Miyerkules, Abril 30, 2008

PAKAININ ANG AKING TUPA

Nang tanungin ko ang Banal na Espiritu na ipakita sa akin kung paano bantayan ang kapabayaan, iginabay niya ako na isa-alang-alang ang paglayo ni Pedro at ang pagsapit ng kanyang pagbabago. Ang taong ito ay itinanggi si Kristo, nanglait, sinasabi sa nagbintang sa kanya, “Hindi ko siya kilala.”

Ano ang nangyari? Ano ang nagdala kay Pedro sa ganoong katayuan? Ito ay kapaluan, ang bunga ng mapagmalaking kahambugan. Ang disipulong ito ay nagsabi sa sarili at sa iba, “Hindi ako maaring manglamig sa aking pag-ibig kay Hesus. Narating ko ang katayuan sa aking pananalig na hindi na kailangang bigyan ng babala. Ang iba ay maring maanod, ngunit ako’y mamamatay para sa aking Panginoon

Gayunman si Pedro ang una sa mga disipulo na sumuko sa pagdurusa. Tinalikdan niya ang kanyang bokasyon at bumalik sa dati niyang gawain, sinasabi sa iba, “Ako’y mangingisda.” Ang tunay na sinasabi niya ay, “.”Hindi ko kayang harapin ito. Akala ko ay hindi ako magkakamali, ngunit walang sinuman ang bumigo sa Diyos ng higit pa sa akin. Hindi ko na kaya ang pasaning ito.”

Sa katayuang iyon, pinagsisihan ni Pedro ang pagtanggi niya kay Hesus. At siya ay muling ibinalik sa pag-ibig ni Hesus. Gayunman siya ay isa pa ring basahan sa kanyang loob.

Ngayon, habang hinihintay ni Hesus ang mga disipulo na bumalik sa pampang, isang usapin ang hindi pa naaayos sa buhay ni Pedro. Hindi sapat na si Pedro ay nanumbalik at pinagbago, tiyak sa kanyang kaligtasan. Hindi sapat na siya ay mag-ayuno at manalangin na katulad ng ginagawa ng sinumang tapat na mananampalataya. Hindi, ang usapin na nais bigyang pansin ni Kristo sa buhay ni Pedro ay ang kapabayaan sa ibang anyo. Hayaang ipaliwanag ko.

Habang sila ay nakaupo sa paligid ng siga sa pampang, kumakain, nagkakausap-usap, tinanong ni Hesus si Pedro ng tatlong beses, “Iniibig mo ba ako ng higit pa sa pag-ibig nila sa akin? Sa bawat pagkakataon sumagot si Pedro, “Oo, Panginoon, alam mo na iniibig kita,” at sumagot si Kristo ng, “Pakainin ang aking tupa.” Itala na hindi ipina-alala ni Hesus na magbantay at manalangin, o maging masigasig na magbasa ng Salita ng Diyos. Ipinalagay ni Hesus ang mga bagay na iyon ay naipangaral nang mabuti. Hindi, ang utos na ibinigay niya kay Pedro ngayon ay, “Pakainin ang aking tupa.”

Naniniwala ako na sa payak na pariralang iyon, nag-utos si Hesus kay Pedro kung paano magbantay laban sa kapabayaan. Sinabi niya, na may kakanyahan, “Nais kong kalimutan mo na ang iyong kabiguan, kalimutan na ikaw ay napalayo sa akin. Bumalik ka na ngayon sa akin, at pinatawad at pinagbago na kita. Kaya’t panahon na para alisin mo ang pag-iisip mo sa iyong pagdududa, kabiguan, at mga suliranin. At ang paraan upang magawa iyon ay ang hindi pagpapabaya sa aking mga tao at mangaral sa kanilang mga pangangailangan. Katulad ng pagsugo ng Ama sa akin, ikaw ay isinugo ko.”

Martes, Abril 29, 2008

ANG AKING LUBOS NA KINIKILINGAN

Sa lahat ng 150 na Awit, ang Awit 34 ang aking lubos na kinikilingan. Ang lahat ng ito ay tungkol sa katapatan ng Panginoon na mailigtas niya ang kanyang mga anak mula sa mga malalaking pagsubok at kagipitan. Ipinahayag ni David, “Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos, nawala sa akin ang lahat kong takot…Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila’y kinukupkop…Agad dinirinig daing ng matuwid inililigtas sila sa mga panganib…Ang taong matuwid, masuliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan” (Awit 34:4,7,17,19).

Itala ang kahilingan ni David sa Awit na ito: “Aking dalangi’y dininig ng Diyos…Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa” (34:4,6). Kailan ginawa ni David ang pagdaing na ito? Ito’y maaring nangyari noong siya ay nagkukunwang galit sa Gat at gayunpaman hindi siya maaring makapanalangin ng naririnig sa harapan ng mga Filisteo. Ito ay nagdadala sa atin sa dakilang katotohan tungkol sa pagliligtas ng Diyos. Minsan ang pinakamalakas na daing ay nagagawa ng hindi naririnig.

