Biyernes, Oktubre 31, 2008

ANG PAGLAGO SA BIYAYA AY MAARING MAUDLOT

Nagbabala si Pablo sa mga taga Efeso, “Hindi na tayo matutulad sa mga batang nadadala ng bawat aral, parang sasakyang-dagat na sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin” (Efeso 4:14). Maaring isipin mo, “ang bersong ito ay hindi akma sa akin. Ang aking sinimulan ay biblikong matatag. Hindi ako nadadala ng mga nauusong makabagong pangangaral ng Magandang Balita at nakatatawang pamamaraan na siyang nakagugulo sa mga tao mula kay Kristo. Ako’y malalim ang pagkakatanim at matatag sa Salita ng Diyos.”

Gayunman pakinggan ang natitirang berso ni Pablo: “…nadadala…hindi na tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa kamalian” (4:14). Marahil hindi ka malilinlang ng maling doktrina. Sinabi ni Pablo na maari ka pa ring madala ng naiiba pang bagay. Nagtatanong siya, “Ikaw ba’y naihagis ng mga makadiyablong balakin ng mga taong sumasalungat sa iyo?”

Ang mensahe ni Pablo ay nananawagan na suriin muli natin ang ating mga sarili: Paano mo sasagutin ang mga taong tinatawag ang sarili nilang mga kapatiran nating babae at lalaki kay Kristo, samantalang sila’y nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa atin?

Nang ipinag-utos ni Pablo, “Huwag na tayong maging parang mga bata,” sinasabi niya sa atin, “Yaong mga kalaban mo—ang mga taong tsismoso at mapanirang-puri, manlilinlang, tuso at mandaraya, mapang-ilalim—sinasabi ko sa iyo, silang lahat ay mga batang rebelde. Sila’y mga baluktot at laki sa layaw. At hindi nila hinayaang kumilos ang grasya ng Diyos sa kanila. Kaya, huwag mahulog sa kanilang mga makasalanang, parang batang paglalaro.”

Sa sumunod na berso, hinikayat tayo ni Pablo na magpatuloy sa paglago: “Manapa’y sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Kristo na siyang ulo” (Efeso 4:15). Sinasabi niya, “Hindi mo mapigilan ang mga pagwawalang-bahala, pananakit na ginawa sa iyo, ang mga tsismis tungkol sa iyo, ang panlilinlang at pandaraya na iniumang sa iyo. Ganunpaman, magagamit mo ang bagay na ito para lumago sa grasya. Tingnan ang mga ito bilang isang oportunidad para maging kawangis ni Kristo. Tumugon ng mahinahon, na may mapagkumbabang espiritu. Patawarin ang mga taong naiinis na gumamit sa iyo.”

Huwebes, Oktubre 30, 2008

MAKAYANIG IMPIYERNONG PANALANGIN

Nang isinulat ang aklat ni Daniel, ang Israel ay nasa pagkabihag sa Babilonya. At sa ika-anim na kabanata, pagakatapos ng mahabang buhay sa ministeryo, si Daniel ay walumpung taon gulang.

Si Daniel ay isang palagiang mapanalanging tao. At ngayon, sa matanda niyang gulang, wala sa isip niya ang huminto. Hindi binanggit sa Kasulatan na si Daniel ay napagod o nawalan ng pag-asa. Sa kabaliktaran, si Daniel ay nagsisimula pa lamang. Ipinakita ng kasulatan na kahit na siya ay walumpung taong gulang na, ang kanyang mga panalangin ay yumanig sa impiyerno, ginalit ang mga dimonyo.

Iniasenso ni Haring Darius si Daniel sa pinakamataas na posisyon sa bayang iyon. Siya ay naging kahanay sa tatlong magkakahalintulad na pangulo, namumuno sa mga prinsipe at mga gobernador ng 120 lalawigan. Si Daniel ang naging pangunahin sa tatlong tagapamahala at ginawa siyang namumuno sa mga gumagawa ng mga patakaran sa pamahalaan at nagtuturo sa lahat ng inihirang sa hukuman at mga matatalino (Daniel 6:3).

Maliwanag, si Daniel ay isang abalang propeta. Naiisip ko lang ang uri ng mga kabigatan na iniatang sa ministrong ito, sa lubha niyang abalang panahon at makaubos oras na mga pagpupulong. Wala, ganunpaman, ang makapag-aalis ng panahon niya para manalangin; hindi siya maaring maging abala kapag mananalangin na. Ang manalangin ang nangunguna niyang gawain, inuuna sa lahat na hinihingi ng kanyang pagiging abala. Tatlong ulit araw-araw, nagnanakaw siya ng oras mula sa lahat ng gawain niya, dalahin, at mga kinakailangang gawin bilang namamahala upang gumugol ng panahon kasama ang Panginoon. Basta bibitiwan niya ang ginagawa at mananalangin. At sinagot siya ng Diyos. Tinanggap lahat ni Daniel ang kanyang karunungan, pangunguna, mga mensahe at mga hula habang nakaluhod (tingnan Daniel 6:10).

Maari mong tanungin—Ano ang panalangin na makayayanig sa impiyerno? Nagmumula ito sa mga tapat, masipag na lingkod na nakikita ang bansa at iglesya na nahuhulog na ng malalim sa kasalanan. Ang taong ito ay luluhod, tumatangis, “Panginoon ayokong maging bahagi ng mga nangyayari. Hayaan mong maging halimbawa ako ng pagtatago ng iyong kapangyarihan sa gitna ng makasalanang panahong ito. Hindi mahalaga kung wala ng ibang nananalangin. Mananalangin ako.”

Lubha ka bang abala upang manalangin? Sinasabi mo ba, “Dinadaan ko na lang sa pananalig”? maari mong isipin sa sarili mo, “Alam ng Diyos ang puso ko; alam niya kung gaano ako kaabala. Ibinibigay ko sa kanya ang aking pananalangin sa isip sa buong araw.”

Naniniwala ako na nais ng Panginoon ang kahalagahan, hindi nagmamadaling panahon niya sa atin. Panalangin na nagiging galaw ng pag-big at debosyon, hindi oras ng pag-hingi lamang.

Miyerkules, Oktubre 29, 2008

ANG PAG-ANGKIN NG KAPANGYARIHAN NA NA KAY KRISTO

Habang ginugol ni Hesus ang kanyang huling mga oras kasama ang kanyang mga disipulo, sinabi niya sa kanila, “Tandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo” (Juan 16:23). Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Hanggang ngayo’y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa pangalan ko; humingi kayo at kayo’y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan” (16:24).

Isang di-kapani-paniwalang pahayag. Habang ang tagpong ito ay nangyari, nagbabala si Kristo sa kanyang mga taga-sunod na siya ay lalayo, at hindi niya sila makikita sa maiksing panahon. Ganunpaman, doon din sa kalagayang iyon, isinuguro niya sa kanila na sila ay may karapatan sa pagpapala ng langit. Wala silang gagawin kundi ang humingi sa pangalan niya.

Ang mga disipulo ay mismong tinuruan ni Hesus na kumatok, maghanap, at humingi sa mga bagay na sa Diyos. Itinuro sa kanila unang-una na ang lahat ng pagpapala ng Ama—lahat ng biyaya, kapangyarihan at lakas—ay matatagpuan kay Kristo. At narinig nila na ipinahayag ni Hesus sa marami: “Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko” (Juan 14:12-14).

Ang salita ni Kristo sa kanyang mga disipulo ay tinamaan ako: ““Hanggang ngayo’y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa pangalan ko” (16:24). Habang binabasa ko ito, narinig ko ang Panginoon na bumubulong sa akin, “David, hindi mo pa inaangkin ang kapangyarihan na inihanda ko para sa iyo. Kailangan mo lamang humingi sa pangalan ko.”

Narito ang pinaniniwalaan kong nagpapalungkot sa puso ng Diyos higit pa sa lahat ng mga kasalanan na pinagsama-sama. Ang ating Panginoon ay nalulungkot sa paglago ng kawalan ng pananalig sa kanyang mga ipinangako…sa patuloy na pagdami ng pagdududa na sinasagot niya ang mga panalangin…at sa mga taong umuunti ng umuunting pag-angkin ng kapangyarihan na na kay Kristo.

Kahit na gaano pa ang hiningi mo sa pagkawangis ni Kristo, ito’y balewala kung ihahalintulad sa mga yaman ng kanyang espirituwal na karunungan na nananatiling naghihintay sa kanyang silid-imbakan. Humingi ng malaki! Humingi ng karunungan, humingi ng patnubay, humingi ng pahayag. Ngunit kailangan hilingin ito ng may pananalig, hindi ng pagdududa.

Martes, Oktubre 28, 2008

GAANO KALAKI ANG HESUS MO?

Ang Juan 14 ay naglalaman ng dalawang dakilang mga pangako. Sa una, ipinahayag ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko” (Juan 14:12-14).

Matapos ang dalawang talata, ipinangako ni Hesus, “Dadalangin ako sa Ama, ay kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo. Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo” (Juan 14:16-18).

Ang dalawang ito ay ang dalawang dakilang pangako mula kay Hesus. Gayunman, pansinin ang isang talata na napagigitnaan ng dalawang ito: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15). Bakit ang pahayag na ito ay lumabas dito? Sinasabi ni Kristo sa atin, “Mayroong bagay ng pagsunod na nakakabit sa mga pangakong ito.” Sa madaling sabi, ang dalawang pangako ay may kinalaman sa pag-iingat at pagsunod sa Salita ng Diyos. Ito ay ibinigay upang sundin, ipang walang makapigil sa atin sa pag-angkin ng kapangyarihan na na kay Kristo.

