Huwebes, Disyembre 31, 2009

ANG KAGALAKAN NG DIYOS

Hindi lamang iniibig ng Diyos ang kanyang mga tao kundi nagagalak siya sa bawat isa sa atin. Siya ay lubos na nalulugod sa atin. Ang katunayan ay pinagpapala siya sa pagkupkop at pagliligtas sa atin.

Nakita ko ang ganitong kagalakan bilang magulang sa aking maybahay, na si Gwen, kapag isa sa aming mga apo ang tumatawag. Si Gwen ay nagliliwanag na parang isang makislap na puno ng kapaskuhan kapag isa sa aming mga maliliit na apo ay tumatawag sa telepono. Walang sinuman ang makapagpapaalis sa kanya sa telepono. Kahit na sabihin kong ang pangulo ng bansa ay nasa aming pintuan, basta paaalisin ka niya at patuloy sa pakikipag-usap.

Paano ko pagbibintangan ang aking Amang nasa langit na nalulugod sa akin na di-gaano katulad sa aking mga supling. May panahon na ang aking mga anak ay binigo ako, gumagawa ng mga bagay na salungat sa mga itinuturo ko sa kanila. Ngunit minsan man ay hindi ako huminto sa aking pagmamahal o ang malugod sa kanila. Kaya, kung mayroon ako ng ganitong uri na nananatili at matatag na pag-ibig bilang isang di-perpektong ama, gaano pa kaya ang ating Amang nasa langit para sa ating mga anak niya?

Si Josua at Caleb ay tumayo sa gitna ng Israel at dumaing, “Kung loloobin ni Yahweh, ibibigay niya sa atin ang lupang iyon” (Mga Bilang 14:8). Napakasimple ngunit makapangyarihang pagpapahayag. Sinasabi nila, “Ang ating Panginoon ay iniibig tayo at nalulugod sa atin. Kanyang pupuksain ang bawat higante, sapagkat nalulugod siya na gawin ito para sa atin. Kung ganon, hindi tayo dapat tumingin sa mga nakahadlang sa atin. Kailangang patuloy tayong nakatingin sa dakilang pag-ibig ng Panginoon sa atin.”

Sa kabuuan ng Kasulatan nabasa natin na ang Panginoon ay nalulugod sa atin: “Ang lakad ng matuwid sa Panginoon ay kasiyahan” (Kawikaan 11:20). “Sa daing ng matuwid siya ay natutuwa” (15:8). “Iniligtas ako sa kapangyarihan ng mga kaaway na di ko malabanan. Sumalakay sila nang ako’y bagabag, ngunit si Yahweh ang sa ki’y nag-iingat. Nang nasa panganib ako’y tinutulungan, iniligtas ako pagkat kinalugdan!” (Awit 18:17-19

Ito ay sapilitan na dapat na tayo ay manalig na iniibig tayo ng Diyos at siya ay nalulugod sa atin. Kung gayo’y matatanggap natin na ang lahat na nangyayari sa ating mga buhay na darating din ang panahon na mapatutunayan na ito ang mapagmahal na kalooban niya sa atin. Makakaahon din tayo sa ating mga ilang na nakasandal sa mapagmahal na bisig ni Hesus. At magdadala siya ng kagalakan sa ating kapighatian.

Miyerkules, Disyembre 30, 2009

ANG MAPANGIBABAWAN ANG KADILIMAN

Isang bagay lamang ang makapangingibabaw at makaaalis ng kadiliman, at ito ay ang liwanag. Ipinahayag ni Isaias, “Namanaag na ang liwanag sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim” (Isaias 9:2). Maging si Juan ay nagpahayag din, “Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman” (Juan 1:5).


Ang liwanag ay naglalarawan ng pang-unawa. Kapag sinabi natin, “Nakita ko ang liwanag,” sinasabi natin na, “Ngayon naunawan ko na.” nakita mo ba kung ano ang sinasabi ng Kasulatan? Ang Panginoon ay bubuksan na ang ating mga mata, hindi upang makita ang diyablo na nagtagumpay kundi ang makatanggap ng bagong pahayag. Ang ating Diyos ay nagpadala sa atin ng Banal na Espiritu, na ang kapangyarihan ay mas higit pa sa lahat ng kapangyarihan ng impiyerno: “Sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa makasanlibutan” (I Juan 4:4).