Alam ko kung anong uri ang “pangkaloobang daing na inilabas.” Marami sa pinakamalakas na dalangin ng aking buhay—ang pinakamahalaga sa akin, pusong-namimilipit, malalim na pagdaing—na nagawa ng buong katahimikan.

May panahon na ako ay namanhid ng mga pagkakataon na hindi ako makapagsalita, dinadaig ng katayuang halos hindi ko maabot at hindi ako makapag-isip ng malinaw para manalangin. May pagkakataon, ako ay naka-upo sa aking silid-aralan na nag-iisa na lubhang nalilito na ako’y walang masabi kahit ano sa Panginoon, ngunit sa buong pagkakataon iyon ang aking puso’y dumaraing: “Diyos ko, tulungan mo ako! Hindi ko alam manalangin sa mga sandaling ito, kaya’t pakinggan ang daing ng aking puso. Sagipin mo ako sa katayuang ito.”

Nangyari na ba sa iyo ang ganoon? Naisip mo na ba, “Hindi ko alam kung ano ang mga ito. Masyado akong dinaig ng mga nangyayari sa akin, lubhang nalulunod sa masidhing kirot, hindi ko maipaliwanag ito. Panginoon, ni hindi ko alam ang sasabihin sa iyo. Ano ang nangyayari?”

Naniniwala ako na ito ang ganap na pinagdaanan ni David nang siya ay madakip ng mga Filisteo. Noon isinulat niya ang Awit 34, gumagawa siya ng pag-amin: “Ako’y nasa katayuang labis na dinadaig na aking ginampanan ang bahagi ng isang ungas. Gayunman, sa aking kalooban ako ay nagtataka, ‘Ano ang nangyayari sa akin? Paano ito nangyari Panginoon tulungan mo ako.”

At wari bang sinasabi ni David, “Ang nakakaawang taong ito ay dumadaing mula sa kanyang kalooban, hindi alam kung ano o paano manalangin. At ako ay dininig ng Panginoon at sinagip ako.” Ito ay malalim na daing mula sa puso, ang Panginoon ay tapat na dininig ang bawat hikbi, gaano man ito kahina.

Sabado, Abril 26, 2008

SI KRISTO ANG NAGHAHARI

Kadalasan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa aming ministeryo at nagsasabi, “walang sinuman akong makausap, wala sinuman akong mabahagian ng aking mga pasanin, walang sinuman ang may panahon upang makinig ng aking mga daing. Nangangailangan ako ng taong maari kong pagbuhusan ng aking damdamin.”

Si Haring David ay pirmihang napaliligiran ng mga tao. Siya ay may asawa at maraming kasamahan sa paligid niya. Gayunman, naririnig natin ang katulad na daing mula sa kanya; “Kanino ako magtutungo?” Ito ay kalikasan na sa atin ang maghanap na ibang tao, may mukha, mga mata at tainga, upang makinig sa atin at mapagpayuhan tayo.

Nang si Job ay dinaig ng kanyang mga pagsubok, dumaing siya na may pagdadalamhati, “Paniwalaan sana ang aking sinasabi!” (Job 31:35). Binigkas niya ang daing na ito habang nakaupo sa harap ng mga ipinapalagay niyang mga kaibigan. Ang mga kaibigan niyang ito ay walang kahabagan sa kanyang mga kaguluhan; sa katunayan, sila ay mga tagapaghatid ng kawalan ng pag-asa.

Si Job ay lumingon sa Panginoon lamang: “Pagkat nasa langit ang sa akin ay sasaksi, na siyang magsasabing ako’y tunay na mabuti…Sa Diyos ko idudulog itong aking katayuan” (Job 16:19-20).

Hinikayat ni David ang mga tao ng Diyos na gawin din ang ganoon: magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo’y dinaranas; Siya ang kublihang sa ati’y lulunas” (Awit 62:8).

Sasapit din, ang pagdurusa ay darating sa ating lahat, sa ngayon ang napakaraming mga banal ay nakakadena sa mga pagdurusa. Ang kanilang katayuan ay binaligtad ang kanilang kagalakan sa damdamin ng kahinaan at pagka-inutil. Marami ang nagtatanong na nagdurusa, “Bakit nangyayari sa akin ito? Galit ba ang Diyos sa akin? Ano ang nagawa kong mali? Bakit hindi niya tinutugon ang aking mga dalangin?

Sa aking puso naniniwala ako na ang salitang ito ay isang paanyaya sa inyo mula sa Banal na Espiritu na maghanap ng isang pansariling lugar na kung saan ay madalas mong maibubuhos ang iyong puso at kaluluwa sa Panginoon. Si David “ ay nagbuhos ng kanyang mga daing,” at ikaw man ay ganon din. Maari kang makipag-usap kay Hesus tungkol sa lahat ng bagay—ang iyong suliranin, ang iyong pangkasalukuyang pagsubok, ang iyong pananalapi, ang iyong kalusugan—at sabihin kung paano ka dinadaig ng mga ito, maging ang kasiraan ng iyong kalooban. Pakikinggan ka niya nang may pag-ibig at kahabagan, at hindi niya hahamakin ang iyong daing.