Nahikayat ako na ang humingi ng kaunti o wala kay Hesus ay isang paninisi sa kanya. Taon-taon, maraming Kristiyano ang nasisiyahan na sa paunti ng paunti. Sa huli, sapat na sa kanila ang kaligtasan lamang. Wala silang inaasahan kundi ang makarating sa langit balang-araw.

Tanong ko sa iyo: nakarating ka na ba sa katapusan ng iyong Kristo? Wala ka bang inaasahan maliban sa mailigtas ng kanyang kapangyarihan at biyaya? Ang iyo bang Kristo ay natatapos na sapat lamang ang lakas para makalampas sa isang araw? Tinatapos niya ba sa iyo sa isang lugar ng paminsan-minsang katahimikan at kagalakan, sa buhay na ipinamuhay halos sa ilalim ng panggugulo ni Satanas?

Ang lahat ng talatang ito sa Salita ng Diyos ay nahikayat ako na ang “aking” Hesus ay hindi malaki kaysa sa aking mga kahilingan. Gayunman, nakakalungkot, maraming Kristiyano ay pinagmukha si Kristong hindi mahalaga at walang kapangyarihan dahilan sa kanilang kawalan ng pananalig. Mga minamahal, ayokong gawing maliit lamang ang aking Kristo. Sa halip, nais kong malaman ng bawat dimonyo sa impiyerno kung gaano kalaki ang aking Diyos sa pamamagitan ng kung gaano kalaki ang mga kahilingan. Nais ko ang higit pa mula kay kristo. Nais ko siyang maging higit pang mas malaki sa aking buhay.

Lunes, Oktubre 27, 2008

ISINULAT NIYA ANG IYONG PANGALAN SA KANYANG KAMAY

Hindi kapani-paniwalang karapatan ang ibinigay sa atin sa pananalangin. Paano, ang tamang paraan, natin ginagamit ang karapatang ito? Sa pamamagitan ng sariling pangalan ni Kristo. Nakita mo, kapag inilagay natin ang pananalig kay Hesus, ibinibigay niya sa atin ang kanyang pangalan. Ang kanyang sakripisyo ay nagbigay sa atin para sabihin, “Ako si Kristo, Ako’y nasa kanya. Ako’y isang kasama niya.” Pagkatapos, kamangha-mangha, kinuha ni Hesus ang pangalan natin. Bilang ating nakatatas na pari, isinulat niya ito sa palad ng kanyang kamay. At kaya ang ating pangalan ay nakasulat sa langit , sa ilalim ng maluwalhati niyang pangalan.

Makikita mo kung bakit ang pariralang “Sa pangalan ni Hesus” ay hindi basta lamang parang walang ibig sabihin. Sa halip, ito ay isang literal na kalagayan na mayroon tayo kay Hesus. At ang katayuang iyan ay kinikilala ng Ama. Sinabi ni Hesus sa atin, “Sa araw na yao’y hihingi kayo sa kanya sa aking pangalan; at hindi ko sinasabi sa inyo na dadalangin ako sa Ama para sa inyo, sapagkat iniibig kayo ng Ama. Iniibig niya kayo sapagkat iniibig ninyo at naniniwala kayong nagmula ako sa Diyos” (Juan 16: 26-27).

Narito kung bakit iniutos ni Hesus sa atin na manalangin sa kanyang pangalan. Sinasabi niya, “Kailanman kayo humingi sa aking pangalan, ang iyong kahilingan ay mayroong katulad na kapangyarihan at bunga sa Ama na para bang ako ang humihingi sa kanya.” Sa ibang salita, para bang ang ating panalangin ay siya mismong binibigkas ni Hesus sa harap ng trono ng Ama. Kahalintulad, kapag inilagay natin ang ating mga lkamay sa may sakit at nanalangin, nakikita ng Diyos na para bang si Hesus ang naglagay ng kanyang kamay sa may sakit para magdala ng kagalingan.

Ito rin ang dahilan kung bakit dapat tayo maglakas loob lumapit sa trono ng grasya: para tumanggap. Kailangan tayong manalangin na may pananalig, “Ama, nakatayo ako sa harapan mo, pinili kay Kristo para humayo at magbunga. Ngayon ako’y humihiling, nawa’y ang aking kagalakan ay maging lubos.”

Marami akong naririnig na Kristiyanong nagsasabi “Humingi ako sa pangalan ni Hesus, ngunit hindi sinagot ang aking mga panalangin.” Ang mananampalatayang ito ay nagpahayag, “Sinubukan kong angkinin ang kapangyarihan sa pangalan ni Hesus. Ngunit hindi ito umepekto sa akin.” Marami ang dahilan kung bakit hindi tayo nakatatanggap ng sagot sa ating mga panalagin. Maaring may nananatiling kasalanan sa ating buhay, bagay na nagbigay dumi sa ating pakikipag-isa kay Kristo. Ito ang nagiging hadlang na pumipigil sa mga biyaya na nanggagaling sa kanya. At hindi niya sasagutin ang ating mga panalangin hanggang hindi natin iwinawaksi ang ating kasalanan.

O kaya, ang hadlang ay dahil sa panlalamig o panghihina patungo sa mga bagay na para sa Diyos. Maaring tayo ay sinasakal ng pagdududa, na siyang pumuputol sa atin sa kapangyarihan ni Kristo. Nagbabala si Santiago, “Subali’t ang humihingi ay dapat manalig at huwag mag-alinlangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon”(Santiago 1:6-7).

Niliwanag ni Santiago: “Siya na nag-aalinlangan ay hindi tatanggap ng anuman mula sa Diyos.” Ang salitang ginamit ni Santiago para sa “alinlangan” ay nangangahulugan na “hindi makapagpasiya.” Ang katotohanan ay, kapag ang mga taong ito ay gumawa ng mga kahilingan, sinusubukan nila ang Diyos. Sa kanilang puso, sinabi nila, “Panginoon kapag sinagot mo ako, maglilingkod ako sa iyo. Ibibigay ko sa iyo ang lahat, kung sasagutin mo lamang ang panalangin kong ito. Ngunit kung hindi, mamumuhay ako sa sarili kong pamamaraan.”

Gayunman ang Diyos ay hindi maaring suhulan. Alam niya ang laman ng ating mga puso, at alam niya kapag tayo’y hindi makapagpasiya tungkol sa ating pangako sa kanyang Anak. Inihahanda niya ang kapangyarihan na na kay Kristo para doon sa mga ganap na sumuko sa kanya.

Biyernes, Oktubre 24, 2008

NAIS NIYA ANG LAHAT

“Mapalad ang lahat ng naghihintay sa kanya…hindi na kayo tatangis nang matagal! Kayo’y diringgin niya sa inyong pagdaing…Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang ang inyong daraanan…Tulad ng gabi ng pagdiriwang ninyo ng banal na kapistahan, masaya kayong aawit” (Isaias 30:18-19, 21, 29). Sinasabi ni Isaias, “Kung maghihintay lamang kayo sa Panginoon—kung tatangis kayong muli sa kanya, at manumbalik sa pagtitiwala sa kanya—gagawin niya ang lahat para sa iyo na mga sinabi ko at higit pa.”

Magsasalita lamang ang Diyos at ang kalaban ay magbabantulot sa harapan natin: “Paghaharian ng takot ang mga taga-Asiria pag narinig nila ang tinig ni Yahweh na nagbababala ng pagpaparusa” (Isaias 30:33).

Gayunman, ang pamamaraan ng pagtitiwala sa Diyos sa lahat ng bagay ay hindi madali. Kamakailan lumapit ako sa Diyos tungkol sa aming kalagayan na may kinalaman sa gusali ng aming iglesya dito sa Nuweba York. Sinabi ko sa Diyos, “Nagtitiwala ako sa iyo tungkol dito, Ama ko. Lumapit ako sa iyo tungkol dito, at ako ay magiging payapa tungkol dito.” Narito kung paano niya ako sinagot: “David ako’y nagtataka na nagtitiwala ka sa akin tungkol sa iyong mga pagmamay-aring lupa, pananalapi at iba pang materyal na bagay. Gayunman, hindi ka pa rin nagtitiwala sa akin pagdating sa iyong pisikal na kalagayan.”

Ako ay lubos na nakababatid ng aking edad. At ako’y lubos na nag-aalala kung ano ang mangyayari sa aking pamilya kapag ako’y wala na. Ngayon ang may paghuhusgang salita ng Diyos ay tumama sa akin ng parang kidlat. Ipinagtiwala ko ang lahat ng materyal na pamamahala sa kanyang mga kamay, ngunit hindi ang may kinalaman sa walang-hanggan. Naisip ko, “Panginoon, nais mong ipagtiwala ko ang lahat sa iyo, hindi ba?”

Oo, banal na anak, nais niya ang lahat—ang iyong kalusugan, ang iyong pamilya, ang iyong kinabukasan. Nais niyang ipagtiwala mo ang lahat ng bawat bagay. At nais niyang mamuhay ka sa katahimikan, pagtitiwala at kapahingahan. Kaya, humayo ka sa iyong lihim na silid at mag-isang makipag-usap sa Panginoon. Dalhin mo ang lahat sa kanya. Ipinangako niya, “Maririnig mo ang aking tinig at magiging gabay mo upang ituro ang iyong daraanan. Ito ang daan—lakaran mo ito ngayon.”