Sa aklat ng Pahayag nabasa natin na ang impiyerno ay bumuga ng mga balang at alakdan na may makapangyarihang lakas. Nabasa natin ang dragon, mga hayop, mga nilikhang may sungay, pati na ang padating na Anti-kristo. Gayunman hindi natin alam ang kahulugan ng lahat ng mga nilikhang ito. At ito, ay hindi na natin dapat malaman pa. Hindi tayo dapat mag-alala tungkol sa Anti-kristo o sa marka ng hayop.


At doon ay namumuhay sa atin ang Espiritu ng Makapangyarihang Diyos at ng kanyang si Kristo. Ipinahayag ni Pablo na ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay kumikilos sa atin. Sa ibang salita, ang Banal na Espiritu ay buhay na nasa atin sa mga sandaling ito.


Kaya, paano kumikilos ang Espiritu sa atin sa kalagitnaan ng kahirapan? Ang kanyang kapangyarihan ay inaalpasan lamang habang tinatanggap natin siya bilang tagadala ng ating mga pasanin. Ang Banal na Espiritu ay ibinigay sa atin dahil lamang dito, upang magdala ng ating mga pasanin at mga alalahanin. Kaya, paano natin sasabihin na tinanggap natin siya kung hindi pa natin ibinibigay ang mga pasanin sa kanya?


Ang Banal na Espiritu ay hindi nanahimik sa kaluwalhatian, kundi narito, naninirahan sa atin. At siya ay balisang naghihintay upang mangalaga sa lahat ng kalagayan ng ating mga buhay, kasama na ang ating mga kagipitan. Kaya, kapag tayo ay nagpatuloy sa takot---kawalan ng pag-asa, pagtatanong, patuloy na nawawalan ng pag-asa---kung ganon ay hindi natin siya tinanggap bilang taga-aliw, katulong, gabay, tagapagligtas at kalakasan.


Ang saksi sa sanlibutan ay ang Kristiyano na naghagis ng lahat ng kanyang pasanin sa Banal na Espiritu. Katulad ng mga taga Tesalonica, ang mga mananampalataya ay nakita ang mga nakagagaping suliranin sa lahat ng paligid, gayunman nasa kanya ang kagalakan sa Panginoon. Nagtitiwala siya sa Espiritu ng Diyos para sa kanyang kaaliwan, at sa gabay palabas sa kanyang kagipitan. At mayroon siyang makapangyarihang patotoo sa naligaw na sanlibutan, sapagkat pinangangatawanan niya ang kagalakan kahit na napapaligiran ng kadiliman. Ang kanyang buhay ay nagsasabi sa sanlibutan, “Ang taong ito ay nakita ang liwanag.”

Martes, Disyembre 29, 2009

ANG LIHIM NA SILID

“Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakakita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim” (Mateo 6:6).


Sa nakaraan naisip ko na dahil sa pangangailangan na kailangang maghanap-buhay, maari tayong magkaroon ng isang “lihim na silid na dasalan” kahit saan: sa kotse, sa bus, sa sandali ng pamamahinga sa trabaho. Sa kasukatan, ito ay totoo. Ngunit mayroon pang higit na kailangan para dito. Ang salitang Griyego sa “silid” sa bersong ito ay nangangahulugan ng “isang pribadong silid, isang lihim na lugar.” Ito ay maliwanag sa mga nakikinig kay Hesus, sapagkat ang mga tahanan sa kanilang kultura ay mayroong sa loob pang silid na nagsisilbing parang isang silid taguan. Ang utos ni Hesus ay magtungo sa lihim na silid na iyon ng nag-iisa at isara ang pinto pagpasok mo. At doon ay papasok sa isang uri ng pananalangin na hindi nangyayari sa iglesya o pag may kasamang nananalangin.


Si Hesus ay nagpakita ng halimbawa para dito, noong nagtungo siya sa isang ilang na pook para manalangin. Paulit-ulit ang Kasulatan ay nagsabi sa atin na “nagtungo siya sa isang tabi” upang manalangin. Walang sinuman ang lubos na abala, habang patuloy siyang hinihingan ng tulong ng mga nakapaligid sa kanya, na halos wala ng panahon para sa sarili niya. Gayunman, tayo’y sinabihan, “Madaling araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin” (Marcos 1:35). “Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi” (Mateo 14:23).


Tayong lahat ay maraming dahilan kung bakit hindi tayo nananalangin ng palihim, sa isang lihim na pook na nag-iisa. Sinasabi natin na wala tayong ganoong pribadong pook, o walang panahon upang gawin ito. Si Tomas Manton, isang makadiyos na Puritanong manunulat, ay nagsabi ng ganito: “Sinasabi natin na wala tayong panahon manalangin ng palihim. Ngunit may panahon tayo para sa ibang bagay: panahon upang kumain, uminom, para sa mga bata, ngunit walang panahon para sa bagay na nagsusustina sa lahat ng ito. Sinasabi natin na wala tayong pribadong pook, ngunit si Hesus ay natagpuan ang burol, si Pedro sa ibabaw ng bubong, ang mga propeta sa ilang. Kung iniibig mo ang isang tao, makakatagpo ka ng isang pook upang makapag-isa.”


Nakita mo ba ang kahalagahan ng paglalagay ng iyong puso upang manalangin sa isang lihim na lugar? Hindi ito tungkol sa legalidad o pagkakagapos, kundi tungkol sa pag-ibig. Ito’y tungkol sa kabutihan ng Diyos sa atin. Nakikita niya ang parating at alam niya ang ating mga pangangailangan, pang-araw-araw na pangpuno-muli. Lahat ng iyon ay matatagpuan sa lihim na pook kasama siya.

Lunes, Disyembre 28, 2009

NAKAUPONG KASAMA SI HESUS

Ayon kay Pablo, tayo na nananalig kay Hesus ay ibinangon mula sa kamatayang espirituwal at nakaupo kasama siya sa kalangitan. “Tayo’y binuhay niya kay Kristo kahit noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. (Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang loob.) Dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo-Hesus, tayo’y muling binuhay na kasama niya at pinaupong kasama niya sa kalangitan” (Efeso 2:5-6).


Saan ang kalangitang ito na kung saan tayo nakaupo kasama si Hesus? Ito’y walang iba kundi ang sariling tronong-silid ng Diyos--ang trono ng grasya, ang tirahan ng Makapangyarihan. Pagkatapos ng dalawang berso nabasa natin kung paano tayo dinala sa kahanga-hangang lugar na ito: “Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Kristo. Ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos , hindi mula sa inyo” (2:8).


Ang tronong-silid na ito ay ang luklukan ng lahat ng kapangyarihan at lupang pinamamahalaan. Ito ang luklukan na kung saan ang Diyos ang naghahari sa lahat ng kapangyarihan, at naghahari sa lahat ng gawain ng mga tao. Dito sa tronong-silid, nakikita niya ang bawat galaw ni Satanas at sinisiyasat ang bawat isipan ng tao.


At si Kristo ay nakaupo sa kanang kamay ng Ama. Sinasabi ng Kasulatan sa atin, “Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya” (Juan 1:3). At, “Sapagkat ang buong kalakasan ng Diyos ay na kay Kristo nang siya’y maging tao” (Colosas 2:9). Kay Hesus naninirahan ang lahat ng karunungan at kapayapaan, lahat ng kapangyarihan at lakas, lahat ng kailangan upang mabuhay sa isang matagumpay, mabungang buhay. At binigyan ng daan patungo sa mga kayamanang na kay Kristo.


Sinasabi ni Pablo sa atin, “Sa katiyakan ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa kamatayan, tayo ay ibinangon kasama niya sa pamamagitan ng Ama. At, sa katiyakan na si Hesus ay dinala sa trono ng kaluwalhatian, dinala tayo kasama niya sa katulad na lugar ng kaluwalhatian. Sapagkat tayo ay nasa kanya, tayo man ay nandon din kung nasaan siya. Iyan ang karapatan ng lahat ng mga mananampalataya. Nangangahulugan ito na tayo ay nakaupong kasama niya sa kalangitan na kung saan siya naninirahan.”

Biyernes, Disyembre 25, 2009

ANG PANUNUMBALIK ANG PANANAMPALATAYA

Myroon akomg natatanging pananalita doon sa mga humaharap sa mga imposibilidad: Ang panunumbalik ng pananampalataya ay ayon sa ganap na pahayag ng pag-ibig ng ating Amang nasa langit.


Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan” (Zefenias 3:17). Narito ang maluwalhating pahayag ng katapatan ng pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga tao. Sinabi ng Kasulatan sa atin na siya ay nagpahinga at nagbunyi sa kanyang pag-ibig sa atin!

Ang salitang Hebreo sa “kapahingahan” dito ay nangangahulugan na ang Diyos ay walang isa mang katanungan tungkol sa kanyang pag-ibig sa atin. Sa ibang salita, ay itinuon niya, o ipinahinga, ang kanyang pag-ibig sa atin, at hindi niya kailanman babawiin ito. Sa katunayan, tayo ay nasabihan na ang Diyos ay lubos na nagagalak sa kanyang pag-ibig sa atin at siya umaawit tungkol dito.


Naisip mo ba ito? Narito ang patunay sa langit sa kagalakan ng Diyos sa iyo. Isinalin ni John Owen ang talatang ito: “Lumundag ang Diyos, sa lubos na kagalakan.”


Higit pa dito, sinabi ni Pablo sa atin, ang lahat na labas sa banal na kaayusan—lahat na ng kawalan ng paniniwala at pagkalito—ay binago sa paghahayag ng pag-ibig ng Diyos. “Ngunit nang mahayag sa atin ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas (Tito 3:4).


Sa sinundang na talata, sinabi ni Pablo, “Noong una, tayo'y mga hangal, hindi masunurin, naliligaw” (3:3). Sa ibang salita, “Ang lahat ay wala sa kaayusan. Ang ating pananampalataya ay hindi matatag. Ngunit ang kabutihan at ang pag-ibig ng Diyos ay nahayag, na ibinigay na masagana ng Ama para sa atin sa pamamagitan ni Kristo.”

Nang sinabi ni Pablo na “nahayag” ang pag-ibig ng Diyos, gumamit siya ng salita mula sa Griyego na nangangahulugan ng “nangingibabaw.” Sa madaling sabi, tiningnan tayong mga mahihirap ng Panginoon, naguguluhang espiritu, puno ng takot at pagtatanong, at ipinangibabaw niya ang pahayag na ito: “Ililigtas ka ng pag-ibig ko. Magpahinga at magalak sa pag-ibig ko sa iyo.”


Pinasasalamatan ko ang Diyos sa araw na nahayag ang pag-ibig niya sa akin. Walang pananampalataya na maaring manindigan laban sa imposibilidad maliban kung ang lahat—bawata suliranin, bawat karamdaman—ay isinuko sa mapagmahal na pagkalinga ng ating Ama. Kapag ang kalagayan ko ay ganap nang malubha, kailangang mamahinga ako sa payak na pananampalataya.

Huwebes, Disyembre 24, 2009

LUBOS ANG PANINIWALA

Hindi nauga ang pananampalataya ni Abraham. Sa halip, “Lubos siyang naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito” (Mga taga Roma 4:21). Alam niya na ang Diyos ay nakagagawa mula sa wala. Sa katunayan, ang Panginoon ay lumikha mula sa wala. Isaalang-alang ang nangyari sa Genesis: mula sa wala nilikha ng Diyos ang sanlibutan. Sa isang salita lamang, lumikha siya. At kaya niyang gumawa ng himala para sa atin, mula sa wala.

Kapag ang lahat ay nabigo na—kapag ang lahat ng pamamaraan mo ay nagawa na—iyan na ang panahon para ipagkaloob ang lahat sa Diyos. Panahon na para sa iyo na isuko na ang lahat ng tiwala ng paghahanap ng kaligtasan kung saan saan. At kapag, handa ka nang maniwala, kailangang makita mo na ang Diyos ay hindi isang magpapalayok na nangangailangan ng putik, kundi isang Lumikha na gumawa mula sa wala. At, mula sa wala na mula sa sanlibutang ito sa mga gamit nito, gagawa ang Diyos sa paraan at pagkukunan na hindi abot ng iyong kaisipan.

Gaano ka seryoso ang Panginoon tungkol sa ating paniniwala sa kanya sa harap ng imposibilidad? Matatagpuan natin ang kasagutan sa tanong na ito sa istorya ni Zacarias, ama ni Juan Bautismo. Si Zacarias ay dinalaw ng anghel na nagsabi na ang asawa niyang si Elizabeth, ay manganganak nang isang di-pangkaraniwang sanggol. Ngunit si Zacarias na matanda na ring tulad ni Abraham—ay ayaw maniwala tungkol dito. Ang pangako ng Diyos ay hindi sapat para sa kanya.

Sinagot ni Zacarias ang anghel, “Sinabi ni Zacarias sa anghel, "Paano ko matitiyak na mangyayari iyan? Ako'y matanda na at gayundin ang aking asawa." (Lucas 1:18). Sa madaling sabi, inisip ni Zacarias ang imposibilidad. Sinasabi niya, “Hindi mangyayari ito. Kailangang patunayan mo sa akin paano ito mangyayari.” Hindi ito kapani-paniwala.

Hindi nalugod ang Diyos sa pagdududa ni Zacarias. Sinabi ng anghel sa kanya, “Ngunit dahil sa hindi ka naniwala sa mga sinasabi kong matutupad pagdating ng takdang panahon, ikaw ay magiging pipi. Hindi ka makakapagsalita hanggang sa araw na maganap ang mga ito." (1:20)

Ang mensahe ay mailwanag: Inaasahan ng Diyos na manalig tayo sa kanya kapag nagsalita siya. Kahalintulad, isinulat ni Pedro: “Kaya nga, ang mga naghihirap dahil sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako. (1 Pedro 4:19, aking italika).

Miyerkules, Disyembre 23, 2009

SA HARAP NG MGA IMPOSIBILIDAD

Hindi nanghina ang kanyang pananampalataya kahit uugud-ugod na siya, palibhasa'y isandaang taon na siya noon, at ang kanya namang asawang si Sara ay baog. (Roman 4:19).


Ang kakanyahan ng tunay na pananampalataya ay matatagpuan sa talatang ito. Ipinangako ng Diyos kay Abraham na magkakaroon siya ng anak, siyang magiging binhi ng maraming bansa. Kagulat-gulat, hindi nagduda si Abraham sa pangakong ito, kahit siya ay lampas na sa edad na maari pang maging ama. Sa halip, nang matanggap ni Abraham sa Diyos ang mga salitang ito “isina-alang-alang niya ay hindi ang katawan niya … ang patay na sinapupunan ni Sara.”

Sa likas na pag-iisip, ang pangakong ito ay di-maaring maganap. Ngunit binalewala ni Abraham ang ganitong isipin na di-maaari. Ayon kay Pablo, hindi pinag-isipan ng isang iginagalang na matanda kung paano tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako. Hindi siya nangatuwiran sa Diyos, “Ngunit, Panginoon, wala na akong binhi na maipupunla. At si Sara ay wala ng buhay sa kanyang sinapupunan para magdalang-itao. Matanda na ang aking asawa para manganak pa. Kaya, paano mo ito gagawin, Panginoon?” Sa halip na bigyang pansin ang ganitong mga katanungan, ay binalewala na lamang niya ang mga ito.”


Sa katunayan ay, kapag ang Diyos ay kumikilos sa paghahanda ng isang pananampalataya na subok na at higit pa sa ginto, ay kanya munang inilalagay sa wala ang lahat ng pantaong pag-aari. Isinasara niya ang lahat ng pantaong pangangatuwiran, nilalampasan ang lahat ng nasa katuwirang kaligtasan.


Ang pananampalataya na nakalulugod sa Diyos ay nagsimula sa lugar ng mga kawalan ng pag-asa. Nangungusap ako dito tungkol sa kawalan ng pag-asa sa lahat ng pantaong-posibilidad. Ito ay lugar na kung saan ang mga balak na gawa ng tao ay nagtatagumpay sa una at pagkapatapos ay mamatay. Ito ay isang lugar na kung saan ang pag-asa ng tao ay nagdadala ng panandaliang lunas at pagkatapos ay mauuwi sa wala, at nakadadagdag pa sa kahinaan.

Ikaw ba’y nakaranas na ng ganitong karanasan? Nangyari na ba sa iyo na wala ka nang pagpipilian pa? Na wala ka nang matawag pa para magbigay ng payo sa iyo. Ang langit ay parang tanso kapag ikaw ay nananalangin, na ang iyong mga kahilingan ay napupunta lamang sa wala.


Ipinahahayag ko sa iyo, na ang Diyos ay kumikilos. Ang kanyang Espiritu ay kumikilos para pigilan kang mag-isip ng kawalan ng pag-asa—na huminto na sa paghahanap ng pamamaraan ng tao—na tigilan na ang pag-iisip kung paano makatatakas sa ganoong kalagayan. Ang Espiriru Santo ay hinihikayat ka, “Tigilan na ang paghahanap ng lunas mula sa tao. At tigilan na ang pag-iisip na wala nang pag-asa ang iyong kalagayan. Ito ay pumipigil sa iyong pananampalataya.”

Martes, Disyembre 22, 2009

MGA PABORITONG PANGAKO SA BIBLIA

Narito ang ilang mga paborito kong mga pangako sa Biblia—mga pangako na minarkahan ko sa aking Biblia na pinagpala ako sa maraming taong lumipas. Magtiwala sa mga ito. Basahin ang mga ito ng paulit-ulit. Ang mga ito’y para sa iyo.


· Huwag kang matakot o panghinaan man ng loob, sapagkat hindi ka na mapapahiya. Malilimot mo na ang kahihiyang dinanas mo noong iyong kabataan; hindi mo na maaalala ang matinding kalungkutan ng pagiging isang biyuda. (Isaias 54:4).


· Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako." Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo. (Isaias 54:10).


· Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay." Ito ang sinabi ni Yahweh. (Isaias 54:17).


· Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.


· Iniingatan mo sila at kinakalinga, laban sa balak ng taong masasama; inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan, upang hindi laitin ng mga kaaway. (Mga Awit 31:19-20).


· Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)


· Ang sabi ni Yahweh, "Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan. (Mga Awit 32:7-8).


· Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.


· Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala. ” (Mga Awit 37:4-5).


· Kahit na nga dinanas ko ang hirap at madlang sakit, subalit ang aking lakas ay muli mong ibinalik, upang ako'y di tuluyang sa libingan aAy mabulid.


· Tutulungan mo po ako at karangala'y dadagdagan, ako'y muli mong aliwin; iahon sa kahirapan. (Mga Awit 71:20-21).

Lunes, Disyembre 21, 2009

ANG PAG-IBIG NG DIYOS AY HINDI MABIBIGO KAILANMAN

Nang isinulat ni David ang mga salita sa Awit 13, nagtanong siya, “Gaano katagal mo akong lilimutin, Panginoon? Habang-buhay? Gaano katagal mong itatago ang mukha mo sa akin? Gaano pa katagal akong magdadala ng pighati sa aking puso araw-araw? Gaano katagal pang paangatin ang kalaban sa akin?


May pakiwari ito na parang si David ay nadama na ang Diyos ay hinayaan siyang magdusa at gumising bawat araw na may itim na ulap na nakabitin sa kanyang harapan. Sa isang panahon, nangusap si David ng kawalan ng pag-asa: “O Diyos ang nadadama ko bang pag-iisa ay mananatili ng walang katapusan? Kalian magkakaroon ng kasagutan ang aking mga panalangin?”


Mga minamahal, kapag inatake tayo ng mga kaguluhan maging alam natin na iniibig natin ang Panginoon—kapag ang kaligtasan ay mukhang wala ng pag-asa—tayo ay lumulubog sa diin ng kagipitan. Sa mga sandaling ito, mayroon diyang nagbabasa ng mga pangungusap na ito ay lumulubog sa ilalim ng isang nakasisindak na kalagayang na mukhang wala ng solusyon. Sila ay nasa bingit na ganap na kawalan ng pag-asa, umaasa na may kapahingahang darating para lamang mapahinga sa mga pagsubok.


Sa sumunod, nagtanong si David, “Gaano pa katagal akong kukuha ng payo mula sa aking kaluluwa?” Nangusap siya ng magbuo ng planong sunod-sunod, sinusubukang humanap ng paraan palabas sa mga pagsubok na ito—ngunit lahat ng plano, lahat ng pamamaraan ay nabigo. Ngayon wala na silang maisip na iba pang paraan. Siya ay nasa katapusan na ng lahat.


Paano nakaahon si David mula sa balon ng kawalan ng pag-asa? Mananalig ako sa iyong habag… Ako ay aawit…”

Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang ilang mga kadahilanan para manatiling nananalig sa iyong pamamaraan sa iyong mga pangkasalukuyang mga pagsubok: Gaano man katindi ang bagyong dinaranas, ang ating Panginoon ay patuloy na magpapakain ng mga ibon, bibihisan ang mga bulaklak sa parang at pupunuin ng mga isda ang karagatan para sa kanilang mga pang-araw-araw na mga pangangailangan. “Ang iyong Amang nasa langit ay nagpapakain sa kanila…” Wala is mang ibon ang nahuhulog sa lupa na hindi nakikita ng mga mata ng Ama.


Anong uri ng Ama ang magpapakain ng lahat ng nilikha sa sanlibutan at sa isang banda ay pababayaan niya ang kanyang mga anak? Hinikayat tayo sa mabuti ni Hesus na “huwag mag-alala” sa mga pang-araw na mga pangangailangan at mga suliranin, “sapagkat minamahal ka niya.”


Tunay na iniibig ka ng Panginoon, at hindi niya babalewalain ang iyong mga panalangin. Magpakatatag, magpatuloy ka, at huwag mainip sa paghihintay. Hindi ka niya bibiguin.

Biyernes, Disyembre 18, 2009

ISANG DAAN PATUNGO SA TRONO

Hindi mo maaring itangis ang daan patungo sa maka-langit na kalagayan. Hindi mo maaring pag-aralan o naisin ang daan patungo dito. Hindi, ang tanging daan patungo sa buhay-trono ay ang daan ng buhay ng pagpapakasakit: “Iaalay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa kanya. Ito ang dapat na pagsamba ninyo sa kanya” (Roma 12:1).


Si Pablo ay nagpapahayag mula sa kanyang karanasan. Narito ang isang lalaki na tinanggihan, tinukso, inusig, binugbog, ibinilanggo, winasak, pinagbabato. Na kay Pablo rin ang lahat ng pangangalaga ng iglesya . Gayunman, nagpatotoo siya, “Sa bawat kalagayan, ako ay nasisiyahan.”


Ngayon sinasabi niya sa atin, “Kaya, nais ninyong malaman kung paano ko natutunan ang makalangit na paglalakad na ito? Nais ninyo bang malaman kung paano ko natamo ang kasiyahan anuman ang katayuang kinalalagyan ko, kung paano ko nakita ang tunay na kapahingahan kay Kristo? Narito ang daan, ang lihim ng pagtatakda ng iyong makalangit na kalagayan: Iaalay mo ang iyong sarili bilang handog na buhay sa Panginoon. Natamo ko ang kasiyahan sa pamamagitan lamang ng sarili kong paghahangad.”


Ang ugat na salita sa Griyego para sa “namumuhay” dito ay nagmumungkahi ng “habang-buhay.” Si Pablo ay nagpapahayag dito tungkol sa nakataling pangako, isang pagpapakasakit na ginawa minsan lamang sa buong-buhay. Gayunman, huwag bigyan ng maling kahulugan; hindi ito isang pagpapakasakit na may kinalaman sa pagtatakip-sala sa kasalanan. Ang tanging pagpapakasakit ni Kristo sa krus lamang ang karapat-dapat sa pagtatakip sa kasalanan: “Subalit minsan lamang siyang nagpakita, ngayong magtatapos na ang panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng haing kanyang inihandog” (Hebreo 9:26).


Hindi, si Pablo ay nagpapahayag ng naiibang uri ng pagpapakasakit. Gayunman, huwag magkamali; hindi kinalugdan ng Diyos ang pagpapakasakit na gawang-tao sa Lumang Tipan. Sinasabi ng Hebreo sa atin, “Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan” (10:6). Bakit hindi kinalugdan ng Panginoon ang mga pagpapakasakit na ito? Sa madaling sabi, ang mga ito ay hindi nangailangan ng puso.


Ang pagpapakasakit na ipinahayag ni Pablo ay iyong kinalugdan ng Diyos, tiyak sapagkat ito ay ginawa na galing sa puso. Ano ang pagpapakasakit na ito? Ito ay ang kamatayan ng ating sariling paghahangad, nang pagsasaisang-tabi ng ating sariling kakayahan at pagwawalang-bahala sa ating mga hangarin.


Nang manghikayat sa mabuti si Pablo, “Iaalay mo ang iyong sarili,” sinasabi niya na, “lumapit ka sa Panginoon.” Gayunman, ano talaga ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na lumapit sa Diyos na may hangaring iaalay ang buong sarili sa kanya. Nangangahulugan ito ng paglapit sa kanya hindi sa pamamagitan ng sarili nating kakayahan, kundi bilang isang bata na muling-nabuhay, na banal sa katuwiran ni Hesus, bilang tinanggap ng Ama sa pamamagitan ng ating katayuan kay Kristo. Sa sandaling isinuko mo ang iyong sariling hangarin sa kanya, ang pagpapakasakit ay nagawa na. Nangyayari ito kapag itinigil mo ang pagpapakahirap na malugod ang Diyos sa iyong pansariling kakayahan. Ang gawaing ito na may pananalig ay ang “makatuwirang paglilingkod” na siyang tinutukoy ni Pablo. Ang lahat ng ito ay tungkol sa ating pananalig sa kanya sa pamamagitan ng ating sariling paghahangad, nananalig na ipagkakaloob niya ang lahat ng pagpapala na kailangan natin.

Huwebes, Disyembre 17, 2009

BIGYANG-KALUGURAN ANG IYONG SARILI SA PANGINOON

Ang ating kapayapaan at kasiyahan ay laging nakasalalay sa ating pagsuko sa mga kamay ng Diyos, kahit anupaman ang ating kalagayan. Isinulat ng mang-aawit, “Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtam” (Awit 37:4).


Kapag lubos mong isinuko ang iyong sarili sa mga kamay ng Diyos, magkagayon ay kaya mong maging matatag kahit ano pa at sa lahat ng mga paghihirap. Ang nais ng iyong Ama para sa iyo ay patuloy mong maharap ang pang-araw-araw mong gawain ng walang takot at pagkabalisa, lubos na nananalig sa kanyang pangangalaga. At ang pagsuko mo sa kanya ay mayroong mabisang kagamitan sa iyong buhay. Kapag lubos mong isinuko ang sarili sa pangangalaga ng Diyos at pag-iingat, ay lalo mong ipagwawalang-bahala anuman ang kalagayan ng kapaligiran mo.


Kapag ikaw ay sumuko sa kanya, hindi mo pirmihang iisipin kung ano ang gagawin mong susunod na hakbang. Hindi ka matatakot sa mga nakakasindak na balita na pumapainog sa kapaligiran mo. Hindi ka madadaig habang iniisip mo ang mga araw na darating sapagkat ipinagtiwala mo ang iyong buhay, mag-anak at kinabukasan sa ligtas at mapagmahal na kamay ng iyong Panginoon.


Gaano kabalisa o nakababahala kung iisipin mong ang mga tupa habang sumusunod sa kanilang pastol? Hindi man lang sila nababalisa, sapagkat sila ay lubos na nagtitiwala sa pangunguna nila. Kahalintulad, tayo ang mga tupa ni Kristo, ang ating dakilang Pastol. Kaya, bakit pa tayo mababahala, mananahimik o mag-aalala tungkol sa ating mga buhay at kinabukasan? Ganap na alam niya kung paano pag-iingatan at pangangalagaan ang kanyang kawan sapagkat ina-akay niya tayo sa pag-ibig!


Sa aking sariling buhay, natutunang kong magtiwala sa Diyos sa bawat suliranin sa bawat sandali: Paano kong masasabing nananalig ako sa Diyos sa lahat ng bagay, kung hindi ko kayang patunayan na nagtitiwala ako sa kanya sa isang bagay? Sinasabi lamang ang mga salitang, “Lubos akong nananalig sa Panginoon,” ay hindi sapat. Kailangan kong patunayan ito ng paulit-ulit sa aking buhay, sa maraming pagkakataon at sa mga pang-araw-araw na mga bagay.


Maraming tao na nabubuhay ngayon ay nagsabi, “Ako’y sumuko, aking ipinagtiwala, ako’y nananalig,” doon lamang sa mga pagkakataon na pagkatapos nilang sabihin na wala nang pag-asa ang kanilang kalagayan. Ngunit ang tunay na pagsuko, ang uri na nakalulugod sa Diyos, ay walang pumipigil at kusang ginawa, bago pa mangyari na tayo’y mawalan na ng pag-iisip. Kailangan na tayo ay kumilos na may pagkaka-isa sa Panginoon, katulad ng ginawa ni Abram, ibinigay ang buhay niya ng lubusan, at hinayaang punuin ito ng Panginoon.