Tinugon ng Diyos si David. Tinugon niya si Job. At sa daan-daang taon tinugon niya ang mga daing ng puso ng lahat na nanalig sa kanyang mga pangako. Ipinangako niya na pakikinggan ka niya at gabayan ka. Ipinangako niya nang may panunumpa na siya ang iyong magiging lakas, kaya’t maari kang lumapit sa kanya at lumabas na napagbago.

Biyernes, Abril 25, 2008

AKO AY MAKAPANGYARIHAN AT MAHABAGIN

“Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, ‘Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila. at wala na silang makain. Hindi ko ibig na sila ay paalising gutom; baka sila mahilo sa daan” (Mateo 15:32).

Naniniwala ako na si Kristo ay may nais ipahayag dito sa kanyang mga alagad. Sinasabi niya, “Ako’y may gagawing higit pa para sa mga tao kaysa sa pagalingin lamang sila. Titiyakin ko na may sapat na tinapay para makain. Ako ay nababahala sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kanilang mga buhay. Kailangan ninyong makita na ako ay higit pa sa kapangyarihan. Ako ay mahabagin din. Kapag nakita ninyo na ako ay nagpapagaling lamang, gumagawa ng himala, matatakot kayo sa akin. Ngunit kung makikita ninyo na ako ay mahabagin din, iibigin ninyo ako at pagtitiwalaan.”

Isinusulat ko ang pahatid na ito para sa lahat na nasa bingit na ng lubos na pagkapagod, malapit nang mahilo, dinadaig ng inyong kasalukuyang kalagayan. Ikaw ay isang matapat na tagapag-lingkod, nagpapakain sa iba, nagtitiwala na kayang gawin ng Diyos ang di-maaari para kanyang mga tao. Gayunman mayroon kang ilang matagal nang pagdududa tungkol sa kanyang pagkukusa na makialam sa inyong pagpapakahirap.

Aking iniisip kung ilang mga mangbabasa ng pahatid na ito ang bumigkas ng salita ng pananalig at umaasa para sa iba na humaharap sa mga masasakit, hayagang kawalan na ng pag-asang kalagayan? Hinikayat mo sila, “Kumapit ka! Kaya ng Panginoon. Siya ay Diyos na gumagawa ng mga himala, at ang kanyang mga pangako ay totoo. Kaya’t huwag mawalan ng pag-asa, sapagkat tutugunin niya ang iyong mga tangis.”

“Naniniwala ka ba talaga sa mga himala?” Iyan ang katanungan na itinanong ng Banal na Espiritu sa akin. Ang tugon ko ay, “Oo, talaga, Panginoon. Naniniwala ako sa bawat himala na nabasa ko sa Kasulatan.” Ngunit ang kasagutang ito ay hindi sapat. Ang katanungan ng Panginoon sa bawat isa sa atin ay, “Nananalig ka ba na makagagawa ako ng himala para sa iyo?” At hindi isang himala lamang, kundi isang himala sa bawat kagipitan, sa bawat kalagayan na hinaharap natin. Kailangan natin ng higit pa sa mga himala ng Lumang Tipan, mga himala ng BagongTipan, at mga nangyari nang mga himala sa kasaysayan. Kailangan natin ng pangkasalukuyan, pansariling himala na nakaguhit para sa atin lamang at ating mga kalagayan.

Mag-isip ka ng isang paghihirap na hinaharap mo sa ngayon, yaong mahigpit mong pangangailangan, yaong matindi mong suliranin. Matagal mo nang ipinapanalangin ang tungkol dito. Nananalig ka ba na kaya ng Panginoon at gagawin niya ito, sa paraang maaring di mo maisip? Ang uri ng pananalig na iyan ay mag-uutos sa puso na tigilan ang pagka-inip o magtanong ng mga katanungan. Sinasabi nito na mamahinga sa kalinga ng Ama, nananalig sa kanya na gagawin niya lahat ito ayon sa kanyang kalooban at panahon.

Huwebes, Abril 24, 2008

SI HESUS AY MAY BALAKIN

“Tumanaw si Hesus, at nakita niyang dumarating ang napakaraming tao. Tinanong niya si Felipe, ‘Saan tayo bibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito? Sinabi niya ito para subukin si Felipe; sapagkat alam ni Hesus ang kanyang gagawin” (Juan 6:5-6). Tinawag ni Hesus si Felipe sa isang tabi, at sinabi, “Felipe, napakaraming tao ang nandito. Lahat sila ay nagugutom. Saan tayo bibili ng tinapay upang mapakain ang mga taong ito? Ano sa palagay mo ang dapat nating gawin?”

Gaano di-kapani-paniwala ang pag-ibig ni Kristo. Alam ni Hesus kung ano ang gagawin niya; sinabi sa atin ng bersong nasa itaas. Gayunman ang Panginoon ay sinusubukang pangaralan si Felipe ng isang bagay, at ang araling iyon na ibinigay ay ibinibigay din sa bawat isa sa atin ngayon. Isipin mo ito: Ilan ang mga nasa katawan ni Krisrto ang gising sa gabi na sinusubukang unawain ang kanilang mga suliranin? Iniisip natin, “Marahil ito ang maaarig gawin. Hindi, hindi…Marahil iyon ang makakayos sa suliranin. Hindi…”

Si Felipe at ang mga apostol ay may mga suliraning iba at hindi lamang tungkol sa tinapay ang kanilang suliranin. Mayroon silang suliranin sa panaderya… suliranin sa pananalapi… at suliranin sa pamamahagi… at suliranin sa sasakyan… suliranin sa oras. Pagsama-samahin mong lahat ito, at mayroon silang suliranin na hindi nila maisalarawang-diwa. Ang kanilang kalagayan ay lubusang hindi –maaari.

Alam ni Hesus mula pa sa umpisa ang tiyak na gagawin niya. Mayroon siyang binabalak. At ito ay katulad ng inyong mga kaguluhan at mga paghihirap sa mga panahon ngayon. Mayroong suliranin, ngunit alam ni Hesus ang buong kalagayan mo. At lalapit siya sa iyo, magtatanong, “Ano ang gagawin natin tungkol dito?”

Ang tamang dapat isinagot ni Felipe ay, “Hesus, ikaw ay Diyos. Walang hindi-maaari para sa iyo. Kaya’t, ibinabalik ko sa iyo ang mga suliraning ito. Hindi na ito sa akin, kundi iyo na.”

Iyan lamang ang dapat na sasabihin natin sa ating Pnaginoon ngayon, sa gitna ng ating mga kagipitan: “Panginoon, ikaw ang gumagawa ng mga himala at isusuko ko na ang lahat ng aking pagdududa at mga kinatatakutan sa iyo. Ipinagtitiwala ko na ang lahat ng kalagayang ito, alam mo na ang gagawin mo sa aking mga suliranin. Nananalig ako sa iyong kapangyarihan.”

Miyerkules, Abril 23, 2008

SA GITNA NG HIMALA

Maaring ikaw ay nasa gitna ng himala sa mga sandaling ito at maaring hindi mo nakikita ito. Maaring ngayon ikaw ay naghihintay ng himala. Ikaw ay nasisiraan ng loob sapagkat ang mga bagay ay mukhang nakatigil. Hindi ka nakakakita ng mga katunayan ng mga kahima-himalang pagkilos niya para sa iyo.

Isa-alang-alang mo mo kung ano ang sinabi ni David sa Awit 18: “Kaya’t si Yahweh ay tinawag ko; sa aking kahirapan, humingi ng saklolo. Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig, umabot sa kanya ang aking paghibik. Ang sangkalupaa’y nauga, nayanig; mga patibayan ng bundok ay nanginig…at sa kanyang bibig bumuga ay apoy… Hinawi ang langit at bumaba siya…Saka dumagundong ang kulog at langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig. Ang mga palaso kanyang itinudla. Ang mga kaaway nangalat sa lupa; nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo, pawang nagsitakas” (Awit18:6-9, 13-14).

Dapat mong pangilakan, wala isa man sa mga bagay na ito ay tunay na nangyari. Ito ay lahat ng mga bagay na nakita ni David sa kanyang espirituwal na mata. Mga minamahal, iyan ang pananalig. Ito ay kung kailan ka naniwala na narinig ng Diyos ang iyong pag-hibik, na hindi niya ito pinatagal, na hindi niya binalewala ang iyong kahilingan. Sa halip, tahimik niyang sinimulan ang iyong himala ka-agad-agad ng ikaw ay nanalangin, maging ngayon siya ay gumagawa ng kahima-himalang pagkilos para sa iyo. Iyan ang tunay na pananalig sa mga himala, ang kanyang kataka-takang tuluy-tuloy na pagkilos sa ating mga buhay.

Naunawan ni David ang batayang katotohanan sa ilalim ng lahat ng ito: “Nang nasa panganib, ako’y tinulungan, iniligtas ako pagkat kinalugdan” (Awit 18:19). Ipinahayag ni David, “Alam ko kung bakit ginagawa ng Panginoon ang lahat ng ito para sa akin. Sapagkat kinalugdan niya ako.”

Tunay na ako ay naniniwala sa biglaang mga himala. Ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa kaluwalhatian, mga biglaang kababalaghan sa sanlibutan ngayon. Gayunman sa mga talatang ito ng Mabuting Balita (Mateo 16:9-11, Marcos 8:19-21) sa pagpapa-alala ni Hesus sa mga disipulo ng mahimalang pagpapakain sa limang-libo at sa apat na libo, hiniling niya sa kanila at para sa atin na itala ang tuluy-tuloy na mga himalang ito at ang kaugnayan ng mga ito sa ating mga buhay ngayon.

Martes, Abril 22, 2008

ANG MAGKAROON NG MALINIS NA BUDHI

Alam mo ba na maaring maglakad sa harapan ng Panginoon na may malinis na budhi? Kapag ikaw ay nasasabik kay Hesus, maaring sinusubukan mo na—taimtim na nagnanais—na sundin itong utos ng Panginoon.

Nais kong hikayatin ka: ito ay maari o hindi na sana tayo tatawagin ng Diyos. Ang magkaroon ng malinis na budhi ay naging bahagi na ng buhay na may pananalig mula pa noong kinausap ng Diyos si Abraham: “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay” (Genesis 17:1).

Sa Lumang Tipan nakita natin na ang iba ay nagtagumpay. Halimbawa si David, tiyak sa kanyang puso na sumunod sa utos ng Diyos na maging dalisay. Sinabi niya, “Ang aking susunding tumpak na ugali’y walang kapintasan… Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan” (Awit 101:2).

Upang makamit na mapanghawakan ang kaisipan ng pagkadalisay, una nating dapat maunawaan na ang pagkadalisay ay hindi nangangahulugan na walang kasalanan, walang kapintasang pamumuhay. Hindi, ang pagkadalisay sa mga mata ng Panginoon ay may ibang pakahulugan. Nangangahulugan ito ng may kabuuan, malawak na pang-unawa, kagulangan.

Ang kahulugan sa Hebreo at Griyego ng pagiging ganap o pagkadalisay ay kabilang ang “matuwid, walang dumi o kapintasan, ganap na masunurin.” Nangangahulugan ito na tapusin ang inumpisahan, gumawa ng tapos na pagganap. Tinawag ni John Wesley itong kaisipan ng pagkadalisay na “matapat na pagkamasunurin.” Ito ay, ang malinis na budhi ay isang pusong tumutugon, yaong mabilisang tumugon at ganap sa lahat ng panunuyo, mga pagbulong, at mga babala ng Panginoon. Ang ganitong puso ay nagsasabi sa lahat ng sandali, “Magsalita ka, Panginoon, ang iyong lingkod ay nakikinig. Ipakita mo sa akin ang daan, at lalakaran ko ito.”

Ang malinis na budhi ay tumatawag kasama ni David, “O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais, kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid” (Awit 139:23-24).

Ang Diyos sa katunayan ay sinisiyasat ang ating mga puso; sinasabi ng sapat kay Jeremias: “Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumusubok sa puso ng mga tao” (Jeremias 17:10). Ang kahulugan sa Hebreo ng pariralang ito ay, “Ako’y pumapasok, sinisiyasat ko ng malalim.”

Ang malinis na budhi ay nagnanais na pumasok ang Banal na Espiritu at siyasatin ang kaibuturan ng tao, upang magliwanag ang lahat ng nakatago—upang siyasatin, ilantad at hukayin ang lahat na hindi kawangis ni Kristo. Yaong mga nagtatago ng lihim na kasalanan, gayunman, ay ayaw na mahatulan, masiyasat o maimbestigahan.

Ang malinis na budhi ay nananabik ng higit pa sa kapanatagan o pagtatakip sa kasalanan. Hinahanap nito na maging nasa presensiya palagi ng Diyos, Manahan sa pakikipag-isa. Ang pakikipag-isa ay nangangahulugan ng pakikipag-usap sa Panginoon, ibinabahagi ang matamis na pakikipag-isa sa kanya, hinahanap ang kanyang mukha at inaalam ang kanyang presensiya.

Ang pagsisiyasat sa puso ng Panginoon ay hindi mapaghiganti. Ang kanyang hangarin ay hindi upang tayo ay mahuli o maparusahan, sa halip ay upang ihanda tayo na humarap sa banal na presensiya na malinis katulad ng dalisay na sisidlan. “Sino ang marapat na umahon sa burol, sa burol ni Yahweh sino nga ang aahon? Siya, na malinis ang isip at buhay… Ang Diyos na si Yahweh ay pagpapalain siya” (Awit 24:3-5).

Lunes, Abril 21, 2008

TULUY-TULOY NA MGA HIMALA

Ang Lumang Tipan ay punung-puno ng mga makapangyarihang mahimalamg-pagkilos ng Diyos, mula sa pagbukas ng Pulang Dagat, sa pakikipag-usap ng Diyos kay Moses mula sa umaapoy na palumpong, kay Elijah na tumatawag ng apoy mula sa langit. Lahat ito ay pabigla-biglang mga himala. Ang mga taong kaugnay ang nakakita sa mga pangyayaring ito, nadama nila ito at nangilig sa mga ito. At iyon ang mga uri ng himalang nais nating makita ngayon, na makakapagbigay ng pagkasindak at pagkamangha. Nais nating biyakin ng Diyos ang langit, magtungo sa ating kalagayan at ayusin ang mga bagay sa pagsabog ng kapangyarihan ng langit.

Ngunit ang nakamamanghang-makapangyarihang pagkilos ng Diyos sa buhay ng kanyang mga tao ay dumadating sa tinatawag nating “tuluy-tuloy na himala.” Ito ang mga himalang halos di mapupuna ng mga mata. Hindi ito sinasamahan ng mga kulog, kidlat o kaya’y mga nakikitang pagkilos o pagbabago. Sa halip, ang tuluy-tuloy na mga himala ay nagsimulang tahimik, walang parangya, at unti-unting nakikita ngunit tiyak, isang hakbang sa bawat sandali.

Ang parehong uri ng mga himalang-biglaan at tuluy-tuloy ay nasaksihan sa pagpapakain ni Kristo ng mga taong-bayan. Ang paggagamot na kanyang ginawa ay madalian, nakikita, madaling mapuna ng mga tao na nandoon noong mga araw na yaon. Naisip ko ang isang lumpong lalaki na may bukul-bukol na katawan, na kaginsa-ginsa’y nagkaroon ng pagbabago sa katawan kaya’t siya ay nakakatakbo at nakakatalon. Narito ang isang himala na nakamangha at nakapukaw sa lahat ng nakakita.

Gayunman ang pagpapakain na ginawa ni Kristo ay tuluy-tuloy na mga himala. Si Hesus ay nag-alok ng payak na dalangin ng pagpapala, walang pag-aapoy, kulog o lindol. Kanya lamang biniyak ang tinapay at ang tuyong isda, hindi nagbigay ng palatandaan o pagtunog na mayroong nangyayaring himala. Gayunman, upang mapakain ang napakaraming taong iyon, dapat sana’y mayroong libu-libong pagbibiyak ng tinapay at noong mga isda, sa buong maghapon. At ang bawat bahagi ng isang tinapay at isda ay bahagi ng himala.

Ganito kung paano ginampanan ni Hesus ang maraming himala sa buhay ng kanyang mga tao sa mga panahon ngayon. Nananalangin tayo para sa biglaan, nakikitang kababalaghan, ngunit ang ating Panginoon ay tahimik na kumikilos, nagbubuo ng himala para sa atin baha-bahagi, pira-piraso. Maaring hindi natin ito madinig o mahipo, ngunit siya ay kumikilos, hinuhubog ang ating kaligtasan higit pa sa nakikita natin.

Biyernes, Abril 18, 2008

ANG KAPANGYARIHAN NG PAGPAPATAWAD

“Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga publikano” (Mateo 5:46)?

Ang pagpapatawad ay hindi lamang minsanang ginagawa, kundi ito ay ipinamumuhay, nakalaan na madala tayo sa pagpapala ni Kristo. “Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit” (Mateo 5:44-45).

Ayon kay Hesus, ang pagpapatawad ay hindi isang bagay lamang na pipiliin ang ating patatawarin. Hindi natin maaring sabihin, “Masyado mo akong sinaktan, kaya’t hindi kita mapapatawad.” Sinabi ni Kristo sa atin, “Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga publikano?” (5:46).

Hindi mahalaga kung kanino tayo may sama ng loob. Kapag pinanghawakan natin ito, ito ay magdadala sa atin sa kasaklapan na lalason sa bawat bahagi ng ating mga buhay. Ang hindi pagpapatawad ay magdadala sa tagsalat, kahinaan, at kawalan ng pananalig, masasaktan hindi lamang tayo pati na ang mga nakapaligid sa atin.

Sa mahigit na limampung taon na nang aking ministeryo, nakita ko ang mga kakila-kilabot na pagkawasak sa mga buhay ng mga tao na ayaw magpatawad. Gayunman, nakita ko rin ang maluwalhating kapangyarihan ng mapagpatawad na espiritu. Ang pagpapatawad ay nakapagpapabago sa buhay, na nakakapagpabukas ng bintana ng langit. Pinupuno nito ang ating puswelo ng pagpapala hanggang mapuno ng masaganang kapayapaan, kagalakan at kapahingahan sa Banal na Espiritu. Ang mga pangaral ni Hesus sa paksang ito ay tahasan, at kung nais mong marating ang kahanga-hangang daigdig ng pagpapala, samakatuwid ay ingatan at yakapin ang kanyang mga Salita.

“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama” (Mateo 6:14-15). Huwag magkamali: Hindi nakikipagtawaran ang Diyos sa atin dito. Hindi niya sinasabi, “Sapagkat napatawad ninyo ang iba, ay patatawarin ko na rin kayo.” Hindi natin maaring makamit ang kapatawaran ng Diyos. Ang pagbubuhos lamang ng dugo ni Kristo ang may katampatang kapatawaran ng kasalanan.

Manapa’y sinasabi ni Kristo, “Ang buong pangungumpisal ng kasalanan ay nangangailangan na magpatawad sa iba. Kapag pinanghawakan mo ang anumang hindi pagpapatawad, samakatuwid ay hindi mo naikumpisal lahat nang iyong mga kasalanan. Ang tunay na pagsisisi ay nangangahulugan ng pangungumpisal at pagtalikod sa bawat sama ng loob, krusipikahin ang bawat bakas ng kasaklapan patungkol sa iba. Anumang kulang dito ay hindi tunay na pagsisisi.

Ito ay sama-sama sa kanyang beatipiko: “Mapalad ang mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos” (Mateo 5:7). Ang kanyang pinatutungkulan: Magpatawad sa iba upang ikaw ay makapasok sa pagpapala at kagalakan ng pagiging anak. Samakatuwid ang Diyos ay magbubuhos ng palatandaan ng kanyang pag-ibig. At kapag ikaw ay nagpatawad, ipinapahayag mo ang kalikasan ng Ama sa sanlibutan.

Huwebes, Abril 17, 2008

KAHALINTULAD NA KARANGALAN

“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya” (Juan 14:21). “Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayon din naman, maging isa sila sa atin… Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila; upang sila’y maging ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusang maging isa” (juan 17:21-23 aking italika).

Tingnan muli ang berso sa italika. Sinasabi ni Hesus na may kakanyahan, “Ang karangalang ibinigay mo sa akin, Ama, ay ibinigay ko sa kanila.” Si Kristo ay bumigkas ng di-kapani-paniwalang pahayag dito. Sinasabi niya na tayo ay binigyan ng kahalintulad na karangalan na ibinigay ng Ama sa kanya. Isang nakakagulat na isipin. Gayunmam, ano itong karangalan na ibinigay kay Kristo at paanong ang buhay natin ay naipahayag ang karangalang iyon? Hindi ito isang luningning o damdamin; ito ay walang hadlang na daanan patungo Amang nasa langit!

Ginawang madali ni Hesus para sa atin ang makapasok sa Ama, binuksan ang pintuan sa atin sa pamamagitan ng Krus: “Dahil kay Kristo tayo ay [tayo at yaong mga nasa malayo] kapwa makalalapit sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu” (Efeso 2:18). Ang salitang “pagpasok” ay may kahulugan na karapatang makapasok. Ito ay may kahulugang malayang pagpasok, pati na ang maging madaling lumapit: “Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makalalapit tayo sa Diyos nang panatag ang loob” (3:12).

Nakita mo ba ang sinasabi ni Pablo dito? Sa pamamagitan ng pananalig, narating natin ang kalagayan na walang hadlang na makapasok sa Diyos. Hindi tayo katulad ni Ester sa Lumang Tipan. Kailangan niyang maghintay ng hudyat mula sa hari bago siya makalapit sa trono. Noong lamang ng itinaas niya ang setro bago pinayagan si Ester na makalapit sa harap.

Sa pagkakaiba, ikaw at ako ay nasa silid na ng trono. At tayo ay may karapatang makipag-usap sa hari anumang sandali. Sa katunayan, tayo ay inanyayahan na magsabi ng kahilingan sa kanya: “kaya’t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo’y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito” (Hebreo 4:16).

Nang mangaral si Kristo sa sanlibutan, hindi niya kailangang magtanang palayo sa pananalangin para makamit ang isipan ng Ama. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak” (tingnan ang Juan 5:19). Ngayon binigyan din tayo ng katulad na karapatang makalapit sa Ama na mayroon si Kristo. Maari mong sabihin, “Sandali lamang. Mayroon din akong karapatang makalapit sa Ama na mayroon si Hesus?”

Huwag magkamali. Katulad ni Hesus, dapat tayong madalas na manalangin at taimtim, hinahanap ang Diyos, naghihintay sa Panginoon. Hindi natin kailangang magtanan palayo upang magsumamo sa Diyos ng lakas o patutunguhan, sapagkat mayroon tayong sariling Espiritu na naninirahan sa atin. At ang Banal na Espiritu ay ipinahayag sa atin ang isipan at kalooban ng Ama.

Miyerkules, Abril 16, 2008

APAT NA INAASAHAN

Ang Diyos ay gumagawa ng pangako at tumutupad sa pangako at siya ay nagsabi sa aking puso tungkol sa apat na bagay na dapat na ipagtiwala sa kanya ng kanyang mga tagasunod.

1. Asahan na ikaw ay gagantimpalaan sa iyong masigasig na paghahanap sa Panginoon. “At siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6).

Maari mong hilingin sa pananalig para sa isang palatandaan para sa Diyos na mahikayat at muling papag-alabin ang iyong pagtitiwala. Ang Diyos ay laging na sa tamang oras, at alam niya na ikaw ay nangangailangan ng sinag ng pag-asa at Magandang Balita sa oras ng iyong pagsubok. Asahan mong tutuparin niya ang kanyang pangako na gantimpalaan ka ngayon na ikaw ay may mahigpit na pangangailangan. Hindi maaring magsinungaling ang Diyos. Sinabi niya na ginagantimplaan niya ang lahat ng masigasig na naghahanap sa kanya. Hanapin mo siya araw-araw at manalig na ngayong taong ito ay iyong magiging taon ng mga dakilang espirituwal na pagpapala.

2. Umasa na makakita ng mga katunayan ng mga tuloy-tuloy na mga himala sa iyong buhay. “Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay” (Marcos 10:27).

Naniniwala ako sa biglaan at tuloy-tuloy na mga himala. Ang mga tuloy-tuloy na mga himala ay nagsisimula na hindi nakikita, sa tahimik na paraan at unti-unting inihahayag, munting habag isa-isa. Asahan na makita ang Diyos na kumikilos sa mga mahiwagang pamamaraan, na hindi nakikita ng mga mata ng tao.

3. Asahan mong ikaw ay papasok sa pangako nga Diyos na kalagayan ng kapahingahan. “Samakatwid, may kapahinghan pang nakalaan sa mga nananalig sa Diyos… makapasok sa kapahingahan” (Hebreo 4:9,11).

Sa mga nagdaang ilang mga taon nakita natin ang pagbuhos ng mga di-kapani-paniwalang mga kalamidad, mga suliranin at mga pagsubok. Sa gitna ng mga ito ninais ng Panginoon na manalig ka sa kanya na dadalhin ka niya sa ipinangakong kapahingahan. Hindi hinangad ng Diyos na ikaw ay mabuhay sa takot at kawalan ng pag-asa. Kailangan natin ng pabayang pananalig at pagtitiwala sa Diyos sa mukha ng takot, kaguluhan at maging sa kamatayan.

4. Asahan na ang Banal na Espiritu ay palaging nasa kanyang templo. “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo nhg Espiritu Santo? (1Corinto 6:19).

Ang Banal na Espiritu ay tumitira sa puso ng mananampalataya. Siya ay nasa lahat ng lugar sa buong sanlibutan. Humaharap sa bawat araw na tinatanggap na nandito siya sa kanyang templo para aliwin ako, gabayan ako, hikayatin ako, basbasan ako, at ihayag ang kaluwalhatian ni Hesu-Kristo sa patuloy na paglago ng kanyang pagpapahayag. Ninanais nya na asahan mo ang kanyang presensiya ay makita sa iyo, at higit pa lalo sa bawat paglipas ng araw. Nais niya na dalhin ka sa hindi mayayanig na pananalig, katulad ng ginawa niya sa kanyang mga disipulo.

Manalig ka sa mga pangakong ito! Ilagay mo ang mga inasahang ito at makikita mo na ang Diyos ay gagawa ng mga kataka-takang bagay.

ANG PAGHAHANAP SA MUKHA NG DIYOS

Sa Awit 27, nagsususamo si David sa Diyos sa isang masidhing pananalangin. Nakiusap sa sa berso 7, “O Diyos, ako’y dinggin sa aking pagtawag, lingapin mo ako, sa aki’y mahabag.” Ang panalangin ay naka tutok sa isang hangarin, isang adhikain, isang bagay na naging kalubusan para sa kanya: “Isang bagay lamang ang aking mithiin, isang bagay kay Yahweh hiniling” (27:4).

Si David ay sumasaksi, “mayroon akong isang dalangin, Panginoon, isang kahilingan. Ito ang isang pinakamahalagang layunin ko sa aking buhay, ang aking patuloy na dalangin, isang bagay na aking hangarin. At hahanapin ko ito kasama ang lahat sa aking kalooban. Ito ang isang bagay na kalubusan ng aking layunin.

Ano itong isang bagay na hinahangad ni David ng higit pa sa lahat ng bagay, ang bagay na inilagay niya sa puso niya na makamit? Sinabi niya sa atin: “Ang ako’y lumagi sa banal na templo, upang kagandahan niya’y mamasdan ko at yaong patnubay niya ay matamo” (27:4).

Huwang magkamali: si David ay hindi isang matipid, umiiwas sa sanlibutan. Hindi siya isang ermitanyo, naghahanap na magtago sa malungkot na disyertong lupain. Hindi, si David ay isang may masimbuyong damdamin ng taong kumikilos. Isa siyang dakilang mandirigma, na may malaking libunbon ng tao na umaawit ng kanyang tagumpay sa pakikipaglaban. Siya ay isa ring masimbuyo sa pananalangin at paglilingkod, na may puso na nananabik sa Diyos. At ang Panginoon ay pinagpala si David sa maraming hangarin ng kanyang puso.

Sa katunayan, natikman ni David ang lahat ng bagay na nanaisin ng isang tao sa kanyang buhay. Naranasan niya ang kayamanan at karangyaan, kapangyarihan at karapatan. Natanggap niya ang paggalang, papuri at paghanga ng mga tao. Ibinigay ng Diyos ang Jerusalem sa kanya bilang kapitolyo ng kaharian at siya ay napapalibutan ng mga matapat na mga kalalakihan na handang mamatay para sa kanya.

Higit sa lahat, si David ay isang mananamba. Isa siyang mapagpuring lalaki na nagbibigay pasalamat sa Ditos sa lahat ng kanyang pagpapala. Sumaksi siya, “Ang Panginoon ay nagbigay ng pagpapala sa kanya araw-araw.”

Sinasabi David, na may katunayan, “Mayroong isang pamumuhay na hinahanap ko—isang tiyak na kapalagayan sa Panginoon na matagal nang hinahanap ng kaluluwa ko. Nais ko ng isang walang putol na kapalagayang espirituwal sa aking Diyos.” Ito ang ibig ipakahulugan ni David sa kanyang panalangin, “Ang ako’y lumagi sa banal na templo, upang kagandahan niya ay mamasdan ko at yaong patnubay niya ay matamo” (27:4).