Ang patunay ng pananampalataya ay kapahingahan. Pananampalatayang may pagtitiwala ay nagbubunga ng kapahingahan ng pag-iisip. At ang tunay na pananampalataya ay ipinagtitiwala ang lahat sa mga kamay niya.

Huwebes, Oktubre 23, 2008

ESPIRITUWAL NA LAKAS AT PANANALIG

Ang Banal na Espiritu ay nagbigay sa atin ng lakas noong ating ibinigay ang ating mga pangangailangan sa mga kamay ng Diyos at manalig sa kanyang kapangyarihan.

Si Ruth ay isang halimbawa ng ganitong pagtitiwala. Pagkatapos na mamatay ang kanyang asawa, si Ruth ay nanirahan sa kanyang biyenang babae na si Naomi. Si Naomi ay nag-aalala sa kabutihan at kinabukasan ni Ruth. Kayat pinayuhan niya si Ruth na humiga sa paanan ng mayamang si Booz at hingin na tuparin ang kanyang obligasyon sa kanya bilang kanyang mapapangasawa.

Nang gabing iyon, matapos kumain at uminom si Booz ay nahiga at natulog “sa tabi ng bunton ng sebada” (Ruth 3:7) at nagkumot. Sumunod na umaga, nagulat siya nang makitang may babaing nakahiga sa paanan niya. (Walang imoral sa presensiya ni Ruth doon; ito ay isang kaugalian ng panahong iyon).

Sinabi ni Ruth sa kanya, “Si Ruth po ang inyong alipin, tugon ng babae. Isa kayong kamag-anak na malapit kaya marapat na ako’y kalingain ninyo’t pakasalan ayon sa inyong kaugalian” (Ruth 3:9). Sinasabi niya na may kakanyahan, “Inyo bang tatanggapin ang inyong obligasyon ng isang kamag-anak para sa akin? Kakalingain ninyo ba ako?” Ang tunay ay tinatanong niya, “Pakakasalan ninyo ba ako?”

Ito ay hindi isang planong pagmamanipula. Ginawa ni Ruth at Naomi ang lahat sa banal na kaayusan. Nakakasiguro tayo dito, sapagkat ang angkan ni Kristo ay dumaaan kay Ruth. Nang si Ruth na biyenan niya tinanong siya, “Kumusta ang lakad mo anak?” (3:16). Tinanong niya sa ibang salita, “Tatawagin ko bang ikaw ay may kasaunduan nang pakasal Ruth? O ikaw ba’y isa pa ring balo?”

Sinabi lahat ni Ruth kay Naomi ang lahat ng nangyari. Making sa makadiyos na payo ni Naomi. “Maghintay ka anak, hanggang sa malaman mo kung ano ang kalalabasan ng bagay na ito. Hindi titigil si Booz hangga’t di niya ito nalulutas” (Ruth 3:18). Ipinanalangin ni Naomi ang tungkol sa bagay na ito, hinihingi ang gabay ng Diyos, at binigyan siya ng Diyos ng payo. Ipina-alala sa kanya ang batas ng lalaking ikakasal-na sasalo (na isang uri at pagpapahiwatig kay Kristo). Kaya tiwala si Naomi na nagawa na nila ni Ruth ang kanilang bahagi. Ngayon ay panahon na maghintay at manalig sa Diyos na gagawin niya ang kanyang pangako. Sinasabi niya, “Nasa kamay na lahat ng Panginoon, Ruth. Maglibang-libng ka lang at maging kalmado.”

Isang kalmado at kapayapaan ang nadama sa tahanan ni Naomi. Walang nahihibang, kumakagat ng kuko at nag-aalala, “Gagawin kaya ng Diyos ito? Kalian mangyayari ito?” Ang dalawang matapat na babaing ito ay maaring maglibang-libang, umawit at purihin ang Panginoon sa kabutihan niya.

Nanalangin ka ba? Nagtiwala ka ba? Handa ka bang maghintay at “Makita ang kaligtasan ng Panginoon”? Hawak niya ang lahat sa mga kamay niya.

Miyerkules, Oktubre 22, 2008

ANG MAGING MGA TAO NG PANANALANGIN

Sa Jeremias 5, nanawagan ang Diyos, “Mga taga-Jerusalem, magmasid–masid kayo. Libutin ninyo ang mga lansangan at buong paligid. Maghanap kayo sa mga pamilihan kung mayroon kayong masusumpungang isa mang taong tapat at makatarungan. Kung magkagayon, patatawarin ni Yahweh ang Jerusalem” (Jeremias 5:1). Sinasabi ng Panginoon, na may kakanyahan, “Magpapatawad ako, kung makakasumpong ako ng kahit isang tao na naghahanap sa akin.”

Sa panahon ng pagkakabihag ng Babilonya, nakatagpo ang Diyos ng isang tao kay Daniel. At ngayon, higit pa sa nagdaang mga kasaysayan, ang Panginoon ay patuloy na naghahanap ng kahalintulad na makadiyos na mga lalaki at babae. Hinahanap ang mga tapat na lingkod na nagkukusang “magsilbing harang” at “tumayo sa puwang,” gawain na maari lamang makamit sa pamamagitan ng pananalangin.

Katulad ni Daniel, ang ganitong tao ay matatagpuan na may Salita ng Diyos sa kanyang mga kamay. Nang dumating ang Banal na Espiritu kay Daniel, ang propeta ay nagbabasa ng aklat ni Jeremias. At noon ipinahayag ng Banal na Espiritu na ang sandali ng kaligtasan ay dumating na sa Israel. At sa pagdating ng pahayag, si Daniel ay naudyukan na manalangin: “Dahil dito, buong taimtim akong dumulog kay Yahweh. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako at nagbuhos ng abo. Ganito ang dalangin ko: Panginoon, dakila ka at Makapangyarihang Diyos na langit tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos” (Daniel 9:3).

Alam ni Daniel na ang mga tao ng Diyos ay hindi pa handang tanggapin ang pagpapanumbalik. Ganunpaman, tinuligsa ba ng propeta ang kanyang mga kauri sa kanilang mga kasalanan? Hindi-inihalitulad ni Daniel ang kanyang sarili sa pagkabulok ng moralidad sa kanyang kapaligiran. Ipinahayag niya, “Nagkasala po kami. Nagpakasama at sumuway sa inyong tuntunin at kautusan” (Daniel 9:5).

Matibay na ninais ng Diyos na pagpalain ang kanyang mga tao ngayon—ngunit kung ang ating mga isipan ay nahawahan ng espiritu ng sanlibutang ito, wala tayong karapatan para tanggapin ang kanyang mga pagpapala. Ginawa ni Daniel ang makapangyarihang pahayag na ito: “Tulad ng nasusulat sa kautusan ni Moises, naranasan namin ang pahirap na ito. Gayunman, wala kaming ginawa upang maglubag ang iyong kalooban. Hindi rin naming tinalikdan ang aming kasamaan ni inisip na totoo ang iyong salita. Kaya pinarusahan mo kami dahil sa aming pagsuway pagkat ikaw ay Diyos ng katwiran” (Dani3l 9:13-14).

Para sa Diyos aming susuriin ang aming sariling paglalakad kasama ang Panginoon at hahayaan ang Banal na Espiritu na ipakita sa atin ang lugar ng pakikipagkasundo. Gagawin namin ang higit pa sa pananalangin para sa isang nagkakasalang nasyon. Tatangis kami, “O, Panginoon, suriin mo ang aking puso. Ihayag mo sa akin ang lahat ng espiritu ng sanlibutang ito na gumapang sa aking espiritu.” Katulad ni Daniel, maari nating itakda ang ating mga mukha para manalangin ng kaligtasan ng ating pamilya—ng ating bansa.

Martes, Oktubre 21, 2008

ANG DIYOS AY MAGSASAGAWA NA NG BAGONG BAGAY AT MALUWALHATI

“Ngunit hindi ko ito itinuloy upang ang pangalan ko’y hindi mapulaan ng mga bansang pinag-alisan ko sa Israel” (Ezekiel 20:14).

Ang Diyos ay magsasagawa ng bagong bagay at maluwalhati. Ang bagong bagay na ito ay higit pa tungkol sa pagmumuling-buhay, higit pa sa pagkapukaw. Ito’y gawain ng Diyos na siya lamang ang nagsisimula kapag hindi na niya makayanan ang paglapastangan sa kanyang banal na pangalan. Mayroong panahong dumating na kung saan ay natiyak ng Diyos na ang kanyang Salita ay lubhang tinapakan patungo sa putikan, at ang abominasyon ay lubhang nilapastangan ang tinatawag na ”iglesya,” kailangang tumayo siya at ipagtanggol ang kanyang pangalan sa naligaw na sanlibutan.

“Alang-alang sa kanyang sariling pangalan,” ang Diyos ay magsasagawa ng dalawang matinding bagay. Una, kanyang lilinisin ang mga nasyon at ang kanyang iglesya sa pamamagitan ng nakasisindak na makapagliligtas na mga hatol. Pipigilan niya ang paglusob sa kanyang tahanan ng mga omoseksuwal at mga taong bulaan—at kanyang padadalisayin at lilinisin ang ministeryo at magpapalaki ng mga pastol na nagmumula sa kanyang puso.

Pangalawa, luluwalhatiin ng Diyos ang kanyang banal na pangalan sa pamamagitan ng dakilang kahabagan. Sa kirot ng paghatol na magaganap, ililigtas ng Diyos ang araw sa pamamagitan ng mahimalang pag-ikot ng mga natirang pabalik sa kanya.

