Biyernes, Hulyo 31, 2009

MASUSING UTOS AT MAALIWALAS NA PAGPAPASIYA!

Ang layunin ng Diyos para sa bawat isa sa kanyang mga anak ay ang sumuko tayo sa kapangyarihan at pamumuno ng banal na Espiritu:

“Ang Espiritu ang nagbibigay buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay” (Galacia 5:25) Sa madaling sabi, “Kung siya’y namumuhay sa iyo, hayaan mong siya ang manguna sa iyo!”

Nais kong ipakita sa iyo kung ano ang kahulugan ng paglalakad sa Espiritu. Hindi ko pa nararating ang maluwalhating paglalakad na ito-ngunit ako ay palapit ng palapit dito!

Narinig na natin ang pangungusap na “paglalakad sa Espiritu” sa ating buong buhay, ngunit ano talaga ang kahulugan nito? Naniniwala ako na ang ika-labing anim na kabanata ng Gawa ay isa pinakamahusay na halimbawa na kung paano lumakad sa Espiritu.

Ang Banal na Espiritu ay nagbigay ng ganap, maliwanag na pagtuturo doon sa mga naglalakad sa kanya. Kung lumalakad ka sa Espiritu, tiyak na hindi ka maglalakad ng may kaguluhan—ang iyong mga pasiya ay hindi malabo.

Ang mga naunang Kristiyano ay hindi naglakad ng may kaguluhan. Sila ay inakay ng Espiritu sa bawat pagpapasiya, bawat galaw, bawat kilos! Nangusap ang Espiritu sa kanila at tinuruan sa bawat paggising nila. Walang pagpapasiya na ginawa na hindi sumangguni sa kaniya. Ang bansag ng iglesya sa kabuuan ng Bagong Tipan ay: “Kung sino ang may pandinig, hayaan niyang madinig kung ano ang sasabihin ng Espiritu!”

Nagsimula akong mangaral sa lungsod ng New York sapagkat maliwanag na sinabi sa akin ng Banal na Espiritu: “Magtungo ka sa lungsod ng New York at magtatag ka ng iglesya.” At sinabi niya sa akin kung kalian ako magtutungo doon. Walang impakto o diyablo ang maaring pumigil sa akin—sapagkat nagbigay ang Espiritu ng masusing utos. Natatandaan ko pa ang pagkakatayo ko sa kanto ng “Broadway at Seventh Avenue,” tumatangis at nakataas ang mga kamay. Sinabi ng Banal na Espiritu, “Dito mismo sa pook na ito ako’y magtatatag ng iglesya. Sundin mo ako, David. Magsimula ka ng iglesya sa lungsod ng New York!” Hindi isang pagkakataon lamang ang “Times Square Church.” Ito ay bunga ng maliwanag, masusing utos mula sa Banal na Espiritu!

Huwebes, Hulyo 30, 2009

GAANO KAHALAGA ANG MAGPATAWAD AT BASBASAN ANG ATING MGA KAAWAY?

Isinulat ni Pablo, “Huwag kayong maghiganti” (Roma 12:19). Sinasabi niya, Pagdusahan ang mali. Iwan ito at magpatuloy. Mamuhay sa Espiritu.” Subalit, kapag ating tinanggihan ang magpatawad sa pasakit na ginawa sa atin, ay kailangan nating harapin ang mga kahihinatnan nito

Mas nagkakasala tayo kaysa sa taong nakasakit sa akin.
1. Ang habag at biyaya ng Diyos na ibibigay ay mawawala sa atin. Pagkatapos, habang nagsisimulang dumating ang mga pasakit sa atin, lalo natin itong hindi mauunawaan, sapagkat tayo ay nasa kalagayan ng di-pagsunod.
2. Ang pagkainis sa ating taga-usig ay patuloy na nananakawan tayo ng kapayapaan. Siya ang magwawagi, magtatagumpay siyang bigyan tayo ng nananatiling sugat.
3. Sapagkat nagtagumpay si Satanas na mahikayat tayo sa pag-iisip ng paghihiganti, magagawa niyang dalhin tayo sa mas matinding pagkakasala. At tayo’y makakagawa ng pagmamalabis na higit pa sa mga ito.

Ang manunulat ng Kawikaan ay nagpayo, “Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, Ang di pagpansin sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan” (Kawikaan 19:11). Sa madaling sabi, wala tayong gagawin hanggang humupa ang ating galit. Hindi tayo gagawa ng pasiya o kaya’y gumawa ng hindi tama habang tayo’y galit.

Nagbibigay tayo ng kaluwalhatian sa Amang nasa langit kapag pinalampas natin at pinatawad ang kasalanang nagawa sa atin. Ang ganitong gawi ay nagpapatibay nang ating pagkatao. Kapag tayo ay nagpatawad katulad ng pagpapatawad ng Diyos, dinadala niya tayo sa pagpapahayag ng kagandahang-loob at biyaya na hindi pa natin nakamit.

Iniutos ni Hesus sa atin na mahalin natin ang mga taong ginawa ang sarili nila na maging kaaway natin sa pag gawa ng tatlong bagay:

1. Basbasan natin sila.
2. Gawan natin sila ng kabutihan.
3. Ipanalangin natin sila.

Sa Mateo 5:44, Ngunit ito naman ang sabi ni Hesus, “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.”

Miyerkules, Hulyo 29, 2009

PANALANGIN-ANG MAHABA AT MAIKSI NITO!

“Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita sa harap ng Diyos. Isipin mo munang mabuti ang ipapangako mo sa kanya pagkat nasa langit siya at ikaw ay nasa lupa. Magiingat ka sa pagsasalita” (Mangangaral 5:2)

Madalas mayroong pagkukunwa sa mahabang panalangin. Ang hangarin na “magpalakas” sa Diyos; ang hangarin na tularan ang panalangin ng buhay ng mga tao na ginamit ng Diyos; isang masuring pagtatangka na madaig ang Panginoon nang may sapat na wika para painipin siya sa pagkilos. Ako’y nagtataka--ang Diyos ba’y naiinip? Hinahanap niya ba ang maraming panalangin at mga kahilingan na ayon sa naka kahon sa kaiksian at katalinuhan? Ilan sa atin ay nagdudumali sa lihim na munting silid at “nagmamadali sa pagbigkas.” Nagiging padalos-dalos tayo, masalita, at parang lorong paulit-ulit, walang halagang kahilingan at mga papuring tulad. Ang Diyos ay nangangailangan ng karapat-dapat na matalino, maigsing paglalahad ng ating pangangailangan, isang malinis kaisipang tapat na papuri, isang karangalang ayon sa tapat na paggalang sa Hari ng mga hari.

Maging tiyak sa Diyos sa panalangin at siya ay magiging tiyak din sa iyo sa tanging kasagutan. Mapagbalewala at kagaanan ay walang puwang sa kanyang hukuman.

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Maghintay kayo rito at makipag puyat sa akin” (Mateo 26:38)

Ang tunay na layunin ng panalangin ay magalak sa pansariling pakikisama sa Panginoon. Hindi gusto ng puso na manatili sa presensiya ng Diyos at bigyan kasiyahan ang sarili sa “paglilingkod.” Ito’y naglalarawan ng isang pagmamadali sa lalim ng gabi o sa umaga na kung saan ang isang “pagmamadaling” panalangin ay inialay at isang madaliang bahagi ng Kasulatan ay kagakyat na tinanggap. Lahat ng pagsaksi sa mundo ay hindi maiaalis sa tao ang kanyang tungkulin at karapatan sa pananalangn sa lihim na silid. Ikandado ang sarili sa Diyos hanggang ang karnal na kaluluwa ay nabago! Walang sinuman ang dapat na manalangin nang walang pagpapakahirap at walang sinuman ang magpapakahirap ng walang pananalangin.

Bawat handog mula sa Diyos ay babayaran mo ng pagdaing. Ang tunay na kalalakihan at kababaihan ng Diyos ay nanghihina kung walang pang-araw-araw, na matatag na panalangin.

Martes, Hulyo 28, 2009

PAGKA-MASUNURIN AY HIGIT PA SA PAGPAPALA

Sinabi ni Samuel, “Akala mo ba’y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at hain kaysa pagsunod sa kanya? Ang pagsunod sa kanya ay higit sa handog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa” (1 Samuel 15:22).

Ito’y nakasulat, “Pagkamasunurin ay higit pa sa pagpapakasakit.” Sabi ko ito rin ay higit pa sa pagpapala. Ito ang pinakamalalim na kahulugan ng salaysay ng pag-aalay ni Abraham kay Isaak sa altar. Sinabi ng Diyos, “Humayo ka at gawin mo ito.” Sumunod siya. Lumisan ba si Abraham sa altar na nagsasabi, “Nagbago ang isip ng Diyos”? Hindi ako naniniwala. Pagkamasunurin lamang ang nais ng Diyos. Naranasan ko yan ngayon lang araw na ito. Sinabi sa akin ng Diyos na makipagkasundo at binigyan ako ng lahat ng patunay na dapat kong angkinin ng tiyak ang isang bagay. Ginawa ko. Ginawa ko sa abot ng aking kakayanan na makamit ito. Ngunit hindi ko ito nakuha! Ano ngayon? Dapat ko bang tanungin ang Diyos? Dapat ba akong magduda na kinausap niya ako? Dapat ko bang paniwalaan na ako ay hinadlangan ni Satanas? Hindi! Masigasig ko pang hinanap ang Panginoon. Sinabi niya, “Gawin mo ito,” at ginawa ko ito. Ako’y mamamahinga sa kapayapaan ng pagkamasunurin. At ito’y humigit pa sa pagpapala. Ipinapakita lamang ng Diyos ang isang mukha ng barya—pagkamasunurin.

Ang lingkod ay dapat sumunod ng walang pagtatanong! Iyan man ay pananampalataya: Kapag ang panginoon ay nag-utos sa kanyang lingkod na humayo, hahayo siya; tumungo at magtutungo siya.

“Hindi ako matatakot kung ako man ay patayin” (Job 13:15)

Ang tao ba’y magtatangka sa kanyang puso na magtiwala sa Diyos kung lumalabas na hindi niya tinutupad ang pangako? Ang tao ba’y patuloy na bibigkas ng pahayag ng pananampalataya kung ang lahat ng kanyang pangunguna ay “sumabog” sa kanyang mukha? Ginawa ito ng mga higante ng pananampalataya! Ang tao ng dakilang pananampalataya ay humarap sa pinaka maapoy na mga pagsubok. Ang Diyos ay may kakaibang pamamaraan ng paghubog ng pananampalataya, at mas malalim sa Diyos ang patunguhan mo, lalong higit na kakaiba ang iyong pagsubok. Huwag mong akalaing ang mga karamdaman ay nangangahulugan na ikaw ay hindi kaaya-aya sa kanya! Ang mga himala ay ipinakikita lamang sa gitna nang (imposibilidad) pagka-dimaari. Kayat hinahangad mo na ikaw ay maging anak ng pananampalataya—kayat ihanda mo ang iyong sarili sa buhay ng may mga kakaibang pagsubok.

Ang pananampalataya ay dumadating sa pag gawa ng kung ano mayroon ka. Huwag mong hintayin na maalis ang mga hadlang. Humayo ka kahit anupaman! Ang pinakamaselang bahagi ng pananampalataya ay “ang huling kalahati ng oras.”

Lunes, Hulyo 27, 2009

NANATILING NAKATAYO

Bawat tagumpay na mapagwagian natin laban sa laman at sa dimonyo ay susundan pa nang mas matinding tukso at pagsalakay. Si Satanas ay hindi basta susuko sa kanyang pakikidigma laban sa atin. Kapag nagapi natin siya minsan, pag-iibayuhin pa niya ang kanyang lakas at muling babalik sa atin. At kaginsa-ginsa’y tayo ay nasa espirituwal na digmaan na akala natin ay atin nang napagtagumpayan.

Ang Kasulatan ay nagsasabi sa atin ng “Humanda naman ang mga kawal ng Siria at sila’y naglaban” (2 Samuel !0:17). Kaginsa-ginsa’y si David ay humaharap sa dating kaaway—na minsan ay naisip niya na kanyang nagapi nang lubos. Mahalagang ito ay itala na si David ay hindi nabubuhay sa kasalanan noong panahong iyon. Isa siyang makaDiyos na tao na lumalakad ng may takot sa Panginoon. Ngunit si David ay isa ring tao—at maaring siya’y lubos na naguguluhan tungkol sa mga nangyayari. Bakit hahayaan ng Diyos ang kalabang ito na muling magbalik laban sa kanya?

Kung ikaw ang nasa yapak ni David? At nanalangin, “Panginoon, ang nais ko lang ay malugod ka—sundin ang iyong Salita at gawin ang tama lamang. Alam mo na ako’y nag-aayuno, nananalangin, at mahal ang iyong Salita. Hindi kailanman ko ginusto na magdalamhati ka. Kayat bakit higit na malakas ang panunukso sa akin? Bakit ako humharap sa katulad na pakikipaglaban sa dating kaaway?

“Buhat nang maglagay ako ng hukom nila… magiging payapa ka sapagkat wala nang gagambala sa iyo. Bukod dito, akong si Yahweh ay nagsasabi sa iyo: Patatatagin ko ang iyong sambahayan. Pagkamatay mo, isa sa iyong mga anak ang ipapalit ko sa iyo. Patatatagin ko ang kanyang kaharian” (2 Samuel 7:11-12)

“Sa gitna ng kanyang kaguluhan at pagsusuri sa kaluluwa, naalala ni David ang pangako na ibinigay sa kanya (2 Samuel 7:11-12). Kayat habang ang dimonyo ay ipinupukol kay David ang lahat ng uri ng sandata na meron sa impiyerno, ipinapakita ng Panginoon sa kanya na hindi pa man siya nakikipaglaban ay lalabas siyang nagtagumpay. Inalis ni David ang kanyang tingin sa dumadating na kaaway. Sa halip siya ay nagpainit sa pahayag ng mapagmahal na kabutihan ng Diyos. Ito ang binabalak ng Diyos sa bawat isa sa kanyang mga anak kapag ang kaaway ay dumating sa kanila na parang baha. Ang Panginoon ay “hahadlang” sa kanila sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig. Sa madaling sabi, dumating siya sa kanila na nagsasabi, “Ipinangangako ko na kayo ay lalabas dito na nakatayo. Maaring masugatan kayo—ngunit ito ay walang halaga. Ginawa ko na kayo na tagumpay.”

Biyernes, Hulyo 24, 2009

PAGMAMAY-ARI NG IYONG LUPANG IPINANGAKO

Maraming nagmumula sa ibang nasyon ay taglay si Kristo bilang kalahatan sa kanila. Gayunman ang nakararami sa mga taong ito, kasama na ang marami mula sa ministeryo, ay tinalikdan si Hesus bilang pinagmulan nila. Bakit? Alam nila na malaking kawalan ito na tumalikod umaasa sa kanilang sariling laman. Nakita mo, mayroong mangyayari kapag tayo ay tumawid sa guhit patungo sa Pinakabanal ng mga banal. Sa sandaling pumasok tayo sa presensiya ng Panginoon, nalaman natin na ang kalamnan ay kailangan mamatay. Kasama dito ang lahat ng pagnanais para sa espirituwal na kasiglahan, lahat ng usapin ng dakilang pagbabago, lahat ng tuon sa kaligtasan, at ang lahat ay naghahanap ng bagong gawain o kilusan.

Mismong si Hesus ay kailangan maging lahat para sa iyo, Siya lamang ang pagmumulan ng iyong kasiglahan, iyong matatag na pagmumuling-buhay. Siya ang iyong patuloy na Salita ng katuruan, ang iyong bagong biyaya tuwing umaga. Sa sandaling tumawid ka sa gilid, hindi ka na maaring umasa sa mga matatalinong guro, mga piniling mangangaral, mga makapangyarihang ebangheliko. Kung patuloy mong hinahanap ang tao sa halip na si Kristo—nagdudumali sa bawat pagtitipon, naghahanap ng tao para ka basbasan—kung ganon ay hindi ka nasisiyahan kay Kristo. Siya lamang ang lahat para sa iyo.

Si Abraham ay tinawag na “kaibigan ng Diyos” (tingnan Santiago 2:23) dahilan sa kanyang malapit na kaugnayan sa Panginoon. Ang kaibigan ay isang tao na bukas ang loob na ibigay ang puso sa iba at maliwanag na ang Panginoon ay ibinahagi ang puso niya kay Abraham. Sinabi ni Yahweh, “Hindi ko dapat ilihim kay Abraham ang aking gagawin.” (Genesis 18:17)
Sa katunayan, ipinahayag ni Pablo, “Ang Diyos…ipinahayag na kay Abraham noon pa ang Mabuting Balita” (Galacia 3:8). Sa madaling sabi, ipinakita ng Panginoon kay Abraham ang mga dakilang bagay na padating. Kasama dito ang mga bansa na darating na nakita ni Abraham: “Nakita na si Abraham ay tiyak na magiging dakilang bansa, at ang lahat ng bansa ay pagpapalain sa kanya.” (8:17

Alam ni Abraham na si Hesus ay ang ipinangakong pagmamay-ari natin. Nakita niya ang matagumpay na si Hesus na pinabagsak ang lahat ng nagmamataas na makapangyarihan. Nakita niya ang tagumpay ng krus at ang maraming bansa na nagtutumulin patungo sa Lupang Ipinangako, dala ang pangako sa kanila: si Kristo mismo. Ang mga taong ito ay hindi nagsusumikap na makapasok, o kaya’y gumagawa ng mga hungkag na pangako sa Diyos. Dala-dala ang kanilang pangako sa pamamagitan ng panampalataya lamang, nagtitiwala sa Salita ng Diyos sa kanila.

Nakuha mo na ba ang Lupang Ipinangako? Nahawakan mo na ba ang nakatakda at pagpapala na pinagwagian ni Hesus sa krus para sa iyo?, Hinihikayat kita, gawin mong si Hesus ang iyong buhay, ang lahat sa iyo, lahat ng bagay sa iyo. Tanggapin mo ang paanyaya ng Diyos para sa iyo at pumasok ka sa kapayapaan at kapahingahan ng iyong walang hanggang pagmamay-ari, si Hesu-Kristo, ang Panginoon.

Huwebes, Hulyo 23, 2009

PAKIKIPAGLABAN SA ATING MGA KUTA

Maraming Kristiyano ay bumanggit sa 2 Corinto 10:3-4: “Hindi ako nakikipaglaban ayon sa pamamaraan ng sanlibutan. Ang sandata ko’y may kapangyarihan ng Diyos at nakapagpapaguho ng mga kuta.” Marami sa atin ay iniisip na ang mga kuta ay pagkaalipin sa katulad ng sekswal na pagkakasala, pagkagumon sa bawal na gamot, pagkagumon sa alkohol—mga panglabas na kasalanan na inilagay nating nauuna sa listahan ng mga pinakamasamang kasalanan. Ngunit si Pablo ay nagpapatungkol dito sa sa mga bagay na higit pa sa mga masasamang sukatan ng mga kasalanan ng tao.

Una sa lahat, hindi niya tinatalakay ang mga maladimonyong pag-mamay-ari. Sa aking palagay, ang dimonyo ay hindi maaring makapasok sa puso ng sinumang nananaig na Kristiyano at akuin ang pagkatao ng isang tao. Sa halip, ang nananagisag na kahulugan ng salitang kuta ni Pablo sa Griyego dito ay “ang mahigpit na paghawak sa isang pakikipagtalo.” Ang kuta ay isang bintang na mahigpit na nakatanim sa iyong isipan. Itinatag ni Satanas ang kuta sa mga tao ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanim sa kanilang isipan ng mga kasinungalingan at mga maling akala, lalo na tungkol sa kalikasan ng Diyos.

Halimbawa, ang kalaban ay maaring magtanim sa iyong isipan ng kasinungalingan na ikaw ay hindi espirituwal, lubos na hindi karapat-dapat sa biyaya ng Diyos. Maaring paulit-ulit niyang ibubulong sa iyo, “Hindi ka makakalaya sa iyong batbat na kasalanan. Hindi mo ganap na sinubukan. Hindi ka nagbago. At ngayon ang Diyos ay nawalan ng tiyaga sa iyo dahilan sa iyong patuloy na pagtayo at pagbagsak.”

O kaya ay maaring mahikayat ka ng dimonyo na ikaw ay may karapatan na panatilihin ang kasaklapan mo sapagkat ikaw ay minali, Kung patuloy kang makikinig sa kanyang kasinungalingan, magsisimula kang maniwala dito pagkaraan ng ilang panahon. Si Satanas ay ang mapagbintang sa mga kapatiran, pinupuntahan tayo paulit-ulit kasama ang kanyang hukbo na mapagbintang, nagtatanim ng maladimonyong kasinungalingan sa ating mga isipan. Ang mga kasinungalingang ito ang kanyang kuta—at kung hindi natin ito paglalabanan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, ito ay magiging mga takot na nakatanim sa ating mga isipan.

Ang tanging sandata na kinakatakutan ng dimonyo ay ang katulad na kinatakutan niya sa panunukso kay Hesus sa disyerto. Ang sandatang iyon ay ang katotohanan ng buhay na Salita ng Diyos. Ayon kay Mikas, narito ang pangako na ating panghahawakan: “Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkimkim ng galit. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala namin at ihahagis sa kailaliman ng dagat” (Mikas 7:18-19). Sa Hebreo, ang salitang supilin ay nangangahulugan na “yayapakan niya sila.” Hindi natin susupilin ang ating mga kasalanan; siya ang susupil sa mga ito sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya.