Ngunit ang salitang ‘pinawalang-sala’ ay hindi lamang para sa kanya, kundi para rin sa atin. Tayo’y pinawalang-sala dahil sa ating pananalig sa Diyos na muling bumuhay kay Jesus na Panginoon natin” (Roma 4:22-24).

Maari mong angkinin, “Nananalig ako dito. Nananalig ako sa Diyos na muling bumuhay kay Jesus.” Gayunman, ang tanong para sa iyo ay, nananalig ka ba na kayang muling buhayin ng Diyos ang magulo ninyong pagsasama ng iyong asawa? Nananalig ka ba na kaya niyang muling buhayin ang isang espirituwal na patay na kamag-anak? Nananalig ka ba na kaya ka niyang iahon mula sa balon ng isang nakapanghihinang kinagawian? Nananalig ka ba na kaya niyang burahin ang iyong isinumpang nakaraan at muling buhayin ang mga taon na kinain ng kangkarong-uod?

Kapag ang lahat ay mukha ng wala ng pag-asa—kapag ikaw ay nasa imposibleng kalagayan, na walang pagkukunan, at wala ng pag-asa sa harapan mo—nananalig ka ba na ang Diyos ang iyong magiging Jehova Jirah, na nakikita ang iyong pangangailangan? Nananalig ka ba na tutuparin niya ang kanyang mga pangako sa iyo—at kapag isa man sa mga salitang ito ay nabigo, ang langit ay malulusaw at ang sansinukuban ay guguho?

Biyernes, Enero 7, 2011

ANG PANGINOON ANG ATING KATUWIRAN

“Nalalapit na ang araw, sabi ni Yahweh,na pasisibulin ko mula sa lahi ni David ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari. Paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan. Magiging matiwasay ang Juda sa panahon ng kanyang pamamahala, at ang Israel ay mapayapang mamumuhay. Ito ang pangalang itatawag sa kanya: SI YAHWEH AY MATUWID” (Jeremias 23:5-6).

Ang Diyos ay nagbigay ng pahayag kay propetang Jeremias ni Jehovah Tsidkenu (bigkas Je-HO-va Sid-KAY-noo) sa panahon ng kagipitan katulad ng hinaharap natin ngayon. Kaya, ano ang ibig sabihin nito para sa atin, sa praktikal na katawagan? Ano itong katuwiran na siya ay Panginoon ng—at paano natin malalaman at mauunawaan si Jesus sa papel na ito?

Nagbigay si Pablo sa atin ng ilang katalusan sa paliwanag ng katuwiran sa ilang mga talata.

• “Nanalig sa Diyos si Abraham. Dahil dito, siya’y pinawalang-sala ng Diyos” (Roma 4:3).
• “Pinawalang-sala si Abraham dahil sa kanyang pananalig” (Roma 4:9).
• “Tulad ng nangyari kay Abraham: nanalig siya sa Diyos, kaya’t siya’y ibinilang na matuwid” (Galacia 3:6).

Ang bawat isa sa mga talatang ito ay tumutukoy sa isang bagay na ginawa ni Abraham para makamit ang tunay na katuwiran: siya ay nanalig.

Sa huli, ibinigay ni Pablo ang paliwanag ng Panginoon tungkol sa katuwiran: “Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos, kundi lalo siyang tumibay sa pananalig at pinuri niya ang Diyos. Lubos siyang nanalig na matutupad ng Diyos ang kanyang pangako. Kaya dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala” (Roma 4:20-22).

Hindi na mas mapapalinaw pa ng higit pa ng Bibliya ang tungkol sa bagay na ito. Ang katuwiran ay ang manalig sa mga pangako ng Diyos, lubos na nananalig na matutupad ng Diyos ang kanyang pangako.

Huwebes, Enero 6, 2011

HINDI TAYO MAWAWALAN NG PAG-ASA

Tayo na nakaaalam ng katuwiran ni Cristo ay hindi mamumuhay katulad noong mga nawalan ng pag-asa. Tayo ay pinagpala sa magkasamang pag-ibig at takot sa Diyos. At ang kanyang kalooban para sa atin sa pinakamadilim, sa pinaka-nakakikilabot na panahon ay makamit natin ang kagalakan at kaluguran niya. Kahit na nakikita natin na ang paghuhusga ay naglalaglagan sa paligid natin, tayo ay aawit, sisigaw at magbubunyi—hindi dahil sa ang paghuhusga ay dumating kundi hindi dahil dito.

Ang Isaias 51:11 ay nagsimula sa salitang Samakatuwid, nangangahulugan na “Sa paliwanag ng kasasabi ko pa lamang.” Ano ang kasasabi pa lamang ng Diyos dito? Ipinaalala niya sa kanyang mga tao, “Ikaw rin ang tumuyo sa dagat at nagpalitaw ng daan sa gitna ng tubig, kaya nakatawid ng maayos ang bayang iyong iniligtas” (Isaias 51:10), nangangahulugan na, “Ako pa rin si Yahweh, ang Luma ng mga Araw, ang taga-gawa ng mga himala. At ang aking mga bisig ay malakas pa rin para iligtas kayo.”

Kaya, ano ang nais ng Diyos na malaman nila sa paliwanag ng katotohanang ito Sinabi niya ito sa isang talata lamang, Isaias 51:11:

• “Samakatuwid ang mga tinubos ng Panginoon ay muling babalik, at darating na umaawit para kay Zion.” Sa ibang salita: magkakaroon ako ng mga tao na babalik sa akin na may pagtitiwala, pananampalataya at pananalig. Inalis nila ang kanilang pagtingin sa kung anuman ang kalalagayan na nakapaligid sa kanila. At muli nilang makakamit ang kanilang awit ng kagalakan.”

• “Walang katapusang kagalakan ay mapapasakanila.” Ang kagalakan na mararanasan ng mga tao ng Diyos ay hindi lamang para isang umaga ng Linggo, isang linggo o isang buwan. Mananatili ito ng mga taon, sa gitna ng kahirapan, maging hanggang sa katapusan.

• “Makakamit nila ang kagalakan at kaluguran.” Ang Diyos ay titingin sa mga panahon at sinabi, “Magkakaroon ako ng mga tao na magkakamit ng kagalakan, kukunin ito, panghahawakan ito. Iingatan nila ito, at ito ay magiging kanila.”

• “Ang pighati at pagdadalamhati ay lalayo.” Hindi ito nangangahulugan na ang ating mga pagdurusa ay matatapos na. Nangangahulugan ito na ang ating pananalig sa Diyos ay maglalagay sa atin sa ibabaw ng bawat kirot at pagsubok. Ang mga bagay na ito ay hindi tayo mananakawan ng ating kagalakan at kaluguran kay Cristo.

Miyerkules, Enero 5, 2011

ANG MAKILALA ANG AMA

Naniniwala ako na ang ating mga anak ay nakilala ang ating kalikasan at katauhan para sa kanila lalo na sa panahon ng kanilang mga kagipitan. Kapag sila ay nasa gitna ng kirot, pagdurusa at pangangailangan, nakikilala nila ang ating malalim na pangangalaga at pagbibigay para sa kanila. Habang lumalaki ang aking mga anak, hindi ko na kailangan ipaliwanag sa kanila kung sino ako. Hindi ko na kailangan sabihin, “Ako ang inyong ama—ako ay pasensiyoso, mabait, puno ng kahabagan at pag-ibig para sa inyo. Malambot ang puso ko para sa iyo, handang magpatawad sa iyo sa lahat ng pagkakataon.” Katawa-tawa ito para sa akin kung gagawin ko ang ganitong pahayag. Bakit? Natutunan ng mga anak ko ang tungkol sa pagmamahal ko sa kanila sa panahon ng mga karanasan nila sa kanilang mga kagipitan. At ngayon, malalaki na sila at mga may asawa na at mga sarili nang mga anak, ang mga anak kong lalaki at babae ay nakikilala ako sa pamamagitan ng mga bagong karanasan. Higit pa nila akong nakilala sa pamamagitan ng aking pakikitungo at pagkilos para sa kanila sa bagong panahon na ito ng mga pangangailangan sa kanilang mga pamumuhay.

Ganoon din para sa atin, kung paano kilalanin ang ating Amang nasa langit. Mula sa panahon ni Adan hanggang sa krus ni Cristo, binigyan ng Panginoon ang kanyang mga tao ng patuloy na lumalagong pahayag ng kanyang katauhan. Gayunman hindi niya ito ginawa sa pamamagitan lamang ng pagpapakilala kung sino siya. Hindi niya sinubukan na ipahayag ang kanyang sarili sa pamamagitan lamang ng pagpapakilala, “Ang mga sumusunod na pangalan ay nagpapahayag ng kanyang kalikasan. Ngayon, humayo at pag-aralan ito, at matutuklasan mo kung sino ako.”

Ang pakahulugan sa Hebreo (pangalan) ay naglalarawan ng mga nakamamanghang kaluwalhatian at panustos na nakabalot sa pangalan ng ating Panginoon. Gayunman, ipinahayag ng Diyos ang mga aspetong ito ng kanyang kalikasan sa kanyang mga tao sa pamamagitan ng paggawa mismo nito para sa kanila kung paano niya ipinakilala ang kanyang sarili. Nakita niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak, nakita niya ang parating na mga stratehiya ng mga kaaway laban sa kanila, at sobrenatural na namagitan para sa kanila.

Hinihikayat ko kayo na kilalanin ang inyong Amang nasa langit ng dahan-dahan, may katiyakan, sa pamantayan ng puso. Hilingin sa Espiritu Santo na ipaalala sa inyo ang maraming mukha ng makalangit na panustos na ibinigay ng Diyos sa panahon ng inyong pangangailangan. At pagkatapos ay hilingin sa Espiritu na itatag sa inyo ang tunay na may pusong kaalaman ng Ako—ang Diyos na siyang tangi ninyong kailangan, sa lahat ng sandali.

Martes, Enero 4, 2011

ANG PINAKADAKILANG PAGSUBOK SA LAHAT

“Itinapat ni Moses ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na pinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula sa silangan at nahati ang tubig” (Exodo 14:21).

Sa harapan ng mga taga Israelitas ay isang daan na magdadala sa kanila sa kaligtasan. Sa malubhang kalagayang yaon, nais ng Diyos na tingnan ng kanyang mga tao ang mga pader na iyon at manalig na pipigilan niya ang tubig hanggang sila ay makarating ng ligtas sa kabilang panig. Sa madaling sabi, nais ng Diyos na ang kanyang mga tao ay magkaroon ng pananalig na nagpapahayag ng, “Siya na nagsimula ng himalang ito para sa atin ay siya ring tatapos nito. Napatunayan na niya sa atin na siya ay tapat.”

“Habang nakatingin tayo sa nakalipas, nakita natin na ang lahat ng ating mga takot ay nasayang lamang. Hindi tayo dapat natakot ng makita natin ang mga taga Egipto na parating. Naglagay ang Diyos ng sobrenatural na pader ng kadiliman para pangalagaan tayo mula sa kanila, at hindi tayo dapat na natakot sa kanilang mga pananakot sa buong magdamag na iyon. Sa buong panahon na iyon, ang Diyos ay nagbigay sa atin ng iluminasyong liwanag, habang ang ating mga kaaway ay binulag ng kadiliman. Atin ding sinayang ang ating mga takot doon sa mga nagngangalit na hangin, samantalang sa habang panahon na iyon ay ginagamit ito ng Diyos para gumawa ng daan ng ating kaligtasan.

“Nakita natin ngayon na hangad lamang ng Diyos na gumawa lamang ng kabutihan para sa atin. Nakita natin ang kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian para sa atin. Ngayon ay yari na ang ating mga loob na hindi na mamumuhay sa takot. Hindi na mahalaga sa atin kung ang mga pader ng tubig ay guguho. Mabuhay o mamatay tayo ay sa Panginoon.”

Mayroong dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya sa puntong ito. Sila ay haharap sa isang paglalakbay sa ilang. Magpapakatatag sila sa pagkawala, panganib at pagdurusa. Kaya sinabi niya, “Nais kong malaman ng mga tao ko na kabutihan lamang ang gagawin ko para sa kanila. Ayokong matakot sila na mamatay sa tuwinang sila ay haharap sa panganib. Gusto ko ang mga tao na hindi takot sa kamatayan, sapagkat alam nila na ako ay mapagkakatiwalaan sa lahat ng mga bagay.”

Ang tunay sa sumasamba ay hindi isang sumasayaw kapag napagwagian ang isang tagumpay. Hindi ito ang tao na umaawit mga papuri sa Diyos kapag nagapi ang kalaban. Iyan ang ginawa ng mga Israelitas. Nang hinati ng Diyos ang dagat at sila ay nakarating sa kabilang panig, nag-awitan sila at nagsayawan, pinuri ang Diyos at pinarangalan ang kanyang kadakilaan. Gayunman, pagkatapos ng tatlong araw, itong mga tao ring ito ay mapait na nagbubulungan laban sa Diyos at kay Marah. Sila ay hindi mga sumasamba—sila ay mga mabababaw na taga-sigaw lamang!

Ang tunay na sumasamba ay isang tunay na nananalig sa Diyos sa gitna ng bagyo. Ang pagsamba ng taong ganito ay hindi sa salita lamang, kundi sa uri ng kanyang pamumuhay. Ang kanyang mundo ay may kapahingahan sa lahat ng sandali, sapagkat ang pagtitiwala niya sa katapatan ng Diyos ay hindi kayang yanigin. Hindi siya takot sa hinaharap, sapagkat hindi na siya takot na mamatay.

Nakita ko at ni Gwen ang ganitong uri ng hindi nayayanig na pananampalataya mula sa aming labindalawang-taong apong babae si Tiffany, nakaupo sa tabi ng kanyang higaan sa nalalabi niyang mga araw, napagmasdan namin sa kanya ang kapayapaan na higit pa sa aming pang-unawa. Sinabi niya sa akin, “ Lolo, nais ko nang umuwi. Nakita ko si Jesus, at sinabi niya sa akin na nais niya ako doon. Ayoko na dito.” Nawala na lahat kay Tiffany ang lahat ng takot at pagkawala.

Iyan ang kapahingahan na gusto ng Diyos para sa kanyang mga tao. Ito ang pananalig na nagsasabi na katulad ni Pablo, at katulad ni Tiffany, “Mabuhay o mamatay, ako ay sa Panginoon.” Ito ang uri ng tunay ng sumasamba.

Dumadalangin ako na ang lahat ng bumabasa ng mensaheng ito ay kayang sabihin sa gitna ng kanilang mga kapighatian: “Oo, maaring bumagsak ang ekonomiya. Oo, maaring humaharap pa rin ako sa madilim, na binabagyong magdamag. Ngunit napatunayan na ng Diyos ang kanyang katapatan sa akin. Kahit ano pa ang dumating, magpapahinga ako sa pag-ibig iya sa akin.

Lunes, Enero 3, 2011

GAWIN ANG TATLONG BAGAY

Sa gitna ng kanilang mga pagsubok sinabi ng Diyos sa Israel na gawin ang tatlong bagay: “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh.” Ang panawagan niya sa Israel ay, “Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, wala kayong gagawing anuman. Manahimik kayo at ipabahala ang lahat sa akin. Sa mga sandaling ito ako ay kumikilos sa sobrenatural na pamamaraan. Ang lahat ay nasa mga pangangalaga ko. Kaya huwag kayong masindak. Magtiwala na nilalabanan ko ang diyablo. Ang pakikipaglaban ay hindi sa inyo” (tingnan Exodo 14:13-14).

Di nagtagal ay nagtakip-silim na sa kampo. Ito ang simula ng madilim at binabagyong gabi ng Israel. Ngunit ito rin ang simula ng sobrenatural na gawain ng Diyos. Nagsugo siya ng isang nakasisindak, na tagapagtanggol na anghel na tumayo sa pagitan ng kanyang mga tao at ng kanilang kaaway. Naniniwala ako na patuloy na nagpapadala ang Diyos ng anghel na tagapagtanggol sa mga kampo sa paligid ng lahat ng umiibig at may takot sa kanya (tingnan Awit 34:7).

Pinagalaw din ng Diyos ang sobrenatural na ulap na ibinigay niya sa Israel para sa kanilang patnubay. Ang ulap ay biglaang lumipat mula sa unahan ng kampo ng Israel patungo sa likuran at ito ay nagdilim na parang pader sa harapan ng mga taga Egipto. Sa kabilang dako, ang ulap ay nagbigay ng sobrenatural na liwanag, na nagdulot ng maliwanag na tanawin sa buong magdamag (tingnan Exodo 14:20).

Kahit na laganap ang kadiliman sa mga hukbo ng Paraoh, nakapagtataas pa rin sila ng kanilang mga tinig. At sa buong magdamag ay bumubuga sila ng mga pananakot at mga kasinungalingan. Nayanig ang mga tolda ng mga taga Israel mula sa mga walang tigil na mga kasinungalingan sa buong magdamag. Ngunit balewala gaano man kaingay ang pananakot sa kanila. May isang anghel na nagbabantay sa kanila para pangalagaan sila, at ipinangako ng Diyos sa kanila na dadalhin niya sila sa kaligtasan.

Minamahal na mga banal, kung ikaw ay isang tinubos sa dugo na anak ng Diyos, naglagay siya ng mandirigmang anghel sa pagitan ninyo at ng diyablo. At iniutos niya sa inyo, katulad ng sinabi niya sa Israel, “Huwag matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Maniwala sa kaligtasan.” Maaring dumating sa iyo si Satanas dala ang bawat diyablong pananakot. Ngunit walang anumang sandali sa panahon ng iyong madilim, na binabagyong gabi ay maari kang puksain ng kalaban.

“Itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na ipinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula sa silangan at nahati ang tubig” (Exodo 14:21).

Ang malakas na hangin na ipinadala ng Diyos ay tunay na makapangyarihan, sinimulan nito na hatiin ang mga higanteng alon ng dagat: “Magdamag na ipinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula silangan at nahati ang tubig” (14:21).

Ang Hebreong salita dito para sa hangin ay “marahas na paghinga.” Sa ibang salita, huminga ang Diyos at ang tubig ay nabuong mga pader. Ang mga taga-Issrael na naninirahan sa mga tolda ay mabagsik na niyanig habang ang mga malalakas na hangin ay umiihip sa buong kampo. Bakit pinayagan ng Diyos na dumanas ang mga taga Israel ng mabagyong gabi sa magdamag, na kung saan ay maari siyang magsalita lamang at mapakalma ang mga elemento?

Gaano kalakas ang bagyong ito. At gaano nakasisindak ang sandaling ito para sa mga taga Israel. Tanong ko sa inyo, ano ang binalak ng Diyos dito? Bakit niya hinayaan ang ganoong kakila-kilabot na mahanging bagyo na rumagasa sa buong magdamag? Bakit hindi na lang niya sinabihan si Moises na sagiin ang tubig ng kanyang tungkod, at hatiin ang mga alon ng sobrenatural? Ano ang maaring dahilan ng Diyos para hayaan ang nakasisindak na magdamag na ito na mangyari?

Mayroon isa lamang na dahilan: Lumilikha ang Diyos ng mga mananamba. Ang Diyos ay abala sa gawaing iyon sa buong panahong iyon, na ginamit ang kakila-kilabot na bagyo para gumawa ng daan para sa kanyang mga tao na makaligtas sa kapahamakang iyon. Ngunit iyon ay hindi nakita ng mga Israelitas sa mga sandaling iyon. Marami ay nagtatago sa mga tolda nila, ngunit yaong mga lumabas ay nakasaksi sa maluwalhating liwanag na ipinamalas. Pinagmasdan din nila ang maluwalhating mga alon na palaki ng palaki, malalaking pader ng tubig na tumataas para gumawa ng tuyong daanan sa karagatan. Nang makita ito ng mga tao, maaring nagsigawan sila, “Tingnan ninyo, ginamit ng Diyos ang hangin para gumawa ng daanan para sa atin. Purihin ang Panginoon!”