Mababasang lahat ito sa Ezekiel 36:21-38. Pinagsama-sama, ito ang hula: “Ipakikita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan na nalalapastangan sa harap ng mga bansa…hindi dahil sa inyo kundi dahil sa banal kong pangalan. Makikilala ng lahat na ako si Yahweh. Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin. Lilinisin ko ang lahat ninyong karumihan. Hindi dahil sa inyo kundi dahil sa banal kong pangalan.”

“Ngunit hindi ko rin itinuloy ito upang ang pangalan ko’y hindi mapulaan ng mga bansang pinag-alisan ko sa kanila…At kung tanggapin ko kayong mabuti at di ko gawin ang nararapat sa inyong masasamang lakad at gawain, makikilala ninyong ako si Yahweh” (Ezekiel 20:22-44).

Lunes, Oktubre 20, 2008

ANG LIHIM NG ESPIRITUWAL NA LAKAS

“Sinabi pa ni Yahweh, ang Banal ng Israel: Magbalik-loob kayo at muling magtiwala sa akin at kayo ay lalakas at tatatag” (Isaias 30:15).

Narito ang lihim ng Diyos sa espirituwal na lakas: “Pananahimik at pagtitiwala ang inyong magiging lakas.” Ang salitang “pananahimik” sa Hebreo ay nangangahulugan ng “hinahon.” At ang hinahon ay kalmado, naglilibang-libang, malaya sa pagkabalisa; upang maging matatag, ang mahiga na may tukod mula sa ilalim.

Hindi maraming Kristiyano sa panahong ito ay nagtataglay ng ganitong pagkatahimik at pagtitiwala. Marami ay abala sa pagkahibang sa mga aktibidad, nagmamadaling parang loko para magkamit ng yaman, pagmamay-ari at kaaliwaan. Maging sa ministeryo, ang mga lingkod ng Diyos ay tumatakbo tungkol sa pag-aalala, katatakutan, naghahanap ng kasagutan sa mga malaking pagpupulong, mga seminar, mga mabibiling-aklat. Ang lahat ay naghahangad ng patnubay, mga solusyon, bagay na magpapakalma sa kanilang espiritu. Gayunman hinahanap nila ito saan man maaring manggaling ito bukod sa Panginoon. Hindi nila naisip na nangusap na para sa kanila ang Diyos sa pamamagitan ni Isaias: Kapag hindi sila tumingin sa kanya bilang sandalan, ang kanilang paghihirap ay mauuwi sa lumbay at kaguluhan.

Ipinahayag ni Isaias ang kung paanong ang kaluwalhatian ng Diyos ay maisasakatuparan para sa atin: “Pagkat pawang katuwiran ang gagawin ng bawat isa kaya iiral ang katahimikan at kapanatagan, magpakailanman” (Isaias 32:17). Kung tayo’y tunay naglalakad sa katuwiran, ang ating mga buhay ay magbubunga ng kalmadong espiritu, katahimikan ng puso at kapayapaan ng Diyos.

Habang tumingin si Isaias sa kapaligiran niya, nakita niya ang mga tao ng Diyos na tumatakas patungong Ehipto para humanap ng tulong, nagtitiwala sa tao, umaasa sa mga kabayo at mga karosa. Ang mga Embahador ay nagdadatingan at nag-aalisan. Ang mga namumuno ay nagsasagawa ng mga pagpupulong estratehiya. Ang lahat ay nagkakagulo, nagtataghuyan, “Ano ang gagawin natin?”

Siniguro ni Isaias sa kanila, “Hindi dapat ganito ang pamamaraan. Manumbalik kayo mula sa inyong makasalanang gawain. Magsisi sa inyong rebeldeng pagtitiwala sa iba. Manumbalik sa Panginoon, at tatakpan niya kayo ng kumot ng kapayapan. Bibigyan niya kayo ng katahimikan, at kapahingahan sa gitna ng lahat ng inyong mga kinakaharap.

Biyernes, Oktubre 17, 2008

ANG IKA-APATNAPU’T ISANG ARAW

Halimbawa kayang nagkatagpo kayo ni Hesus sa ika-apatnapu’t isang araw—ang araw na sumunod pagkatapos ng panunukso sa kanya sa ilang. Ang kanyang mukha ay nagliliwanag. Siya’y nagagalak, pinupuri ang Ama, sapagkat napagtagumpayan niya ang isang dakilang tagumpay.

Nakita mong ipinapawis niya ang buhay at pagtitiwala. Ngayon siya’y handa na upang harapin ang kapangyarihan ng impiyerno. Kayat buo ang loob na nagpunta siya sa mga dakilang lunsod na nakahiga sa kadiliman. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita, tiyak sa Salita ng Diyos. At nagpagaling siya ng may mga sakit, alam na kasama niya ang Ama.

Ngayon, habang sinusuri mo ang sarili mong buhay, nakita mo ang kabaligtaran. Humaharap ka pa rin sa iyong sariling tuyong ilang na karanasan. Nakayanan mo ang maapoy na pag-atake mula kay Satanas, at ang iyong espiritu ay bagsak. Hindi mo mapigilang isipin, “hindi kailanman pinagdaanan ni Kristo ang mga pagsubok na katulad ng akin. Siya ay nasa ibabaw ng lahat ng ito.”

Maaring makita mo ang isang ministro na mukhang may matatag na pananampalataya; nagwiwika siya ng tiyakang presensiya ng Diyos na iniisip mo, “Hindi siya nagkaroon ng suliranin ng katulad ng sa akin.” Kung alam mo lamang! Wala ka doon ng tinawag ng Diyos ang lalaking ito para mangaral at pagkatapos ay dinala siya sa ilang para tuksuhin ng mahapdi. Wala ka doon nang siya ay maupos sa wala, bagsak sa kawalan ng pag-asa. At hindi mo alam na ang pinakamagaling niyang pangangaral ay nanggaling mula sa pagsubok sa kanyang sariling buhay.

Nagbabala si Pablo sa atin na huwag sukatin ang ating katuwiran laban sa inisip natin sa iba: “Hindi ko ipapantay o ihahambing man lamang ang aking sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahahangal nila! Sila-sila ang naglalagay ng sukatan at parisan ng kanilang sarili” (2 Corinto 10:12)!

Hindi natin mabasa ang laman ng puso ng iba. Sino ang makaka-alam na noong ika-apatnapu’t isang araw si Hesus ay kagagaling lamang mula sa isang mahabang nakapanghihilakbot na panunukso? Sino ang makaa-alam na ang kaluwalhatiang nakita sa kanya ay sumibol mula sa isang paghihirap na malala pa sa anumang makakayanan ninuman?

Tayo’y kay Hesus lamang titingin. At tayo’y sa kanyang katuwiran lamang aasa, sa kanyang kabanalan. Binigyan niya tayong lahat ng parehas na karapatan para dito.

Iniibig kayo ng Diyos sa panahon ng inyong mga pagsubok. Ang sarili niyang Espiritu ang nagdala sa inyo sa ilang. Gayunman ang sarili niyang Anak ay galing na doon—at alam niya kung ano ang pinagdadaanan mo. Hayaan mong tapusin niya ang kanyang gawain sa pagpapalago ng iyong ganap na pag-asa at pananalig sa kanya. Lalabas kang may pagtitiwala—makadiyos na damdamin at lakas para makatulong sa iba.

Huwebes, Oktubre 16, 2008

SIGE AT TUMANGIS KA

Kapag labis kang nagdurusa—pumunta ka sa iyong lihim na silid at itangis mo ang lahat ng iyong kawalan ng pag-asa!

Tumangis si Hesus. Tumangis si Simon-Pedro ng mapait! Dala-dala ni Simon-Pedro ang kirot ng pagtatwa niya sa kaisa-isang anak ng Diyos. Ang mga mapait na luhang iyon ay nagdulot sa kanya ng isang matamis na himala. Bumalik siya upang yugyugin ang kaharian ni Satanas.

Hindi kailanman tumatalikod si Hesus sa tumatangis na puso. Sinabi niya, “Ang handog ko O Diyos na karapat-dapat, ay pakumbaba’t pusong mapagtapat” (Awit 51:17). Hindi minsan man sasabihin ng Panginoon, “Magpakatatag ka! Tumayo ka at inumin ang iyong gamot! Kagatin mo ang iyong mga ngipin at patuyuin ang iyong mga luha.” Hindi! Itinatago ni Hesus ang bawat patak ng luha sa kanyang walang-hanggang sisidlan.

Nagdurusa ka ba? Mabigat ba? Kung ganoon sige at tumangis ka! At magpatuloy ka sa pag-tangis, hanggang sa tumigil ang pagpatak ng luha. Ngunit hayaang manggaling lamang ang mga luhang iyong sa pagdurusa—at hindi sa kawalan ng pananalig o pag-kaawa sa sarili.

Magpapatuloy ang buhay. Mabibigla ka kung gaano ang makakayanan mo kasama ang tulong ng Diyos. Ang kaligayahan ay hindi ang mamuhay ng walang kirot o pagdurusa. Ang tunay na kaligayahan ay ang matutunan ang mabuhay ng bawat isang araw, na kahit na may dalamhati at pagdurusa. Ito ay matutunan kung paano magalak sa Panginoon, anuman ang nangyari sa nakalipas.

Maaring madama mong ikaw ay tinanggihan. Ang pananalig mo ay maaring nanghihina. Maaring isipin mo na ikaw ay bagsak sa pagbibilangan. May mga panahon na ang dalamhati, mga luha, kirot at kahungkagan ay maaring lamunin ka, ngunit ang Diyos ay nananatili sa trono. Siya pa rin ang Diyos!

Hindi mo matulungan ang sarili mo. Hindi mo mapigilan ang kirot at pagdurusa. Ngunit ang ating pinagpalang Panginoon ay darating sa iyo, at ilalagay niya ang kanyang mapagmahal na kamay sa ilalim mo at bubuhatin ka para maupong muli sa malalangit na lugar. Ililigtas ka niya sa takot ng kamatayan. Ipapahayag niya ang kanyang walang-hanggang pag-ibig sa iyo.

Tumingin sa taas! Hikayatin ang sarili sa Panginoon. Kapag napapalibutan ka ng ulap at hindi mo makita ang daan palabas sa iyong mga suliranin—humiga sa mga kamay ni Hesus at manalig sa kanya. Nais niya ang iyong pananalig—ang iyong pagtitiwala. Nais niyang tumangis ka ng malakas—“Iniibig ako ni Hesus! Kasama ko siya! Hindi niya ako bibiguin! Kumikilos siya sa lahat sa mga sandaling ito! Hindi ako iwawaksi! Hindi ako magagapi! Hindi ako magiging biktima ni Satanas! Nasa tabi ko ang Diyos! Iniibig ko siya—at iniibig niya ako!”

Ang kalalabasan ay ang pananalig. At ang pananalig ay nakasalalay dito sa isang tiyak: “Wala nang sandatang gagamitin sa iyo, at masasagot ang anumang ibintang sa iyo…” (Isaias 54:17).

Miyerkules, Oktubre 15, 2008

ANG SINUKAT NA KALUWALHATIAN NG DIYOS

“At idinugtong pa niya…Unawin ninyong mabuti ang inyong naririnig. Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo ng Diyos—at higit pa. Sapagkat ang mayron ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa” (Marcos 4:24-25).

Alam ni Hesus na ang mga salitang ito ay maaring kakaiba sa pandinig ng mga hindi espirituwal, kayat sinundan niya ang kanyang mensahe sa pagsasabi ng ganito, “Ang may pandinig ay makinig” (Marcos 4:23). Sinasabi ni Hesus sa atin, “Kung ang puso mo ay bukas sa Espiritu ng Diyos, mauunawaan mo ang mga sasabihin ko sa iyo.”

Ano, talaga, ang tinutukoy ni Hesus sa mensaheng ito? Ipinapahayag niya ang kaluwalhatian ng Diyos sa mga buhay natin—at iyon ay ang ipinakikitang presensiya ni Kristo. Sa madaling sabi, sinusukat ng Panginoon ang kanyang maluwalhating presensiya sa ibat-ibang halaga, kung ito man ay sa mga iglesya o sa bawat isa. Ang iba ay hindi nakakatanggap ng kanyang kaluwalhatian. Gayunman, ang iba ay nakakatanggap ng patuloy na dumadaming sukatan, na nanggagaling mula sa mga buhay at mga iglesya sa padami ng padaming halaga.

Ipinangako ng Diyos na pupuspusin niya ng kanyang Espiritu ang kanyang mga tao sa mga huling araw na ito. Sa katunayan, lahat ng Kasulatan ay tumutukoy sa tagumpay, puno ng kaluwalhatiang mga iglesya sa pagtatapos ng panahaon. Sinabi ni Hesus na ang pasukan ng impiyerno ay hindi mananaig laban sa iglesya. Hindi tayo pipilay-pilay patungo sa langit—bugbog-sarado, nalulumbay, humihikbi, talunan, nawalan ng pag-asa. Hindi—ang ating Panginoon ay magdadala ng malakas na kapangyarihan sa kanyang iglesya. Ang kapangyarihang ito ay hindi basta ipakikita sa mga senyales at mga kababalaghan. Ito ay ipapahayag sa kanyang mga tao—sa maluwalhating pagbabagong-anyo ng mga puso na hinipo ng Espiritu ng Diyos.

Paano natin makakamit ang dakila, patuloy na lumalagong panukatan ng kaluwalhatian ni Kristo? Sinabi ng maliwanag ni Kristo sa atin: “Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo ng Diyos” (Maros 4:24). Sinasabi ni Hesus, “Ayon sa ibinahagi ng sarili mo na ipinagkaloob mo sa akin, ay siya ring ibabahagi ko sa iyo. Haharapin kita sa paraan na katulad ng pakikiharap mo sa akin. Anumang panukat ang gamitin mo sa akin, ay siya ring panukat na gagamitin ko sa iyo.”

Kung ang sukatan na ibinigay mo sa Diyos ay pagka-batugan at katamaran—binabale-wala ang kanyang dakilang gawain—ikaw ay bibigyan ng espiritu ng tulog. “Ang taong tamad ay laging nakatihaya, kaya’t siya’y magugutom, walang panlagay sa sikmura” (Kawikaan 19:15). Ang kalalabasan, ang iyong espiritu ay magugutom, hindi kailanman makukuntento.

Ang pag-ibig, kahabagan at grasya ng Diyos ay walang katapusan. Ang usapin dito ay hindi ang pagkakamit ng pag-ibig, kahabagan o grasya—kundi ang magkaroon ng pagpapala ng kaluwalhatian sa ating mga buhay.

Payak na ipinaliwanag ni Hesus na sinukat niya sa magkakaibang halaga ng kanyang kaluwalhatian sa atin, ayon sa kung paano niya sinukat ang puso niya sa kanya. Ang ating bahagi ay upang payak na lumapit ng husto sa kanya—sa ating pagsamba, pagsunod at pagsisikap.

Martes, Oktubre 14, 2008

KAPAG NASAKTAN KA

Sa isang kalagayan, kahit paano, tayo ay nagdurusa. Ang bawat tao sa sanlibutan ay dumadanas ng kanya-kanyang dalahin ng kagipitan.

Kapag ikaw ay may matinding pagdurusa, walang sinumang tao sa sanlibutan ang makapipigil sa takot na panloob at malalim na pagtitiis. Hindi ang matalik na mga kaibigan ang makakaunawa sa pakikipaglaban na pinagdadaanan mo o sa sugat na idinulot nito sa iyo.

Mayroon bang pamapahid para sa biyak na puso? Mayroon bang lunas para doon sa malalalim na kirot na panloob? Maibabalik ba ang mga pira-piraso na mabuo muli at mapalakas muli ang puso? Oo! Sigurado! At kung hindi, kung ganon ang Salita ng Diyos ay isang panlililang lamang at ang Diyos ay nagsisinungaling. Hindi maaring mangyari iyon!

Hindi ipinangako ng Diyos sa iyo ang isang buhay na di daranas ng kirot. Ipinangako niya sa iyo “ang daan ng pagtakas.” Ipinangako niya na tutulungan ka na dalhin ang iyong kirot. Lakas ang ibibigay para muling makatayo ka kapag nanghina ka at matutumba.

Sinabi ng mapagmahal nating Ama, “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipinahihintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Corinto 10:13).

Ang inyong Amang nasa langit ay may matatag na matang nagbabantay sa inyo. Ang bawat kilos ay minamatyagan. Bawat patak ng luha ay iniipon sa botelya. Kasama mo siya sa bawat kirot na dinadanas mo. Nadarama niya ang bawat kirot. Hindi niya papayagan na malunod ka sa iyong sariling mga luha. Hindi niya papayagan na manghina ang iyong isipan dahil sa kirot. Ipinangako niya na darating siya sa tamang sandali, upang punasan ang iyong mga luha at bigyan ka kaaliwan sa iyong pagdadalamhati.

Mayroon kang kakayahan na aliwin ang iyong puso at magbunyi at magalak sa Panginoon. Ang mata ng Diyos ay nasa iyo—at inutusan niya tayong tumayo at pagpagin ang lahat ng kinatatakutan na nagdudulot ng pagdududa.

Lunes, Oktubre 13, 2008

ANG LAHAT NG GRASYA NA KAILANGAN UPANG MANAIG

Madalas nating naririnig na ang grasya ay ipinaliwanag bilang di-makatarungan at pagpapala ng Diyos. Ngunit naniniwala ako na ang grasya ay higit pa dito. Sa aking palagay, ang grasya ay ang lahat na bilang si Kristo sa atin sa panahon ng ating pagdurusa—kapangyarihan, lakas, kabutihan, kahabagan, pag-ibig—upang manaig sa ating mga kaguluhan.

Sa aking pagtanaw sa nakalipas na mga taon—mga taon ng matitinding pagsubok, paghihirap, tukso at kaguluhan—mapapatotoo ko na ang grasya ng Diyos ay sapat na. Alam ko kung ano ang magtanong sa Diyos habang ang asawa ko ay nagdurusa sa sakit na kanser ng paulit-ulit, at maging ang dalawa naming anak na babae ay nagdanas din ng ganito. Ngayon sila ay malulusog at malalakas at dahil doon nagpapasalamat ako sa Panginoon. Alam ko rin kung paano sampalin ng mensahero ni Satanas. Ako’y malungkot na tinukso at hinikayat at ako’y mayroong mga kalaban sa buong paligid ko. Ako’y siniraan ng mga usap-usapan, inakusahan ng mali, at iniwasan ng mga kaibigan. Sa panahon ng mga kadilimang iyon, ako’y lumuhod at tumangis sa Diyos.

Ang kanyang grasya ang nagligtas sa akin sa mga ito. At iyon ay sapat na para sa araw na ito. At pagdating ng panahon ng kaluwalhatian, ang aking Ama ay ipapahayag ang maganda niyang layunin para sa akin. Ipakikita niya kung paano ko makakamit ang pagka-matiisin sa gitna ng aking mga pagsubok; paano ko matutunan ang mahabag para sa iba; paanong ang kanyang lakas ay maging perpekto sa aking kahinaan; paano ko malalaman ang kanyang ganap na katapatan para sa akin; kung paano ako masabik na maging kawangis ni Kristo.

Maari pa rin nating tanungin bakit—gayunman ito ay nananatiling misteryo. Ako’y handang tanggapin ito hanggang dumating si Hesus sa akin. Hindi ko nakikita ang katapusan ng aking mga pagsubok at paghihirap. Nasa akin ito sa loob ng limampung taon na ng aking ministeryo ngayon, at patuloy na bumibilang.

Gayunman, sa gitna ng lahat ng ito, ako’y binibigyan pa rin ng patuloy na lumalaking sukat ng lakas ni Kristo. Sa katunayan, ang dakilang pahayag ng kanyang kaluwalhatian ay dumating sa mga pinakamatinding panahon ng aking paghihirap. Kahalintulad, sa pinakamababang punto ng iyong kalagayan, palalayain ka ni Kristo sa pinakapunong sukat ng kanyang lakas.

Maaring hindi natin maunawaan ang ating paghihirap, kagipitan at kahinaan. Maaring di natin malaman kung bakit ang ating panalangin ng pagpapagaling ay hindi sinasagot. Ngunit hindi natin dapat malaman kung bakit. Ang Diyos ay sinagot na tayo: “Nasa iyo ang grasya ko—at, minamahal kong anak, iyan lamang ang kailangan mo.”

Biyernes, Oktubre 10, 2008

LUMABAN AT LALAYO SIYA

Tinukso ni Satanas si Hesus ng ganitong alok: At sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito, kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin” (Mateo 4:9). Ito ay isang kakatwa, labis na katawa-tawa, paano ito masasabi na isang tukso? Sa maniwala o hindi, ito ay isang makapangyarihan, nakaka-akit na tukso. Hinamon ni Satanas si Hesus, sa pagsasabing, “Ipinapangako ko na kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin, titigilan ko na ang pakikipaglaban. Isusuko ko ang lahat ng aking kapangyarihan para sa lahat ng ito. Hindi ko na sasalukuban o aalipinin ang sinuman. Alam ko na iniibig mo ang sangkatauhan sapat na upang sumpain ng Diyos para sa kanilang kapakanan. Kayat ano pa hinihintay? Maari mo nang isakripisyo ang sarili mo ngayon, at palayain ang sanlibutan mula sa mga sandaling ito.”

Bakit nagkukusang isuko ng diyablo ang kanyang kapangyarihan para dito? Sinusubukan niyang iligtas ang sarili niya. Alam ni Satanas na ang kanyang tiyak na patutunguhan ay nakasalalay sa Kalbaryo. Kayat kung mapipigilan niya si Hesus na matuloy sa krus, maaring mailigtas niya ang kanyang sarili sa ganoong tadhana.

Maaring nagtataka ka, “Paano ito maihahanlitulad sa akin?” Patuloy pa ring tinutukso ni Satanas ang mga makatuwiran ng kahalintulad na alok. Dumarating si Satanas sa atin ng may pananakot at akusasyon. Sinasabi niya sa atin, “Hindi mo kailangang sambahin ako—sapagkat ako ay may daanan patungo sa iyo. Alam ko ang lahat ng kahinaan mo. Kaya, humayo ka at magpatotoo tungkol sa iyong kalayaan na kay Kristo. Sa sandaling ito inaawit mo ang iyong pinakamalakas na pagpupuri, kaya kong saklawan ang iyong isip ng masasama. Ipamumukha ko sa iyo ng matindi ang iyong kasalanan, na mawawalan ka ng pag-asa na makalaya. Wala kang lakas.”

Paano natin sasagutin ang mga akusasyon ni Satanas sa atin? “Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo” (Santiago 4:7). Hindi mahalaga kung gaano kadami ang tukso na ipupukol ng diyablo sa iyo. Hindi mo kailangang katakutan ang mga dati mong kasalanan. Kung ito ay nahugasan na ng dugo ni Kristo, kung ganon ay wala nang magagawa ang diyablo para maihiwalay kayo sa Ama.

Huwebes, Oktubre 9, 2008

KAPAG DUMATING ANG PAGTATANONG

Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Hesus, at siya’y nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang anak ng Diyos, gawin mong tinapay ang batong ito” (Mateo 4:2-3).

Sa sandaling iyon na kung saan si Hesus ay pisikal na nanghihina, dala ng diyabo ang una niyang panunukso.

Walang kasalanan kung nagugutom. Kaya, ano ang usapin dito? Hinahamon ng diyablo si Hesus: Kung ikaw ay tunay na Diyos, kung ganon ay nasa iyo ang kapangyarihan ng Diyos. At sa sandaling ito, ikaw ay nasa mahirap na kalagayan. Bakit hindi mo gamitin ang kapangyarihan na ibinigay ng Diyos upang iligtas ang sarili mo? Hindi ba’t ibinigay niya sa iyo ang kapangyarihang ito upang tingnan kung gagamitin mo ito ng tama?”

Narito ang pinaka mapagpahamak na mga tukso na hinaharap ng mga tunay na makadiyos na mga tao. Katulad ng iyong halimbawa, Hesus, mayroon kang damdamin para sa Diyos. Inilagay mo ang puso mo na ganap na sumuko sa kanya. At pagkatapos ay dinala ka ng Panginoon sa karanasan sa ilang, at doon ay nangyari ang pagtatanong. Nagsimula kang mawalan ng giya, nag-iisip kung ano ang walang hanggang layunin ng Diyos sa buhay mo. At kapag sinubok mong manalangin at muling makamit ang tagumpay, ang panunukso ni Satanas ay lalong tumitindi ng higit pa.

Ang kalaban ay nais na kumilos ka ng hiwalay sa Ama. Sinabi ng diyablo, “Ang pagdurusa mo ay hindi galing sa Diyos. Hindi mo kailangang magdanas ng ganito. Nasa iyo ang kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Magsalita ka lamang—palayain mo ang sarili mo. Pagbigyan mo ang pagkagutom mo.”

Ang balakin ni Satanas ay lumikha ng kabiguan ng kapangyarihan. Umaasa siya, na hindi pagbibigyan ang tangis ni Hesus para sa tinapay, kung hihingin niya ito. Kung mabibigo ang kapangyarihan ng langit, kung ganon ay maaring pagdudahan ni Kristo ang kanyang pagka-Diyos at talikuran ang kanyang walang-hanggang layunin sa sanlibutan. Pangalawa, alam ni Satanas na isinugo si Hesus upang gawin lamang ang mga ipinag-uutos ng Ama sa kanya. Kayat binalak niyang hikayatin si Kristo na sumuway dito para sa kanyang kabutihan. Sa ganoong paraan, kapag ginamit ni Hesus ang kanyang kapangyarihan para maka-iwas sa pagdurusa, maaring gawin niya ulit ito para maiwasan ang pagdurusa sa krus.

Kayat, paano sumagot si Hesus sa panunukso ng diyablo? Ngunit sumagot si Hesus, “Nasusulat, hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos” (Mateo 4:4). Sinabi ni Kristo ng may kakanyahan, “Ang pagdating ko sa sanlibutan ay hindi tungkol sa mga pangangailangan ko, paghihirap o pisikal na kaginhawahan. Dumating ako upang magbigay sa sangkatauhan—hindi upang iligtas ang sarili ko.”

Maging sa dulo ng kanyang pagdurusa, hindi nawala ang pananaw ni Hesus sa kanyang walang-hanggang layunin. At kung natutunan ng ating Panginoon ang umasa at maging mahabagin sa ating karanasan sa ilang, ganon din tayo.

Miyerkules, Oktubre 8, 2008

PAGLALAKBAY SA ILANG

Si Dietrich Bonhoeffer, isang teologong Aleman, ay inilarawan ang Kristiyano na katulad ng isang sumusubok na tumawid sa dagat ng pira-pirasong bitak ng lumulutang na yelo. Ang Kristiyano ay hindi maaring mamahinga habang tumatawid, maliban sa kanyang pananalig na siya ay dadalhin ng Diyos sa dulo nito. Hindi siya maaring tumayo ng matagal dito, kundi ay tiyak na lulubog siya. Pagkatapos ng bawat hakbang, kailangang tingnan niya ang kasunod. Sa ilalim niya ay malalim na butas at sa harap niya ay walang katiyakan—ngunit palaging nauuna ang Panginoon—matatag at tiyak! Hindi pa niya nakikita ang lupa—ngunit nadoon ito—pangako na nasa puso niya. Kayat ang manlalakbay na Kristiyano ay nakatutok ang paningin sa huling hantungan niya!

Pinili kong isipin na ang buhay ay isang paglalakbay sa ilang—katulad ng mga anak ng Israel. At ang pakikipaglaban ni Haring Jehoshaphat, kasama ang mga anak ng Judea, ay ating ding pakikipaglaban (tingnan ang 2 Cronico 20). Tiyak, ito’y isang ilang; oo, may mga ahas, tuyong butas ng tubigan, lambak ng luha, mga kalabang mandirigma, maiinit na buhangin, tag-tuyot, mga bundok na hindi matawid. Ngunit kapag ang mga anak ng Panginoon ay matatag na tatayo upang makita ang kanyang kaligtasan, naglatag siya ng mesa sa ilang—umulan ng biyaya mula sa langit—pinuksa ang mga kalabang mandirigma sa pamamagitan ng sariling kapangyarihan—bumukal ang tubig mula sa mga bato, inalis ang lason mula sa kagat ng ahas—pinangungunahan sa pamamagitam ng haligi at ulap—binigyan ng gatas at pulot—at dinala sa Lupang Pangako sa pamamagitan ng mataas at makapangyarihang kamay. At nagbabala ang Diyos na sabihan ang bawat padating na saling-lahi: Sinabi sa akin ng anghel ang ipinasasabi ni Yahweh: “Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan kundi sa aking tulong lamang” (Zacarias 4:6).

Tigilan na ang pananaw sa maling patutunguhan para sa tulong. Magtungo ng nag-iisa kasama si Hesus sa lihim na lugar; sabihin ang lahat ng gumugulo sa iyo. Sabihin sa kanya na wala ka nang patutunguhang iba. Sabihin sa kanya na siya lamang ang pinagtititwalaan mo na magliligtas sa iyo. Matutukso na gawin ang mga bagay sa sarili mong pamamaraan. Nanaisin momg alamin ang mga bagay sa pangsarili mong pamamaraan. Mag-iisip ka kung ang Diyos ay tunay na kumikilos—walang mawawala. Sumagot si Simon Pedro: “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan” (Juan 6:68).

Lumapit kayo sa akin at kayo ay maliligtas, kayong mga tao sa buong daigdig, walang ibang Diyos maliban sa akin” (Isaias 45:22).

“Ngunit sa ganang akin, kay Yahweh ako mananalig; hihintayin ko ang Diyos na magliligtas sa akin. Ako’y kanyang diringgin” (Mi8kas 7:7).

Martes, Oktubre 7, 2008

PAGPAPAGALING NG MGA KABALUKTUTAN

“Ang sariling dati-rati’y namumuhay ng baluktot, nang ako’y parusahan, salita mo ang sinunod” (Awit 119:67).

Naniniwala ako sa pagpapagaling, naniniwala ako sa kabaluktutan. Naniniwala ako sa “pagpapagaling ng kabaluktutan.” Anumang kabaluktutan na nagdadala sa akin para maligaw—na lalong nagdadala sa akin ng malalim sa kanyang Salita—ay ang pagpapagaling. Ang pinakamabuting lakas ng pagpapagaling espirituwal at pisikal ay ang kabaluktutan.

Para imungkahi na ang kirot at kaguluhan ay galing sa diyablo ay pagmumungkahi na si David ay itinulak ng diyablo para hanapin ang Salita ng Diyos. Dumanas ako ng matinding kirot. Tumawag ako sa Diyos ng kaligtasan at nanalig ako sa kanya ng ganap na pagpapagaling. Gayunman, habang ako’y patuloy na nananalig, patuloy akong nagpapasalamat sa Diyos sa kasalukuyan kong kalagayan at hayaang magpaalala sa akin kung gaano ako ganap na umaasa sa kanya. Kasama si David masasabi kong, “Sa akin ay nakabuti ang parusang iyong dulot” (Awit 119:71).

Ang kirot at kabaluktutan ay hind dapat kamuhian na galing mula sa diyablo. Ang mga dalahing ito ay nagbunga ng mga dakilang tao ng pananampalataya at katalasan.

“Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo” (1 Pedro 5:7).

Nagsalita si Pablo tungkol sa “pangangalaga” ng mga iglesya na itinulak sa kanya (tingnan ang 2 Corinto 11:28). Bawat bagong silang na iglesya ay panibagong “pangangalaga” sa kanyang mga balikat. Paglago, pagpapadami, pagdadagdag ng gawain ay palaging may kaakibat na bagong pangangalaga. Ang taong gagamitin ng Diyos ay nararapat na may malawak na kaalaman. Hindi siya dapat manliliit o mangingimi sa ilalim ng mga hamon ng maraming pangangalaga at mga responsibilidad. Bawat bagong hakbang ng pananampalataya na pinagdadalhan sa akin ng Diyos ay may kaakibat na maraming bagong pangangalaga at mga suliranin. Alam ng Diyos kung gaano kadami ang mga pangangalaga na maari niyang ipagkatiwala sa atin. Hindi niya tayo hinahanap upang papanghinain—sa kalusugan o lakas; ito ay dahil lamang sa mga nagkukusang mga manggagawa ay kakaunti at ang aanihin lubos na marami. Ang pangangalaga ay kinukuha mula sa mga tumatanggi dito at ibinibigay bilang handog doon sa mga hindi natatakot dito. Kalimutan ang mga dalahin ng pangangalaga na buhat mo—hindi ba natin ito maibibigay lahat sa kanya?

Bawat bagong biyaya ay nag-uugnay sa mga pamilya ng pangangalaga. Hindi sila maaring paghiwalayin. Hindi mo matutunan ang mamuhay sa biyaya hanggang hindi mo natututunan ang mamuhay na may pangangalaga.

Lunes, Oktubre 6, 2008

ANG PATULOY NA PAG-IBIG NG DIYOS

Nais kong pag-usapan natin ang tungkol sa salitang patuloy. Nangangahulugan ito na hindi nagkukulang sa pagka-masidhi o pagsisikap—hindi sumusuko, walang pakikipagkasundo, hindi maaring magbago o mahikayat ng pakikipagtalo. Para magpatuloy ay para manatili sa tiyak na patutunguhan.

Isang kahanga-hangang pagsasalarawan ng pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng ating Panginoon ay ganap na nagpapatuloy. Walang anumang makapipigil o makababawas sa kanyang mapagmahal na pagtugis sa mga makasalanan at mga banal. Si David, ang Mang-aawit, ay ipinahayag ito sa ganitong paraan: “Ikaw’y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras…Saan ako magpupunta, upang ako’y makatakas? Sa banal mong Espiritu’y hindi ako makaiwas. Kung langit ang puntahan ko, pihong ikaw’y naroroon, sa Sheol ay naroon ka kung do’n ako manganganlong” (Awit 139:5, 7-8).

Si David ay nangungusap tungkol sa mataas at mababang kalagayan na hinaharap natin sa ating buhay. Sinasabi niya, “May panahon na ako ay lubos na pinagpala, dama ko ang kagalakan. May panahon rin, dama ko’y namumuhay ako sa impiyerno, isinumpa at di-karapat-dapat. Ngunit saan man ako naroon, Panginoon—gaano man ako pinagpala, o gaano man kababa ang aking kalagayan—naroon ka. Hindi ako makalalayo sa iyong patuloy na pag-ibig. At hindi ko ito maiiwasan. Hindi mo tinatanggap ang aking paliwanag kung gaano ako di-karapat-dapat. Kahit na ko ay sumusuway—nagkakasala laban sa iyong katotohanan, binabale-wala ang iyong mga biyaya—hindi mo ako tinigilang ibigin. Ang pag-ibig mo sa aki’y walang-tigil!”

Kailangan nating isa-alang-alang ang patotoo ng apostol Pablo. Habang binabasa natin ang tungkol sa buhay ni Pablo, nakita natin ang isang tao na sadyang nais wasakin ang iglesya ng Diyos. Si Pablo ay parang isang sira-ulo sa kanyang galit sa mga Kristiyano. Hinihinga niya ang pananakot ng pagpatay laban sa lahat na susunod kay Hesus. Humingi siya ng pahintulot sa matataas na pinuno upang tugisin ang mga mananampalataya para makapasok siya sa kanilang mga tahanan at hilahin sila patugo sa bilangguan.

Pagkatapos na siya ay tumanggap kay Hesus, nagpatotoo si Pablo na noong mga panahon na puno siya ng pagkamuhi—habang puno siya ng paghuhusga sa iba, bulag na pumapatay ng mga disipulo ni Kristo—inibig pa rin siya ng Diyos. Isinulat ng apostol, “Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin ng mamatay si Kristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa” (Roma 5:8). Sinabi niya, na may kakanyahan, “Kahit hindi ko namamalayan ito, tinutugis ako ng Diyos. Patuloy siyang lumalapit sa akin puno ng pag-big, hanggang sa dumating ang araw na ako’y pinasuko niya. Iyon ang walang-tigil na pag-ibig ng Diyos.”

Sa mga taong nagdaan, si Pablo ay unti-unting nahikayat na iibigin siya ng Diyos hanggang sa katapusan, kahit na sa mataas at mababang katayuan niya. Ipinahayag niya, “Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang mga kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pamamagitan ni Kristo-Hesus na ating Pnaginoon” (Roma 8:38-39). Ipinahayag niya, “Ngayon na ako’s sa Diyos, walang anumang makapaghihiwalay sa akin sa kanyang pag-ibig. Walang diyablo, walang dimonyo, walang pamunuan, walang tao, walang anghel—walang makapipigil sa Diyos sa kanyang pag-ibig sa akin.”

Biyernes, Oktubre 3, 2008

PAGSUBOK SA TAO

“Sa pakikiharap niya’y hindi siya pinangunahan ng Diyos upang subukin siya” (2 Cronica 32:31).

Lubha tayong abala na subukin ang Diyos at hindi natin naihanda ang ating mga puso para sa mga mabibigat na pagsubok sa ating mga buhay na kung saan ay sinusubok ng Diyos ang tao. Maari kayang ang mga mabibigat na pagsubok na iyong kinakaharap ngayon, ang kabigatan na dala mo ngayon, ay siya palang gawa ng Diyos upang subukin ka?

“Sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos at tumugon siya. Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac…at ihandog mo siya sa akin” (Genesis 22:1-2). Sinubok ng Diyos ang buong bansa upang malaman kung ano talaga ang nilalaman ng puso nito. “Alalahanin ninyo kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang matuto kayong magpakumbaba. Sinubok niya kayo kung susundin ninyo siya” (Deutoronomo 8:2).

Nakita natin ang kahanga-hangang bagay sa 2 Cronico 32:31: Iniwan ng Diyos ang hari sa isang panahon upang subukin siya. “Sa pakikiharap niya’y hindi siya pinangunahan ng Diyos upang subukin upang malaman ang lahat ng laman ng puso niya.”

Kadalasan, habang nasa makatuwirang pagpapatuloy ng gawain ng Diyos, nakita ng katiwala ng Panginoon ang sarili niya na hayagang pinabayaan—sinubukan sa hangganan ng katatagan at iniwang mag-isang nakikipaglaban sa puwersa ng impiyerno. Ang bawat tao na pinagpala ng Diyos ay sinubukan sa ganitong pamamaraan.

Nakita mo na ba ang sarili mo sa kakaibang kalagayan? Nararamdaman mo ba na ikaw ay pinabayaan at nag-iisa? Nakikipaglaban ka ba sa walang kalaban-labang pakikidigma laban sa di-mawaring kalaban? Ito ang mga hudyat na tumutukoy sa mga pagsubok.

Ang tagumpay ay laging ninanais, at kapag ikaw ay nabigo, tandaan: Kung ano ang natitirang nilalaman ng puso mo ang bagay na mahalaga sa Diyos, ang iyong saloobin pagkatapos mong mapagtagumpayan o matalo sa malungkot na pakikipaglaban. Ang iyong katapatan sa kanya kahit na ikaw ay nabigo ang kanyang ninanais.

Ipinangako ni Hesus na hindi niya tayo iiwan o pababayaan, ngunit ang talaan ng Kasulatan ay nagpahayag na may panahon na kung saan ay inalis ng Ama ang kanyang presensiya upang subukin tayo. Maging si Kristo ay naranasan ang malungot na sandali sa krus. Ito ang panahon na ang pinagpalang Tagapagligtas ay natitigatig sa damdamin ng kahinaan—at bumulong siya, “Nanalangin ako, na ang iyong pananampalataya ay mananatili.”

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin (tingnan ang Mateo 16:24). Ano ang krus? Ito ang laman sa karupukan nito at kahinaan. Pasanin ito, magpatuloy sa pananampalataya, at ang kanyang lakas ay gagawin niyang ganap sa iyo. Ang iyo bang sariling krus at kasalanan ay lubhang mabigat para sa iyo? Kung ganon, pasanin mo ang iyong krus at sumunod ka sa akin. Nauunawaan niya at nandoon siya sa tabi upang pasanin ang mabigat na dalahin.

Huwebes, Oktubre 2, 2008

NAPAGTAGUMPAYAN NI KRISTO ANG PAKIKIPAGLaBAN PARA SA IYO

Sa mga nakaraang buwan, nabasa ko ang maraming malungkot, nakaaawang liham mula sa mga mananampalataya na patuloy pa ring nakagapos sa mga nakagawiang kasalanan. Maraming mga nagpapakahirap na Kristiyano ay sumulat, “Hindi ko mapigilan ang magsugal…Ako’y hawak nang mahigpit sa pagkagumon sa alak…Ako’y may ipinagbabawal na relasyon at hindi ako makahulagpos dito…Ako’y alipin ng pornograpiya.” Sa bawat liham, ang mga taong ito ay nagsasabi ng magkakahalintulad na bagay: “Iniibig ko si Hesus at ako’y nagmamakaawa sa Diyos na palayain niya. Nanalangin ako, tumangis at humanap ng makadiyos na pagpapayo. Ngunit hindi pa rin ako makahulagpos. Ano ang maari kong gawin?”

Umubos ako ng panahon sa paghahanap sa Panginoon para sa kaalaman kung paano tutugon sa mga mananampalatayang ito. Nanalangin ako, “Panginoon, alam mo ang buhay ng iyong mga anak. Marami ay deboto, puspos ng Espiritu, ngunit wala sila ng tagumpay mo. Hindi nila alam ang kalayaan. Ano ang nangyayari?”

Sa isang punto, pinag-aralan ko ang mga talata sa bibliya na naglalaman ng mga pangako ng Diyos sa kanyang mga tao. Pinaalalahanan ako na ang Panginoon ay nangako hindi niya tayo hahayaang mahulog, na maiharap tayong walang kapintasan, na mabigyan tayo ng katarungan sa pamamagitan ng pananalig, masantipikahan tayo sa pamamagitan ng pananalig, na mapanatili tayong banal sa pamamagitan ng pananalig. Ipinangako niya na ang dati nating sarili ay ipinako sa pamamagitan ng pananalig, at tayo ay dinala sa kanyang kaharian sa pamamagitan ng pananalig.

Ang isang bagay na karaniwan sa mga panagako sa pariralang ito ay : “sa pamamagitan ng pananalig.” Sa katunayan ang lahat ng bagay na ito ay sangkap ng pananalig, ayon sa Salita ng Diyos. Kayat ako’y nakarating sa nag-iisang malinaw na pagpapasiya tungkol sa mga pinagdurusahang mga suliranin ng mga Kristiyano: kung saan ang pinag-ugatan ng kanilang pagkakagapos ay kawalan ng pananalig. Ang lahat ng ito ay nauwi sa kakulangan ng pananalig.

Ikaw ba’y nagpapakahirap na makamit ang tagumpay sa sarili mong kakayanan? Ikaw ba’y nakikipaglaban sa pamamagitan ng luma mong pamamaraan? Tinukoy ni Pablo, “Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi ibinibilang na kaloob kundi upa. Datapwat ang hindi gumagawa kundi nananalig sa Diyos na nagpapawalang sala sa makasalanan ay pinawalang-sala dahil sa kanyang pananalig” (Roma 4:4-5).

Ang iyong tagumpay ay hindi dapat nanggagaling sa pamamagitan ng iyong pagtangis o pagpapakahirap, kundi sa pamamagitan ng pananalig na pinagtagumpayan ni Kristo ang pakikipaglaban para sa iyo

“At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya” (Hebreo 11:6). Katunayan, sinabi ni Pablo na isa lamang ang kailangan na nakakabit sa mga pangako ng Diyos: Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig” (Colosas 1:23).

Isinuko lahat ni Kristo sa kanyang Ama, upang maging lubos na masunuring Anak. At kailangang ganoon din ang ating gagawin. Kailangang maging lubusan tayong umaasa sa Ama, katulad ni Kristo.

Miyerkules, Oktubre 1, 2008

SAAN NANINIRAHAN ANG DIYOS?

Pagkatapos umakyat si Hesus sa langit, si Apostol Pablo ay nakatanggap ng isang nakamamanghang pangitain ng kaluwalhatian. Sinabi niya, ”Napansin ko na walang templo sa lunsod sapagkat ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang Kordero ang pinaka templo roon…ang kaningningan ng Diyos ang nagbibigay liwanag doon, at ang Kordero ang siyang ilawan” (Pahayag 21:22-23).

Ngayon na ang templo ng Diyos ay nasa kaluwalhatian, na naka upo sa kanang kamay, saan naninirahan ang Diyos sa sanlibutan? Sa pagtatanong ng Diyos mismo, “Anong tahanan ang itatayo mo para sa akin? Saan ang lugar ng aking pahingahan?” Alam natin na walang gusali ang maaring tirahan ng Diyos. Wala siya sa Katedral sa Vatican. O kaya ay sa Katedral sa St. Patrick sa lunsod ng Nuweba York. At wala siya sa anumang kinikilalang katedral sa Europa. Hindi, habang ipinahayag ni Pablo sa burol ng Mars sa Athens, “Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng naroroon ang siyang Panginoon ng langit at lupa, kaya hindi siya tumatahan sa mga templong ginawa ng tao” (Gawa 17:24). Sa madaling sabi, kapag hinanap natin ang pinananahanan ng Diyos sa mga gusali, hindi natin makikita ito.

Natagpuan ng Panginoon ang pananahanan niya---naninirahan siya sa mga katawan ng nilikha niyang sangkatauhan. Ipinahayag ni Pablo na ang templo ng Diyos ngayon ay nasa mga katawang tao: “Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?” (1 Corinto 3:16).

Kapag inilagay natin ang ating pananalig kay Hesus, tayo’y nagiging templo, na siyang tanging pinananahanan ng Diyos. Ito ay isinalarawan sa higit na nakikita na Nakatataas na Silid. Ang Banal na Espiritu ay nahulog sa disipulo doon, at pinuno niya sila ng kanyang sarili. At inangkin niya ang kanilang mga sinantipikahan na mga katawan bilang templo ng Diyos, na kung saan ang Ama ay darating at mamumuhay. Ang tutulungan sila ng Espiritu na hiyain at wasakin ang mga gawain ng kanilang mga makasalanang laman. At bibigyan niya sila ng kapangyarihan na mamuhay na tagumpay. Ang kanilang katawan ay naging templo ng Diyos, tahanan na hindi gawa sa mga kamay.

Sinabi ni Hesus, “Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya” (Juan 14:23). Ang tuluyan ay isang tahanan, isang lugar na pananatilihan.

Sinabi ni Pablo, “Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang parangalan ang Diyos” (1 Corinto 6:20). Sa ibang salita, kayo ay pag-aari ng Diyos at nais niya na kayo ang kanyang maging pahingahan. Ngayon, buksan ninyo ang inyong puso sa katotohanan at bigyan siya ng kaluwalhatian sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanya.